Chapter 12: Share tayo

1550 Words
Chapter 12: Share tayo Pristine Madrigal Pagkatapos ng breaktime dumeretso na kaagad kami sa room kasama ko Kyle at Thomas maliban kay Tyler. Ewan ko ba sa lalaking iyon, minsan na nga lang sumama samin binabatrip pa ako. Parang wala yata akong naaalala na hindi kami nag-away. Hinayaan ko na lang pero hindi pa din kami nagpapansinan. Tama rin naman sina Kyle, halos mga walang kwentang bagay ang mga pinag aawayan namin. Kung sasabay siya samin mamaya kakausapin ko siya ng masinsinan. Medyo nakakabahala na rin na sobrang dalang niya na lang sumabay samin. Si Tyler malihim, kahit kaming malalapit sa kanya konti lang ang nalalaman sa kanya. “Alam niyo ba kung saan pumupunta si Tyler? Atsaka iyong mga kasama niya bukod sa atin,” ako habang naglalakad kaming tatlo. Kumunot ang noo ni Kyle sa bigla kong tinanong samantala si Thomas naman nakikinig lang. “Masyadong masekreto si Tyler. Kahit itanong namin wala siyang sasabihin.” Sumang-ayon pati si Thomas. Ano ba yan nadagdagan na naman ako ng iisipin. Nagsi-upuan na sina Kyle at Thomas sa kani-kanilang mga designated seat pagpasok namin ng classroom. Nag-aalangan akong pumunta sa upuan ko kasi nandoon na si Gino. Hindi naman siya nakatingin sa akin pero naalala ko pa rin kasi yung naging usapan namin nung nakaraan. Spell AWKWARD with caps lock. Nagkunwari lang akong wala akong narinig pero ang hirap magpanggap na parang wala lang, na hindi ako apektado. Umupo na ako sa upuan ko dahil wala namang mangyayari kung tititigan ko lang iyon, as if naman lalapitan ako noon para maka-upo ako. Dahan-dahan kong ibinaba ang gamit ko sa upuan, nakaobob kasi si Gino sa desk niya. Mga ilang minuto ang nakalipas pumasok na ang sunod namin na teacher. Science ang sunod na subject. Tamang-tama dahil kakaain lang namin, mapapalaban na naman ang mga brain cells ko. Narinig kong gumalaw yung upuan ni Gino kaya otomatikong sumunod ang mga mata ko sa kanya. Kasalukuyang itong nag-iinat, gusto ko na lang takpan ang mga dahil ako iyong nahihiya sa ginagawa niya. Grabe wala talagang manners sa katawan. Mabuti na lang talaga at nakatalikod ang teacher namin dahil mapipilitan akong batukan siya. Parehas na parehas talaga sila ni Trake. Siguro magkapatid talaga sila? Sadyang hindi lang talaga sila magkamukha at magkaapelyido. Pwede naman ‘yon hindi ba? Baka galit pala talaga sila sa isa’t-isa kaya ayaw nilang maging konektado. Ngayon naman hindi lang siya nakuntento sa pag-iinat nagawa niya pa na itaas ang mga paa doon sa likod ng classmate namin. Iyong nasa harapan namin magrereklamo na sana pero nang makita kung sino iyon tila umurong ang dila at ipinagsawalang bahala na lang nangyari. "Psstt... Itigil mo nga yang ginagawa mo. Wala ka sa bahay para umupo ng ganyan," mariin pero pabulong kong saway kay Gino. "Are you saying something?" Nakakainis kasi rinig niya naman ang sinabi ko talagang nananadya lang siya! Kung pwede lang bugahan siya ng apoy baka nagawa ko na. Hindi pa nga naguumpisa ang klase inuumpisahan na ako kaagad ni Gino. Pero mas ok na rin na ganito kaysa naman awkward kami. Ayoko na talagang maalala iyong sinabi niya kahapon. Literal na nagtaasan ang mga balahibo ko. Imbis na patulan ay hindi ko na lang pinansin. Itinutok ko lang ang buong atensyon sa klase at least mabebenifit pa ako kaysa naman makipagtalo pa ako sa isang ‘to. Dalawang oras ang lumipas bago nag bell senyales na launch break na. Lahat ng mga kaklase ko ay nagsisilabasan na para pumunta sa cafeteria. Hinanap ko kaagad sina Kyle, hindi kasi ako sasabay sa kanila ngayon. Pinabaunan kasi ako ng sangkatrebang pagkain nina Uncle. Ang payat-payat ko na raw kasi. Nakagawian kong hindi sumabay para hindi na ako mapagastos pa. Gusto kong matawa kasi para namang kaya akong patabain ng ganito karaming pagkain sa loob ng isang araw lang. Isa pa hindi naman ako ganoon kapayat. OA lang talaga silang lahat. "Hindi ka sasabay?!" tanong ni Thomas Umiling ako sabay pakita ng lunch box ko, "Hindi may pagkain ako atsaka dito na ako kakain tinatamad akong bumaba," “Sige wala kang ipapabili?” si Kyle “Wala ok na ako, pakabusog kayong dalawa!” Maya-maya ay umalis na rin yung dalawa, kinuha ko ang lunch box kong punong-puno ng kanin at ulam. Hindi naman nila ako pinatataba gusto nila akong maempatso. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng lunch halos manubig ang lalamunan ko. Paborito ko pa naman, sinigang at may desert pa. May fiestahan ba? Ano kayang nakain nina Uncle para pabaunan ako ng ganito kasarap na mga pagkain? Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya? Malaki rin ang matitipid ko sa araw na ito. Susubo na sana ako ng mapansin ko na naman ang katabi kong nakaob-ob pa rin. Kanina pa siyang ganyan. Iyong teacher kasi namin sa Science hindi masyadong strikto kaya kahit may mga makukulit o kaya naman natutulog nakakalusot. Bakit ba ako nakakaramdam ng pagkakonsensya? Nabitin tuloy sa ere yung hawak kong kutsara na punong-puno ng kanin na may ulam. Muntik na tuloy tumulo laway ko. Nakakawala ng gana. Nakakakonsensya kahit hindi naman dapat. Ang hirap kumain tapos meron kang katabing hindi pa kumakain. Hindi ba niya narinig na nag-bell na? Hindi ba kumakalam ang sikmura niya? Marami naman akong baon kaya ok lang na mag-share. Kung bigla niya na lang akong sungitan sasakalin ko siya, pero biro lang. Kahit medyo nag-aalangan ilang beses kong kinulbit si Gino. Nung una ayaw niya talagang gumalaw pero nung nilakasan ko na muntik na siyang matumba sa upuan niya tinignan niya ako ng masama. Sabi ko nga dapat hindi ko na siya ginising. Ayan napaka-pakialamera mo kasi Pristine. Naniniwala na talaga ako sa kasabihang magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising, pero hindi naman ako nagbiro ah! Asan ang hustisya? Nagmamagandang loob lang naman ako tapos ako pa ang mapapahamak. Bago pa ako mabulyawan ni Gino ay itinaas ko na yung binalutan ko at itinapat sa mukha niya pero hindi ako nakatingin dahil nakapikit ako. "Aalukin lang kita!" Nag-hintay ako at nakiramdam kung anong magiging reaksyon niya pero ilang segundo na ang nakakalipas hindi pa rin ito umiimik. Galit kaya siya? Dapat talaga hindi na ako nagtanong. Natutulog nga kasi yung tao inistorbo ko pa. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata at inihanda ko na rin ang sarili ko. Halos mabitawan ko iyong inaabot ko kay Gino dahil sa itsura. Para siyang nakakita ng multo, nakaawang pa ang kanyang bibig. Hindi ko alam na may iba pa pala akong madidiskubre kay Gino. Bagama’t una pa lang nahusgahan ko na sila dahil sa mga ginagawa nila nakalimutan ko na gaya ko normal din naman silang mga estudyante. Kahit pa mali ang ginagawa nila, wala pa rin akong karapatan na gumawa ng naratibo patungkol sa kanila. Tumikhim ako para maibsan ang pagkailang, "Naisip ko kasing hindi ka pa kumakain kaya aalukin sana kita. Marami naman akong dalang pagkain, iyon ay kung gusto mo lang naman." Mabuti ng unahan ko na siya bago pa ako mapagalitan. Isa pa baka isipin niya na sapilitan ang pagaalok ko. Pwede naman siyang tumanggi. Kumunot ang noo ni Gino at ayon balik na naman siya sa dati. Misteryoso. Weird. "A-are you sure?" nauutal niya pang sabi. Ngayon lang ba may nag-alok sa kanya ng pagkain? Matutuwa na ba ako dahil kinokonsider niya iyong offer ko. "Bakit mukha ba akong nagbibiro? Malamang sure na sure. Hindi ko ibubuwis ang buhay ko kung hindi," "What?!" "Biro lang ikaw naman. Sabi ko kain ka na ubusin mo yang lahat, masarap yan." Kinuha ko yung isa pang lalagyan na may lamang ulam, dun ko nilagay yung akin at ibinigay ko sa kanya yung lunch box ko. Baka kasi hindi niya kainin kung dito ko ilalagay doon, malay ko ba. Mayaman siya at maaaring . Kaya inaasahan ko ng magrereklamo siya. Pero nasa kanya na rin ‘yon, basta ako ginawa ko na yung part ko and it's up to him kung tatanggapin niya ang binigay ko. Tinidor ang ginamit ko sa pagkain imbis na kutsara na binigay ko sa kanya. Wala kasi akong dalang extra dahil ako lang naman ang kakain. Kung bababa pa ako para bumili ng plastic na kutsara baka pabalik ko dito sa room tapos na ang lunch break. Muli kong tinignan si Gino na hindi pa rin ginagalaw ang pagkain na nasa harapan niya. "Kinakain yan hindi tinititigan" Ineexpect kong makakatanggap ako ng mga masasakit na salita at palalait mula sa kanya kasi kanina pa ko pa siya dinadaldal pero wala akong nataggap miski isa. Nakita ko na lang si Gino na kinakain yung ibinigay ko sa kanya. Kakainin rin naman pala. "Thank you for the food" Kahit na mahina ay narinig ko pa rin yung sinabi ni Gino. Tumango lang ako. Habang naglalakad ako palabas ng gate ay may bigla na lang humarang saakin. Matngkad ito kaya hindi ko pa nakikita ag mukha niya. Sa tantiya ko ay hanggang leeg niya lang ako. Isa lang naman ang taong kilala kong kayang gumawa ng ganito. "Bakit ka nakaharang sa lalakaran ko Tyler?" "Gusto ko lang mag-sorry sa ginawa ko kanina" Tiningala ko si Tyler tinignan ko siya ng seryoso "Mapapatawad lang kita kung lalayas ka sa harapan ko ngayon din" "Sure, Why not napakasimple" Baliw talaga ang Tyler na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD