CHAPTER 4

1064 Words
MASAYANG pinagmamasdan ni Matthew ang anak na abala sa pakikipaglaro sa mga bata. Pagkagaling nila sa puntod ng asawa ay dito na sila sa park nagtuloy. Tuwang tuwa ang kanyang anak habang nakikipaglaro sa mga batang nandito sa park. "Saan ka ba galing kagabi, Matty?" pukaw na tanong sa kanya ni Nanay Caring. "Alam mo bang umiyak ng umiyak ang anak mo dahil hinahanap ka." wika nito sa kanya. Pero ang mga mata ay nakatingin sa anak. "May pinuntahan lang po ako 'Nay. Kasama ko naman si Carlo." wika niya dito. Bumaling ito ng tingin sa kanya. "Anak, alam ko at nauunawaan ko kung bakit ginagawa mo ito. Alam ko na hanggang ngayon hindi mo pa rin tanggap ang pagkawala ni Arrah. Pero anak kailangan mong tanggapin ang katotohanan na wala na siya. Na hindi na siya babalik. Alam kong masakit, at masakit rin sa akin. Pero nagpapakatatag ako alang-alang sa inyo at kay Amarah." naluluha na wika nito sa kanya. Pinahid naman niya ang luha sa kanyang mga mata." Nay, hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Si Arrah ang buhay ko, siya ang lahat sa akin. Kaya napakasakit sa akin ang pagkawala niya. Hindi ko matanggap na iniwan niya ako 'Nay. Paano ko siya nakakalimutan kung sa tuwing nakikita ko si Amarah, mukha ni Arrah ang nakikita ko. Mahal na mahal ko si Arrah Nanay Caring. " umiiyak na wika niya kay Nanay Caring. " Matthew, hindi lang dito nagtatapos ang lahat. Isipin mo rin si Amarah halos napapabayaan mo na rin. Dahil sa gingawa mong pagpapabaya diyan sa sarili mo. Pati trabaho mo napapabayaan mo na rin. Maraming umaasa sa'yo anak. Hindi lang si Amarah pati na rin ang mga kababayan mo. Paano na ang buong lalawigan ng Romblon kung ang kanilang mahal na Governador ay naghihina? Kailangan ka nila Matty pati ng anak mo." mahabang paliwanang sa kanya ni Nanay Caring. Kaya naman na patingin siya dito. "Hindi mo ako naiintindihan. Asawa ko ang nawala 'Nay. At ang sakit-sakit nang pagkawala niya." malumanay na wika niya dito. "Anak, alin ang hindi ko maintindihan? Iyang sakit diyan sa puso mo? Anak naiintindihan kita at nauunawaan. Pero tulad nga ng sinabi ko, kailangan mong tanggapin ang katotohanang hindi na siya babalik sa atin. Nandito pa kami, si Amarah, mommy at daddy mo. Kaya anak tulungan mo iyang sarili mo. Alang-alang sa mga taong nagmamahal sa iyo at umaasa." wika nito sa kanya. Umiling-iling siyang yumakap kay Nanay Caring. Tama ito, kailangan niyang tanggapin ang lahat. Pero paano, saan siya magsisimula? Hindi niya alam. Kumalas siya ng pagkakayakap kay Nanay Caring. " Bakit hindi ka muna magbakasyon anak. Pumunta ka kina Kian total naman matagal ka na no'ng hinihintay sa kanila. Baka doon anak makalimutan mo lahat nang sakit." wika sa kanya nito. "Sige, po 'Nay. Aayosin ko lang ang mga dapat kung ayusin sa Capitolyo. Tapos magle-leave ako nang 1 week." sang-ayon na wika niya kay Nanay Caring. Tinawag na niya ang kanyang anak upang makauwi na sila. Tanghali na at masakit na sa balat ang init ng araw. Agad naman itong lumapit sa kanya. " Baby, let's go. Mainit na baka sipunin ka pa. " wika niya sa anak. Pero sumimangot ito. "Baby, next time ulit. Pero sa ngayon kailangan na nating umuwi dahil mainit na." malumanay niyang wika sa anak. Tumango naman ito kaya kinarga na niya at naglakad na sila patungo sa sasakyan. Pagdating nila sa kanilang bahay ay agad siyang bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan ang anak na nakasimangot pa rin. Kaya naman napapailing na lang siya dahil sa hitsura ng anak. Ugali na talaga nito ang magsimangot kapag hindi nasusunod ang gusto. Nasanay ito sa kanyang asawa. Lahat ng gusto ay nasusunod. May pagkamaldita din ito minsan. Pero kapag napagsabihan niya ito ay nakikinig naman. Unang araw pa lang nito sa school pero may naging kaaway na ito dahil sa kamalditahan ng anak. Pinatawag tuloy siya sa school dahil sa ginawa ng anak niya sa kaklase nitong lalaki. Binato ng kanyang anak ang kaklase nito ng lunch box. At tinamaan ito sa ulo. At dahil nasaktan ang kaklase nito umiyak ng umiyak ito. Pagdating niya sa room ng anak, kinausap siya ng teacher nito. Kausapin niya daw ang kanyang anak dahil nakakasakit ito ng kaklase. Kaya pag-uwi nila sa kanila. Kinausap niya ito nang maayos. Nakikinig naman ito sa sinasabi niya at mula noon wala na itong inaway na kaklase. Pero hindi mawala sa anak ang laging nakasimangot kapag hindi nasusunod ang gusto. Nagbuntong-hininga siya nang maalala ang kamalditan ng anak. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Naabutan niya ang anak na nakaupo sa sofa. Naka-krus arm pa ito. Lumapit siya dito at kinausap niya ito. "Baby, hindi ba sabi ng daddy. Makikinig sa akin pati kay Nanay Caring." "Eh, kasi daddy. Gusto ko pang maglaro doon." wika ni Amarah sa kanya. "Anak, mainit na. Kaya next time ulit, ha. Huwag matigas ang ulo. Magagalit na ako sa' yo." mahinahon niyang wika sa anak. Tumingin ito sa kanya saka yumakap. "Sorry, daddy ko. I love you, po." wika nito sa kanya. Ganito ang anak niya kapag napagsasabihan. Humihingi agad ng sorry, madali nitong maintindihan ang kanyang sinasabi. Kumalas siya ng pagkakayakap sa anak at pinaupo ito sa kanyang kandungan. "You're just here first, daddy is just going to the office. Daddy just has to do something there." he said to Amarah and she nodded at him. Matapos ihabilin ang anak kay Nanay Caring ay umalis na siya. Kailangan niyang pumasok ngayon sa opisina para makapagleave ng isang linggo. Tama si Nanay Caring kailangan niyang magbakasyon para makalimot. Samantalang si Ivy ay hindi mapakali sa kinatatayuan dahil sa sinabi ng kanyang ate. Pabalik-balik siya sa loob ng kuwarto nila. Tumingin siya sa kanyang ate na patuloy sa pag-iyak. Naawa siyang lumapit dito. "Ate, hindi puwedeng malaman ni Inay na buntis ka. Baka atakihin na naman iyon sa puso." nag-aalalang wika niya sa kanyang ate. "Ivy, hindi ko alam ang gagawin ko. Nagugulohan ako, baka pagmalaman nina Itay at Inay na buntis ako. Baka itakwil nila ako, Ivy." umiiyak nitong wika sa kanya. "Ako ang magsasabi kina Inay. Pero ate hindi pa sa ngayon. Alam mo naman na kagagaling lang ni Inay sa sakit." pag-alo niyang wika kay Ericka. Naaawa man siya sa kanyang ate, pero wala siyang magawa. Kundi yakapin at ipadama dito na hindi ito nag-iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD