Chapter 14: Sa bahay ni Trake

1456 Words
Chapter 14: Sa bahay ni Trake Pristine Madrigal Hindi ko inaasahan, hindi ko inaasahang makikita ko sa malapitan ang mukha ni Trake Corpuz ang taong pinakaiinisan ko sa hindi malamang dahilan. Ewan ko ba unang kita ko pa lang sa kanya, unang beses ko pa lang narinig ang boses niya parang automatic na kumulo kaagad ang dugo ko sa kanya. Ang gaspang kasi ng ugali niya at bastos pang kausap kaya hindi na ako nagtataka kung bakit unang kita ko pa lang sa kanya, gusto ko na kaagad siyang sungalngalin sa ngala-ngala. Nakakainis, talaga bang may mga taong ganito na nag-eexist sa mundo? Yung parang lahat na ata nasa kanya yung hindi na niya kailangang mag-effort kasi wala namang dapat pag-effortan. Mukha pa lang hindi na nakakapagtakang buong populasyon ng eskwelahan namin ay nababaliw sa kanya. Sabagay hindi naman na kabigla-bigla yun, may itsura naman kasi talaga si Trake. May matangos na ilong na tamang-tama lang sa hugis ng mukha niya, may malalantik na pilik matang daig pa ako, may makinis na balat na parang balat nina Stephi Cheon sa sobrang kinis at puti. Matngkad din, hindi man ganun kalaki yung katawan niya eh may ipagyayabang pa rin naman kahit na papaano. Parang wala naman na atang kalait-lait sa taong to. Ugali niya lang talaga ang pangit sa kanya bukod doon wala na. Nakakainis, dapat hindi ganun eh ang unfair grabe! Malapit ng magdikit ang mga kilay ko sa mga pinag-iisip ko kay Trake ng biglang tumingin ang mokong saakin. "Anung tinitingin-tingin mo huh?" teka wait lang parang alam ko yung mga ganitong eksena ah, ito na ba yung oras na hahalikan nung bidang lalaki yung bidang babae tapos biglang magcocomercial? Ano bang mga pinag-iisip ko? Grabe nakakakilabot papaano ko yung naiisip? Nakakahiya, what if nabasa ni Trake kung anung nilalaman ng utak ko? Ang gaga mo talaga Pristine. Pakiramdam ko namula yung mukha ko dahil sa naisip kong kahihiyan, tumingin ako sa kahit saang direksyon basta huwag lang sa direksyon na magtatagpo ang mga mata namin ni Trake. Nararamdaman kong parang lumalapit yung mukha ni Trake sa may tenga ko at promise nagsitaasan talaga ang mga balahibo ko sa simpleng gesture na ni Trake. Mangyayari ba talaga yung naiisip ko? Ipinikit ko ang mga mata ko hinihintay kung anung mga susunod na mangyayari. "Ang bigat mo" Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng bigla na lang akong bitawan ni Trake sa couch na parang isang sakong bigas lang. "Tss may papikit-pikit pang nalalaman ano ka naiihi?" Nakita ko na lang ang papalayong bulto ni Trake na naglalakad papunta sa kusina ata nila. Tama ba ang mga naririnig ko? Pumikit ba talaga ako? Nag-asume ba talaga ako? NAISIP KO BA TALAGA ANG MGA BAGAY NA YUN? Dali-dali kong kinuha ang trow pillow na nasa couch, idiniin ko yun sa mukha ko at impit na sumigaw. Hindi ko alam kung narinig ba ako ni Trake o anu pero wala akong pakialam, yung ginawa ko isang hindi katanggap tanggap na bagay. Nakita kaya ni Trake yung itsura ko? Anu kayang itsura ko? Sana naman hindi ako mukhang shunga doon. Anu nan g gagawin ko? Nakakapanghina bakit sa harapan pa mismo ng isang Trake Corpuz ko yun nagawa? Nakakapanlumo. "Hay, hayaan na nga! Bahala na tutal makapal naman mukha ko kaya magpapanggap na lang akong walang nangyari" Si Trake lang naman yun atsaka hindi naman niya nakikita na may naiisip akong kakaiba na pwede niyang ipamblackmail saakin. Naku naiisip ko pa lang na malalaman niya kinikilabutan na ako. Iniikot ko ang paningin ko sa buong lugar, grabe gusting-gusto ko talaga ang bahay ni Trake. Ang ganda kasi, ngayon lang ako nakakita ng ganitong bahay nung nakidnap kasi ako at dinala sa bahay nina Trake hindi ko ganun napagmasdan ang bahay niya. Pero ngayong may pagkakataon ako eh lulubuslubusin ko na. Tumayo ako sa couch na pinag-uupuan ako nung tumayo ako medyo naramdaman kong bahgyang kumirot ang sugat ko sa tuhod. Peklat na naman. May bago na namang nadagdag sa mga koleksyon ko. Naagaw ng pansin ko ang isang dingding na puno ng mga litrato, mga litrato ng isang masaya at buong pamilya. Lahat ng mga pictures yung mga tao doon mga nakangiti, kapag nakakakita talaga ako ng mga ganitong litrato parang natutunaw ang puso ko. Hindi naman kasi ako nagkaroon ng ganito. Isa kaya to sa mga hinihiling ko tuwing pasko at birthday ko, yung magkaroon ako ng family picture. Yung pwede kong ipakita sa mga kaklase ko at ipagmalaki na miyembro ako ng isang masaya at kompletong pamilya. Pero wala eh sadyang may mga bagay sa mundo na kahit simple lang hindi pa rin mapasayo. Yung mukha nga ng tatay ko di ko na matandaan dahil matagal ko na siyang kinalimutan kasama ng mga masamang alaala. Kinuha ko yung isa sa mga nakadisplay na picture frame. Picture frame ng isang batang may nakaukit na malawak ng ngiti sa kanyang mga labi- si Trake. Si Trake na may hawak-hawak na laruang baril-barilan at may mga putik sa mukha. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti, mukha kasing batang yagit si Trake dito hahaha. Ang pangit niya dito hahaha joke lang cute niya nga eh, shirtless pfft. "Anong ginagawa mo diyan?" muntik ko ng mabitawan yung hawak kong picture frame dahil sa gulat. Tumingala ako at ayun nga ang mahal na senyorito na nakapamewang habang masamang nakatingin saakin. Binaba ko na yung frame, mahirap na at baka paabangan pa ako ng isang to. Nasa teritoryo niya pa naman ako kaya dapat akong mag-ingat. "Huwag kang mag-alala hindi ko naman nanakawin, ang dami kayang ganyan saamin. Tinitignan ko lang kung since birth ka na talagang panget" bumalik na ako sa kinauupuan ko bago pa ako batuhin ni Trake ng kung anu man, nasa tabi kasi siya ng mga figurines. "ugly? Really? Sayo pa talaga nagmula" Wow himala ng mga himala, hindi ata nagwala ang leon. Kasi by this time inaasahan ko na talagang maeendangered na ako dahil sa ginawa ko. Ano kayang masamang hangin ang nalanghap ni Trake para bumait ng kaunti? Kasi diba sa mga k-drama kapag ginalaw nung babaeng bida yung gamit nung lalaking bida magagalit yung lalaki. "Akina yang tuhod mo, bakit ba kasi ganyan ang uniform niyong mga babae? Masyadong revealing." "Revealing ka diyan? Ano namang kareveal-reveal diyan ha aber?" Kaya pala nawala si Trake, kumuha pala siya ng firstaid kit malapit na akong matouch eh kaya lang bigla niyang binuhusan ng alcohol yung sugat ko. "ARAY, gago ka ba?! BAkit mo ginawa yun? Anong tingin mo saakin isang malaking germs??!!" hindi pwedeng magdoktor ang isang to mamamatay ang pasyente sa sama ng loob. Mabuti na lang mababaw yung sugat, ang sakit ang hapdi. "You need to disinfect your wounds you clumsy. Give me that tss" wow straight English grabe nakakatakot palang magenglish ng dire-diretso itong si Trake. Kinuha ni Trake yung bulak at nilagyan ng betadine. This time dahan-dahan na niyang pinahid yung bulak sa sugat ko. Pinagmamasdan ko ang ginagawa ni Trake, nabigla ako ng may ginawa siyang nakapagpabilis ng t***k ng puso ko. "B-bakit mo ginawa yun?" "Alin?" "Bakit mo hinalikan ang sugat ko?" "May kakilala kasi akong ginagawa to, I just try it I want to know if it is effective" parang wala lang kay Trake yung ginawa niya, pero para saakin big deal yun. May isang tao rin kasing gumagawa nito para saakin. "Ano masakit pa?" tanong ni Trake habang inililigpit ang mga bulak at betadine na ginamit. Ang linis naman ng taong to, parang takot na takot madapuan ng mikrobyo ang bahay. "Hindi na" sabi ko habang inilalagay yung isang band aid. "Nakakatuwa kayong pamilya" sabi ko, hindi ako nagbibiro o kung ano pa man sincere kong sinabi yun dahil totoo namang nakakatuwa ang pamilya niya, kompleto at masaya parang walang problema. Hindi umimik si Trake patuloy lang siya sa ginagawang pagliligpit. "Ang ganda nga nung mga kuha eh kasi lahat natural, yung ngiti yung—" bago ko pa matapos ang dapat kong sabihin ay pinutol na kaagad ako ni Trake. "Masaya? Talaga lang ha." "Bakit hindi ba?" tumingin saakin si Trake, gusto kong tapalan ng tape ang bunganga ko dahil sa kadaldalan nitong taglay. Hindi na sana ako umimik yan tuloy mukhang nagalit ko na naman ata ang leon dito na talaga ako nagtatapos at ang matabil kong bunganga. Nakita kong parang may gustong sabihin si Trake parang may gusto siyang iparating pero hindi niya itinuloy, parang may pumipigil sa kanyang sabihin ang totoong nararamdaman niya parang ayaw niyang malaman ng iba ang totoong siya.Huminga ng malalim si Trake, pagkatapos ay tinalikuran niya na ako pero bago yun ay may sinabi pa siya. "Umuwi ka na sa inyo, huwag kang mag-alala hindi masasayang ang pagpunta mo dito"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD