Hindi ako mapakali nang magsimula ang afternoon class. Hindi mawala sa isip ko ang reaksyon ni Max kanina nang malaman n'yang break na kami ni Ginger.
Hindi n'ya alam? Hindi sinabi ni Ginger sa'kanya? Why? f**k! Gusto ko ng lumabas sa klase at kausapin s'ya. Pero sinabi naman n'ya kanina na mamaya daw kami mag-usap, 'di ba? Ibig sabihin, she still want to hear my side!
Tumango tango ako habang wala sa sariling nakatutok sa teacher namin na kanina pa nagdidiscuss ng lesson. Yes, kanina pa ako nakatitig sa'kanya pero wala ni isa sa mga sinabi n'ya ang naintindihan ko. Lutang na lutang ang isip ko.
"Gav, pakopya nalang sa quiz. Hindi ako nakinig," rinig kong bulong ni Kit. Napatingin ako sa harap at nakita kong may sinusulat na ang teacher sa white board at nang basahin ko 'yun ay directions para sa quiz. Lagot na! Nilingon ko s'ya. "inaantok ako, e. Puyat sa dota..." paliwanag n'ya. His eyes were red at mukhang wala talagang tulog.
"Tss! Oo ba! Para may kasama akong ma-zero!" sagot ko at naglabas na ng papel. Kumunot ang noo n'ya at hindi makapaniwalang tumitig sa akin.
"Nakinig ka 'di ba? Tumatango tango ka pa nga, e." muling bulong n'ya.
"Akala mo lang 'yun! May iba akong iniisip." pag-amin ko. Napahawak s'ya sa ulo at ginulo ang buhok. Pareho kasi naming ayaw ng identification type na quiz. Mas okay sana kung magsosolve nalang. Mas madali. Hindi na kailangang magmemorize! The hell!
Nang magsimulang magtanong ang teacher ay halos wala akong maisagot. Paano ngang makakasagot, e, wala akong naintindihan sa mga sinabi n'ya? Nang matapos ang sampung tanong ay puro numbers ang nakasulat sa papel ko, ganun din ang kay Kit. Nagulat pa kami nang may mag-abot sa amin ng papel na may nakasulat ng sagot. Paglingon ko ay nakakunot noong si Mariel ang bumungad sa akin.
Unti-unting napangisi ako nang mapatingin kay Kit na bahagyang namumula ang tenga at nag-iiwas ng tingin.
"Dota pala, huh?" nang-aasar na bulong ko sa'kanya at binalingan si Mariel.
"Thanks, Yel!" sabi ko at nginitian s'ya. Umirap lang s'ya at humalukipkip.
Whew! We're saved!
Nang mag-uwian ay nakita ko pang hinintay ni Kit si Mariel. Nilapitan ko s'ya at tinapik sa balikat.
"Kayo na ulit?" tanong ko kahit obvious na. Tumango s'ya at nag-iwas ng tingin. Napahawak pa s'ya sa tenga habang nakatungo. So gay!
"Hinay-hinay baka makabuo!" nakangising paalala ko pa at tinapik ang balikat n'ya. Tinulak n'ya naman ako nang makitang palapit na si Mariel sa gawi namin. Natatawang inayos ko ang bag ko sa balikat.
"We didn't do it. Nag-usap lang kami sa phone magdamag." paliwanag n'ya. Whoa! Really? Si Kit? Pumayag ng hanggang phone lang?
"You did it on phone?" bulong ko at binigyan s'ya ng nakakalokong ngisi. Sinapak n'ya agad ako sa balikat at minura. Tawang tawa ako sa reaksyon n'ya. Mukhang totoong nagbago na ang loko!
"Tangina..." mura n'ya at tinulak na ako bago nilapitan si Mariel. Natatawang sinundan ko pa s'ya at tinapik sa pwetan.
"Mas okay 'yan. Tipid sa condom..." bulong ko pa at tumatawang nagtatakbo na palayo bago n'ya pa ako masapak ng tuluyan. Pikon na pikon ang gago. Kapag s'ya, parang wala ng bukas kung makapang-asar!
Umikot ako at agad pumunta sa likod ng school. Hihintayin ko nalang si Max sa tambayan.
Ilang sandali pa akong umupo doon bago nagpasyang puntahan nalang s'ya sa classroom nila. Sakto namang naglalabasan na ang mga classmates n'ya nang dumating ako. Nagtutulakan pa ang mga babae n'yang kaklase nang dumaan sa harap ko. Nilinga ko ang loob at nakita ko si Max na kausap ang dalawa n'yang kasama at saka nauna ng lumabas ng room. Medyo nagulat pa s'ya nang makita n'ya akong nakatayo na sa harap ng pintuan ng classroom nila. Alanganing ngumiti ako at hinintay ang paglapit n'ya.
"Tara?" yaya ko sa'kanya. Saglit pa s'yang natulala bago nagsimulang maglakad.
"Ehem! Ehem!" sabay pa kaming napalingon nang eskandalosong tumikhim ang dalawa n'yang kasama. Sila rin 'yung dalawang kasabay naming kumain ng goto. Tumingin sila kay Max at nagkatinginan sila bago natatawang nagpaalam na ang dalawa.
"Ehem! Kati ng lalamunan ko, Kat. Mukhang lalabnatin- este lalagnatin ako!" sabi nung isang babaeng may kaliitan. Nilingon pa s'ya ni Max at inambaan sa pamamagitan ng pagkagat sa'kanyang ibabang labi. Nagtutulakan pa sila nang tumakbo palayo sa amin. Ako naman ang tumikhim para maagaw ang atensyon n'ya.
"Uhh, sa... tambayan ba tayo mag-uusap?" tanong ko. Tumango s'ya at sabay na kaming nagpunta doon. Nakatungo s'ya habang naglalakad kami papunta doon.
Ano kayang iniisip n'ya? Praktisado ko na ang mga pwede kong isagot sa lahat ng pwede n'yang itanong mamaya. Buong hapon akong nag-iisip kaya nga wala kong nakuha sa mga lessons ngayong hapon. Inaral ko lahat pwera nalang 'yung part na... gusto ko s'ya.
Hindi ko pwedeng sabihin 'yun sa'kanya lalo na at pinopormahan s'ya ni Rusty. I don't wanna complicate things. I can't tell her she's part of the reason why I broke up with her cousin. Dyahe nga lang dahil huli na nang na-realized ko 'yun. Mas nauna pa nga si Ginger na naka-alam kaysa sa sarili ko. That was just so sudden and... unexpected. Really unexpected.
I really didn't expect that I would fall for her while I am courting her cousin. Kahit ako ay hindi ko maintindihan kung paanong nangyari. Ni hindi ko alam kung kailan nagsimula. May mga minimal signs akong naramdaman along the way but those weren't enough para masabi kong gusto ko nga s'ya.
There were times na naiinis ako dahil masyado silang malapit ni Rusty sa isa't-isa. They were close even before pero hindi ko alam kung bakit ko biglang napapansin 'yung mga bagay na 'yun. I even thought of the possibility of them ended up together. I clearly remember how I despised that idea! That's probably the start. Hindi ko lang masyadong binigyang pansin dahil naka-focus ako sa goal kong mapasagot ang pinsan n'ya. When in fact... ginawa ko nalang dahilan 'yun para makasama at mapalapit lalo sa'kanya.
Damn!
I never thought that falling in love can really complicates a lot of things. I never thought that love can be this complicated!
Ang hirap palang magkagusto sa taong hindi mo kailanman pinangarap.
Mahirap palang mahulog sa taong alam mong hindi ka kayang saluhin.
Mahirap palang magkagusto sa taong may gusto ng iba.
And to sum it up, Gav... Matalik na kaibigan mo pa ang gusto n'ya na alam mong gustong gusto rin s'ya.
The heck!
"Well.. just wait for your karma, Kuya. It'll hit you very soon!"
Gizelle's annoying grin just popped into my mind.
WTF?