Chapter 15
Pristine Madrigal
Hindi na ako nagprotesta pa nung sinabi yun ni Trake teka bakit nga ba ako magrereklamong pinapauwi niya na ako? I should be happy right now dahil makakauwi na rin ako saamin. Tinignan ko yung sugat ko at medyo napangiwi dahil nasagi ko tinignan ko kasi kung sobrang laki ba at baka magagawan ko ng paraan na hindi makita saamin. Paniguradong kapag nakita nila ito tiyak na sermon nanaman ang aabutin ko sa mga iyon. Wala pa naman akong maisip na valid na palusot kung bakit may malaki akong sugat sa tuhod. Ayoko namang sabihin na nadapa ako ng di sinasadya dahil parang pinagtatakluban ko lang si Trake sa pambubully niya.
Kung pwede lang magsumbong naku!
"Ano ayos ka na? Kaya mo bang maglakad" bumalik si Trake na may dala-dalang juice "Saakin bay an?" tanong ko, baka naman kahit papaano eh nakonsensya siya sa ginawa niya saakin at sa pinakita kong pagiging concern sa kanya. Aba sa panahon ngayon wala ng gagawa ng kabutihang ginawa ko kahit na napilitan lang talaga ako syempre president bait-baitan. Umayos ako ng upo dahil nakasandal ako kanina sa sofa niya ang lambot eh I can't help it.
Umupo si Trake sa katabing couch handa na akong tanggapin yung juice ng bigla niya itong inumin straight isang lagukan. Nabitin sa ere yung uhaw ko. Kitang-kita ko kung paano bumaba at taas ang adams apple niya ewan ko ba pero parang mas lalo ata akong nauhaw at ilang beses pa akong napalunok.
Pagkatapos uminom ni Trake ay ibinaba niya kaagad ito sa lamesa.
"Hindi, di ba aalis ka na? Di ba wala namang nagjujuice na paalis na?" he said na para bang nakikipag-usap siya sa sinto sinto at pilit ipinaiintindi ang isang simpleng bagay.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at baka dito ako mamatay ng maaga. Hindi ko alam kung 5 years old ba itong kausap ko o sampung taon pero mas maayos pa ata silang kausap kaysa sa taong ito o mas mabuti pang kausapin na lang ang pader atleast hindi ka pa mapapahiya.
Bago ko buksan yung pinto ay lumingon muna ako sa kanya. Tinaasan ako ng kilay ng loko dahil sa ginawa ko.
"Thank you huh?!"
Hindi na talaga ako babalik dito kahit na kailan. Paglingon ko sa pinto ay siya namang biglaang pagbukas nito I closed my eyes intently waiting for my end. Hindi na talaga ako babalik dito, mukhang madadalwahan ako. Hindi ko na ito maitatago pa saamin.
Matitikman ko nanaman ang ilang oras na sermon ng mga uncle ko eh tatlo pa naman sila so definitely I will suffer three times!
"s**t" I heard someone curse at may kung sino ang humawak sa magkabilang braso ko at iniikot ako sa likod para hindi ako ang tamaan ng pinto. Nagulat ako sa nangyari. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil akala ko tatamaan na ako.
"opps sorry hindi namin sinasadya"
"Trake si Lay yun, daldal kasi ng daldal hindi pa marunong kumatok"
"Anong ako? Eh ikaw ang may hawak ng doorknob! Huwag ka ng maghugas ng kamay!!!"
Medyo nakarecover na ako sa pagkakagulat, yung likod ni Trake ang tinamaan imbis na ako. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa dalawang gilid ko. Pakiramdam ko kayang-kaya niya akong iangat ng walang kahirap-hirap. Nararamdam ko ang malaki niyang mga palad na nakahawak saakin. Parang tinatambol ang puso ko sa sobrang lapit niya saakin.
"Sa susunod mag-ingat nga kayong dalawa! Ang sakit kaya!"
Hindi pa rin nabitaw si Trake sa pagkakahawak saakin. Kahit na pinagagalitan niya yung dalawa ay mahigpit pa rin ang kapit niya saakin. Gusto kong kumawala pero wala akong lakas sa tingin ko nanlalambot ang buo kong katawan.
"Ayos ka lang?" nagsitaasan ang mga balahibo ko sa batok ng nagsalita siya malapit sa may tenga ko. Ang paos niyang boses ay nakakakilabot na tunay at hindi niya alam ang hatid nun saakin kahit ako hindi ko rin alam kung bakit labis akong naapektuhan ng simpleng paglapit niya saakin.
"O-ok lang ako" ako na mismo ang nagtanggal ng pagkakahawak niya saakin. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil ayoko lang. Nakakainis nakakahiya na nakakaramdam ako ng mga ganitong bagay. Kailangan ko ng umuwi bago pa ako mawalan ng malay dito.
"U-uuwi na ako, s-sige"
Hindi ko sila tinignan sa paglabas ko pero bigla niya akong tinawag "Sandali, ihahatid ka nila"
"Eh ihahatid namin siya?"
"Wala akong naala—ah oo oo hehe let's go"
"Bakit ka namumula?"
"Anong sinasabi mo? Hindi naman ah?" kinapa-kapa ko pa ang mukha para lang mapatunayan na hindi naman talaga ako namumula, hindi naman talaga diba? Sana? Shocks bakit??
Sa tingin ko Chase ang pangalan nung nagtanong saakin, teka parang sila rin yung naghatid saakin dati ah. Parang naulit lang ulit.
"Uy, bakit ka nasa bahay ni Trake? Anung ginawa mo doon?' tanong ni Lay. Akala ko baa yaw nila saakin parang nung dati lang kung nakakamatay lang ang tingin baka matagal na akong pinaglalamayan. Pero ngayon kung makapagtanong parang ilang taon na kaming magkakakilala.
"May ibinigay lang akong paper works sa school" tumango-tango si Lay na parang kumbinsido naman sa naging sagot ko bakit may iba pa bang dapat isagot sa tanong niyang iyon? Imposible namang dalawin ko ang pangit nay un no!
"Talaga? Eh bakit magkayakap kayo? Ganun na ba ang bagong paraan ng pagbibigay ng mga paperworks?" biglang pumreno ang sasakyan kasabay ng muntikan kong pagsobsob sa may unahan mabuti na lang at may seat belts.
"Tumigil ka nga Lay kinikilabutan ako sa mga pinagsasasabi mo! Pag narinig ka ni Trake tiyak na titirisin ka nun"
"A-anong s-sinasabi mo eh diba muntik na akong matamaan ng pinto sa mukha dahil niyo?! P-paano naman magiging yakap yun?" nakakainis nauutal ako, bakit ba napakatsismoso ng Lay na ito?! Nagpatuloy na ulit ang sasakyan sa pag-andar tatawa-tawa lang si Lay na parang hindi natatakot kay Trake.
Ilang minute na kaming bumibyahe at wala ng umimik simula kanina.
Pero kung tutuusin pagkakataon ko na itong magtanong kung bakit wala si Trake sa school ng ilang araw. Hindi naman masamang magtanong diba? Pwede naman nilang hindi sagutin kung ayaw nila.
"Huwag mo ng subukang magtanong dahil hindi namin sasagutin ni Chase ang tanong mo" grabe iimik pa lang ako ni wala pa ngang letrang lumalabas sa bibig ko. Binabawi ko na yung sinasabi kong parang bumait sila although wala naman talaga akong sinabi.
"Anong klaseng tao si Trake?" hindi ko na napigilan kahit na alam ko namang walang sasagot sa kanilang dalawa. "Bakit kayo lumipat sa school? Bakit galit si Gino sa kanya?" sunod sunod kong tanong pero ni isa walang sumagot. Wala rin silang kwentang kausap.
"Ang dami mong tanong no? may gusto ka siguro sa Trake namin"
"Niloloko mob a ako? Porket nagtanong gusto agad? Di ba pwedeng nagbabackground check lang malay ko bang mga criminal pala kayo"
"Yan ang huwag na huwag mong sasabihin Miss, hindi porket nakikipag-usap kami sayo eh pwede ka ng magsalita ng magsalita.
Tandaan mo mga gangster kami"
"Tama" sabi ni Lay na kasalukuyang hawak ang cellphone niya, mukhang may ka-text ata.
Pagkasabi noon ni Chase ay nag-iwas na ako ng tingin. Ano bang masama sa pagtatanong? Para namang masyadong personal ang mga tanong ko, para namang daig pa nila ang mga artista.
"Eh bakit kayo pwedeng magtanong tapos ako bawal? Ang dami niyong tinanong sinagot ko naman lahat hindi ba parang ang unfair naman noon sa side ko?" sabi ko lumapit pa ako sa may likod ng upuan nung dalawa para mas makausap ko sila ng masinsinan.
Nagbago na isip ko, tutal naman nandito na ako eh lulubos lubusin ko na. Ayokong umalis sa sasakyang ito ng walang nalalamang kahit na ano.
"Ang kulit mo noh?! Sabing bawal nga! Paano kapag pinagkalat mo? Sinong mananagot hindi ba't kami kaya shut up na lang ok?
Atsaka hindi pa tayo close kaya hindi mo pa dapat kami kinakausap" ang sungit talaga nitong si Chase. Palaging parang mainit ang ulo kapag makikipag-usap.
"Edi hindi masyadong personal kagaya na lang na bakit hindi pumasok ng ilang araw kahit yun na lang ang sagutin niyo promise pag sinagot niyo iyon titigil na ako." I said hopefully n asana maawa na sila saakin. Hindi talaga ako mapalagay eh baka hindi ako makatulog sa kaiisip.
"Sagutin mo na nga Chase, ang kulit" nakita ko kung paano pandilatan ng mata ni Chase si Lay muntik na akong matawa kasi para siyang si Tyler pero mabuti na lang napigilan ko ang sarili ko.
"Kanina mo pa ako inuutusan" binatukan nito si Lay na hindi man lang natinag sa kinauupuan.
"Sinundo ni Trake yung mama niya sa airport kakauwi lang nung isang araw kaya umabsent siya" walang ganang sagot nito pero hindi ako kumbinsido ano tatlong araw biyahe niya sa airport? Ang tindi naman ng airport na napuntahan nila.
"Sigurado ka? Eh bakit tatlong araw? Ganun ba kalayo yung airport na pinuntahan niya?"
"Ang kulit mo talaga ano? Ayaw niyang umuwi dito ang mama niya"
Natigilan ako sa narinig, ayaw niyang nandito ang mama niya? Bakit? Eh parang kanina lang kita ko kung paano niya tignan yung larawan nung mama niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot tapos ayaw niya itong makita?
"Bakit?" mahina ang pagkakasabi ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Chase. Hindi ko sinabi yung nakita ko kay Trake kanina.
Lumiko ang sasakyan sa may intersection, medyo madilim na sa labas palagay ko'y mag-aalasais nan g gabi dahil may kaunti pang liwanag sa kalangitan. Matagal na hindi nagsalita si Chase miski si Lay ay parang walang pakialam. Siguro masyadong pribado ang parting iyon ng buhay niya pero gusto kong malaman kung bakit.
Huminto ang kotse sa pamilyar na kalsada. Nandito na pala kami.
Tinanggal ko na ang seatbelt ko, tinignan ko pa ang dalawa bago ko buksan ang pinto ng kotse pero bago iyon ay nagsalita si Chase.
"Hindi niya yun totoong mama"
Kasabay noon ay ang pag-alis ng sasakyan nila. Para akong estatwa dahil hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
*Ha