Chapter 13: Napag-utusan

1807 Words
Chapter 13: Napag-utusan Pristine Madrigal Narinig ko na ang bell na hudyat na mag-uupisa na ang last period namin sa araw na ito. Lahat ng mga kaklase kong halos magdikit na ang mga kilay sa sobrang kunot dahil sa sinosolve na math problem ay napahinga ng malalim, may ibang halos mapatalon sa saya, yung iba naman tahimik na nagdiwang sa pagtatapos ng aming Math subject at syempre kasama na ako sa mga iyon. Sa lahat kasi ng mga subject sa Mathematics talaga ako pinakakulelat. Tinititigan ko pa nga lang ang mga numero sa pisara naduduling na ako paano pa kaya kapag nagsagot na? Itinago ko na ang Math notebook na tuwing Math subject ko lang binubuksan, sa tingin ko kasi ang notebook na ito ay may sumpa. Umayos ako ng upo at sakto naman dahil papasok na ng classroom si Miss Reyez ang aming English teacher. Katamtaman lang ang tangkad ni Ma'am siguro mas matangkad ako sa kanya ng kaunti. Mayroon siyang maputing balat na kapag nasisinagan ng araw ay namumula nakasuot ito ng salamin. Sa unang tingin aakalain mong isa siyang striktong teacher pero sa unang tingin lang yun dahil kapag nakilala mo na siya ay mababago ang tingin mo sa kanya. Ilang taon na ring nagtuturo si Ma'am sa school na ito kaya naman kilala ko na siya. "Good afternoon everyone," she greeted us with her angelic smile that can melt anybody's heart. Sinuklian namin iyon ng pagbati rin, marami sa mga kaklase ko ang titig na titig kay Ma'am lalo na ang mga lalaki ewan ko lang sa katabi kong sa labas nakatingin. Naisip ko tuloy ano kaya ang makakakuha ng atensyon ng isang to. Para kasing ang daming iniisip palagi dahil simula kaninang umaga ay sa labas lang siya nakatingin. "Ok, you may all take your seats so what chapter did we stop yesterday?" Miss Reyez scanned her book na siyang amin ring ginawa. Itinuloy namin ang discussion kahapon na hindi namin natapos. May mga naganap na tanungan at masasabi kong lahat ng mga kaklase ko ay nagparticipate lalo na ang mga lalaki na hindi maipagkakailang may paghanga kay Ma'am Reyez. Sa haba ng discussion namin ay hindi ko na napansin ang oras, bell na pala. Hindi man lang ako naexcite? Parang wala lang saakin na bell na samantalang ito yung pinakapaborito kong part ng klase; ang labasan. Sinapian siguro ako ng masamang espirirtu kaya ako nagkakaganito. Tahimik kong iniligpit ang mga gamit kong nakakalat sa desk. Naramdaman kong may parang tumutusok sa braso ko kaya tinignan ko yun. "Panis ba yung pagkaing dinala mo kanina? Bakit parang ikaw lang yung naapektuhan?" tinignan ko lang si Gino na ipinahihiwatig na hindi ako natawa o matatawa sa mga pinagsasasabi niya. Hari na nga nga mga hambog hari pa ng kakornihan magsama sila ng kauri niyang may saltik din. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya marahil ay nagtataka sa pagiging matamlay ko ngayong hapon. Miski ako hindi alam kung bakit, basta ang pakiramdam ko para akong magkakasakit. "Malala ka na nga," pailing-iling niyang sinabi sabay tapik niya sa aking balikat ng ilang beses "Umuwi ka kaagad" "Huh" hindi ko napigilang magsalita dahil sa sinabi niya, alam naman natin siguro kung gaano kagaspang ang ugali ni Gino. Sinu kaya saaming dalawa ang nakakain ng panis na pagkain? "Huh? May sinabi ba ako? Huwag ka ngang nag-iimbento. President ka pa naman tss" bago pa ako makapagsalita ay mabilis na naglakad paalis si Gino na parang wala sa sarili, muntik pa nga niyang mabangga yung isa kong kaklase na nabigla ng makita ang nanlilisik na mata ni Gino ng muntik na niya itong mabangga. "Nag-iimbento pala huh" bulong ko sa sarili ko habang ipinagpapatuloy ang pag-aayos sa mga gamit ko n asana ay kanina ko pa naayos kung hindi lang ako inistorbo ni Gino. Pagkatapos kong ayusin ang mga dapat ayusin ay nagtungo na ako sa labasan, kakaunti na ang natitira sa classroom kasama na doon si Ma'am Reyez na may ginagawa pa. Hindi na ako nag-abala pang magpaalam at dumeretso na sa labasan ng bigla akong tawagin ni Ma'am Reyez. "Bakit po ma'am?" lumapit ako sa lamesa ni Ma'am hindi ito umimik para sagutin ang tanong ko bagkos ay nginitian ako nito ng tipid atsaka may kinuha sa kanyang folder na kung anung mga papel na naka-stappler. Tinignan koi yon at nakitang isang copy ng ginawa naming activity kanina. Hindi ko mapigilang hindi mapaisip kung anung gagawin ni Ma'am doon. Baka naman uutusan lang akong magpaxerox? Posible ba iyon eh may Xerox machine naman sa faculty. "Ano pong gagawin?" Iniabot saakin ni Ma'am yung mga papel na agad ko namang kinuha binuklat buklat ko pa yung mga pahina. "May pakiusap sana ako sayo. Hindi ba katabi mo si Trake Corpuz? Gusto ko sanang idaan mo yan sa kanya. Yung batang yun wala pa akong naiigrade dahil palaging natutulog sa klase. Makakaasa ba ako sayo Miss Madrigal?" "Po?" hindi ko matake yung mga sinasabi ni Ma'am, hindi ko mareach.Parang pansamantalang nabarahan ng kung anu ang tenga ko dahil sa sinabi ni Ma'am. Pero tama ba talaga ako ng dinig? Ihahatid ko raw sa bahay nina Trake ang paper works na ito? OMO naiisip ko pa lang na tatapak ako sa lungga ng lalaking yun ay kinikilabutan na ako. Sa sama ba naman ng ugali nun, baka nga ata yung hanging masisinghot ko sa bakuran niya eh ipabalik saakin. "Paano Miss Madrigal maasahan naman siguro kita hindi ba?" "P-po? Seryoso po kayo? I mean hindi ako nagkamali ng rinig?" Kumunot ang noo ni Ma'am sa sinabi ko pero kalaunan ay napalitan na din ng matamis na ngiti. "Sige na Miss Madrigal una na ako" magsasalita pa sana ako para magprotesta kaya lang mabilis na nag-lakad palabas ng classroom si Ma'am. Mga ilang minute akong nakatulala sa may pintuan bago ko tinignan yung mga papel na nasa kamay ko. Hindi ko alam pero nandidilim ang mga mata ko ng dahil sa mga papel, parang gusto ko silang punitin at sunugin pero mabuti na lang at praktisado ako sa pagtitimpi. Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang utos ni Ma'am kahit na sobrang labag iyon sa kaloob-looban ko. "Idadaan ko lang naman eh." pagpapakalma ko sa sarili ko para naman mabawasan ang kairitahang nararamdaman ko ngayon. Kahit na ilang beses na akong nakapunta sa bahay nina Trake di ko pa rin maiwasang hindi mamangha sa laki nito. Gaano kaya kayaman ang mga magulang ni Trake? Atsaka kung iisipin parang kahit di nanaman mag-aral ang isang yun dahil mukhang nanggaling naman siya sa marangyang pamilya. Di na niya poproblemahin pa kung saan kukuha ng panggastos. Eh kung iwan ko na lang kaya itong mga papel dito sa labas? Wala namang sinabi na sa mismong tao koi to ibigay basta ang sinabi lang ni Ma'am ay ibigay. Bakit nag genius ko anu? I'm so brilliant hindi ko tuloy napigilang hindi matawa sa mga iniisip ko. Pumunta ako doon sa may gate tinignan ko kung may mga taong dumadaan sa paligid yung maaring maging witness sa gagawin ko. Mabuti na lang at parang ghost town itong subdivision ng asungot na iyon kaya walang masyadong tao, walang makakapagturo saakin na ako ang may pakana nito. Tumingin ako sa paligid hindi ko naman kasi pwedeng iwan na lang basta yung mga papel dahil liliparin kaya kinuha ko yung isang batong malaki sa may gilid at siyang pinanpabigat ko sa papel. Tinalikuran ko na ang bahay ni Trake ng may ngiting tagumapay. Kaya ko naman palng ibigay sa kanya ang mga iyon ng hindi ko nakikita ang pagmumukha niya eh. "ahhh!!" hindi ko inaasahang may aksidente akong natapakan sa dadaanan ko kaya halos sumobsob ako sa daan. Hindi pala aksidente dahil imposibleng mangyari yun. Tinakid lang naman ako ni Trake Darwin Corpuz na kanina papalang nanonood sa mga pinaggagagawa ko. "Tsk tsk tsk, anung ginagawa mo dito sa pamamahay ko huh? President?" Hindi ko inintindi ang sinasabi ni Trake dahil nakafocus ang atensyon ko sa nasugatan kong tuhod. Bakit hindi ko nakita yun huhuhu!! Shocks ang hapdi sabi na nga ba eh hindi magandang ideya ang pagpunta ko sa lungga ng Trake Corpuz na ito. "Bakit mo ginawa yun huh?" masamang-masamang tingin ang ipinukol ko kay Trake, yung tipong nakakamatay. "Ewan, hindi ko alam ang saya mo kasi" "Eh anu naman kung masaya ako huh? Inaano ba kita? Dapat nga magpasalamat ka't inihatid ko pa talaga sayo ang mga acitivity paper nay an. Di mo ba alam na naglakad lang mula school hanggang sa bahay mo? At hindi mo rin ba alam na kanina pa dapat ako nakauwi sa amin at malilintikan nanaman ako mga uncle ko!!" Tahimik lang si Trake nanakatingin saakin pero may something sa mga tingin niya yung tipong nagpipigil ng tawa!! "Sige pigilan mo pa kapag yan lumabas sa kung saan huh--- aray" bigla na lang tinampal ni Trake ang bibig ko grabe "Ang bastos niyang bunganga mo. Bakit ba ang mga babae daming sinasabi anu bang pakialam ko kung mapagalitan ka sa inyo? Atsaka sinu bang nagsabi na dalhin mo yan dito? Para namang may magbabago kapag nadala mo yan dito. Kasalanan mo yan kaya huwag kang magdadakdak dito na parang naging pabigat ako sayo" Sa mga sinabi ni Trake pakiramdam ko nainsulto ako. Sa totoo lang sa tagal ko ng student president ngayon lang ata may naglakas ng loob na pagsalitaan ako ng ganito. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa daan at hinarap si Trake. "Bakit ganyan ang ugali mo huh?" dinuro-duro ko sa Trake, tinulak-tulak ko siya gamit ang isa kong daliri pero ni hindi man lang siya gumalaw sa pwesto niya. "Alam kong tarantado ka pero di ko inaasahan na sobra na pala. Grabe di ako makapaniwalang nag-aksaya ako ng oras para lang marinig sayo ang mga bagay na yun. Nakakainsulto lang kasi na masabihan ng mga ganoong bagay samantalang nagmamalasakit ka lang naman. Eh anu ngayon kung walang magbabago kapag naiabot ko sayo yung mga papel? Paano kung mauntog ka tapos maisipan mong sagutan? Maraming pwedeng mangyari KUYA" talagang tumiad pa ako para lang magkapantay kami ng mga mata. Gusto kong ipakita kay Trake na kahit na hindi naging maganda ang una naming pagkikita, hindi naman yun dahilan para hindi na ako magpakita ng pagmamalasakit sa kanya. Kaklase ko siya at kasama ito sa mga tungkulin ko. Mga ilang minute rin kaming nagtitigan ni Trake ng maramdaman kong parang nanginginig na ata yung mga binti ko. Nakalimutan ko nga pa lang may sugat ako sa tuhod. Pero hindi ako nagpatalo kaya lang pakiramdam ko bakas nab akas na sa mukha ko ang sakit na nararamdaman ko hindi lang yun dahil pinagpapawisan na rin ako. Parang sumobra naman ata ang fighting spirit ko ngayong araw ah. "Woah. T-teka" Pero sa isang iglap nakita ko na lang ang sarili ko na nasa mga bisig na ni Trake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD