NAALIW nang husto si Khloe sa pakikipaghabulan kay Zantiago sa dalampasigan. Nanatili silang magkayakap sa lilim ng puno ng niyog hanggang sa hindi na gaanong mainit ang araw. Niyaya siya nitong maligo sa dagat ngunit tumanggi siya. Wala pa siyang ganang magtampisaw. Hindi na niya matandaan kung paano sila nauwi sa habulan. Noong una ay nagbibiruan lang sila at sunod niyang namalayan ay tumatakbo na siya palayo at hinahabol na siya. Nang maabutan nito ay dinamba siya sa buhanginan. Siya naman ang humabol sa binata. Ang lakas ng tawa ni Khloe. Pati siya ay namamangha sa sarili sa naririnig na sigla at lutong sa tawang iyon. Hindi niya mapaniwalaan ang kaligayahang patuloy na pumupuno sa kanya. She felt free. Ang sarap ding pakinggan ang tawa ni Zantiago. Para silang mga bata sa ginagawa ng

