5

970 Words
Lalo kaming naging close ni Max pagkatapos ng nangyari. Tuwing uwian ay sumasabay na ako sa'kanila ni Rusty. Nang tanungin ni Rusty kung paano kami naging close ni Max, ayaw n'yang ipaalam dito kung anong nangyari kaya nanahimik nalang din ako.     "Bawi na lang kayo next game, Tsong! Mukhang wala kayong gana kahapon, e!" sabi n'ya nang makababa na kami mula sa jeep at naglalakad na papasok sa subdivision. Mas nauunang bumaba si Rusty kaya kadalasan ay kami ni Max ang naiiwan sa jeep dahil pareho lang naman ang binababaan namin. Kung dati ay sumasakay ako ng tricycle papasok sa subdivision, ngayon ay mas gusto ko ng maglakad dahil kasabay ko naman si Max.     Araw-araw ay hindi s'ya nauubusan ng kwento. Jolly s'ya at kalog. Madalas nga ay nasasapak n'ya ako at nababatukan kapag napipikon s'ya pero imbes na magalit ako ay natatawa lang ako sa'kanya. Para akong nakahanap ng panibagong tropa sa katauhan n'ya. More like a girl bestfriend.     Hindi ko akalain na masarap palang magkaroon ng babaeng kaibigan. Nasanay ako na ang mga babae ay hindi kinakaibigan lang. Madalas kasi na kapag may babaeng malapit sa akin, it's either girlfriend ko sila or mga pinsan ko. Halos puro babae kasi ang mga pinsan ko at puro pa sila mga chix!     Kaya ngayon ay parang bago sa akin ang pakiramdam na may ka-close akong babae. Siguro dahil hindi rin naman kilos babae itong si Max kaya mabilis akong naging komportable sa'kanya.     "Walang pampagana, e!" parinig ko. Natawa ako nang ngumiwi s'ya sa akin. "Anong klaseng tingin naman 'yan?" tanong ko. "Ang landi mo talaga! Salaksakan kita ng babae sa lungs, e!" nabubugnot na sabi n'ya. Inamin n'ya sa akin na kaya daw s'ya naiinis sa akin ay dahil sa napakadalas n'ya akong makitang may kasamang iba't ibang babae. Pati raw dito sa subdivision ay nagkakalat ako ng lagim. Sinabi kong mga pinsan ko ang mga 'yun pero parang ayaw n'yang maniwala.     "Ayan ka na naman, Tsong, e! Mga pinsan ko nga lang 'yung mga 'yun! Sa gwapo kong 'to? Syempre mga chix din ang mga pinsan ko. Ganun talaga. Nasa lahi yan, e..." pagmamalaki ko.     "Hambog!" singhal n'ya kaya natawa ako.     "Nga pala, Tsong..." simula ko nang medyo malapit na kami sa bahay nila.     "Ano?"     "'Di ba may pinsan kang chix?" pasimpleng tanong ko. Kunot ang noong nilingon n'ya naman ako.     "O, ngayon?" nakataas na agad ang kilay niya.     "Pakilala mo naman ako..." ungot ko. Umikot ang mga mata n'ya at tumawa ng mahina.     "Sino ba? Si Ginger?" paglilinaw n'ya. Tumango ako.     "Oo. May iba pa ba?" tanong ko. Ngumuso s'ya at binatukan ako.     "Aray! Bakit na naman?" reklamo ko.     "Hindi mo pa nga nakikilala si Ginger tapos naghahanap ka na agad ng iba pa? Iba ka din talaga, eh!"     "I mean, s'ya lang naman ang alam kong pinsan mo..."     "Sus! Basta talaga maganda, go ka na, 'no? Ni hindi mo pa nga alam kung may boyfriend na 'yun!" sabi n'ya. Natauhan naman ako bigla at napakamot sa batok. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yun? Sa ganda n'yang 'yun ay hindi malabong taken na ito. Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ang tawa ni Max.     "Anong nakakatawa?" tanong ko.     "Ikaw! Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa, e!" kantyaw n'ya. Lalo akong napakamot sa batok. Nagulat ako nang akbayan n'ya ako. Yumuko pa ako ng konti para hindi s'ya mahirapan. Hanggang balikat ko  lang kasi s'ya kaya ramdam ko ang pagtingkyad n'ya para maabot ang balikat ko.     "Pero pasalamat ka, wala na s'yang boyfriend ngayon!" sabi n'ya. Hindi makapaniwalang tinignan ko s'ya. Ngiting ngiti s'ya sa akin. Ngayon ko lang napansin na ang cute pala ng mukha n'ya. Palagi kasing natatakpan ng baseball cap kaya hindi masyadong makita ang kabuuan ng mukha n'ya.     "T-Talaga? So, ipapakilala mo na ako?" tanong ko. Inabot n'ya ang kanang tenga ko at pasimpleng hinila iyon. "Aw!"     "Oo na! Basta ipangako mong hindi mo sasaktan 'yun! Kung hindi, ako mismo ang bubugbog sa'yo!" sabi n'ya at pinalo ang tyan ko. Napahawak naman ako dun at napangiti.     "Sure! Pangako yan, Tsong!" Sabi ko at umakbay na rin sa'kanya. Agad s'yang bumitaw sa pagkakaakbay sa akin at tinulak ako palayo. Nagtatakang tinignan ko s'ya.     "Masyado kang malapit!" sabi n'ya at saka inayos ang blouse n'yang nalukot. Napapailing na napapangiti na lang ako.     "So, ano bang mga ayaw at gusto ng pinsan mo?" tanong ko.     "Ayaw n'ya ng basagulero, babaero at mahina sa academics!" walang ligoy na sabi nito. Nalaglag ang panga ko. Para n'ya na ring sinabing hindi ako pasado sa pinsan n'ya.     "Tsong naman, e! Wala namang ganyanan! Para mo narin akong binigyan ng pag-asa tapos agad-agad binawi mo rin!" reklamo ko. Tumawa s'ya ng malakas. 'Yung tipong mas matatawa ka pa sa tawa n'ya kaysa sa mismong sinasabi n'ya.     "Seryoso nga kasi! Mahilig s'ya sa mga goody-goody at mga matatalino. Sa itsura, pasado ka, ewan ko lang sa laman ng utak..." sabi n'yang tila nang-iinis. Nanliit ang mga mata ko.     "Edi mag-aaral na akong mabuti simula ngayon!" determinadong sabi ko. Hindi naman siguro ako mahihirapan dahil mahilig naman mag-aral at parehong matalino sina Rusty at Kit kaya sasabay na akong mag-aral sa'kanila simula ngayon!     "Sus! Kailangan pa ng impluwensya ng babae para lang mag-aral ng mabuti!" kantyaw n'ya. "Pero wag kang mag-alala, Tsong! Tutulungan naman kita. Hindi lang kita ilalakad kay Ginger, itatakbo pa kita!" sabi n'ya at kinindatan ako. Natawa ako sa ginawa n'ya. Ang cute, e. Pero astig parin.     "Salamat, Tsong!" sabi ko. Tumango lang s'ya at itinuro ang gate nila.     "Sige, uwi na at simulan mo ng magsunog ng kilay! Papakilala kita bukas!" sabi n'ya. Ngumiti ako at kumaway nang tumalikod na s'ya papasok sa bahay nila.     "Thanks, Tsong! Pinasaya mo 'ko!" sigaw ko pa.     Ngiting-ngiti ako habang pauwi.     I think I have made a huge step closer to Ginger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD