"K-Kanino mo n-nalaman?"
Rinig kong tanong ni Max nang malapit na kami sa gate ng school. Matagal bago s'ya nakapagsalita nang mag-sorry ako dahil hindi ko s'ya nakilala sa school pagkatapos ng prom.
"...Para mapatay ko," bulong n'ya pa na hindi ko masyadong narinig. Nananantyang nilingon ko s'ya. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip n'ya pero mukha namang hindi s'ya galit.
"Kay..." napatigil ako sa pagsasalita dahil hindi ko naman talaga alam ang pangalan ng nagsabi sa akin! Basta ang alam ko lang ay isa s'ya sa mga nagvo-volunteer sa gym kapag may practice game. Napatingin na s'ya sa akin nang hindi ko masundan ang dapat ay sasabihin ko. Tumaas ang kilay n'ya at napatigil na sa paglalakad. Tumigil narin ako sa paglalakad.
"Kanino?" tanong n'ya habang nakataas ang kilay. Napakamot ako sa batok at nahihiyang ngumiti. Umismid s'ya.
"Tsong, kung sino man ang nagsabi sa'yo, 'wag mong intindihin ang galit n'ya. Etong kamao ko ang intindihin mo!" nagbababalang sabi n'ya at itinaas ang nakakuyom na kamao n'ya at saka hinipan hipan pa 'yun. Natatawa ako sa ginawa n'ya pero pinigilan ko dahil baka sa akin pa mabaling ang galit n'ya.
"Hindi ko alam 'yung pangalan, e. Pero kasama mo sa gym palagi. Medyo chubby na palaging nakaponytail?" sagot ko habang dinedescribe ang kasama n'ya. Nakita kong bahagyang nag-isip s'ya pagkatapos ay sinuntok ang kamao sa isang kamay na parang nanggigigil. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha n'ya. Iniimagine kong nakalugay ang buhok n'ya at walang cap. S'yang s'ya talaga 'yung babae sa prom.
Tangina, Gavin. Anong katangahan ba pinairal mo at di mo talaga s'ya nakilala?
Pilit kong inalala ang unang araw na nakita ko s'ya sa gym. Magkasama sila 'nun ni Rusty at nagtutulakan habang kami ni Reid ay nag-uusap tungkol sa first year na pinopormahan nito.
"Mestiza, matangkad at sexy. Kaso, pre, palaging nakadikit sa pinsan n'yang member ng soccer team. Ang hirap tyempuhan!" sabi ni Reid. Tumawa ako at hinagis ang bola sa'kanya.
"Madali lang! Abangan mo sa gate, pre. Tsaka mo kunin 'yung number!" malakas na sabi ko sabay takbo palapit sa gawi nila Rusty. Agad na umupo ako sa bleacher at tamad na inunat ang mga paa ko. Sobrang nakakapagod ang sunod sunod na practice para sa darating na intramurals kung saan dadayo kami sa ibang school at dun makikipaglaro. Nakangiting pumikit ako. Paniguradong marami na namang makikipagtext sa akin na babae pag dumayo kami.
"Di ko nga matyempuhan. Maaga ang uwian ng first year!" sabi ni Reid na nakasunod na pala sa akin. Nagdilat ako ng tingin at nasalubong ng tingin ko ang tingin ng kung sino. 'Yung kasamang babae ni Rusty. Nang magtama ang paningin namin ay agad s'yang umiwas ng tingin.
"Oh, Rust! Wala ako bukas, a? Kaw muna kapalit ko? Hi, Maxene!" sabi ni Reid sabay baling 'dun sa kasama ni Rusty. Nilipat ko ang atensyon 'dun sa tinawag n'yang Maxene at nakita kong ngumiti ito kay Reid at tumango.
Tumaas ang kilay ko pagkakita sa itsura nito. Nakatali ang buhok at nakasuot ng kulay pulang cap na may nakasulat na malaking letter M. Halos matakpan na ng cap nito ang mukha kaya hindi ko masyadong makita ang itsura n'ya. Binalik ko ang tingin ko kay Reid pero nakatitig na s'ya habang ngiting ngiti dun sa babaeng naka-cap.
Seriously? Type n'ya ba 'yan?
"Hello, Pula! Puro babae na naman bukambibig mo, ah? Aral muna!" pabirong sabi nito kay Reid at pinalo ang balikat sabay baling kay Rusty. "Alis na 'ko, Kalawang! May isasauli pa pala akong libro sa library. Geh!" paalam nito at tumingkyad pa para tapikin ang ulo ni Rusty. Agad namang pinalo ni Rusty ang cap nito kaya natabunan ng cap ang mga mata. Tumawa si Rusty.
"Ugh! Pakyu!" mura nito sabay batok kay Rusty at inayos ang cap pati ang nagulong buhok.
"Love you, too!" pabirong sagot ni Rusty sa mura nito. Ngumiwi ito at saglit na sinulyapan ako habang blangko ang ekspresyon sa mukha. Tumaas ang kilay ko. Akala ko pasimpleng magpapakilala sa akin! Sa sobrang pagtataka ko ay nasundan ko pa s'ya ng tingin habang palabas ng gym. Nakikipag highfive pa s'ya sa ibang players na nakasalubong. Nawala lang ang atensyon ko sa'kanya nang magsalita si Rusty.
"San punta mo bukas? Date?" kantyaw nito kaya nabaling na sa kanila ang atensyon ko.
"Ulul! Debut ng utol ko!" sagot ni Reid.
"Chix? Pakilala na 'yan!" nakangising biro ko at umilag nang tangkang babatuhin n'ya ako ng bola.
Mula 'nun, ganun na ang pakikitungo sa akin ni Max. Cold. Walang emosyon at minsan ay mukha pa s'yang iritado sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi mairita rin sa'kanya. Yung kahit hindi kami nag-uusap, alam naming iritado kami sa isa't-isa.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit. Dahil pala sa nangyari sa prom. Maybe, she's expecting us to become friends after that night. Pero dahil hindi ko s'ya nakilala ay nabalewala ko s'ya sa school.
"Ahh si Pat!" sabi n'ya na nagpatigil sa akin sa pag-iisip. "Loko 'yun... Mamaya s'ya...." bulong n'ya pa habang patuloy kami sa paglalakad. Nakatitig lang ako sa'kanya at iniisip kung bakit ganito na ang porma n'ya.
Bakit hindi nalang n'ya ilugay ang buhok n'ya? Mas bagay 'yun—
"Tinitingin tingin mo?" kunot noong tanong n'ya nang mapansin ang titig ko. Agad na umiling ako bago sumagot.
"Ano kasi... Yung porma mo, Tsong. Mas bagay sa'yo 'yung nakalugay ang buhok..." lakas loob kong sabi sa'kanya. Bahagyang lumayo ako sa'kanya dahil baka mapikon s'ya at sugurin ako ng batok. Napanganga s'ya at hindi makapaniwalang napatingin sa akin. Hinintay ko ang sasabihin n'ya pero bigla na s'yang nag-iwas ng tingin. Kumunot ang noo ko.
Ano 'yun? Namumula ba s'ya? Parang, e...
Pilit kong sinilip ang mukha n'ya pero lalo lang n'yang iniiwas sa akin at binilisan ang lakad. Takang napasunod ako sa'kanya.
"Sandali, Tsong! Sinasabi ko lang na mas bagay 'yun sa'yo. Pero okay lang din kung 'yan ang trip mo!" sabi ko habang hinahabol s'ya ng lakad.
"Tss!" sabi n'ya lang at lalo pang binilisan ang lakad. Lakad takbo na ang ginagawa n'ya. Napatigil lang s'ya nang makasalubong namin si Captain Leon kasama ang girlfriend nito. Tumango si Max at nakipaghighfive sa'kanya.
"Ingat ka d'yan, Nikki! Babaero 'yan!" biro ni Max. Nginusuan lang s'ya ni Captain.
"Shut the hell up, Max. Baka maniwala 'to!" saway n'ya at pabirong dinuro ang noo ni Max.
"Aw! Nikki, o! I-break mo na. Nananakit!" hindi parin tumitigil na sabi nito.
Nag-angat ng tingin si Captain sa akin nang nasa likod na ako ni Max. Humihingal pa ako nang makalapit sa'kanila.
"Gav! What's up? Totoo ba 'yung usap usapan? Nakipagbreak ka kay Ginger?" tanong agad ni Captain. Napanganga si Nikki at kitang kita ko ang pagbaling ni Max sa akin. Agad na napalunok ako.
Fuck!
Hindi n'ya pa ba alam? Hell! I don't know!