Kakatapos lang namin magpractice ng basketball at kasalukuyang nag-uusap usap para sa second game bukas. Panalo kami nung first game pero hindi ako kuntento dahil dadalawa ang lamang namin sa'kanila. To think na kulelat ang school na 'yun last year. Tsk! They really improved a lot. Marami rin silang bagong players na halos kasing tangkad at mas matangkad pa sa akin.
"Pre, una na 'ko sa inyo!" Paalam ni Rusty pagkatapos kalikutin ang phone. Napatingin ako sa relo ko. 15 minutes before 5:00 pm.
"Ang aga pa, a? Uuwi ka na?" takang tanong ko. Dati rati kasi ay 6:00 pm na ay tumatambay pa kami sa arcade para mag-billiards bago umuwi.
"May lakad ako ngayon..." sabi nito at nilinga ang mga kasama namin. "Sige, mga pre! Una na ko sa inyo!" paalam nito at inayos ang bag sa balikat bago kumaway at nagsimula ng lumakad palayo. Nakita ko pang dumaan s'ya sa gawi ni Max na nag-aayos ng mga kalat sa gym bago tuluyang lumabas.
Magmula ng ipakilala s'ya ni Rusty sa akin ay hindi na s'ya ganoon ka-aloof pagdating sa akin. Ngumingiti rin ako sa'kanya pag nakakasalubong ko s'ya sa hallway at corridors. Tumatango lang s'ya at bihirang ngumiti pabalik. Medyo nag-aalangan pa rin s'ya. Napabuntong-hininga ako.
Mas mahihirapan pa yata akong makipaglapit dito kay Max kaysa sa pinsan n'ya. Tsk!
Ilang sandali pa ay nakita kong lumabas narin s'ya sa gym. Kami naman ay dumiretso sa locker para magbihis.
"Tarantado 'yung bagong guard nila, Pre. Siniko ako 'nun kanina! Pasalamat s'ya nakatingin si coach sa'kin kaya di ako nakaganti. Bukas s'ya sa'kin!" rinig kong sabi ng pointguard namin na si Reid kay Klaus. Tinali ko lang ang sintas ng sapatos ko at saka tumayo na para makauwi. Mukhang uuwi ako ng maaga ngayon dahil wala si Rusty.
"Una na 'ko sa inyo, mga Pare. Galingan natin bukas...." sabi ko.
"'Ge, Pre! Ingat!" sabi naman Klaus. Tumango lang ako at nauna ng lumabas sa gym.
Naglalakad na ako palapit sa isang tindahan para sana bumili ng yosi nang makarinig ako ng sigaw ng isang babae kaya nagpalinga-linga ako sa kung saan nanggaling iyon.
"Tang'na, Pre, ang kinis ng hita!" rinig kong mura ng isang lalake. Agad na napalingon ako sa gawi nila. Dalawang lalaking sa tantya ko ay nasa mid twenties at isang babae. Kumunot ang noo ko nang makita ang uniform ng babaeng ngayon ay gulo gulo ang buhok. Tuluyan ng nakuha ng mga ito ang atensyon ko.
Schoolmate ko 'yun, a? Tsaka.. teka...
Pamilyar sa akin 'yung likod ng babae. Napatingin ako sa kamay ng isang lalake at may hawak s'yang kulay dark blue na jogging pants at ang isang lalake ay may hawak na kulay pulang sumbrero! Nanlaki ang mga mata ko.
Shit!
Halos murahin ko na ang driver ng jeep na sobrang bagal ng takbo para makatawid na ako. Lalo na nang makita kong hinila na nila papasok sa isang eskinita 'yung babae! Nanlaki ang mga mata ko dahil sa paglingon nito sa likod ay malinaw na nakilala ko ang mukha n'ya.
"Putang ina!" mariing mura ko nang makita ang luhaang mukha ni Max. Tumingin ako sa kaliwa at kahit alanganin ay tumawid na ako. Malakas na busina ng mga magdadaang sasakyan ang sunod na narinig ko pero hinayaan ko lang sila at hindi nilingon kahit na sinesenyasan na ako ng isa.
Tang ina n'yo kasi! Ang babagal n'yong magpatakbo!
Hindi ko na pinansin ang nakakabinging busina ng isang jeep pagkatapos kong tumawid at muntikan na nyang mahagip. Agad na binitawan ko ang dala dalang bag at tumakbo ng mabilis palapit sa kinaroroonan nila Max.
"Bitawan n'yo nga s'ya!" sigaw ko habang palapit sa'kanila. Agad na napalingon naman sila sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata ni Max at lalong napaiyak. Napalunok ako nang makita ang ayos n'ya. Nakabukas na ang ilang butones ng blouse nito.
"Puta, may tao!" sabi ng isang lalaki na mas matangkad pero payat. Agad na bumitaw ang isa kay Max at lumapit sa akin.
"Umuwi ka na, bata! 'Wag kang makialam dito kung ayaw mong masaktan..." banta nito. Tumawa ako.
"Mas masasaktan kayo kung hindi n'yo s'ya pakakawalan ngayon din!" Gigil na sabi ko at agad sinugod s'ya ng sapak sa mukha. Umamba s'ya ng suntok pero nailagan ko 'yun at tinadyakan s'ya sa tagiliran. Napaluhod s'ya sa sakit. Nilapitan ko pa s'ya at tinadyakan bago nilingon ang kasama n'ya.
"Next..." Hamon ko habang nakatitig ng masama sa'kanya. Mukhang natakot s'ya kaya agad binitawan si Max at nagmamadaling tumakbo palayo. Binalikan ko ang lalaking sumugod sa akin at agad na dinaluhan. Nang makita ko ang ID n'ya ay agad ko 'yung hinablot.
"'Wag! Hindi na ako uulit! 'W-Wag mo akong i-rereport sa school!" sabi nito. Nakita ko sa ID n'ya na isa s'yang college student at nag-aaral lang sa isang private school sa malapit. Gigil na ngumisi ako.
"Gagawa-gawa ka ng katarantaduhan, tapos hindi mo kayang pangatawanan? Tang ina ka! Bukas na bukas din, wala ka na sa school n'yo kasama 'yung duwag mong kasama!" gigil na sigaw ko at tinadyakan pa s'ya bago nilapitan si Max.
Nakaupo na s'ya at tulala habang tahimik na umiiyak. Agad na hinubad ko ang suot na polo at saka tinulungan s'yang tumayo bago isinuot iyon sa'kanya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang mga luha n'ya.
"M-Muntik na a-ako... B-Buti na lang dumating ka, Gavin! S-Salamat!" Garalgal ang boses na sabi n'ya at umiyak na naman. Nag-alangan pa ako kung yayakapin ko s'ya. Baka isipin n'ya kasi ay nagte-take advantage ako. Sa huli ay hinawakan ko nalang s'ya sa balikat at agarang kinalma.
"'Tahan na... nandito na ako. Hindi ka na magagalaw ng mga gagong 'yun." Tinapik at pinisil ko ang balikat nya. "Sa susunod agahan mo na lang umuwi. 'Wag ka ng mag-volunteer kapag may practice. Babae ka at delikado sa'yong umuwi ng gabi!" Hindi ko napigilang sermon sa'kanya.
I have a younger sister, too kaya gigil na gigil ako sa ginawa ng mga gagong 'yun kay Max. Baka kung sa kapatid ko 'yun mangyari, napatay ko na sa bugbog 'yung lalake.
Nang mahimasmasan s'ya ay parang normal na naman ulit s'ya. Balik ulit sa astiging si Max. Binalik n'ya sa akin ang polo ko at inayos n'ya ang blouse n'ya.
"Okay na 'ko... Uuwi na 'ko. Salamat ulit-"
"No you're not yet okay. Tara, may pupuntahan tayo..." sabi ko at hinila na s'ya agad papasok sa arcade.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong n'ya sabay hila sa kamay n'ya na hawak ko. Tsk! Nilingon ko ulit s'ya at hinawakan sa kamay pero tinabig n'ya lang 'yun.
"Chansing ka, a? Okay na 'ko. Uuwi na 'ko..." sabi n'ya at akmang tatalikod na pero pinigilan ko ulit. I grabbed her hand at lumakad na palapit sa isang stall kung saan may tindang icecream.
"Bitawan mo sabi ako-"
"Don't worry, hindi kita type chansingan at alam kong hindi tayo talo..." nakangising sabi ko at tsaka umorder ng isang sundae at cokefloat.
"Buti alam mo!" rinig ko pang sabi n'ya.
Inabot ko sa'kanya ang sundae. Napatingin naman s'ya sa akin.
"Ano yan?" tanong n'ya.
"Icecream. Mukha bang lugaw 'to?" papilosopo kong sagot. Nakita kong nanliit ang mga mata n'ya kaya napangisi ako.
"Alam kong icecream yan pero bakit mo ako binibigyan n'yan?" pasuplada n'yang tanong.
Kinuha ko ang kamay n'ya at pinahawak sa'kanya ang icecream.
"Marami akong pera kaya trip kitang ilibre. Okay na bang dahilan 'yun?" sagot ko.
"Pakialam ko? Tsaka hindi naman ako nagpapalibre sa'yo!" singhal n'ya. Napakamot na ako sa ulo. Titig na titig s'ya sa akin habang ginagawa ko 'yun.
"Fine, fine. Mga babae talaga... Hindi titigil hangga't hindi kami nagiging dehado sa usapan!" nakangiwing sabi ko. Nakita kong kumunot ang noo n'ya at saka ngumuso na parang pinipigilang mapangiti.
"Syempre!" sabi n'ya lang at saka nagsimula ng maglakad palabas. Naglakad kami hanggang sa abangan ng jeep habang kumakain s'ya ng icecream at ako naman ay umiinom ng float. Ang sarap n'yang kausap kahit na puro pambabara lang naman ang kadalasan sa mga nirereply n'ya sa mga sinasabi ko.
"Salamat sa icecream kahit di naman ako nagpapalibre!" sabi n'ya nang makarating na kami sa abangan ng jeep. Napangiti ako.
Alam kong na-trauma na s'ya sa nangyari sa'kanya kanina kahit pinipilit n'yang maging okay at astig sa harapan ko. At umaasa ako na kahit papaano ay malimutan n'ya 'yung nangyari kanina kaya ko s'ya binigyan ng icecream. Palagi kong ginagawa 'yun kay Gizelle, my younger sister kapag umiiyak s'ya dahil sa sakit ng puson dala ng monthly period. I know it helps to ease the pain somehow. Kaya sana ay umepekto rin 'yun kay Max.
"Kaya mo ng umuwing mag-isa?" tanong ko.
"Kaya pa naman!" natatawang sabi n'ya. Tumawa narin ako at ginulo ang buhok n'ya.
"Mukhang effective talaga 'yung icecream. Narinig ko na naman 'yung tawa mong masakit sa tenga, e!" biro ko. Sinapak naman n'ya ako sa balikat.
"Gagong 'to! Pati tunog ng tawa ko di mo pinatawad, leche ka!" Pikon na sabi nya at inambaan pa ako ng suntok.
Tumawa ako dahil sa pagkapikon n'ya. Maya-maya ay bigla itong sumeryoso.
"Hindi nga, Tsong! Pwera biro... Salamat talaga..." sabi n'ya. Ngumiti ako. Hindi nakaligtas sa pandinig ko 'yung tinawag n'ya sa akin.
Tsong...
I find it cool and... intimate.
"Oh ayan, may jeep na! Saan ka ba?"
Sinabi naman n'ya kung saan s'ya at nagulat pa ako nang nasa iisang subdivision lang pala kami. And unconsciously, she mentioned that her house is just blocks away from her cousin's. At wala na akong ibang maisip na pinsan na tinutukoy n'ya kundi si Ginger lang.
Whoa! Tignan mo nga naman. Mukhang tadhana na talaga ang naglalapit sa akin sayo, Ginger baby!
I smiled as I helped her get on the jeepney.