CHAPTER 23 NASA kuwarto siya nang dumating si Matthew, nakasimangot ito at hindi siya pinansin. Nagtataka na sinundan niya ito nang tingin. Pumasok ito sa walk-in closet at padabong na sinara ang pinto. Ano kaya ang problema ng lalaki na 'yon at hindi siya pinansin. Wala naman siyang naalala na ginawang kasalanan para magalit ito sa kaniya. Nagkibit-balikat na lang siya na lumabas ng kuwarto. Hindi na lang niya papansin si Matthew baka may problema ito sa opisina kaya nakasimangot. “Mommy Ivy, nagugutom na po ako.” wika ni Amarah sa kaniya nang pumasok siya sa kuwarto nito. Lumapit siya dito at umupo sa kama. “Baby, huwag kang maingay kapag kumain na tayo, ha. Kasi may problema yata si Daddy mo.” “Okay, po Mommy Ivy.” Tahimik sila habang kumakain ng hapunan, sinusulyapan niya si Matth

