Chapter 16
Pristine Madrigal
Nakita ko kaagad si Tyler na kasalukuyang nagpaparada ng motor niya sa parking. Lumapit ako kaagad ilang araw ko na kasing hindi nakikita ang mokong dahil hindi namin masyadong nakakasabay sa pagkain o sa pag-uwi dahil sa pagpapractice. Nakasuot siya ng itim na jacket at uniform ng school gulo-gulo rin ang buhok niya siguro kakagising lang nito.
"Tyler! Sabay na tayo" nilingon ako ni Tyler nung nakita niya ako akala ko iiwan niya ako pero himala at hinintay ako. Wala pang masyadong tao sa parking lot ng school dahil maaga pa nakakagulat na maaga siyang pumasok. Tumakbo ako sa pwesto niya at sabay na kaming naglakad na dalawa."Hoy, Tyler bakit ang aga mo ata ngayong araw? May gagawin ka ba?" tanong ko.
"Bakit masama na bang pumasok ng maaga?"
Kahit kailan talaga palagi niya akong binabara kahit na ang tino tino ng usapan.
"Hindi naman nacurious lang"
Biglang tumigil sa paglalakad si Tyler kaya ganun din ang ginawa ko. "Bakit ka tumigil may problem aba?" tanong ko. "Bakit may sugat ka sa tuhod?" may diin sa pagkakasabi ni Tyler bigla ko namang naalala na malaki nga pala iyon kaya malabong maitago ko.
Hanggang tuhod ang palda namin pero dahil matangkad ako ay hanggang taas lang iyon ng tuhod. Pinilit kong takluban iyon pero kinuha ni Tyler ang kamay kong pinantatakob ko sa sugat.
"Napano yan? Huwag mong sabihing nadapa ka dahil hindi ako maniniwala."
Hindi ko alam kung paano magsasalita dahil wala na akong maisip na dahilan.
"Wala lang ito parang sugat lang eh diba sabi malayo pa sa bituka"
Tinaasan ako ng kilay ni Tyler, ok talo na ako. "Talagang gusto mo pang ipaabot sa bituka huh! Isumbong kita diyan sa mga tito mo eh ng ikulong ka nila sa bahay" pananakot ni Tyler.
"Subukan mo! Gegerahin kita palagi!" nailing na lang si Tyler kahit ako alangan namang pag-awayan pa namin ang sugat na iyon.
Kasalanan lahat ito ni Trake eh dapat siya ang may sugat hindi ako. Speaking of papasok kaya ang pangit na iyon? Tutupad kaya siya sa usapan? Naku kapag nilunon niya yung sinabi niya huhuntingin ko talaga siya sa bahay nila.
Hinatid ako ni Tyler sa classroom sabi ko huwag na kasi naman parang ngayon niya na lang ata ako hinatid simula kasi ng napahiwalay siya saaming apat eh madalang na kaming magkakasama, may mga barkada din kasi siya sa room nila. Hinayaan ko na lang at hindi na ako nakipagtalo pa knowing Tyler masyado ding ma-pride ang taong ito lalo na pagpinupuna siya ayaw niya nun eh.
Sanay na kami.
Pagkapasok ko sa classroom ay nandoon na kaagad si Gino ano pa nga ba at nakaobob na naman ito sa kanyang table. Mukha bang tulugan ang classroom? Kung gusto niyang matulog sana nagdala siyang unan at folding bed para dun siya sa gilid matulog hindi sa mismong oras ng klase. Nakakahawa kaya siya.
Nilagay ko ang bag sa upuan marami na ring tao sa room at ang ingay nila, paano kaya nagagawang matulog ng isang ito sa kabila ng malalakas na boses ng mga kaklase kong akala mo eh nasa palengke?
May quiz kami kaya kinuha ko yung mga notes ko kahapon para mag-review.
Narinig ko ang paggalaw ng upuan sa kabila kong tabi kaya tinignan ko yun si trake lang pala, medyo nabunutan na ako ng tinik sa dibdib dahil tumupad nga siya sa pangako. Akala ko kakailanganin ko pa siyang kaldkarin dito sa school.
"Akala ko hindi ka papasok" sabi ko habang nakatotok pa rin sa binabasa ko.
"Akala ko rin" hayisst kailan kaya sila sasagot ng maayos? Nakakainis na huh napakabastos kausap.
Hindi ko na lang pinatulan dahil syempre ako yung mas may isip siya wala. Pero yung kahapong sinabi ni Chase hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko. Kaya ba ganun siya kalungkot? Kasi wala na ang mama niya? Ibig sabihin madrasta niya ang sinundo niya sa airport. Siguro yun yung dahilan kung bakit hindi siya nagpakita ng ilang araw baka masama ang loob niya.
Pero nasaan naman na kaya ang totoo niyang Mama kung ganun? Eh yung tatay niya kaya? Bakit naman ganun yung nangyari parang dun sa picture ang saya saya nilang tapos may ganun palang eksena sa buhay niya na hindi ko alam. Tiningnan ko si Trake ng palihim, iyon kaya ang dahilan kung bakit ganito ang ugali niya? Mukha naman siyang ok mukha namang hindi ganun kaapektado.
"Goodmorning class" biglang dumating ang teacher namin sa first subject at dahil doon hindi ko na gaanong napagtuunan si Trake dahil naglecture na ang teacher.
"Tara na Pristine kain na tayo" sabi ni Thomas lumapit pa ito saakin.
"Susunod ako" kita ko ang pagkairita sa mukha niya "Wala naman saakin ang canteen kaya umuna na kayo ipagsave mo na lang ako ng upuan"
"Bahala ka"
Hindi pa ako tapos sa activity medyo mahirap kasi at dito pa sa subject na ayaw ko itong activity kaya kahit na ayaw kong gawin wala talaga akong choice lalo na't palaging mababa ang marka ko sa arts. Naglaan pa ako ng ilang minute bago ako lumabas ng classroom may 20 minutes pa naman ako para magrecess kaya lumabas na ako. Bakit kasi hindi ako nakapagbaon ngayong araw edi sana hindi ko na kailangang bumaba pa sa canteen para bumili ng pagkain.
Papunta na ako sa canteen ng makita ko si Trake na naka-upo sa isang bench na parang malalim ang iniisip. Ayokong lumapit pero nag-uumpisa na akong maglakad palapit sa kanya. Hayaan na nga wala naman masama.
Umupo ako sa bench pero malayo naman sa kanya alangang tabihan ko siya ang kapal naman ng mukha kong mag-feeling close samantalang hindi naman kami close. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, ramdam ko na pinasadahan niya ako ng tingin na agad din naman niyang iniiwas.
"Anong ginagawa mo dito" sabi niya
Nag-isip ako ng magandang dahilan yung dahilan na mabenta.
"Nakikiupo pwede naman diba?" sabi ko na lang para pakalmahin ang sistema ko.
Hindi umimik si Trake, pinagmasdan ko ang paligid walang masyadong estudyante dito kaya tahimik kahit papaano.
"Trake pwedeng magtanong? Totoo bang hindi mo totoong Mama yung sinundo mo sa airport?"
Para akong may sinabing kakaiba dahil nagiba ang timpla ni Trake, nag-iba ang hilatsa ng mukha niya ng marinig yung sinabi ko.
Napakurap-kurap ako dahil mukhang hindi nga niya nagustuhan ang sinabi ko. Biglang hinila ni Trake ang braso ko dahilan para mapalpit ako sa kanya ng sobrang lapit. Dahil sa kabang nararamdaman ko ay nag-iwas ako ng tingin.
"Saan mo narinig yan huh?" mariin niyang sabi, nararamdaman ko rin na humihigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"K-kina Chase tinanong ko kahapon nung hinatid nila ako pauwi" wala ng magagawa ang pagsisinungaling atsaka mukha hindi rin naman siya maniniwal sa mga sasabihin ko dahil wala namang ibang nakakaalam nun kundi siya ang mga gangmates niya at ako.
"Hindi naman nila kasalanan ako yung nagpumilit na malaman sorry kong sa tingin mo nanghihimasok na ako sa buhay mo" sabi ko sa mahinang boses. Mali ako hindi ko dapat iyon sinabi dahil wala naman akong karapatan. Sana hindi na lang ako nagtanong mukhang ayaw niyang pag-usapan pero dahil sa kadaldalan ko nasabi ko tuloy.
Nararamdaman kong unti-unti siyang bumibitaw sa pagkakahawak saakin.
"Bakit ka ba nangingialam sa mga bagay na hindi mo dapat pakialaman? You should mind your own business" para akong batang pinagsasabihan dahil sa nagawang kasalanan. Napayuko na lang ako sa hiya dahil tama naman siya hindi dapat ako nakikialam pero kasi hindi ko mapigilan.
"Hindi ko lang kasi maintindihan, dun kasi sa picture ang saya saya niyo. Sorry hindi ko alam"
Tinignan lang ako ni Trake hindi siya umiimik at hindi ko rin mabasa ang tumatakbo sa isip niya.
"Kaya ba ganun ka kalungkot kaya ka ba nagalit nung ginalaw ko yung picture?"
Mukha na akong desperada sa ginagawa ko pero gusto ko talagang malaman ang lahat tungkol sa kanya. Hindi ko alam kng bakit may kung ano saakin ang nagtutulak na mas magtanong pa ng maraming tanong dahil maraming namumuong katanungan sa isip ko.
"Malungkot? Talaga lang huh." Huminga ako ng malalim ganun din siya malapit ng mag-bell.
"Wala na ang Mama ko namatay siya dahil sa sakit kaya nag-asawa ng bago si Papa. Akala niya kailangan ko ng bagong ina pero sarili lang naman niya ang iniisip niya."
Hindi ko inaasahan na magsasalita siya pero nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.
"Bakit mo naman nasabi? Wala naman sigurong magulang ang sarili lang ang iisipin diba?" sabi ko pero sa totoo lang hindi dapat ako nagsasalita ng ganito dahil ni hindi ko naman naranasan na magkaroon ng mga sariling magulang. I don't know how it feels like to be with your family, to bond with them kahit anong alaala wala ako noon.
"Kaya pala sa dami ng babae sa mundo siya yung pinakasalan niya, yung babaeng mas pipiliin niya kesa saamin ng Mama ko. Yung first love niya. Ano ba naman laban ng pangalawa sa nauna? Palagi lang kaming pangalawa sa kanya. Wala kang alam at mas lalong tumigil ka na rin sa pagtatanong siguro naman nasagot ko na ang mga tanong mo? Siguro naman hindi mo na ako guguluhin?"
Hindi ako nakaimik sa mga sinabi ni Trake hanggang sa maiwan akong mag-isa sa benach ay wala pa rin akong masabi kahit na ako na lang ang mag-isa at nag-bell na. Anong ginawa ko?