Nang magsimula na kaagad ang araw namin. Wala na rin kaming naging masiyadong oras para mag-umagahan pa sa hotel room kanina. May scheduled one on one interview ako sa isang Yolanda survivor. Sabi ni Robbie ay maglilibot kami ngayong araw sa Tacloban para makakuha ng iba't ibang footage at shots na puwede naming gamitin. Sa hapon ay pupuntahan namin iyong local historian sa bayan na 'to at bukas ay iyong local tattoo artist. Maliban sa mga matutunan ko mula sa mga taong 'yon. Alam kong binilinan din ni Michael si Robbie na mag-research tungkol sa mga tattoo patterns. Ang napag-usapan kasi namin ay ie-embellish nila iyong mga patterns na 'yon sa fabric na gagamitin para sa national costume ko. He said if we wanna use it us our inspiration then we better have a deep understanding for it. Aft

