MATAPOS nilang kumain ng hapunan ay napagpasiyahan niyang maglakad-lakad sa tabing dalampasigan. Iniwan niya muna ang mga 'yon roon sa cottage na tinuluyan nila. Nandito sila sa isang resort na pag mamay-ari nina Mayor Geo. Dahil gusto niyang mapag-isa at makalaghap ng sariwang hangin. Halos isang buwan na rin mula noong umalis siya ng Calatrava para magtrabaho at pagbayaran ang ginawa niyang kasalanan kay Matthew. Isang kasalanan na naghatid sa kaniya ng kakaibang saya. Sayang nararamdaman niya kapag nakikitang masaya si Amarah. At si Matthew, ewan pero bakit sa loob ng isang buwan na pagsasama nila sa iisang bubong ay hindi niya maiwasan na humanga rito dahil sa taglay na kaguwapohan. Kahit ito'y may taglay na kasamaan ng ugali. Pero sabi nga ni Nanay Caring mabait raw ito ngunit hindi n

