Chapter 18: Guilty
Pristine Madrigal
Hindi na yata nawala ang tingin ko kay Trake na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
"Sigurado ka hija dito ka na lang namin ibababa ng kasama mo?" iyong si kuya na tumulong sa amin.
Kung hindi dahil sa kanila baka may mas malala pang nangyari.
"Opo kuya, maraming salamat sa pagtulong sa amin,"
Sa sobrang pagpapanik ko sa bahay namin ako nagpahatid. Sa ospital sana kami dederetso pero si Trake ayaw pumayag. Siya na nga iyong bugbog sarado siya pa itong matigas ang ulo.
"Wahh, maglakad ka naman ng ayos! Hindi tayo magkasing laki kaya hindi kita mabibitbit sa bahay namin kung magpapabigat ka!" reklamo ko.
Muntik na akong masubsob sa kalsada dahil sa pasuray-suray na lakad namin ni Trake. Kaya niya naman maglakad pero OA ako kaya nagpumilit akong alalayan siya. Feel ko naman sanay na sanay na siyang nakikipagsuntukan.
Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag mamaya kina Uncle lalo na kapag nakita nila na kasama ko si Trake at may mga pasa pa sa mukha. Baka kung ano-anong mga bagay na naman ang pumasok sa mga utak ng mga iyon. Ang mas malala baka tuluyan na talaga madala itong si Trake sa ospital.
"Huwag kang maingay Trake, iisip pa ako ng dahilan kapag nakita tayo nina Uncle,"
"Eh bakit kasi----"
"Shhhh," at tinakpan ko ng kamay ko ang bibig niya, nagulat pa nga yata siya. Ayon tuloy mas lalo akong napadikit sa kanya.
Mas matangkad sa akin si Trake. Halos hanggang balikat niya lang ako.
Bakit ganoon? Nabugbog na nga't lahat, pawisan at bilad sa araw pero ang bango pa rin? Ganito siguro kapag mayayabang este mayayaman kahit saan pumunta, kahit saan magsusuot o di kaya ay hindi maligo mabango pa rin. Effortless. Napakaunfair talaga ng buhay.
"Baka naman kikidnapin mo ko?"
Kinilabutan ako ng magsalita si Trake sa may tenga ko. Parang may mga nagparty sa sikmura ko. Bakit super lapit niya na sakin? Napalunok ako ng ilang beses, bigla akong nakaramdam ng hiya at pagkaconcious sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Kahit naman mga lalaki ang mga kaibigan ko hindi pa rin ibig sabihin noon na sanay akong napapalapit sa isang lalaki ng ganito kalapit.
"Kapal mo naman, kung ikaw lang din naman hindi bale na!" singhal ko para itago ang pagkailang. Kalma Pristine, inhale exhale...
"Tsaka lumayo ka nga sa akin, alam mo yung space?"
Sumama ang tingin ni Trake, "Ikaw nga ang hila ng hila sakin. Ano papasok pa ba tayo sa bahay niyo o ano? Bahay mo ba ito?"
"Iuwi mo na nga ako," sabi niya pa sa mahinang boses.
"Hindi pwede, gagamutin muna kita bago kita ipasusundo sa mga kaibigan mo. Mas malapit ang bahay namin kumpara sa bahay niyo kaya dito na kita dinala," daig ko pa ang nakikipag-usap sa bata. Mag-sosorry lang naman dapat ako pero hindi ko naman inaasahan na magiging instant nurse ako nitong gangster na ito.
Gusto ko na lang batukan ang sarili ko dahil dito ko pa talaga sa bahay siya dinala. Allergy pa naman sa mga lalaki sina Uncle. Sina Kyle nga hindi basta-basta nakakapasok sa bahay.
Naiinis ako kay Trake pero mas lamang pa din talaga iyong concern ko sa kanya. At mas mapapanatag lang ako kung ako mismo ang makakaalam na ayos lang siya. OA na kung OA, pakialamera na kung pakialamera.
"Saglit lang," ako at dahan dahan na sumilip sa mga bintana. Si Trake ang akward ng posisyon. Nakaupo kasi siya doon sa mga gilid, medyo masikip iyon pero natatakpan kasi ng mga halaman. Matutuwa na ba ako dahil wala ni isang tao! Parang nasa side ko yata ang swerte ngayon.
Sinenyasan ko si Trake na sumunod na sa akin. Kitang kita ko ang pagbuntong hininga niya ng pagkalalim. Alam ko na may mga sinasabi rin siya na hindi ko rinig pero mas masaya ako kasi wala sina Uncle.
Pinaupo ko si Trake sa sofa at wala naman na siyang reklamo pero pansin kong inililibot niya ang tingin sa kabuuan ng bahay namin. Nanliit yung bahay namin nung pumasok siya. Halatang out of place siya rito. Hindi ko siya masisisi, baka nga banyo niya lang itong sala namin.
Mabilis akong pumunta sa banyo para humanap ng first aid kit. Kumuha na rin ako ng isang palangana na may lamang maligamgam na tubig at bimpo na pamunas.
Buong akala ko talaga tatakas si Trake pero naabutan ko siyang mahimbing na natutulog sa sofa, nakaupo habang yung binti niya halos bumangga na sa coffee table namin. Mukha siyang maamong tupa. Kung hindi ko lang alam kung gaano kasama ang ugali niya baka nga maniwala ako.
Parang may mga sariling utak ang mga paa ko. Dahan dahan akong pumunta sa kanya hanggang sa makalapit ako. May kumirot sa puso ko lalo na nung mas napagmasdan ko iyong mga pasa niya sa malapitan. Bakit niya ba ginagawa 'yon? Hindi ako naniniwala na walang dahilan.
Bawat suntok ba na tinatanggap niya may kapalit? May kinalaman ba ito sa pamilya niya? Bakit? Bakit gusto ko siyang maintindihan? Simula nung mas makilala ko siya kahit konti lang naman ang impormasyon na nakuha ko para bang may nagtutulak sa akin na mas kilalanin pa si Trake.
Kahit mapahamak ako.
Para kasi siyang napapalibutan ng sobrang taas na pader. Para siyang nakasuot ng makapal na maskara na hindi basta basta maalis.
I have the urge to touch his face pero pinigilan ko ang sarili ko sa takot na baka magising siya.
"Hmm." si Trake na parang iniinda iyong mga pasa niya. Napangiwi ako. Inumpisahan ko ng ilabas ang mga gamit na kailangan ko para magamot na ang mga pasa niya at konting sugat.
Kumuha ako ng tama lang na bulak at nilagyan iyon ng betadine. Nanginginig ang kamay ko habang inilalapit ko iyon sa mukha niya, para ngang mabibitawan ko iyong bulak. Ito ang unang beses na gagamot ako ibang tao maliban kay Tyler na mahilig din makipagsuntukan.
Dampi-dampi lang 'to.
Pagkadampi ng bulak hinihipan ko, paulit-ulit kong ginagawa 'yon hanggang sa hindi ko na namalayan na gising pala si Trake at nakatingin na sakin. Medyo awkward ang posisyon ko kaya kaagad akong lumayo. Shocks muntik na 'yon. Narinig niya kaya iyong mabilis na t***k ng puso ko?
"G-gising ka na pala," puna ko.
Pinanood ko kung paano niya hawakan ang mga galos niya. Napaaray pa nga siya kasi napadiin yata. Ibinaba ko iyong mga ginamit kong bulak kasi tapos na naman ako.
"Why are you doing this?" bigla na lang niyang tinanong. Hindi ko inaasahan iyon. Bakit nga ba? Gaya ng palagi kong sinasabi sa sarili ko pwede naman na hindi. Pwedeng magbulagbulagan ako at ibalik sa kanya iyong mga masasama na ginagawa niya sa akin.
Ganoon ba akong klaseng tao?
"Ano bang klaseng tanong iyan? Syempre nangangailangan ka ng tulong alangan namang pabayaan kita." Paliwanag ko.
Nag-iwas ng tingin si Trake at ibinaling ang atensyon sa ceiling. Minsan talaga ang hirap niyang basahin. Madalas laging nakakunot ang noo at tahimik ngayon naman bakit parang nahihiya siya? Symepre naisip ko lang naman iyon, baka feel ko lang.
"What's with the sudden concern? Dahil naguilty ka kaya naisip mo biglang tumulong?" balewala nitong sabi.
Maayos naman ang pagkakatanong niya pero iyong mga salita niya iba Ang atake sakin. Itanggi ko man o hindi tama siya. Hindi naman ako pupunta sa kanila kung wala akong agenda. Aksidente ang lahat pero kailangan niya pa bang paulit-ulit na ipamukha sa kin ang nagawa ko?
"Una sa lahat guilty nga ako at gusto kong magsorry. Pero iyong pagtulong ko sayo wala akong hinihinging kahit anong kapalit! Bakit ba palagi mo na lang pinaghihinalaan ang mga ginagawa ko. Sino bang dahilan at ang hirap mong magtiwala?"
Biglang tumayo si Trake pero hindi ako nagpatalo sa kanya at nakipagtagisan din ng tingin.
"Ano sasaktan mo ako? Kagaya ng mga ginagawa mo sa mga kaaway mo? Mas nakakainis ka Trake kasi ang sama-sama ng ugali mo!" hindi ko na napigilan pang ilabas ang sama ng loob ko sa kanya. Pagdating talaga sa taong ito iba't-ibang bersyon ng sarili ko ang lumalabas.
Puno ng tensyon ang aura ni Trake. Para bang mayroon na naman akong nasabi na nakatrigger sa kanya. Wala na akong pakialam. Palagi na lang ba na mag-aadjust ako para sa kanya?
Tao lang din naman ako at may pakiramdam. Nasasaktan at nakakaramdam din ako.
Masama ang tingin niya pero siya ang unang nag-iwas at ilang beses pang nag-mura ng mahina. Ako naman ay pinipigilan na maiyak sa harapan niya.
"Sino iyang lalaking kasama mo Pristine?!"
Shit! Sabay kaming napatingin sa biglang nagsalita.