MARIEL
"Doon banda siya tumakbo!"
"Tanga! Doon!"
"Bobo! Makinig ka sa 'kin. Doon siya tumakbo!"
Naririnig ko pa rin ang boses ng apat na lalaki na humahabol sa akin ngayon. Kaya naman, hindi pa rin ako lumabas sa tinataguan ko. Natatakot kasi ako na baka makita na naman nila ko.
Kung isa lang sila ay kayang kaya ko silang upakan! Kaso hindi e. Mas mabuti nang maging safe kaysa magsisi ako sa bandang huli.
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Grabe! Ang baho pala dito!
Hinintay ko pa ang ilang minuto bago ako tuluyang umalis sa tinataguan ko. Ako lang yata ang tanga na naisipan magtago sa malaking basurahan.
Grabe talaga! Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang kumpol na ebak at ang mas malala pa, ang lagkit na rin ng pakiramdam ko dahil parang dumikit sa akin 'yong amoy.
Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil natakasan ko na rin sa wakas 'yong mga 'yon.
Siraulo kasi ang kuya ko e! Humirap ba naman ng napakalaking pera sa mga 'yon at bigla na lang silang tinaguan. Ngayon tuloy, maging ako ay hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. Siya na nga lang ang nag-iisang kamag-anak ko e bago pa maglaho, nag-iwan pa ng napakalaking utang.
Hindi ko rin alam ang tungkol doon. Nalaman ko lang ang lahat nang bigla na lang manggulo ang mga 'yon sa ineextrahan kong trabaho sa may karinderya.
Tsk! Dahil sa nangyari kanina, siguradong hindi na ko makakabalik sa trabaho ko. Baka nga pagbayarin pa ko ng amo ko dahil sa damage na naganap kanina e.
Inis ko na lang nilabas ang phone sa aking bulsa at muling tinawagan ang number ni Kuya Richard pero katulad kanina, panay ring lang ang cellphone niya pero hindi niya ko sinasagot.
Anak ng tokwa! Masusuntok ko talaga ang kuya kong 'yon kapag nakita ko siya e. Hindi man lang inisip ang mangyayari sa 'kin dahil sa ginawa niya.
Huminto ako sa may malaking tulay na mahilig kong tambayan kung saan daanan din ng mga sasakyan. Humawak ako sa riles nito habang nakatingin sa tubig na nasa ibaba.
Isang malalim na buntong hininga na naman ang napakawalan ko. Hindi kasi maalis sa isipan ko ang pag-aalala sa kuya ko e. Paano na lang kung may nangyari na pa lang masama sa kanya bago ko pa siya masuntok, 'di ba?
Tsk! Mahirap na nga lang kami at nakatira sa squatter area at ngayon, gumawa pa siya ng bagay na ikakapahamak naming dalawa. Hindi talaga nag-iisip. Palibhasa kasi e wala naman talagang utak ang isang 'yon!
Ang sarap na lang uminom ng isang bote ng alak at magmukmok sa bahay pero hindi ko alam kung makakauwi pa ko roon. Malamang ay napuntahan na rin 'yon ng mga tao na humahabol sa akin. Isa pa, parang may pera naman akong bumili ng alak ngayon e ni hindi ko na nga makukuha ang isang linggo na pinasok ko sa karinderya dahil sa problema ng kuya ko.
Tsk! Napaka malas naman talaga ng araw ko ngayon. Kung mahina lang ang loob ko ay baka naisipan ko nang tumalon sa tulay na 'to.
Tinitigan ko 'yong tubig na kasing kulay na ng lupa at may ilang lumulutang pa na basura.
Mabaho na ko ngayon tapos tatalon pa ko sa mahabo at mamamatay ng mabaho? Aba'y huwag na! Baka itapon na lang ako sa kung saan kapag tumalon pa ko rito.
Maghahanap na lang ako ng trabaho para magka-survive ako ngayong araw. May tatanggap naman kaya sa 'kin sa itsura kong 'to? Isang iling din ang tinugon ko sa sarili kong katanungan.
Mukhang wala akong ibang choice kundi pumunta na lang sa mga public bathroom. May laman din naman ang bulsa ko kahit paano.
Naglakad na lang ako palayo sa tulay at naghanap muna ng lugar na naghahanap ng helper o kung ano. Panay ang tingin ko sa mga tindahan kung may naka-post sa kanilang mga wanted or looking for.
Kaso dapat pala, una kong hinanap ay ang banyo para makaligo ako sandali e.
"Ayon! Mix bathroom siya pero ayos na sa 'kin 'yon!"
Tuwang tuwa akong tumakbo sa banyo na nakita ko. May babae ring kakapasok pa lang dito kaya hindi naman ako nakaramdam ng kahit na anong kaba sa sistema ko na baka may mangyari sa aking masama.
Pumasok ako sa loob. May nakasalubong akong dalawang babae at tinitigan pa ko ng masama.
Grabe nga e. Kung hindi lang sila babae ay baka naupakan ko na sila. Wala naman akong ginawang masama pero kung makatingin sila ay parang anlaki ng atraso ko sa kanila.
Pumasok na lang ako sa available na cubicle at agad na hinanap 'yong parang shower na ginagamit para panghugas ng puwet. Parang gano'n 'yon e. Nakita ko naman 'yon agad kaya tumungtong ako sa may bowl at doon binasa ang sarili ko habang nakaupo at nakatungtong. Hinubad ko muna 'yong damit ko s'yempre.
Pagkatapos kong maligo ay suwerte pa dahil may nakita akong sambon na panlaba na nakapatong sa water source yata ito ng bowl. 'Yon ginamit ko pang sabon sa 'kin kaysa naman mag-amoy basura ako kahit na nabasa ko ang sarili ko.
Nang matapos ako ay agad din akong lumabas ng banyong 'yon. Tiyak na kapag nalaman pa ng iba ay baka mapagalitan pa ko or worse, magbayad pa ko sa barangay dahil sa ginawa ko.
Naiisip ko pa lang ay kinakabahan na ko bigla. Napabilis tuloy ang paglalakad ko pabalik sa tulay na kinatatayuan ko kanina.
Hinihingal na ko pero natatakot pa rin akong huminto sa pagtakbo dahil baka may bigla na lang tumawag sa 'kin. Nakita pa naman ako ng dalawang babae kanina.
Sa kakatakbo ko ay saka lang ako tumigil nang tuluyan na kong makarating sa may tulay. Hanggang sa may bigla na lang yumakap sa akin at muntikan na kong matumba kung hindi ko pa nai-balance agad ang sarili ko.
Sa halip na matanda ang humuli sa 'kin ngayon, bakit may batang nakayakap sa 'kin?
Unti-onti niya pang inangat ang kanyang paningin at nakangiti niya kong tinitigan.
"Mommy!"