Chapter 11: Absent

1559 Words
Chapter 11: Absent Pristine Madrigal “Pristine, sasama ka sa gala sa Sabado?” “Hindi na kami umaasa na sasama ka Tyler, alam na namin na may iba kang lakad,” “H-hindi no, d-depende sa kung saan tayo pupunta.” “Hoy! Pristine to Earth, saan na nakarating ang utak mo? Sana nandito ka pa kasi kanina pa kami nag-uusap usap dito.” Napapikit ako ng mariin at inihilamos ang mga kamay sa mukha ko. Lutang na lutang talaga ako. “Ano ba ‘yon?” Napakamot ng ulo si Thomas. Siya yata iyong kanina pa kumakausap sakin. Wala na talaga akong energy para sa araw na ito naubos na. Gusto ko na lang yakapin ulit ang higaan ko. Pagakatapos ng klase at ilang gawain namin sa org umuwi na ako. Sapat naman siguro iyong tulog ko pero parang may kulang pa rin kaya heto hindi na naman ok ang Lola niyo. “Gagala tayo sa Sabado, sasama ka? Kami na ang bahala kina Uncle ipagpapaalam ka na namin.” Gagala pala akala ko kung ano na. May energy pa ba ako? Huwebes pa lang naman pero iyong charge ko pang Friday na. Mabuti na lang at wala pang nakakarating sa mga kaibigan ko. Lalo na kay Tyler, siya naman kasi ang pinakamalakas sumagap ng balita palibhasa lahat na yata kakilala. Late akong nakapasok ngayong araw. Kung hindi pa ako ginising ni Uncle Ed tiyak na absent ako ngayon. Thank God dahil normal si Gino ngayon hindi kagaya kahapon na kung ano-ano nag pinagsasasabi. Sakto tumunog ang bell kaya hiwa-hiwalay na ulit kaming apat. Sinenyasan ko sina Kyle na mamaya na lang ulit. Nga lang ilang minuto na ang nakakalipas wala pa rin si Mam Perez na teacher namin sa first subject. Time conscious iyon at hindi basta basta nagpapalate kaya nakakapagtaka. Para sa kanya mahalaga ang bawat oras. Iyon ang nagustuhan ko sa kanya, hindi siya iyong tipo ng teacher na ok lang maaksaya ang oras ng estudyante dahil superior ang tingin sa sarili nila. She respects the time and effort of her students and she tries to make sure that she can meet our expectations. Hindi lang si Mam ang nawawala pati pala ang katabi ko! Pero maiba tayo, parang may mali sa araw na to. Kahit naman basagulero si Trake tingin ko naman grade conscious siya at hindi nagpapabaya sa pag-aaral bagay na nakakagulat talaga. Absent siya? Teka kahapon din pala! Sobrang lutang lang ako kahapon at busy kaya hindi ko siya napansin. Kinulbit ko si Gino. Tatlo na nga lang kami sa last row umabsent pa yung isa. Napairap ako sa ere dahil kitang kita ko na gumagamit siya ng cellphone samantalang ipinagbabawal ‘yon. Mahirap bang sumunod ng rules? "Bakit?" tamad niyang sagot pero hindi naman nakatingin sakin. Ni hindi man lang natakot at parang mas sinasadya niya pa na makita ko ang ginagawa niya. "Bawal gumamit ng cellphone sa klase! Akin na ‘yan.” “What the? Wala pa naman si Mam bakit nangunguha ka ng phone?” “Nasaan nga pala si Trake? Hindi ko yata nakikita." Patay malisya ako habang inilalagay sa bag ko iyong phone niya. Biglang nag-iba yung mood ni Gino, kung kanina medyo kalma lang siya at mukhang harmless ngayon naman parang may nasabi akong nagpasama sa timpla niya. Mas lumala kasi nasakin ang phone niya. “Kuhanin mo sakin mamaya pagkatapos ng klase. Alam mo na nga na bawal ginagawa mo pa. Akala mo hindi ko sasamsamin no?” Nakipagtagisan ako kay Gino ng tingin. Ayan na naman ako, oo alam kong hindi ko sila ganoon kakilala ng lubusan at maaaring patulan nila ako pero si Gino kasi parang hindi naman ganoon. Parang hindi siya iyong tipo na mananakit ng babae. Di ba nga may kinokontak siyang babae, girlfriend niya siguro. "Mukhang ba akong tanungan ng mga nawawalang tao?" halos magsalubong ang mga kilay ni Gino. Infairness ang kapal ng kilay niya at may dimple pala siya? Huwag kang madistract Pristine! "Malay ko ba kung nakasalubong mo or nakita mo kaya ko natanong," "Can you please shut your mouth? Huwag mong hanapin ang wala, wala nga diba. Atsaka iyong phone ko!" Aba’t! Kalma Pristine, huwag magpapadala sa init ng ulo. Inhale exhale. Asan na kaya yung gangster na ‘yon? Hala omg Pristine anong nangyayari sayo? Don’t tell me nagiging concern ka na sa damuho na iyon? Ang dami mong pinagdaanan na never mong naranasan dahil sa kanila! Tama bakit ko pa ba iisipin kung bakit siya absent? Labas na ako roon. May sarili naman siyang utak at alam niya kung anong tama sa mali. Baka masabihan na naman akong pakialamera at sawsawera. * "Sasabay ka ba Pristine? Sabihin mo lang hindi yung pinaghihintay mo kami dito," Nakakainis talaga itong si Tyler hindi ba niya kayang maghintay? Kakabell pa lang naman akala mo isang oras ng naghihintay. Ang yabang yabang niya samantalang ngayon na lang ulit siya makakasabay samin umuwi. Sinamaan ko ng tingin si Tyler. Sa inis ko inihagis ko sa kanya ang bag ko, nakakainis kasi nasalo niya at tinawanan niya pa ako. Normal na talaga samin ni Tyler na palaging magkaaway. Si Tyler ang palaging gumagawa ng paraan para inisin ako kaya ang ending hindi ko siya papansinin ng isang araw. "Ano bang ipinuputok ng butsi mo ha? Kung gusto mong umalis edi umalis ka. Kaya ko naman umuwi mag-isa." “Ang tagal mo kasi! Mamaya sarado na ang school nandito pa rin kami,” hirit niya. Ang saya niya, kuhang kuha niya ang inis ko ngayong araw. "Tumigil nga kayong dalawa! Pare-parehas lang tayong gutom," sabi ni Kyle. Mabuti pa siya kahit na masungit pasensyoso naman di gaya ng isa diyan. Daming satsat, kung ayaw niyang naghihintay pwede naman na umuna. “Hindi ba pwedeng bati kayong dalawa kapag magkakasama tayong apat? Ikaw naman Ty minsan ka na nga lang sumama samin.” Sina Thomas bumili na ng pagkain at naiwan naman ako sa lamesa kasama itong asungot na ito na sa sobrang tulis ng nguso at pwede ng masabitan ng kaldero. Hindi ko siya pinapansin lalo na at naririnig ko na nagdadabog pa siya. Ganon siya kapag gustong kunin ang atensyon ko, gagawa siya ng paraan para mapansin. Malas niya, ‘yon pa naman ang ayaw ko sa lahat. Maingay yung kabilang table na katabi namin kaya hindi ko napigilang hindi lumingon. Ayos lang naman dahil nasa cafeteria naman kami kaso ibang klase iyong ingay nila. Parang tambay lang sa kanto. Pati tuloy yung ibang nakaupo napapatingin sa kanila. Bakit pa nga ba ako magtataka, 7TD lang naman pala iyong mga magugulo. Kapansin pansin na kulang sila ng isa at si Trake nga iyon. Syempre wala akong pakialam kung pumasok siya o hindi. Basta umalis ako sa bahay niya na ok naman siya. Nagawa ko naman na ang part ko. Nakakainis lang kasi kahit iyon ang itatak ko sa utak ko hindi ko pa rin mapigilan na mapaisip. Hay bahala na nga, mas nangingibabaw iyong kyuryosidad ko kesa iyong matinong parte ng utak ko na sinesermunan ako. "Psst." Lumingon yung isa sa kanila. Sa pagkakatanda ko ito yung kasama ni Chase sa sasakyan nung dinala nila ako sa bahay ni Trake. Ito yung mabait na cute na hindi mapagkakamalan na myembro rin pala nila. Parang si Chase lang kaso masungit si siya kumpara rito. "Ako ba yung tinatawag mo? Bakit?" pati sa pakikipag-usap ang malumanay hindi gaya nung mga kasama niya na akala mo may nasabi kang masama. Parang gusto palagi makipagbasag ulo. "Bakit absent si Trake? Kaklase ko kasi siya siguro naman alam mo since palagi kayong magkakasama?" tanong ko, kunwari hindi ako ganoon kacurious parang kaswal lang na pagtatanong. Tuloy lang sa huntahan iyong ibang kasama niya habang siya ay bahagya akong tinaasan ng kilay, what was that for? Wala naman akong ibang intension sa tanong ko ah? Baka naman na misunderstood niya. Or hindi tunog kaswal at mukha akong tsismosa? "Absent siya personal reasons. Bakit mo naman hinahanap?" I was taken a back to what he said and realize something, oo nga naman bakit nga naman hinahanap ko? “Curious lang ako malay ko ba kung may nangyari palang masama sa kanya,” Matagal niya akong tinitigan na parang tinatantya ang mga sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko? Bakit kapag magtatanong ako iwas na iwas sila. Pakiramdam ko tuloy mayroon nga silang itinatago. Huwag na nga lang. Nagsasayang lang ako ng oras. Tumalikod na ako sa banda nila. Samantala si Tyler ayon may kausap na sa ibang table. Tignan mo parang walang kasalanan. Sumimangot ako dahil mukhang hanggang uwian di kami bati ng mokong na ito. "Wala siya sinusundo yung Mama niya sa airport." Pahabol niya kaya napalingon ako kaagad. Nang magtagpo ang mga mata namin nginitian niya ako umabot iyon sa mga mata niya, “Lay nga pala, sorry hindi ako nakapagpakilala.” Nung narinig ko yung tunay na dahilan para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Siguro kasi panatag na ako na walang kinalaman sa nakita ko noong isang araw ang dahilan kaya absent siya. "Ito na ang pagkain." sabi ni Thomas na dahan-dahang inilalapag ang mga pagkaing pinabili namin. "Bati na ba kayo?" tanong naman ni Kyle na nagsasandok na ng kanin, narinig ko yung pabulong bulong ni Tyler. "Spell ASA.” “Hindi.” Sabay pa kaming sumagot na dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD