Mula nang araw na 'yun ay palagi ko ng tinetext si Ginger. Nagrereply naman s'ya pero hindi madalas. Mas madalas pa s'yang magreply kapag ang topic namin ay tungkol sa friendship namin nina Rusty at Kit. Feeling ko mas interesado pa s'ya sa ibang bagay kaysa sa akin. Mas madalas at mabilis pang magreply si Max kaysa sa'kanya. Hindi ko maintindihan, pero kapag kay Max ay hindi kami nauubusan ng topic pero kapag s'ya ang katext ko ay parang nanliliit ako.
Malalalim ang mga topic na gusto n'yang pag-usapan minsan. At wala akong maintindihan sa mga sinasabi n'ya dahil mostly, ang mga pinag-uusapan namin ay about sa politics, crimes or government incompetence. Seriously? May balak ba s'yang maging presidente ng Pilipinas? Anong kinalaman ng mga topic na yan sa magiging relasyon namin kung sakali? Napailing ako.
Samantalang kay Max ay kung ano ano lang ang topic namin na mas malapit sa katotohanan. Mula sa mga animés na hilig n'yang panoorin at sa mga manga na binabasa ay nagkakasundo kami. We both shared the same interest in music and arts, too. Nalaman ko rin na ang Papa n'ya ang nagturo sa'kanyang mag-gitara at kumanta. Sabi n'ya ay tuturuan n'ya akong maggitara para naman daw maharana ko si Ginger. Tinuturuan n'ya rin ako ng mga pick up lines at knock knock jokes na ipo-forward kay Ginger araw araw.
Gusto daw kasi ng mga babae 'yung ganun. According to her, a single text or message from someone can make her whole day. Napangiti naman ako. She's not that hard to please, huh?
Napadapa ako sa kama nang magvibrate ang phone ko. Hinihintay ko ang suggestion ni Max para sa message ko bukas ng umaga para kay Ginger.
Max:
Sabihin mo, USE GAVIN IN A SENTENCE!
Tumagilid ako ng higa para makapag-type ng reply sa'kanya.
Me:
Use it!
Ngiting ngiti ako habang hinihintay ang reply n'ya. Parang hindi nauubusan ng pakulo ang babaeng 'to!
Nagvibrate muli ang phone ko. Agad na binuksan ko 'yun at nawala ang ngiti ko nang makitang galing 'yun kay Ginger. Napakunot noo ako.
Ano na nga 'yung pinag-uusapan namin?
Sa tagal n'yang magreply ay nakalimutan ko na. At akala ko rin ay tulog na s'ya.
Ginger baby:
What do you think about the issue of electoral fraud?
Napakamot ako sa ulo nang mabasa ang message n'ya. Gusto kong i-type na wala akong masabi dahil 'yun naman talaga ang totoo. But it would be a lame excuse, right? Isa pa, ni hindi pa nga ako botante ng national election. Goddammit! Bumuntong hininga ako at nag-type ng reply. Hindi ko alam bakit kailangan kong ma-stress sa political issues ng bansa. Takte!
Me:
Kahit saan naman talaga talamak ang pandaraya. It's the government's fault kung bakit may mga lumalabas na ganyang issue ngayon. Isa pa, they have to ensure the people that they are conducting safe and fair election. It's the government official's problem. Let's just leave it to them, Ginger.
Hindi ko na napigilan ang pagtype ng huling pangungusap. Nagkibit balikat ako at sunod na binuksan ang message ni Max. Ang lakas ng tawa ko matapos mabasa ang reply n'ya. Pakiramdam ko ay nawala ang antok ko.
Max:
MY NAME IS GAVIN. AND I'M GAVIN TO YOU. (。♥‿♥。)