“HOW ARE you? Are you happy?” Nginitian ni Khloe si Zantiago. Nasa likod-bahay sila. May ipinasadya roong kawayang upuan sa lilim ng mayabong na puno ng mangga. Presko roon at tuwing tanghali ay doon naglalagi ang kanyang ina. Nasa loob ng bahay ang kanyang ina at kasalukuyang iniluluto ang native na manok na ipinahuli kanina. Nais ipabaon iyon ng kanyang ina kay Zantiago pagbalik ng binata mamaya sa resort upang matikman din daw ni Gregorio. Alam ng kanyang ina na paborito iyon ng kuya ni Zantiago. “Ngayong nakita na kita, masaya na ako,” sagot ni Khloe sa tanong ni Zantiago. Totoo iyon. Wala na siyang mahihiling pa. Hindi niya hinayaan ang sarili na maghangad nang higit pa. Sapat na ang ganitong pagkakataon. Tama si Manang Caring, bumalik si Zantiago, ngunit alam niyang hindi mananatil

