NAGISING siya na tila ba may humahaplos sa kaniyang mukha kaya kahit inaantok pa ay pilit niyang inimumulat ang mata. Mukha ni Ivy ang kaniyang namulatan at nakangiti ito sa kaniya habang pinalalandas ang mga daliri nito sa mukha niya. “Tulog pa ako pero pinagnanasahan mo na ako.” nakangiti niyang wika kay Ivy. Sumimangot ito saka umayos nang pagkakahiga. “Hindi, no. “Honey, huli ka na. Huwag mo nang itanggi.” wika niya sabay yakap rito. Pinalo nito ang kaniyang braso. “Sinabi na ngang hindi. Nagising ako dahil nauhaw ako kaya bumaba ako at uminom.” “Okay, sabi mo, eh.” wika niya sabay patong kay Ivy. “Matty, ano ba? Bumaba ka nga.” pilit siya nitong itinutulak pero hindi siya nagpatinag. Tinitigan niya ito at hinaplos ang magandang mukha nito. “Sabihin mo nga ulit 'yong sinabi mo

