"Tsong!"
Nag-angat agad ako ng mukha nang marinig ang boses ni Max. Nagtext s'ya kanina na papunta na raw sila ni Ginger sa gym. Kaya hindi ako masyadong nakapagconcentrate sa practice dahil lumilipad ang isip ko.
Agad na napatayo ako nang makita silang palapit na sa gawi namin. Napasinghap ako nang makita ang itsura ni Ginger.
Bagong gupit s'ya at maikling maikli na ang buhok. Lalo tuloy na-exposed ang bilugan n'yang mukha.
Ang ganda talaga ng future girlfriend ko.
Kumaway ako sa kanila. Si Rusty naman ay nag-angat din ng tingin matapos itali ang sintas ng sapatos.
"Wow, ang bilis ah!" kantyaw n'ya at pasimpleng siniko ako. Sinaway ko agad s'ya.
"Shut up, Rusty..." bulong ko at binalik ang tingin sa gawi nila Max.
"Nandito ka pala, Kalawang?" salubong ni Max. Ngumiti ng nakakaloko si Rusty.
"Hindi, hindi, wala ako dito. Kaluluwa ko lang 'to... Awooo!" pambabara n'ya kay Max at itinaas pa ang dalawang kamay na parang zombie bago nginitian si Ginger.
"Pakyu!" mura ni Max sa'kanya. Tumawa lang si Rusty at nilipat ang atensyon kay Ginger.
"Kasama ka pala?" tanong n'ya. Ngumuso si Ginger at ngumiti.
Whoa! Damn those lips! Parang ang sarap halikan!
"Oo, e. Sinamahan ko lang si Max..." sagot n'ya. Tumikhim ako at tinignan si Max. Agad naman s'yang kumilos.
"Nga pala, Ginger... Si Gavin, kaibigan namin ni Kalawang. Classmates sila. Yan ang pinaka magaling magbasketball dito!" pagmamalaki ni Max. Napakamot ako sa batok dahil sa hiya nang mapatingin sa akin si Ginger. The heck! Para akong matutunaw sa tingin n'ya!
"Nice to finally meet you, Ginger..." nakangiting sabi ko at naglahad ng kamay sa'kanya. Nakangiting inabot naman n'ya 'yun. s**t ang lambot ng kamay! Ano kayang pakiramdam na hahaplusin ng mga kamay na yan ang mukha ko?
"Same here, Gavin. So, close kayo nitong si Rusty?" tanong pa n'ya at sinulyapan si Rusty na busy na sa kanyang phone. Napatango naman ako.
"Yeah, eversince we both joined the varsity team..." sagot ko. Tumango tango lang s'ya. I want to converse more pero mukhang ayaw na n'yang makipag-usap. Damn!
"Max, ako ba hindi mo ipapakilala sa pinsan mo?" nakangiting singit ni Klaus. Bago makasagot si Max ay binato na s'ya ng bola ng kakambal n'yang si Vaughn.
"Bella's outside, Klaus. Mahiya ka naman sa girlfriend mo. Pinaghihintay mo para makipagkilala sa ibang babae. How disgusting!" nayayamot na sabi nito at agad ng naglakad papunta sa shower room. Napakamot nalang sa ulo si Klaus at sinundan ito.
"Ang lalandi talaga ng mga nasa varsity!" nakangiwing komento ni Max. Tumikhim naman si Rusty.
"Oo nga. Buti pa ako, loyal!" ngiting ngiting sabi ni Rusty. Napatingin kami sa'kanya.
"You have a girlfriend?" rinig kong tanong ni Ginger. Umiling naman agad si Rusty.
"I mean, loyal ako dito sa bola..." nakangiting sabi n'ya at tumayo.
"Paanong magkaka girlfriend yan, e, bakla naman yang kalawang na 'yan!" tukso ni Max. Nanliit ang mga mata ni Rusty.
"Aba't.... Sinong sinasabi mong bakla? Gusto mo lang magpahalik, e!" sabi n'ya at nagtangkang lumapit kay Max. Agad naman itong nagtago sa likuran ko at kumapit sa braso ko. Tsk tsk. Parang mga bata.
"Tsong, tulong!" sabi n'ya habang hawak ang braso ko. Tinulak ko naman palayo si Rusty.
"Stop it, Rusty..."
"Tsk! 'Yung mga nagsasabing bakla ako, hinahalikan ko. Kaya isang sabi mo pa n'yan, humanda ka. Don't tell me I didn't warn you." banta nito at ngumisi.
"Tse! Panget mo, Kalawang!" sigaw ni Max. Binelatan lang s'ya ni Rusty at naglakad na papunta sa shower room. Agad namang sumunod si Max dito. Napalingon kami ni Ginger sa'kanila.
"Tsk! Iwanan daw ba ako dito! Wait for me, Max!" sigaw ni Ginger pero pinigilan ko s'ya. Napatingin s'ya sa kamay kong humawak sa braso n'ya. Agad na tinanggal ko naman iyon.
"Ah, sorry..." sabi ko. Tumango naman s'ya.
"Okay lang. Sige, I'll go ahead na rin-"
"Wait, Ginger..." pigil ko. Napalingon naman ulit s'ya sa akin.
"What is it?" mukhang naiinip na tanong n'ya.
"Ah... Can I... get your number?" tanong ko at napalunok.
Tumingin s'ya saglit sa akin bago bumuntong hininga at nilahad ang kamay sa akin.
"I knew it..." rinig kong bulong pa nito.
"Ha?"
"I said where's your phone? I'll put my number there." sabi n'ya. Muntik pa akong mapamura nang maalala kong nasa locker ang phone ko. Napahawak ako sa batok.
"Nasaan na?" tila naiinip ng tanong nito habang lumilingon sa pinuntahan nila Max.
"Ah, nasa locker pala 'yung phone ko. I'm sorry... Pwede bang dun ko nalang kuhanin? Nandoon din naman sila Max." nahihiyang sabi ko. Umismid s'ya at tumango.
"Let's go, then... Ano pang ginagawa natin dito kung ganon?" rinig ko pang bulong n'ya.
Shit! Parang nainis pa yata sa'kin. The hell with the situation!