2

2865 Words
ZIGGY was far from being happy and contented. Kahit masaya niyang sinasagot ang mga katanungan ng isang reporter sa kasalukuyan, taliwas ang kanyang nararamdaman. Kung wala siyang pelikula na kasalukuyang ipino-promote, malamang na nagtuloy-tuloy na siya sa sasakyan paglabas ng restaurant. Ayaw na nga sana niyang lumabas ng bahay ngunit iginiit ni Georgie na pagbigyan ang hiling ng kanyang nobyang si Ginni na lumabas sila. Dahil pareho silang kilala, hindi na nakapagtatakang sundan ng paparazzi ang bawat galaw nilang magkasintahan.       Mula sa simula, lantad na sa publiko ang relasyon nila ni Ginni. Sinusundan ang bawat galaw. Wala siyang maalalang pagkakataon na namasyal sila o kumain sa labas na walang nakasunod at nakatanghod na paparazzi. Pati ang kinakain sa date ay naibalita na sa Internet bago pa man nila iyon maubos. Kahit na ang mga bakasyon ay alam ng lahat. Bawat galaw nila ay nakukunan ng larawan. Bawat halik at yakap na dapat ay pribado ay naisasapubliko. “It’s a tiny price we have to pay, dearie,” ang nakangiting sabi ni Ginni nang magreklamo si Ziggy tungkol doon.“It comes with stardom.” Pareho na silang sikat na artista nang magkakilala ni Ginni. She used to be a Victoria’s Secret model. Dahil napakahusay ring umarte, naging madali para kay Ginni ang magkaroon ng career sa Hollywood. Kilala ang babae sa pagiging leading lady sa mga action movie. She was going to star in one of the most anticipated erotic movies ever. Dalawang taon na silang magkarelasyon. “When are you two going to tie the knot?” Nginitian ni Ziggy ang paparazzi na nagtanong. Hindi niya alam kung makailang ulit na iyong itinanong sa kanila. The people loved them as a couple. Buo sa isipan ng mga tao na perpekto sila. They looked so good together. Everyone said they belonged together. Hindi pa sila nasasangkot sa eskandalo. Hindi niya sigurado kung may kinalaman ang kanyang pagiging Pinoy, ngunit ang tingin ng lahat ay tapat siya at mapagmahal na nobyo. Kilala rin siya sa pagiging maginoo sa mga babaeng nakakasama sa trabaho—sa likod nga lang ng camera. Madalas na kontrabida ang role ni Ziggy kaya maraming beses na siyang nakapanakit ng babae sa mga pelikula. He even had to act like he r***d some of them. Hindi sila nali-link ni Ginni sa iba kahit aminadong maraming beses siyang kamuntikan nang bumigay sa tukso. Everyone expected them to get married one day. Hindi alam ng marami ang totoong nangyayari sa kanila ni Ginni. Nais ngang matawa ni Ziggy minsan. Everyone had been praising them for being brilliant in their films and TV series. The critics loved him. Alam ng lahat ng tao kung gaano siya kahusay. Patunay roon ang ilang major awards na natanggap niya sa loob ng walong taon. No one probably thought they were just acting most of the time. He could not really understand why he was bothered by that—and keep on being bothered by that. Siguro ay dahil minahal naman talaga ni Ziggy si Ginni at naramdaman din niyang minsan ay minahal din siya ng babae. He liked that she was not just a beautiful woman with a knock-out body, she was also strong and independent. She was not vain. She was just obsessed with what people thought and said about them. She was obsessed with stardom. Ayaw nitong maging pribado ang lahat sa pagitan nila. Mula nang una siyang magpakita ng interes kay Ginni, alam ng publiko dahil sa tweets nito. Unti-unti, naparam ang pag-ibig sa pagitan nila. O baka hindi lamang iyon nag-alab. “If and when I buy a ring to propose to her, you guys will be the last to know,” pabirong sabi ni Ziggy. Kahit hindi pa niya nakikita ang mga larawang kinukunan ng mga paparazzi, alam niyang may kinang ang kanyang mga mata. No one would know he would never buy her a ring. Alam niya sa sarili na hindi si Ginni ang nais niyang makasama habang-buhay. Sa palagay ni Ziggy ay alam rin iyon ng dalaga. Sa sandaling ianunsiyo nila sa publiko ang kanilang paghihiwalay, labis na ikabibigla iyon ng lahat. The breakup was inevitable. They both knew it was coming. He could feel it. Inakbayan ni Ziggy si Ginni at hinagkan ang sentido. “Come on, guys. You’ve had your fill. We’d like to go now. Please?” Nanatili pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi. Kahit madalas na sumusobra na ang mga paparazzi, mabait pa rin siya sa mga ito. Kahit madalas siyang napipikon, hindi siya naging marahas. Hindi siya pumapatol. Mahirap gawin ngunit kahit paano ay napagtatagumpayan niya. Ang sabi ng marami, on screen lang na walang puso at walang-awa si Ziggy. Iginiya ni Ziggy si Ginni papasok sa sasakyan. Nakahambalang pa rin siyempre ang mga paparazzi sa daan ngunit hindi nabura ang kanyang ngiti. Ganoon din ang kay Ginni na kahit hindi magsalita ay alam niyang natutuwa sa atensiyon. Hindi ito katulad niya na kailangang magkunwari sa tuwina. Nagkukunwari lang si Ginni tuwing kailangan nitong maglambing sa kanya. Nasa daan na sila ngunit nakasunod pa rin ang mga paparazzi. “What else do they want?” Sinikap niyang itago ang inis na nararamdaman ngunit hindi rin iyon gaanong napigilan. Nilingon ni Ginni ang mga sasakyang nakasunod. “They’re just doing their job.” “Hounding us is a job?” Kumunot ang noo nito. “Why are you in such a bad mood?” Humugot si Ziggy ng malalim na hininga. “I’m just tired,” aniya. Hindi siya gaanong nagsisinungaling. He was tired of all the movie promotions. He was tired of working. He was frustrated with something he could not really identify. Banayad na tinapik ni Ginni ang kanyang braso. “Everything will be all right. You just have to catch some sleep. You should be happy. Your movie is doing very well. The critics love you as usual. You’re starting a new movie soon. Everything is perfect.” Umiling siya. “No. Everything is not perfect, Ginni.” Napagtanto ni Ziggy na nagiging ungrateful na siya at lalong sumama ang kanyang pakiramdam dahil doon. Noon, wala siyang ibang hinangad kundi ang buhay na ganoon. Wala siyang ibang inasam kundi ang magkamal ng maraming salapi. Nais niyang makilala siya ng lahat. Gusto niyang tingalain siya. Ngunit ngayong malapit na siya sa rurok, tila hindi pa rin niya makamit ang totoong kaligayahan. Parang may kulang pa rin. Parang may puwang pa rin sa kanyang pagkatao na hindi mapunan. “Everything’s screwed up.” “You’re just tired.” Marahas na napabuntong-hininga si Ziggy. He wished she would say that he could tell her anything. Sana ay ineengganyo siya nitong magsalita, sabihin ang nasa kanyang kalooban. Ngunit hindi katulad ng ibang babae si Ginni. Hindi ito mausisa. Hindi siya pinipilit magsalita. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya naikukuwento kay Ginni ang tungkol sa naging buhay niya noon sa Pilipinas. Tila hindi rin naman interesado ang babae. Ang interes lang ni Ginni ay ang kanyang buhay mula nang sumikat siya sa bansa nito. Nanahimik na lang si Ziggy. Kahit parang sasabog na ang dibdib sa frustration, hindi na siya nagsalita. Hindi na nagreklamo pa. He dropped her off at her huge house and then went straight home. Sandali niyang pinagmasdan ang kanyang tahanan tuwing nasa LA siya. It was beautiful and very elegant. The house was made of steel and glass. Isa lang iyon sa napakarami niyang bahay na nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Georgie, his sister, had been obsessed with houses and properties. Palagi nitong sinasabi na magandang investment ang real estate. Masuwerte si Ziggy sa pagkakaroon ng kapatid na matalino at madiskarte. Wala siya sa kinalalagyan  ngayon kung hindi dahil kay Georgie. May talent siya, ngunit ang kapatid niya ang nagsumikap na makakuha siya ng audition. Ito palagi ang nagpupumilit buksan ang mga oportunidad para sa kanya. Kung wala si Georgie sa kanyang tabi, kung wala ang paggabay nito, wala siya ngayon sa kanyang kinalalagyan. Pagpasok ni Ziggy sa loob ng bahay, nadatnan niya ang kanyang kapatid sa sala at abala sa hawak na tablet. May sarili itong bahay sa LA at tila sadya lang siyang hinintay umuwi. “I have bad news,” anito habang hindi nag-aangat ng ulo mula sa tablet. “Delayed ang filming ng susunod mong pelikula.” Dumeretso si Ziggy sa bar at nagsalin ng alak sa isang baso. “Really?” Bahagya siyang natuwa sa impormasyong iyon. Mas hahaba ang kanyang bakasyon. Mas makakapaghanda siya. Tatlong linggo mula ngayon, nakatakda sanang magtungo si Ziggy sa Vienna upang gawin ang susunod niyang pelikula. Iyon ang unang pelikula na siya talaga ang bida at hindi lang supporting role ang gagampanan. He was going to play a fallen angel. Ayon sa producer, siya ang pinakaperpektong artista para sa role at iginiit ng author na siya ang kunin. The movie was based on a best-selling book series. Anim na libro ang series. Tatlo ang kumpirmadong gagawing pelikula. He signed up for the first movie. Nabasa na niya ang buong book series pati na ang script. It was a great book and it was going to be a great movie. Hindi lang madama ni Ziggy ang excitement na dating nadarama tuwing gagawa siya ng panibagong pelikula. Hindi na niya maramdaman ang adrenaline rush. Walang maramdamang challenge. This movie was supposed to be different. Naisip niyang sawa na siya sa pagiging masama, sa pagiging villain kaya naisipan niyang tumanggap ng role na siya naman ang hero. Hindi naman mabuting-mabuti ang kanyang role. The character he had to portray was a fallen angel, he was dark and evil. But he would eventually go back to being good, being the angel. Because the dark angel was going to fall in love with a human who was also a part angel. “May problema sa makakatambal mo,” ani Georgie na sa wakas ay tumingin na sa kanya. Pinakatitigan ni Ziggy ang mukha ng kapatid. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapaniwalaan ang “kagandahan” nito. Ang nagagawa nga naman ng siyensiya. “Biglang umayaw. Inaayos pa nila ang problema. Malamang na humanap na naman sila ng kapalit.” Nahirapan ang producer sa paghahanap ng perpektong babae na itatambal sa kanya. Ang akala niya ay wala nang problema sa huling kinuha. Dapat ay noong isang taon pa niya nasimulan ang pelikula ngunit palaging nagkakaroon ng problema. Umabot pa nga sa puntong naisip niyang hindi na iyon matutuloy. But the fans were crazy about the books. They all thought he was made to play the role, too. “Puwede ka munang magbakasyon. Puwede mong isama si Ginni.” Umiling si Ziggy. “She’s busy with her vampire series. At alam mong isa sa mga araw na ito ay makikipaghiwalay na ako sa kanya.” Hindi na dapat magtagal ang walang kinahihinatnang relasyon na iyon. Kumunot ang noo ni Georgie. “Palagi mo na lang `yang sinasabi pero hindi mo naman ginagawa.” Nilagok ni Ziggy ang laman ng baso at nagsalin ng panibago. “I know. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo.” Sigurado siyang hindi na niya gustong ipagpatuloy ang relasyon nila ni Ginni ngunit hindi pa rin niya magawang makipaghiwalay. May mga pagkakataong determinado na siya. Alam niyang hindi ito gaanong masasaktan. Alam niyang inaasahan na rin iyon ni Ginni, hindi na magugulat ang babae. Bakit nga ba hindi niya magawa? Dahil ba pakiramdam niya ay hindi tama na ang lalaki ang nakikipaghiwalay? Hinihintay ba niyang si Ginni ang kusang makipaghiwalay? “Baka naman kasi hindi ka sigurado sa gusto mong `yan? Baka deep down, ayaw mo naman talagang makipaghiwalay.” Umiling si Ziggy. Sigurado siya sa gusto niya. Sooner or later, the breakup will happen. “So, gusto mong magbakasyon sa malayo o gusto mong magpahinga na lang dito?” “Are you kidding me? Paano ako makakapagpahinga rito?” Kapag nagpapahinga si Ziggy at naghahanda para sa panibagong pelikula, nais niyang nasa tahimik na lugar. Nais niyang mapag-isa. Ayaw niyang maistorbo palagi ng mga paparazzi na interesadong manmanan ang kanyang bawat galaw tuwing nasa labas siya. He wanted peace and quiet. Ziggy wanted to go home. Natigil ang pagdadala niya ng baso sa bibig. “Gusto kong umuwi sa Pilipinas, Georgie.” Biglang napatayo ang kapatid niya. “What?!” Natawa si Ziggy—totoong tawa. Natanto niyang iyon talaga ang kanyang nais. Gusto niyang umuwi. Gusto niyang balikan ang dating buhay. “Uuwi ako sa Pilipinas, Goryo. Uuwi ako sa Salem.” Tila lumuwang ang daanan ng hangin sa kanyang baga. May munting bahagi sa kanyang puso ang napanatag sa naging desisyon. “Nahihibang ka na ba? Wala ka nang uuwian doon!” Galit na lumapit ang kapatid sa kanya. “Hindi ka uuwi roon!” Nakikita ni Ziggy na determinado si Georgie na pigilan siya ngunit determinado rin siya sa kanyang gusto. Labindalawang taon na siyang hindi bumabalik sa Pilipinas. May mga pagkakataong nagplano siyang umuwi at marami siyang natatanggap na imbitasyon at offers ngunit naging napakaabala niya sa trabaho. Halos hindi siya nagkaroon ng pahinga. Sunod-sunod ang mga ginawa niyang serye at pelikula pagkatapos mapansin ng mga tamang tao ang kanyang husay at talento. “Naroon pa sina Tiyong at Tiyang, hindi ba? Regular mo silang pinapadalhan ng pera. Hindi naman siguro nila ako itataboy?” Maraming taon na niyang hindi nararanasan ang maitaboy ninuman. Everyone wanted to please him because he was a huge star. Ibinibigay ng mga tao ang gusto niya bago pa man niya iyon masabi. Gagawin ng mga tao ang lahat, tapunan lang niya ng kaunting pansin. Malayo na siya sa Zantiago na inalipusta ng lahat. Isa na siyang maningning na bituin na tinitingala. Napatiim-bagang si Georgie. “Pinapadalhan ko sila ng sustento para itikom nila ang mga bibig nila. Ayokong sirain ng mga taong iyon ang lahat ng mga pinaghirapan mo! Tatanggapin ka lang nila pagdating mo doon dahil alam nilang mapera ka na. Ganid ang mga kamag-anak nating iyon.” “Pinapadalhan mo sila ng pera dahil alam mo na may utang-na-loob pa rin tayo sa kanila, Georgie. They took us in when our mother died. Pinatira nila tayo sa bahay nila at kinupkop sa napakahabang panahon.” Kilala ni Ziggy ang kapatid. Kahit na galit sa mga kamag-anak nila sa Pilipinas, alam pa rin ni Georgie sa sarili na may utang-na-loob silang hindi basta-basta mababayaran ng salapi. “Kinupkop? Inalila nila tayo!” Humugot si Ziggy ng malalim na hininga. Hindi niya maikakaila na tama ang kapatid. Inalila ng tiyahin at tiyuhin nila si Georgie. “You just want to see her.” Kumunot ang kanyang noo. “What are you saying?” “You want to go back there to see her.” Napahigpit ang pagkakahawak ni Ziggy sa basong tangan ng kamay. Did he really want to see her? Iyon ba ang talagang dahilan kaya gusto niyang umuwi sa Pilipinas? Hindi niya masalubong ang tingin ng kapatid. Hindi siya makatugon. Napailing si Georgie. “Seriously? After twelve years? Are you still not over her?” “Don’t be ridiculous.” Ibinagsak niya ang baso sa bar counter at tumilamsik ang laman niyon. “That’s not just possible.” Ngunit tila iba ang ibinubulong ng kanyang puso. Pagak na natawa si Georgie. “I just have to remind you, brother, in case you’ve forgotten. You left her. And that’s the best thing you ever did in your life.” Napalunok si Ziggy nang sunod-sunod. Marahas na kumakabog ang kanyang dibdib. Tila sasabog na iyon anumang sandali. Ayaw na niyang alalahanin ang partikular na tagpong iyon noong kabataan niya dahil tama ang kanyang kapatid. It was the best thing he ever did in his life. Ayaw niya iyong pagsisihan—nangako siya na hindi pagsisisihan ang desisyon na iyon. Ngunit maraming pagkakataon pa rin na sumasagi sa isip niya ang napakaraming “what ifs.” Ini-imagine niya ang kanyang buhay na hindi siya si Ziggy Black. Paano kung sa halip na tumalikod ay nagtuloy siya labindalawang taon na ang nakararaan? “Wala sana ang lahat ng ito sa `yo ngayon,” ani Georgie na tila nababasa ang tumatakbo sa isipan ni Ziggy sa kasalukuyan. “Wala ka sanang tinatamasang tagumpay. You’ll be miserable. And poor.” Tumango siya. “You’re right.” Tila nakahinga nang maluwag ang kapatid sa naging sagot ni Ziggy. “Pag-isipan mong maigi kung gusto mo talagang umuwi sa Pilipinas.” Muli siyang tumango. Nagpaalam na sa kanya ang kapatid nang sa palagay nito ay nagkakaintindihan na sila. Pagpasok ni Ziggy sa silid ay dumeretso siya sa harap ng isang painting. Kinapa niya ang ilalim niyon at may pinindot. Pagbukas niyon ay tumambad ang kanyang safe. He entered the combination and opened it. Puno iyon ng mga jewelry box. Inilabas niya ang kahon na pinakanaiiba—ang kahong yari lang sa matigas na karton. Naupo siya sa kama at inalis ang takip ng kahon. Pinakatitigan lang niya ang nilalaman niyon. Isang larawan ng napakagandang babae. “How are you now, Khloe?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD