HABANG nasa biyahe sila patungo sa Puerza De San Andres, isang lugar na gusto niyang balik-balikan hindi dahil isa itong historical na lugar. Kundi isang napakagandang lugar kung saan tanaw mo ang malawak na karagatan ng Romblon. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Ivy. Tahimik rin ito habang yakap-yakap si Amarah. Mabuti na lang at sumunod ito sa kanyang gusto, masama ang loob na nagpalit ng pantalon. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang mag-suot ng maiikling short. Minsan na rin silang nag-away ni Arrah dahil sa pag-suot ng maikling short. Mas gusto pa niyang dress at pantalon ang isuot dahil disenteng tingnan kapag ganoon ang suot.
Isang oras rin ang tinanggal nila sa biyahe bago nakarating sa Puerza De San Andres. Nauna siyang bumaba ng sasakyan at inalalayan ang anak na bumaba. Ganoon rin ang ginawa niya kay Nanay Caring, ngunit akmang hahawakan niya ang kamay ni Ivy ay iniwas nito at inirapan siya bago bumaba.
Bago sila umakyat sa hagdanan paakyat ay bumili muna siya ng tubig ni Amarah sa isang tindahan na malapit lang roon.
“Daddy, bakit pumunta po tayo rito.” tanong ni Amarah habang paakyat sila.
Bago niya sinagot ang tanong ng anak ay tumingin muna siya kay Ivy. Nakatingin rin ito sa kanya tila ba hinihintay rin ang sagot niya. “Kasi anak dito ko nakilala ang mommy mo.” nakangiti niyang sagot sa anak.
“Ah, okay po. Ay si Mommy Ivy po saan ninyo nakilala?” tanong ulit ni Amarah.
“Sa isang lugar kung saan very memorable, baby. Kasi siya ang dahilan kung bakit mun—” hindi na niya naituloy ang nais sabihin nang tinakpan ni Ivy ang kaniyang bibig.
“Ah, Amarah, bilisan na natin para makarating na tayo roon sa taas. Para nakita na natin ang kagandahan ng lugar. Huwag kang nakikinig riyan sa daddy mo.” wika nito kay Amarah. Tumingin ito sa kanya sabay inirapan siya ng mata.
Hinawakan nito ang kamay ni Amarah at nauna nang maglakad. Naiwan naman siyang napakamot sa batok. Ibang klase rin kasi itong si Ivy, wala itong takot sa kaniya kahit isa siyang governador.
“Natutuwa ako riyan kay Ivy kasi pinanindigan talaga niya ang pagiging mommy kay Amarah. Mula nang dumating siya sa buhay ni Amarah naging masaya muli at maingay ang buong bahay. Lagi nang nakatawa si Amarah at dahil 'yon kay Ivy.” nakangiting wika ni Nanay Caring sa kaniya habang tinatanaw nang tingin ang dalawang paakyat sa taas ng Puerza De San Andres.
“Nanay Caring, sa tingin ba ninyo pagkatapos ng anim na buwan. Kaya kayang iwan ni Ivy si Amarah? Ngayong mas malapit na si Amarah kay Ivy.” tanong niya kay Nanay Caring.
Tumingin ito sa kaniya. “Hindi kita masasagot sa bagay na 'yan, anak. Dahil hindi natin hawak ang isipan ni Ivy.”
“Natatakot akong dumating ang araw na ' yon, 'Nay. Ayaw kong masaktan na naman ang anak ko. Dahil baka hindi ko na kaya.”
“Natatakot ka nga ba para kay Amarah, o, para sa sarili mo? Takot kang mawala si Ivy sa buhay mo dahil may puwang na siya riyan sa puso mo. Nakikita ko Matty sa mga titig mo sa kaniya na may gusto ka na kay Ivy.” may makahulugan nitong wika sa kaniya.
“Matty, hindi ako naniniwala na dahil lang sa kasunduan ninyo kung bakit sa kuwarto mo siya pinapatulog. May dahilan ka kaya doon mo siya pinapatulog. Tama ba ako, Matty?”
Hindi niya sinagot ang tanong nito bagkus nagpatuloy na siyang naglakad at umakyat. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para aminin niya ang tunay niyang nararamdaman para kay Ivy. Sapagkat si Arrah pa rin ang mahal at nasa puso niya. Ang tanging babaeng pinangakuan niya ng pag-ibig. Ngunit bakit lagi niyang naiisip at hinahanap si Ivy. Gusto niyang lagi itong katabi hindi dahil kailangan niya kundi iyon ang gusto niya.
Marahan siyang nagbuntong-hininga ng nasa itaas na siya ng Fuerza De San Andres. Malaya niyang pinagmasdan ang kagandahan ng lugar at ang malawak na kulay asul na dagat. Dito mismo sa lugar na ito nakilala at nag propose siya ng kasal kay Arrah. At dito rin sa lugar na ito sila nangarap.
Naalala pa niya ang unang pagkikita nila ni Arrah. Nakatayo siya noon sa kinakatayuan niya ngayon nang biglang lumapit si Arrah. Nagulat pa siya at bigla na lamang itong sumigaw at umiyak. Mataman niya itong tiningnan habang patuloy na umiiyak. Nang maging okay na ito ay biglang tumingin sa kaniya. Doon nagsimula lahat, unang kita pa lang niya kay Arrah minahal na niya ito. Kahit ayaw ng Mommy Elvie niya kay Arrah pinaglaban niya ito. Naging masaya ang kanilang pagsasama kahit galit ang kaniyang mommy.
Bumalik siya sa realidad nang may magsalita sa kaniyang tabi.
“Dito ba talaga kayo nagkakilala ni Arrah?” tanong ni Ivy sa kaniya habang sa malayo ang tingin.
Tumingin siya rito. “Bakit mo tinatanong? Yaya ka lang ng anak ko. Kaya wala kang karapatan na magtanong sa akin.” seryoso na wika niya.
Tumingin ito sa kanya na nakataas ang isang kilay. “Oo, nga pala nakalimutan ko na isang yaya lang ako ng anak mo at parausan. Sorry, kamahalan kung nagtanong ako.” irap na wika nito sa kaniya.
“Hindi kita isinama rito para tanungin ako sa bagay na 'yan. Nandito ka dahil kailangan kita at ni Arrah.”
“Bakit ka kaya nanalo bilang isang governador, eh, masama naman ang ugali mo. Hindi ba alam ng buong lalawigan ng Romblon na masama ang ugali mo?” nakaharap na wika nito sa kaniya na ikinagalit niya.
“Ano'ng karapatan mong pagsabihan ako ng ganyan? Baka nakakalimutan mong hawak kita at anytime, kahit dito sa lugar na ito kaya kitang ipakulong.” galit na wika niya kay Ivy pero imbes na matakot ito sa kaniya ay pinagkrus pa niya ang dalawang kamay sa dibdib nito.
“Go, ahead, Matthew. Handa na akong magpakulong ngayon dahil ayaw na kitang makasama.” galit na wika ni Ivy sa kanya.
Hinawakan niya ito sa braso at tiningnan ng masama. “Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, dahil kaya talaga kitang ipakulong ngayon. Huwag mo akong subukan.” nanggigigil na wika niya kay Ivy.
“Hindi kita sinusubukan, Matthew. Ipakulong mo ako dahil handa na akong makulong ngayon. Dahil diyan sa ugali mong ubod ng sama. Ngayon ko lang naisip, bakit ka kaya nagustohan at minahal ni Ma'am Arrah? Eh, masama naman ang ugali mo.” medyo mataas ang boses na wika sa kaniya.
Tinitigan niya ito ng masama bago binitawan ang braso. Kung hindi lang ito babae kanina pa niya nasuntok at naihulog sa baba. Talagang sinusubukan siya nito.
“Mommy, Daddy, nag-aaway po ba kayo?” tanong ni Amarah. Nakatayo ito sa likod ni Ivy.
“No, baby. Nag-uusap lang kami ni Mommy Ivy.” wika niya sa anak nang lumapit ito sa kaniya.
“Mommy Ivy, nagugutom na po ako.” baling nito kay Ivy.
Pilit na ngumiti ito kay Amarah bago nagsalita. “Okay, baby, bumaba na tayo. At ayaw ko na dito sa taas dahil may isang ibon na masama ang ugali.” wika nito habang ang mga mata ay nakatingin sa kaniya.
“Mommy, wala naman pong ibon dito.” palinga-linga na wika ni Amarah kay Ivy.
“Meron baby, malaking ibon at galit na galit na siya. Kaya kailangan na nating bumaba bago pa niya tayo makuha.” wika ni Ivy kay Amarah sabay irap sa kaniya.
Bago pa man ito makalampas sa kaniya ay hinawakan niya muli ang braso nito sabay bumulong rito. “Humanda ka sa akin mamaya, pagbabayaran mo ang ginawa mo ngayon. Sisiguradohin ko sa 'yong magugustohan mo ang parusa ko.” may diin na banta niya kay Ivy.