Chapter 5

1069 Words
MAAGANG nagising, si Ivy kinabukasan. Kahit masakit ang kanyang ulo dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Sapagkat iniisip niya kung paano sasabihin sa kanilang magulang ang kalagayan ng kanyang Ate Ericka. Pinilit pa rin niyang bumangon at nagpasalamat sa Diyos. Bago siya tumayo ay binalingan niya ng tingin ang kanyang Ate na mahimbing ang tulog. Hindi din ito nakatulog ng maayos kagabi. Iniisip din siguro nito kung paano sasabihin sa kanilang magulang. Tumayo na siya at lumabas ng kuwarto nila, tumuloy siya sa kusina para magluto ng kanilang almusal. Habang nagluluto siya naisipan niyang tawagan ang kaibigang si Rose. Inulit nito sa kanya kahapon na mag-aaply daw siya ng scholarship kay Gov Matthew Allarcon. Nakailang ring ang cellphone nito bago sagutin. "Alam mo ba kung anong oras pa lang?" bungad na wika nito sa kabilang linya. Tumaas ang isa niyang kilay bago sumagot. "Bumangon ka na diyan at alas singko na." wika niya dito. "At saka may itatanong ako sa iyo." "Importante ba 'yan, at kailangan mo pa akong bulabugin ng ganitong oras?" may pagkasuplada nitong wika sa kanya. Kahit kailan talaga may pagkamataray ito, magsama nga sila ni Maysisa. Kung hindi niya lang kaibigan ang mga ito. Malamang na napag-untog na niya ang mga ulo nang dalawa. Kaso mga kaibigan niya ang mga ito. Kahit naman may mga taglay na kamalditahan at katarayan ang dalawang ito ay nagmamahalan naman sila bilang mga tunay na kaibigan. Lalo na, si Maysisa hindi niya alam kung bakit ganoon na lang kamaldita ito. Lalo na pagdating sa mga lalaki. Lahat na yata ng manliligaw nito ay tinarayan. Marahan siyang nagbuntong-hininga bago sumagot. "Sasama sana ako sa iyo papuntang Capitolyo. Mag-aaply din sana ako ng scholarship, kay Gov." wika niya kay Rose sa kabilang linya. "Iyan lang ang tinawag mo sa akin?" suplada nitong wika sa kanya. "Sissy, ala una na ako nakatulog kagabi dahil masakit ang ngipin ko. Kailangan kong bumawi ng tulog. Pero heto ikaw, may pagtawag pa. Iniistorbo mo ang pagtulog ko." Umikot tuloy ang mata niya dahil sa sinabi nito sa kanya. Kung nasa harapan niya lang ito sigurado siyang nabatukan na niya ito. Napakasuplada, eh. "Hindi lang ikaw ang madaling araw nang nakatulog. Dahil ganoon din ako, pero pinilit ko pa rin na bumangon ng maaga. Kaya huwag ka ng magmaldita diyan." naiirita na niyang sagot sa kaibigan. Narinig niya itong tumawa sa kabilang linya kaya lalo siyang nainis dito. Ang sarap talagang hambalusin ng hallowblock sa mukha. " Ano sissy, pikon na?" natatawa nitong wika sa kanya. " Sino bang hindi napipikon sa iyo? Kaaga-aga, eh. Napakamaldita mo bagay nga kayong magsama ni sissy Maysisa." "Okay, sasamahan kita kay kapitan. Nandoon sa kanya ang form na kailangan mong fill-upan. At ang mga requirement para sa pag-apply ng scholarship." seryoso na nitong wika sa kanya. Kaya pinatay na niya ang tawag kay Rose. Nang matapos siyang makapagluto ay agad siyang naligo at nagbihis. Malalate na siya sa klase niya. Bago lumabas ng bahay ay nagpaalam muna siya sa kanyang Inay Medina. Lumingon siya dito. " Ivy, anak." tawag nito sa kanya nang makalabas na siya ng kanilang bahay. "May baon ka pa ba?" tanong nito sa kanya. Tumango siya sa kanyang Inay at saka naglakad na. Dadaanan pa niya si Maysisa sa bahay ng tita nito. Doon na kasi ito nakatira mula no'ng magcollege na sila. Dahil tita nito ang nagpapaaral sa kanya, kailangan din niyang magtrabaho sa tindahan ng tita nito. Para sa iba pa niyang kailangan sa school. Pagdating niya sa tindahan ay nakita na niya si Maysisa. Busy ito pero nakabihis na, tinawag niya ito at agad naman na lumapit sa kanya. Nakangiti itong lumapit sa kanya. "Wait, lang sissy, ha. Kukunin ko lang ang bag sa loob." Tumango siya. "Okay, sissy." Tulad ng dati sabay silang pumapasok sa school. Mula elementary, high school at hanggang ngayon lagi silang magkasama. Kahit saan silang dalawa talaga ang hindi mapaghiwalay. Si Rose kasi, minsan hindi ito sumasama sa kanila dahil kailangan nitong mag-aral ng mabuti. Sapagkat may grado siyang dapat alagaan at manatili ang mataas na grado. Scholar kasi siya ni Governor Matthew Allarcon. Ang butihin nilang Governador, balita niya madami itong binigyan ng libreng scholarship. At isa na nga doon si Rose. Kaya kahit gustuhin man nilang lagi itong kasama hindi puwede. Nurse ang kanyang kinukuhang kurso, samantalang sina Rose at Maysisa ay guro. Magkaiba man sila ng mga kinuhang kurso hindi pa rin ito hadlang para ang kanilang pagkakaibigan ay mawala. Napapitlag siya nang magsalita si Maysisa. "Sissy, tumawag sa akin kanina si Rose, ah. Sinabi sa akin na balak mo rin daw mag-aply ng scholarship kay Gov." Napatingin siya dito at kumunot ang noo. "Sinabi agad sa'yo ng babae na iyon?" kunot-noo niyang tanong kay Maysisa. Tumango ito sa kanya. "Oo, sasamahan ka nga daw niya mamaya kay kapitan." "Hindi lang talaga siya maldita at suplada. Madaldal din." tila inis niyang wika. "Huwag ka ng magtaka, at sadyang ganoon na siya." Umiling-iling na lamang siya. "Sissy, bakit kay kapitan ako kukuha ng form. Hindi ba dapat sa office of the Governor ako pupunta at doon kukuha ng form?" nagtatakang tanong niya kay Maysisa. "Ang sabi ni tita, kaya daw nasa kapitan at munisipyo ang mga form. Dahil iyon ang gusto ni Gov. Di ba nga tawid-dagat pa tayo. Paano daw kapag may bagyo at malakas ang alon. Hindi daw makapunta ang ibang studyante sa capitolyo. Kaya ang ginawa niya binigay na lang sa mga munisipyo at barangay ang mga form. " paliwang na wika nito sa kanya. " Eh, kapag kailangan ko na siyang ipasa at nakumpleto ko ang mga requirement. Saan ko ba iyon dapat dalhin?" "Ikaw na mismo ang pupunta sa Capitolyo para i-submit mo iyong form at iyong hiningi na requirement sa iyo." Tumango siya dito bilang pang sang-ayon sa sinabi ni Maysisa. Tumigil ng paglalakad si Maysisa at nakangiti na tumingin sa kanya. "Di ba crush mo si Gov?" Sinamaan niya ito ng tingin at saka nagsalita. "Dati iyon, noong hindi ko pa alam na may-asawa na siya." "Hindi ba nga, patay na ang asawa ni Gov. Isang taon na ang nakakaraan.". nakangiti nitong wika sa kanya sabay kindat ng mata. "May pag-asa ka na sa kanya, sissy." tila nag-aasar na wika pa nito sa kanya. Hinampas niya ito sa balikat. " Ewan ko sa'yo." sabay alis sa harapan nito at naglakad. "Bilisan na natin at malalate na tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD