Chapter 17: Naguguluhan

1521 Words
Chapter 17: Naguguluhan Pristine Madrigal Hindi ako mapakali sa kinaupuan ko. Kahit ang makinig sa lecture ng teacher namin hindi ko na rin magawa. Hindi ko alam kung ilang beses na akong lingon ng lingon sa bandang upuan ni Trake. Ang alam ko lang kinakain ako ng konsensya. Gaya ng inaasahan wala na naman siya sa classroom. Tinupad niya nga yung sinabi niyang papasok siya pero dahil sa ginawa ko kanina mukhang tuluyan na siyang hindi siya papasok ng klase. Naguiguilty ako sa ginawa ko kanina. I should not have asked about his personal life. Dapat itinikom ko na lang ang bibig ko. Pagdating sa mga personal na bagay ganoon palagi ang rekasyon ni Trake. Para bang hirap siyang pag-usapan iyon. Ako ang mas nakakaalam dapat noon dahil kagaya niya, parehas kaming may hindi magandang pinagdaanan. Pansamantala na naman akong nakalimot dahil akala ko close na kami. Akala ko lang pala. "Hoy, Prist kanina ka pa hinga ng hinga ng malalim. May problema ba?" nakuha ni Kyle ang atensyon ko. Mabilis akong umiling kahit na alam ko namang huli na ako. "May iniisip lang ako," sabi ko at kinuha na ang notebook ko na lagayan ng mga notes. Malapit ng matapos ang klase namin sa Chemistry at dahil kapartner ko si Kyle kaya magkatabi kami. Si Kyle naman ang bumuntong hininga. "Do you really think I will buy that reason of yours?" mahinang sabi ni Kyle. Napapikit na lang ako dahil sa pamimilit ni Kyle. "Wala nga kasi, makinig na tayo kay Mam. Mamaya niyan mapagalitan pa tayo," mahinang kong bulong sa banda ni Kyle. Naglelecture pa ang teacher namin at ayaw nito ng maingay sa klase kaya naman bulungan lang ang pwede naming gawin. Sa tagal na nila akong kilalang tatlo, alam na alam na nila kung kailan ako nagsasabi ng totoo o kung nagsisinungaling ako. Maswerte ako dahil si Kyle lang ang nandito dahil kung nandito yung dalawa tiyak na hindi nila ako titigilan. At least si Kyle alam kung kailan titigil. Wala ako halos maintindihan sa mga sinabi. Iyong mga salita dumadaan lang sa isang kong tenga at lalabas sa kabila. Nang hindi na ako makatiis malungkot akong nagbaling ng tingin kay Kyle. Habang itinatago ko kung ano iyong nagawa ko mas lalo lang lumalala ang pagkaguilty ko. Kasalanan ko naman kasi, alam ko yung pakiramdam na naramdaman ni Trake kanina pero hindi ko man lang iyon isinaalang-alang. Ang insensitive ko. "Kyle, sasabihin ko kung anong gumugulo sa isip ko." panimula ko. Sakto naman at lumabas saglit si Mam. "Ano ba kasi 'yon?" may halong pag-aalala na tanong ni Kyle. "May nasabihan kasi ako ng masama kanina at pakiramdam ko ako yung dahilan ng pag-absent niya," pag-amin ko, kahit paano sa ginawa kong pag-amin gumaan ng kaunti ang kalooban ko. Gayunpaman naguiguilty pa rin ako sa ginawa ko kay Trake. "Anong gagawin ko?" Kyle heaved a heavy sigh, hindi ito nagsalita kaagad mukhang tinitimbang ang mga sinabi ko sa kanyang iniisip. Sa mga ganitong pagkakataon si Kyle ang palaging nagbibigay saakin ng kaliwanagan sa mga bagay. Pinaiintindi niya saakin ang mga iyon at kinalaunan ay pinipilit niyang mabigyan ako ng payo sa kung anong gagawin ko. "Then do the right thing, mag-sorry ka sa doon sa tao, It's the most effective way in your problem," he said sincerely. "Paano kung ayaw niyang tanggapin?" tanong ko pa, "Basta ipakita mo sa taong iyon na hindi mo sinasadya. Na sincere ka sa pagsosorry mo, kahit hindi niya tanggapin at least inamin mo at alam mo na nagkamali ka. Naging accountable ka sa nagawa mo. Sino ba kasi iyang nasabihan mo? Si Tyler ba?" "Sira hindi! Pero thank you," Tama nga naman si Kyle. Kailangan kong subukan at ipakita kay Trake kung gaano ko pinagsisisihan iyong nagawa ko. "You two, stop murmuring your disturbing the class!" Nagkatinginan kami ni Kyle sa gulat. Ang bilis niya naman bumalik, ayaw niya talaga ng maingay sa klase niya. * Sa wakas dumating na rin ang kanina ko pa hinihintay. Class dismissed na kaya pwede na umuwi! Lahat ng mga nakakalat kong gamit ay niligpit ko at inilagay sa bag. Hindi ako sumabay kina Kyle at Thomas sa pag-uwi dahil pupunta ako kina Trake. Hihingi ako ng paumanhin sa ginawa at nasabi ko kanina. Pero kung tutuusin si Trake din naman masama ang ugali. Hindi nga siya nagsosorry sa akin. Tapos ako mag eeffort pa para sa kanya? Sabagay hindi kami parehas. Isa pa para din naman sa akin itong gagawin ko. Dapat lang na magsorry ako, wala ng iba pang ibig sabihin! May pangilan-ngilan pa akong nakasabay na mga juniors at naghuhuntahan sila gaya ng normal na ginagawa ng mga teenagers. Kapag nakakakita ako ng mga ganito naisip ko na paano kaya kung kagaya nila ako? Walang responsibilidad, may kumpletong pamilya na magbibigay ng kasiyahan at motibasyon sa buhay. Nakakainggit pero ganoon talaga. May mga bagay na hindi ko kontrolado. Naglalakad na ako sa may gate makasalubong ko ang 7TD. Masaya ang mga iyon na naghuhuntahan at nagaasaran sa kung anumang bagay na normal na nakikita ko kapag magkakasama sila. Kaya lang kulang sila ng isa. Pati mga kaibigan niya hindi niya na nasamahan dahil sa sinabi ko kanina. Mukhang ganoon talaga siya naoffend sa sinabi ko? Alam kaya nina Chase yung ginawa ko kay Trake? Pero parang hindi naman ganun tipo ng tao si Trake na ipagsasabi sa iba ang mga nangyayari sa buhay niya kahit na malapit pa sa kanya ito. Masyado siyang mapaglihim parang si Gino lang. Parehas na parehas silang parang may itinatago. What if hindi niya tanggapin ang sorry ko? Sarhan ako ng pinto kasi galit siya sa ginawa ko at dinibdib niya iyon? Ano ng gagawin ko? Pero sabi naman ni Kyle wala naman masama kung ayaw niya pang tanggapin iyong sorry ko. Sana talaga huwag magkatotoo iyong mga naiisip ko. Masakit sa ego na mapahiya pero handa naman akong lunukin ang pride maitama lang ang mali na nagawa ko. Hindi ako perpekto at nagkakamali rin pero hindi ibig sabihin na hindi ko kayang panindigan ang pagkakamali ko at ang resulta noon. Namana ko siguro sa mga tito ko at kay Papa. Pwede niyang takbuhan ang responsibilidad kay Mama pero hindi niya ginawa. Habang naglalakad may nadaanan na naman akong bakanteng lote. Seryoso napapadalas na yata ang mga ganitong senaryo ko. Nagmadali ako sa paglalakad pero may narinig akong boses. "Wala ka naman pala eh, Akala ko ba malakas ka? Nasan na yung tapang mo?" Anong nangyayari? Bakit parang may naririnig akong umaaray? May nag-aaway ba? "Ano! Hihiga ka na lang diyan? Bakit ba tayo nag-aksaya ng oras dito? Eh wala pala to eh? Husto lang sa yabang! Pweh." Ang yabang naman ng isang iyon. Alam kong hindi na dapat ako lumapit pa para makita kung sino-sino ba ang mga iyon. Wala naman kasi akong mga kakilala dito kaya naman nasisiguro kong hindi ko rin sila masasaway. Isa pa hindi na school to no! Hindi ako superhero. Baka kapag nakialam ako may kalagyan ako. Kaya lang huli na ang lahat, nakasilip na ako at nagulat ako ng makita ko kung sino yung tinatadyakan ng mga lalaking barumbado. Nakahiga siya sa lupa habang nakatagilid at nakahawak sa sikmura. Napahawak ako sa bibig ng makita ko si Trake na nasa ganoong kalagayan. Ano na naman ba ang tumatakbo sa isip ng lokong 'to? Grabe kung ako siguro ang nanay niya baka matagal na akong namatay sa altapresyon! Parang deja vu lang, ang kaibahan nga lang nakikipagsuntukan talaga siya! Nanginginig ang buo kong kalamnan at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lalapit ba ako para pigilan sila o tatawag ako ng tulong? Pero saan naman ako hihingin gayung wala namang masyadong nakatira dito? Kapag umalis pa ako para tawagin ang mga kaibigan niya baka naman mahuli na ako. Hindi ko naman kasi kayang harapin ang mga iyon. Ang kaya ko lang naman ay ang manuntok bukod doon wala na. Hindi naman talaga ako ganun kagaling sa martial arts, sa totoo lang kakasubok ko pa lang non dahil may isang kaibigan si Uncle na marunong at tinuruan ako kahit na papaano. Pang-self defense at pampalipas oras lang ganon tsaka libre naman. Doon nga sa mga kumidnap saakin wala akong nagawa sa kanila pa kaya? Pinakalma ko muna ang sarili ko. Sa mga ganitong pagkakataon iyon ang unang sinasabi ni Kyle na dapat gawin. Huminga ako ng malalim atsaka nag-isip ng solusyon. Pero ang hirap mag-isip! Kada sisipa sila at tumatama iyon sa katawan ni Trake parang ako rin iyong tinatamaan. Naiiyak na ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong may hawak na bat iyong isa. Akmang ihahampas niya iyong kay Trake. Handa na akong takbuhin ang distansya mula sa kanya. Wala ng tumatakbo sa utak ko kundi ang mailigtas siya sa panganid kahit pa kapalit noon ang kaligtasan ko. Parang slow mo ang mga pangyayari pero dininig yata ng langit ang dasal ko. "Hoy! Anong kalokohan na naman ang ginagawa niyo?!" sigaw nung isa. Nang marinig iyon ng mga lalaki kaagad silang nagsitakbuhan habang si Trake ay nakahandusay sa lupa at umuubo. "Trake!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD