MARIEL
Anong sinasabi ng batang 'to? Kailan pa ko nagkaroon ng anak?
Iniangat ng bata 'yong paningin niya sa 'kin. Gusto ko na nga siyang itulak na lang palayo pero hindi ko nagawa agad dahil bigla na lang siyang ngumiti sa akin.
Ack! Ang cute niya!
Teka. Sandali. Hindi ko pa rin siya anak no!
"Ahm, bata. Anong sinasabi mong mommy? Ako? Mommy mo? Hindi kita kilala e." Dahan-dahan kong tinanggal ang maliit niyang braso na nakayakap sa 'kin.
Pagkatapos, lumuhod pa ko sa kanya. Isang tango ang tinugon sa 'kin ng bata. Mas lalo lang akong naguluhan, promise. Anong ibigsabihin niya sa tango niya, 'di ba?
"Young master! Young master, come with us. Let's go home. Your dad is waiting for you."
Nanlaki ang mata ko sa lalaking bigla na lang lumapit sa amin. Nakasuot siya ng kulay gray na suit at sa tingin ko ay nasa mid 40s na ang edad niya. May suot siyang salamin. Nang magtama ang aming mga mata ay bigla na lang niya kong tinitigan ng masama.
Pakiramdam ko ay bigla akong tinakasan ng sarili kong kaluluwa dahil sa takot at agad akong umiwas ng tingin sa kanya.
Hala! Shet! Young master daw? Anak pa yata ng mayaman itong bata na yumakap sa 'kin. Mapagkamalan pa kong dinukot ko 'tong young master nila.
Sa takot ko ay agad kong binitiwan ang kamay ng batang lalaki at nakangiting humarap doon sa lalaking nakasuot ng suit. Ngayon ko lang din napansin na may nakahintong gray na van pala sa harapan namin ngayon.
"Oy! Wala akong ginagawang masama ha. Siya ang lumapit sa akin at hindi—"
"No! I will going to come with you! I will stay here with my mommy!" Yumakap na lang ulit sa 'kin bigla 'yong bata.
Grabe! Kinakabahan na naman tuloy ako. Takte! Hindi naman ako mommy ng batang 'to!
Tumingin ako sa lalaki at pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya kahit na ang totoo e kanina pa ko kinakabahan dito. Yung labi ko nga nakangiti pero yung mukha ko parang hindi na maipinta.
"Ay sir. M-Maniwala ka sa 'kin. Hindi ko siya kilala. S-Single po ako at virgin pa," natataranta kong paliwanag doon sa lalaki. Halos magkandautal-utal na nga rin ako habang nagsasalita.
"Young master, she's not your—"
"No! She's my mom!"
Napabuntong hininga na lang ako nang maramdaman ang paghigpit ng yakap sa akin ng bata. Umiyak pa siya habang nakasubsob sa damit ko.
Ay grabe ha! Sige. Umiyak ka lang d'yan. Amoy basura pa naman 'yan dahil hindi ako nagpalit ng damit kanina.
"Smell something bad," nag-angat ng tingin sa akin 'yong bata at inosente niya kong tinitigan pero umiwas lang ako ng tingin sa kanya.
Sinasabi ko na. Kaya ayo'kong yumakap siya sa 'kin ngayon.
"Why are taking so long?"
Napalingon ako sa direksiyon ng van nang may bigla na lang sumabat doon banda hanggang sa may bumaba na ngang lalaki at saka huminto rin sa harapan ko. Nakasuot naman siya ng itim na tuxedo.
Gagi! Ang guwapo ng isang 'to. Mukha siyang artista o 'yong mga top sa BL manhwa na binabasa ko. Mas nagpaguwapo pa sa kanya ang kanyang nunal sa may bandang baba niya, sa ilalim ng kanyang mata at sa may bandang leeg.
Nagsalubong ang mata naming dalawa at 'yong ngiti ko kanina dahil nakakita ako ng guwapo, naglaho na bigla. Grabe! Yung kilabot at takot na nararamdaman ko nagsimula sa paa tapos umabot na sa tuktok ng bunbunan ko.
Tao rin naman siya at guwapo pa pero kung makatingin siya sa 'kin ay para siyang isang serial killer. Ang cold ng bawat titig niya sa 'kin.
Muntikan ko na nga maitaas ang dalawang kamay ko dahil sa takot e. Parang gusto kong mag-self defense bigla nang makita ko 'yong uri ng tingin niya sa 'kin.
"Kleo, come here."
Ngayon ko lang din napansin. Pati pala 'yong boses ng lalaki ay parang yelo rin sa sobrang lamig.
"No! I will not going to come without my mom, dad!"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng bata. Dad! As in tatay niya?
Sa sobrang gulat ko nga ay hindi ko na napansin na tinuro ko na rin pala ang direksiyon ng lalaki habang palipat-lipat ang paningin ko sa direksiyon ng bata at sa lalaking tatay pala niya.
Tinitigan ko 'yong mukha ng bata. Kahit puro luha ang mukha niya ngayon ay hindi maipagkakailang kamukha niya nga ang tatay niya. May nunal din siya sa may bandang ibaba ng kanan niyang mata at saka sa may ilong banda.
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at kung makatingin siya ay parang nagmamakaawa pa siya na sumama ako sa kanya pero hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang panginginig ng bata na tinawag na Kleo ng tatay niya pagkatapos nitong marinig ang boses ng tatay niya.
Hindi ko sila kilala pero parang napaka-kumplikado na ng buhay nila. Nakoo! Trouble talaga 'to.
"Come here."
Ngayon naman, dalawang salita lang ang lumabas sa bibig ng lalaki pero parang mas tumaas ang impact no'n sa bata.
Bigla kong naalala sa bata si Angelina. 'Yung bunso kong kapatid na matagal nang patay.
Hinagod ko 'yung likuran niya dahil panay pa rin ang pag-iyak ni Kleo. Kahit natatakot at kinakabahan ako ngayon, naaawa pa rin ako sa bata na nakakaramdam pa rin ng takot ngayon.
Talaga bang tatay niya 'yang tao na 'yan? Bakit ganito na lang siya matakot?
Sinubukan kong salubungin ang bawat titig ng lalaki na binibigay niya sa 'kin. Wala pa ring expression ang mukha niya pero para siyang isang tigre na handang kumain kung makatingin.
"Oo, alam ko. Hindi ko kayo kilala at hindi n'yo rin ako kilala pero sir. Hindi mo ba nakikita? Natatakot na 'yong bata sa 'yo. Nanginig."
Well, mukhang malakas ang loob ko ngayon pero ang totoo nangangatog na binti ko.
"Did I shout?" tanong niya pabalik at mabilis naman akong umiling sa katanungan niya.
Napaisip ako bigla. Med'yo may point siya. Normal lang pagkakasalita niya pero nakakatakot.
Pero! Hindi rin ako papayag na tumiklop na lang sa kanya no! Laking squater yata 'to!