KINAGABIHAN ay kaagad ipinaalam ni Zantiago kay Kuya Gregorio ang tungkol sa dadaluhang kasalan. Inasahan niyang hindi ito papayag. Hindi niya kailangang gumastos dahil sasabay sila sa jeep na inarkila ni Miss Ramona para sa mga bisita at pagdating sa resort ay bayad na ang mga kuwarto nila at pagkain. Ngunit alam ni Zantiago na mangangailangan ng tulong ang kanyang kuya sa mga gawain. Napakarami nilang kailangang gawin sa bukid. Malapit na kasi ang harvest season. Hindi na dapat iyon sinasabi ni Zantiago dahil alam naman na niya ang magiging desisyon ng kapatid. Siguro ay may maliit na bahagi ng kanyang puso ang umaasa. Ngunit alam naman ng kanyang isip na imposible iyon. Nakakapanghinayang lang na hindi niya makakasama si Khloe. Tila masaya ito sa pagpunta sa magandang resort. “Hindi k

