bc

Las Cosas Series #2: A Mare's Nest Faith

book_age18+
35
FOLLOW
1K
READ
fated
opposites attract
brave
CEO
tragedy
bxg
humorous
small town
first love
slice of life
like
intro-logo
Blurb

It was a one peaceful night for Maria Ysabelle, or so she thought... A car accident just happened right before her eyes! She was surprised to see a kid crying in the backseat of the crushed car. Upon staring at the boy's green emerald orbs, flashbacks from Ysa's rough childhood suddenly flashed on her mind. Ysa had a rough childhood, and despite her struggle to live with their abusive padre de pamilya, Ysa, her sister, and mother held on one another for strength. Ysa strongly believe that they will pass through this phase in life as long as they're together. But in just a snap, Maria Ysabelle 'lost faith in life' when she lost the people whom she thought she'd be facing life's wrath with. They left her alone battling with life.

Ysa was sent to Happy Pit orphanage and there she found friendship with the most emotionless person she's ever met. Maximus Dane Aetós who despise talking and socializing brought the happy-go-lucky Ysabelle to life again. Two people with opposing personalities found each other in the midst of their chaotic life. Will the cruel fate compensate them from their years of suffering?

chap-preview
Free preview
Prologo
Disclaimer: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are all product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, without the permission of the author. Plagiarism is a SERIOUS crime! -- Authors Note: Expect for grammatical and typographical errors. This story contains mature contents. This is a trigger warning so please BE AWARE! I am open for critiques and constructive criticisms but not to the extent of "bashing" my story. Enjoy reading. Sonrisa! -D. Matilde READ AT YOUR OWN RISK! Prologo: "Love is not love when it alteration finds, Or bends with the remover to remove: Oh no, it is an ever fixed mark, That looks on tempests, and is never shaken. Love comforteth like sunshine after rain Love's gentle spring doth ever fresh remain And when love speaks, the voice of all the gods Makes heaven drowsy with the harmony." This is a setting in Sonnet 116 & Venus and Adonis by: Sir William Shakespeare. I've been in love with classic books since... I don't know when. Hindi ko maalala ang dati kong pagkatao nang magising ako isang araw, pero hindi nakalimutan ng puso ko ang ibang bagay na mahal kong gawin at tiyak kong isa ang pagbabasa doon. I closed the book and sigh. I roamed around my room until I heard my phone rang. I picked it up and answered it. "Yow! Wazzup, wazzup, Ysabelle!" Bahagya kong nilayo ang cellphone sa tenga ko. Balak yata akong gawing bingi nitong sino mang poncio pilato na 'to. "I'm not deaf, gracious! Who's this?" "Ang tamad mo talagang tumingin sa caller I.D mo 'no? Si Risse 'to!" "...." "Hayst... Para akong kumakausap sa bingi. Anyways, punta ka BGC now na! We're going to party tonight! Wohoo!" Medyo maingay nga ang background nito. Tingin ko'y puma-party na 'to eh. My face fell into a frown upon her statement. "Seriously? A last minute notification 'again', Charisse Gwen?" "Err... Sorry hihi," and she sounded tipsy. Napaikot ko ang mata dahil sa habit nitong pagiging late sa halos lahat ng bagay; late matulog at gumising, late sa trabaho, late mag-inform, late sa mga latest updates, at pustahan, late 'tong pupunta sa party at mauuna pa ako dito. "I'll be there by nine sharp," wika ko. "Owki dowkey. See yah! Byers." I ended the call and sighed again. Now I have to look for something to wear, tinatamad pa naman ako. Pero nabuburyo na din ako dito sa apartment, gusto ko ng umuwi ng Las Cosas. Mabuti pa't magliwaliw muna ako ngayon. Hindi din naman ako masyadong gumagala at puro tungkol sa trabaho lang ang inaatupag ko. Now, I think it's time to chill and have some booze. -- Laser lights and smoke greeted me as I entered a high end club here in BGC. Charisse texted me a while ago na dumiretso na dito at hintayin siya. But see? Ako nga ang mas nauna sa babaita. Baka nasa kabilang club 'yon. She's club hopping I guess? The electronic music is booming around the area. Maaga pa pero madami-dami na din ang umiindak sa dance floor. Dumiretso ako sa second floor kung saan may upuan na pinareserve ni Charisse. It was quite big for the two of us, so I presume that she'll bring some friends tonight. Akala ko pa naman kami lang ang magchi-chill ngayon. I bet this seat can accomodate quite a crowd kaya siguradong maraming kasama ang babae mamaya. Tinungnan ko ang paligid nang dumako ang paningin ko sa dance floor at pinagmasdan ang mga nagsasayawan, nang may waiter na dumating. I ordered a light drink while waiting for Charisse and her company. Hindi pa man nakabalik ang waiter ay dumating na hinihintay ko. "Maria Ysabelle!" I looked behind me and there I saw her with some friends. Lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi. She reeks alcohol... Teka lasing na yata 'to, eh. Nang lumayo ito ay binigyan ko siya ng isang "confused" look. "Are you drunk?" nakataas-kilay kong tanong. "Tipsy. Tipsy lang, Ysabelle," she waved her hand in the air. I crossed my arms and raised an eyebrow as I looked at her. Bigla naman itong nagtaas ng dalawang kamay at humahagikhik pa na para bang nabisto. "Fine, fine. We were bar hopping. Pangalawang bar pa lang 'to actually." I doubt. But I was right, she's club hopping. I peek to look behind her and greeted her party troop. Pinaupo ni Charisse ang mga ito at dumating na rin ang waiter dala ang drink ko. Kinuha na din nito ang mga nais inumin ng mga kasama ni Charisse. I sipped on my drink to calm down a little bit. "You're just sulking in that freaking apartment, Ysabelle... It's been months since you last went out for a party. Oh, silly me. It's seven months to be exact!" she scoffed. "Come on, girl! Malolosyang ka ng maaga niyan at laging trabaho ang inaatupag mo. Chill a bit." I slouched against the seat. "You know I have to focus on my work lalo na ngayong mag-reresign ako. I have to leave and start my own business. I have to leave a good impression para naman maganda din ang background ko bilang small time business owner soon." "Tss, business again." Umirap ito at bumaling sa mga kaibigan. "Anyways, hey guys, this is my friend Ysabelle, say hi." "Hi, Ysabelle!" They said in unison. "Hi," I greeted them back. But not to the same extent as their energy. I should've just stayed and read in my apartment. My friend just left me at kasalukuyan itong sumasayaw sa baba! What a good company you are Charisse, ang sarap sungalngalin ng party addict kong kaibigan. Inisang lagok ko ang inumin ko at tinignan ang oras. It's been two hours since I got here pero sa inumin lang ako naaliw. Atleast, I enjoyed... "Hey." A guy suddenly approached me. One of Risse's friend... I think? "Oh, hi." Trabaho at bahay lang palagi ang routine ko. Miminsan lang kung makapunta sa mga ekslusibong bars at clubs, katulad na nga lang ng sinabi ni Charisse kanina. Halos dalawang taon na ako dito sa Manila pero hindi ako nagkaroon ng ibang kaibigan maliban kay Risse. Magkaibigan na kami nito sa Las Cosas pa lang, she was my personal nurse when I was hospitalized and had been coma. Nang magising ako ay naroon siya at tumulong sa'kin. Without her and nanay sa tingin ko nabaliw na ako ng mga panahong 'yon. "I see, you're not having fun that much. Kanina ka pa umiinom dito mag-isa," sabi noong lalaki. I just shrugged. "I'm just...not really into these type of 'having fun'." He tilted his head. "Why, you don't dance?" Nilingon ko ito at nakitang matiim itong tumitig sa'kin. "No." Tumango ito at lumagok sa hawak na Jack Daniels. He's a hard drinker, I must say. They're a troop of party goers after all, what should I expect? Troy-- the guy who's drinking a JD-- and I talked for minutes before I decided to go home. Maayos naman itong kausap. Hindi din pala siya madalas kasama nila Charisse magparty. Ngayon lang daw at nais niyang mag-unwind. "Risse, uuwi na ako," paalam ko sa kaibigan. I tapped her shoulder. "Hmm--" agad nitong inilapag ang hawak na baso na iniinuman. "Agad-agad?!" "I'm sleepy." I faked a yawn. Ang totoo niyan ay nakatanggap ako ng mensahe sa boss ko, tinanggap na daw ng client na kausap ko noong isang araw ang deal. Thank God! I got another big break, mapipirmahan na din ni boss ang resignation letter ko dahil naclose ko ang deal. Now I can go back to Las Cosas. Alam kong sobrang aga kong magreresign, lalo pa't dalawang taon lang ang work experience ko sa kompanyang pinagtatrabahuan ko ngayon. Matagal ko nang nais na magtayo ng sariling negosyo at gusto ko sa sarili kong bulsa manggangaling ang perang pansimula ko. And with that two years mabilis na umangat ang posisyon ko at mabilis ding nakapag-ipon. Ngayon kailangan ko nang umuwi para maayos na ang mga papeles at dokumento para ipasa sa papalit sa posisyon ko na last month pa nakaantabay para sa pag-alis ko. "Hay, sige na... Aalis na din kami at pupunta sa bar doon sa kabila," dismayadong saad ng kaibigan ko. "Ah, pwede ba akong makisakay sa'yo, Ysa? Kailangan ko na din umuwi eh. Maaga pa ako bukas sa trabaho," ani pa ni Troy. "Sure." I bid my goodbye to Risse and her friends before storming out of that club with Troy. "Where will I drop you?" He gave me his address before we get inside my old mini laval. I started the engine at tinahak daan papunta sa bahay nito. Mabuti nalang at hindi malayo ang bahay niya at nadadaanan ko pala ito pauwi sa apartment. Hininto ang kotse sa harap ng bahay nito nang makarating. "Dito na lang." He unclasped his seatbelt and turned to me. "Salamat ha. Ang totoo niyan mahirap kasing makasakay 'pag ganitong oras at maaga pa ako bukas. Pasensiya na at nahassle kita." Napakamot ito sa ulo at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Bahagya akong napangiti. "Ayos lang. Malapit lang din naman ang apartment ko rito kaya 'di rin hassle." "Oh? Ganoon ba? Gusto mo bang magkape muna sa loob?" Yaya niya. Umiling ako bilang pagtugon. "Hindi na, salamat." "Sigurado ka?" I nodded. "Sige, salamat ulit. Paalam. Ingat." He got out of the car and waved at me. I raised my two eyebrows as a response and moved along. Habang binabaybay ko ang daan pauwi ay biglang may nagover-take na kotse. Nabahala ako sa hitsura nito dahil pagewang-gewang ang takbo nito. Hininaan ko ang takbo ko ngunit agad kong tinapakan ang break nang biglang tumawid sa kabilang lane ang kotse at sumalpok sa puno sa gilid ng daan! "Gracious God!" Kinakabahan kong ipinarada sa gilid ang kotse ko upang sumaklolo sa sasakyang nabangga.Wala itong nasagi na kotse dahil kakaunti lamang ang dumadaang mga sasakyan sa oras na'to. Umuusok pa ang makina nito pagkalapit ko. Nang buksan ko ang drivers seat ay may duguan ang babae. Masama ang tama nito sa ulo. "M-ma'am! Ma'am, gising po!" I tried calling her out. But she's not responding. The woman whom I think is on her 30's is unconscious at hindi ko ito maaaring galawin dahil baka mapuruhan siya at mas lalong lumala ang kaniyang sitwasyon. I'll let the medical team handle her. Tumawag ako sa hospital hotline na malapit dito para magpadala ng ambulansiya nang biglang nakarinig ako ng iyak ng bata. Nabaling ang tingin ko sa likod nang makitang mayroon ngang bata doon! Dali-dali kong binuksan ang backseat. Wala itong galos o kung ano man. Napahinga ako nang makitang maayos naman ang kalagayan ng bata. Maingat ko itong kinuha upang mapatahan. Tantiya ko ay nasa mga edad dos-anyos na ang batang ito. Naaawa ako para dito at sa kaniyang ina. Pinunasan ko ang mga mata nitong patuloy na lumuha, but I stopped when I saw his eyes. His green emerald eyes was mesmerizing... Nasisinagan ng kaunting ilaw mula sa poste ang mga mata nito na mas lalong nagpatingkad sa kanilang ganda. His eyes are so enticing that it's like hypnotizing me to look at their depths. "M-mama..." mahinang usal ng bata habang humihikbi. Bigla akong natauhan at maingat itong inihele. "Shh... Hindi ka naman siguro tiyanak 'no?" Nahahabag kong tiningnan ang ina nitong duguan. Walang ibang tao sa lugar maliban sa akin at sa mag-ina. Wala ding ni isang sasakyanan ang dumaan magmula nang mangyari ang aksidente. Tahimik ang paligid habang inaalo ko ang bata nang biglang umalingawngaw ang wangwang ng police car. Bitbit ko ang bata at tumawid sa kalye. Naglakad ako sa pinagparadahan ko ng aking kotse na medyo malayo sa naaksidenteng kotse. The police asked me some queries regarding the accident and minutes later the ambulance came. But even before the medic can reach the victim's wrecked car, it exploded! Napayuko ako at isiniksik ang bata sa dibdib ko upang maprotektahan ito. May mga bubog mula sa kotse ang nagtalsikan at nagkalat sa daan. At dahil malayo kami ng kaunti sa pinangyarihan ay hindi kami napuruhan, maliban sa ibang medic at pulis na malapit sa kotse. I was horrified while looking at the car on fire. Nanginginig na binalingan ko ng tingin ang bata na tahimik lang at nakatutok sa umaapoy na kotse. The fire that caused tragic in his mother's life reflected and danced on his emerald orbs. His mother's...gone. -- That was the longest night in my entire life. Days passed by at pinaasikaso ko sa kasamahan ko ang mga papeles na kakakilanganin para sa pirmahan na magaganap. Humingi din ako ng tawad sa boss ko na hindi ko ito personal na naasikaso dahil sa emergency. Thank God, he understood the chaotic situation I'm in. Wala dawng mga kamag-anak ang babaeng namatay sa aksidente. Naunang dumating ang mga pulis at nakakuha ng mga gamit sa pagkakalinlan nito. Ayon sa imbestigayon nila nitong mga nakaraang araw ay mag-isa na lang daw ito sa buhay at tanging ang anak lang ang kasama. Isang taon na itong byuda kaya walang mapagbibigyan sa bata. Nagpatuloy ang imbestigayon hinggil sa aksidente at nalaman na sinadya daw ang pagsabog nito dahil sa nakaplantang bomba sa sasakyan nito. Wala naman daw itong nakaalitan kaya isang malaking tanong kung sino ang nais na magpapatay dito. Suhestiyon ng mga pulis na ibigay ko nalang daw ang bata sa DSWD. Pansamatala kong dinala dito sa apartment ko ang bata. Sa mura nitong edad ay nawalan na ito ng mga magulang. Doble ang pag-aalaga ko sa kanya dahil sa posibleng trauma na natamo ng bata. Sino naman kaya ang nagplanta ng bomba sa sasakyan nila at bakit nais nilang kitilin ang buhay ng isang walang kamuwang-muwang at sobrang cute na bata? I looked at the boy who's busy playing with the toys I bought him. "What's your name?" I asked him. He innocently look up to me. "Maykos," usal nito saka bumalik sa paglalaro ng kaniyang maliit na kotse. Medyo bulol pa itong magsalita. But he's not two years old. Unlike my guess, he's already three. Ipinakita nito ang tatlong daliri ang tanungin ko kung ilang taon na ito. Dinala ko sa doktor ang bata para ipasuri. Sa obserbasyon ko habang nasa puder ko ito ay tila ba hindi ito ilang sa'kin. He doesn't seem to be estranged to me. Hindi ko alam kung talaga bang hindi siya palasalita o dulot ito ng nangyari kaya minabuti kong patingnan ito. Nakuha ko na din ang resignation letter ko pati na din ang mga gamit ko sa opisina nang nagdaang araw. "Girl, ano nang gagawin mo diyan sa bagets?" tanong ni Charisse. It's been a week since the incident. At kahapon ko lang nasabihan si Risse tungkol sa nangyari. Mabilis itong nakarating dito upang mangumusta. Napabuga ako ng hininga. "Hindi ko din alam, Charisse Gwen." Chrisse took a bite on her apple while comfortably sitting on my dining chair. "Ibigay mo nalang sa DSWD. At saka uuwi ka na ng Las Cosas hindi ba?" Pinagmasdan ko si Markos na nakaupo sa sala at tahimik na nanonood ng cartoon. Sa ilang araw kong pag-alaga dito ay napalapit na din ang loob ko sa bata. At pakiramdam ko ay obligasyon ko na siya simula ng gabing mawala ang kaniyang ina. But what tugged my heart is when the kid called me "Mama". I planned of giving him under the DSWD's care. But... but something inside me refused to. "Mama won't leave, Markos?" Natigil ako sa paghaplos sa ulo nito dahil sa biglaan nitong tanong. Gabi-gabi nalang may gumugulo sa isip ko. And I think without this kid beside me, nabaliw na siguro ako. I blinked and then smiled "Of course not, palangga. M-mama won't leave you," I said that brought ease to the kid's face. His cute arms hugged my waist and I kissed his forehead. I've decided. 'I'll bring you with me to Las Cosas, Markos. Magsisimula ulit tayo ng panibago at tahimik na buhay doon.' -- Plano kong i-adopt ang bata but the process will take months dahil mayroon pang mga mangyayaring evaluation sa kung paano ko aalagaan ang bata. The evaluation will take happen on Las Cosas because we're heading back to my home town now. "Mama, saan tayo punta?" Markos asked. I looked down to meet his gaze. "To my hometown, langga." Tumahimik naman ito at nilaro ang kaniyang laruang robot na bitbit. When the plane landed I wore my sunny's at kinarga si Markos. Dahil probinsiya ang Las Cosas ay dito sa kalapit nitong bayan kami lumapag na isang malaking siyudad. Sumakay pa kami ng barko para makarating doon, and after half a day of travelling ay narating din namin ang Las Cosas. I miss this place. Sinundo kami ng driver ni mama at hinatid papunta sa bahay. "Maligayang pagdating po, Ma'am Ysabelle!" bati ng driver na kanina pa naghihintay sa amin sa port. "Salamat po, Manong Lito." Ngumiti ako dito at pumasok na sa kotse. Ilang minuto lang ay narating din namin ang bahay na nasa burol na bahagi ng Las Cosas. Nakita kong naroon sa may gate ang aking ina na nakatayo at hinihintay ako. I terribly missed her. "Ysabelle, anak ko!" Hindi na kami nahintay ni nanay at tumakbo ito papalapit sa akin. "Nay!" Mahigpit ako na yumakap sa ina ko. It's been years... Naluluha ang mga nitong nakatingin sa akin. She touched and my face. Her eyes filled with longing. "Kamusta ka na, anak? Bakit natagalan ang pag-uwi mo?" My mouth opened, but closed again in a fail attempt of finding the right words to say. Binuksan ko ang pinto ng kotse at kinuha si Markos sa loob. Bakas ang gulat sa mukha ng aking ina nang pagmasdan ang batang hawak ko. "Susmaryosep, Ysabelle! Sino ang batang iyan? Anak mo ba 'yan? S-sino ang ama? P-paano?" "Pumasok muna tayo, nay. Doon na po ako magpapaliwanang. At pagod na din 'tong bata," ani ko. "O-o, sige. Mabuti pa." Bumaling ako kay manong Lito. "Manong, pakipasok na lang sa loob ang mga gamit namin, pakiusap. Salamat po." Dumiretso kami sa kusina dahil may hinanda si nanay na kaunti. Pinahiga ko muna sa taas si Markos dahil pagod na ito at nakatulog. Hindi ko na ginising. "Anak, anong nangyari sa'yo sa Maynila? B-bakit may bata?" naguguluhang tanong ni nanay. I dragged a chair and sat. Napabuntong-hininga ako bago ikinuwento ang lahat. Tulala ang ina ko matapos marinig ang mga nangyari. "Santisima, mahabaging langit!" hindi ito makapaniwalang tumingin sa'kin. "Kaya natagalan ka ng uwi dahil..." She eyed me curiously and I nodded. "Kawawa naman pala ang batang iyon kung ganoon," nanlulumong sabi nito. I fixed my eyes on the flowers beautifully arranged in a vase in the middle of the dining table. "He's my responsibility now, nay. And I promised to his mother's grave that I will take care of him." Ang mga mata ni nanay ay napuno ng pang-unawa na tumingin sa akin. Tumango ito. "Oh, siya. Kumain ka na diyan at magpahinga pagkatapos. Mag ga-gabi na rin. Uuwi na muna ako at baka hinahanap na ako ng Tito at mga kapatid mo." "Sige po, nay. Salamat po sa paghanda nitong mga pagkain at pagtingin nitong bahay habang wala ako," ani ko at hinawakan ang kaniyang kamay. Her left hand covered my hand. "Kahit ano para sa'yo, Ysabelle." Tumayo ako at hinalikan ito sa pisngi. "Babalik din ako bukas," si nanay. "Ingat po sa pag-uwi, nay." "Kayo rin. Mag-ingat kayo dito. Nandiyaan si Mang Lito para magbantay sa inyo. Tunawag ka kung may kailangan o problema dito ha?" Tumango ako. "Opo." Tuluyan nang umalis si nanay. Napasandal ako sa pinto at nagbuga ng marahas na hangin at pumikit. Nanatili ako sa ganoong posisyon ng ilang minuto. I'm tired from the trip. Nang binuksan ko ulit ang mga mata ay napatalon ako ng kaunti nang makita si Markos sa ibabaw ng hagdanan na nakaupo at pinagmamasdan ako. "Mama, you okay?" the boy asked. Mabilis akong tumayo tinakbo ito at baka mahulog sa hagdan. Diyos ko naman! "Why didn't you call me when you wake up?" I scooped him up. "Because Markos is a big boy!" he even showed me his small arms as he flexed it. I smiled and kissed his cheek. "You hungry, big boy?" He pouted and nodded his head. Sandali akong natigil at pinagmasdan ito. Mas madalas na itong magsalita ngayon kumpara noong nasa Maynila pa kami. "Mama?" "Hmm?" "Asan, Lola?" Markos turned his head as if he's looking for someone. "She's gone home." I pinched a small meat of fish and took the little bones out from it before putting it in Markos' plate. "Lola don't like Markos?" I halted from what I'm doing. Why did he think of that? "What?! No... no... She likes you, baby,' marahan kong saad. "Mama Len doesn't like me," he uttered with a very sad face pertaining to his deceased mother. "Your mom... doesn't like you?" Tumango ito. Bakit? Eh, ang cute cute nitong batang 'to. I sighed upon looking at the kid's gloomy face. I don't like seeing him sad. I am now his mother and I would do anything to make my son happy. "Your Lola likes you," I said. In hopes of getting a smile from him. "Really?" His face lit up. His face lit up and is now plastered with a wide smile. I nodded. "Now finish your food." Kanina lang ay nanood kami ng cartoons bago matulog. But Markos' energy is still up. Soguro dahil nakatulog na siya kanina. "O! Stop jumping on the bed, langga baka mahulog ka! Come here, let's clean up before we sleep." "Ok, mama..." My heart felt warm upon seeing my son's peaceful face sleeping. Noong nakaraang mga linggo ay naririnig ko itong umiiyak nito tuwing gabi, tila pigil itong humagulhol na hindi ko maintindihan. It's like he doesn't want me to know or hear that he's crying. Malimit lang din itong magsalita pero hindi ko ito sinukuan. Mabuti nalang at maayos-ayos na ito ngayon. It's already eleven in the evening, pero hindi pa rin ako inaantok. Naisipan kong lumabas muna at magpahangin sa balkonahe. The stars are wonderfully twinkling in the night sky. Nasa burol na bahagi nakatayo ang bahay ko, malamig ang hangin at walang masyadong kapitbahay. Nasira ang pagmumuni-muni ko nang tumahol ang mga aso namin. Nang tignan ko ito ay may nakita akong lalaki na pasuray-suray maglakad at parang may iniindang sakit malapit sa aming gate. Biglang dumako ang tingin nito sa banda ko. Napatalon ako sa gulat pero bukod doon ay parang may kung anong naramdaman ako na hindi ko mapaliwanag. Napahawak ako sa aking ulo nang bigla itong kumirot. Ngunit nang pagtingin ko sa lalaki ay nabahala ako nang bigla itong matumba. I looked at my son's sleeping form and when I saw that he's fine asleep I went downstairs. Naabutan ko roon ang lalaki na nakahandusay sa malamig na kalsada. Nang makita ko ito sa malapitan ay balbas sarado ito at mukhang napabayaan na ang sarili. Ginising ko ang driver namin upang tulungan ako sa pagbuhat sa lalaki at nang maipasok sa bahay para magamot ko. Tama nga ako at may sugat ito. Nanghiram muna ako ng ilang damit kay Mang Lito para maisuot dito. We took him inside. "Eh, ma'am, hindi niyo po kilala 'yan. Ngayon ko lang din napansin ang lalaking 'yan dito sa atin," ani Mang Lito. "Mamaya ko na aalalahanin ang maaaring gawin sa akin ng lalaking ito, manong. Sa ngayon kailangan niyang magamot." "Ang bait niyo talaga, ma'am baka ikapahamak niyo 'yan." Natahimik ako sa sinabi nito. "Pero alam niyo, ma'am medyo pamilyar ng kaunti ang mukha niya." "Salamat po sa tulong, Mang Lito. Matulog na po kayo, pasensiya na at naabala ko pa ang pagtulog niyo." "Ayos lang 'yon, ma'am. Sige po," aniya at umalis na. Marahan kong ipinahid ang basang tuwalya sa mukha ng lalaki. Nahirapan kami ni Mang Lito sa pagbuhat sa kaniya dahil may kalakihan itong tao at matangkad. Mukhang maliit ang naibigay na damit ng ni Mang Lito sa lalaki dahil bumakat ang katawan nito sa suot. The guy has thick eyebrows so as his eye lashes. Matangos ang ilong nito at ang kaniyang labi ay mapula. At sa tingin ko sa likod ng kaniyang malabong na balbas ay may prominente at matigas itong panga. Nailayo ko ang tuwalya at natigil ang pagpahid ko sa mukha nito nang bigla itong gumalaw. Hindi ako kumurap at nanigas hanggang sa umayos ang paghinga nito. Mabuti nalang at hindi siya nagising. Doon lang ako napabuntong-hininga at napapikit ng mata. Ngunit sa pagtingin kong muli dito ay sinalubong ako ng isang pamilyar na nga mata. Napabalikwas ako at natapon ang tuwalyang hawak. "Mahabaging langit!" Gising na ito! Lalong nanlaki ang mga mata ko at napanganga ng bigla itong magsalita. "Bella..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook