“DO I REALLY have to sign all of these?” Pinalis ni Khloe ang kahihiyang nag-uumpisa nang umusbong sa kanyang dibdib. Isinuksok niya ang pentel pen sa kamay ni Zantiago. “Ano ka ba? Ibebenta ko ang mga `yan sa e-Bay. Pirma na.” Natatawang inabot ni Zantiago ang isang libro—ang libro na gagawing pelikula at pagbibidahan ni Zantiago. Nakalatag sa coffee table ang anim na hard bound na libro at ilang T-shirt na nakaimprenta ang mukha ni Zantiago bilang kontrabidang karakter sa super hero movie series na kinatampukan nito. Naroon din ang dalawang DVD set ng crime series na nilabasan ng binata. Inilabas na rin niya ang koleksiyon niya ng posters at magazines. Hindi na siya nahiyang papirmahan ang lahat ng iyon. Baka kasi hindi na siya magkaroon uli ng pagkakataon. Nakangiti naman siya nitong

