Chapter 10: Weird day

1778 Words
Chapter 10: Weird day Pristine Madrigal Anong iniiyak-iyak mo Pristine? Hindi deserve ng ungas na ‘yon ang luha mo! Sanay naman akong nasasabihan ng mga masasakit na salita pero bakit pagdating sa kanya mas masakit? Siguro kasi umaasa akong kahit ganoon ang ugali niya may itinatago pa rin siyang kabutihan. Pesteng gangster dapat sa kanya hindi na tinutulungan. Ako na nga itong nag magandang loob ako pa itong masama sa paningin niya. Sana nga hindi ko na lang siya sinundan edi sana hindi ako nasigawan at napahiya sa harapan niya. Mabuti pang kausap ang aso hindi bale ng hindi nagsasalita at least hindi naman kagaya niyang masakit magsalita. Bigla kong naalala iyong tinapay na bigay sakin ni Tyler dahil kumalam bigla ang sikmura ko. “Bwisit nakalimutan ko ‘yung tinapay,” mas lalo lang akong naiyak. Mabuti na lang talaga at natatandaan ko pa iyong mga nadaaan namin kanina. Wala man ako sa huwisyo habang naglalakad, para bang may sariling utak ang mga paa ko. Late na naman ako nakauwi tiyak na mapapagalitan na naman ako nito at dahil na naman ‘yon sa Trake Corpuz na ‘yon. Ilang beses pa ba akong magsisinungaling kina Uncle ng dahil sa kanya? Hayaan na nga last ko na namang pagtulong ‘yon sa kanya dahil I swear hindi na ‘yon masusundan pa last na talaga period. "Psst." Sana ichineer ko na lang yung mga lalaking bubugbog sana sa kanya kanina at least baka sila magpasalamat naman sa akin. Ayan pati tuloy ako naiimpluwensyahan ng kasamaan niya. Nababaliw na talaga ako. Ito ang napapala ng mga lumalapit sa mga weirdong tao kagaya niya, nahahawa na tuloy ako. "Psst." Lumingon ako sa likod ko, sino ba yung panay sitsit? Akala ko guni-guni ko lang. Wala namang tao hala hindi kaya may multo? Imposible hindi pa madilim Pristine huwag kang OA, wala ka sa horror movie. Palubog pa lang naman ang araw pero nakakakaba pa rin dahil wala akong nakikita na mga tao. Huwag naman sana iyong mga lalaki kanina. "Ay anak ng pating!" halos matumba ako nang may bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib. Daig ko pa ang tumakbo sa bilis ng t***k ng puso ko. Kung kanina nagsesenti pa ako ngayon naman para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bumulaga sa harapan ko si Chase. Iyon pa rin naman ang suot niya, tshirt na plain at pants. Teka paano ‘to napunta rito? Ano na naman ang kailangan nila? "May balak ka bang patayin ako?" hawak hawak ko pa rin ang dibdib ko dahil sa gulat. Kakamot kamot ito sa ulo bukod doon parang may kakaiba hindi niya kasi ako matignan ng deretso sa mga mata hindi kagaya kanina. "Ah eh sorry ayaw mo kasing mamansin,” tumawa siya pero pilit iyon at awkward. Namumula ba siya? Bakit nga pala ako magkakapakialam? Alalahanin mo Pristine kung paano ka nila trinato kanina. Inirapan ko lang siya, malamang hindi ko talaga siya mapapansin dahil busy ako sa pagkausap sa sarili ko. Anyway, bakit naman nandito ang isang ito? Pumuti na ba ang uwak? O baka naman namaligno lang ako sa bahay ni Trake. Halos ipagtabuyan na nga ako ng kaibigan niya kanina. "Ano na naman ang kailangan mo? Kung titignan mo ang bag ko para lang patunayan sayo na wala akong kinuha kahit na ano sa bahay ng kaibigan mo sabihin mo lang ng makauwi na ako." saad ko habang naglalakad papalayo. Humabol si Chase sa akin kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad. Kainis. "Sinusundan ka, kung hindi lang naman ako inutusan wala ako rito." napatigil naman ako sa paglakad anung pinagsasasabi nitong nilalang na ‘to? Hindi ko narinig iyong huli niyang mga sinabi dahil sinadya niya talagang pabulong na sabihin. "At bakit naman mukha bang hindi ko kayang umuwing mag-isa?" pinameywangan ko siya pero tumawa lang siya sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa doon? Sa totoo lang hindi naman talaga mukhang basagulero itong si Chase. Mukha siyang normal na estudyante na palaging tahimik lang sa isang sulok. Pero dahil alam ko na ang ugali niya erase na sa utak ko ang magandang image niya kuno. "Hindi naman kita ihahatid ang feeler mo talaga, gusto lang kitang makausap ok? Doon tayo sa 7/11," tinuro niya pa yung 7/11 na nasa kabilang kanto. Malapit na ito sa bahay namin! Huminga ako ng malalim bago tuluyang humarap kay Chase. Sabi ko hindi na ako lalapit sa kanila pero heto ako at kinokonsidera ang alok ni Chase. Nauna si Chase na pumasok sa 7/11. Dere-deretso ang mokong at may binili na kung ano. Ako naman ay umupo sa bakanteng pwesto sa gilid at hinihintay siya. Kapag ginawan niya ako ng masama may makakakita kaya subukan niya lang talaga! "Ano namang pag-uusapan natin?" iyon kaagad ang bungad ko ng matapos siyang bumili ng slurpee at himala dahil nilibre pa ako. May lason kaya ito? Ang tagal niya sa counter eh. Mas nanaig ang pagkauhaw ko kaya ininom ko na lang din kasi nakakapagod din naman maglakad. Enjoy now, regret later. "Hindi natin siya pwedeng lapitan kasi baka mapahamak siya, ang mga kagaya natin hindi dapat basta basta lumalapit sa kung sino-sino dahil baka madamay sila." Kumunot ang noo ko, nagsasaulo ba siya ng script? "Huh? Ano ba yang pinagsasasabi mo?” Napikon yata si Chase kasi sinamaan niya ako ng tingin. Eh sa hindi ko maintindihan kung anong pinagsasasabi niya. "Ang hina mo naman umintindi! Pinapasabi ni Trake. Kaya nasabi ni Trake ang mga ‘yon para hindi ka mapahamak. Hindi siya galit nag-aalala lang ‘yon. Hindi ko na naman siguro kailangan ipaliwanag sayo dahil naranasan mo na." Tapos inisang lagok niya iyong slurpee muntik pa siyang masamid kasi sobrang lamig non. Tama ba ako ng rinig? Si Trake sinabi ‘yon? Pristine maniniwala ka naman agad? Huwag mong kalimutan iyong nangyari kanina! Saway ko sa sarili ko. Ang bilis ko naman mauto kung sa simpleng mga salita lang nakukuha ako. Ni hindi ko nga narinig na nag sorry sila. Ano iyon ayaw makaramdam ng guilt kaya sinabi ‘yon? Kahit hindi niya sure kung tatanggapin ko ba iyong mga sinabi niya na parang peace offering? Bakit hindi siya ang magsabi? Kailangan pang si Chase ang gumawa. “Kung naguguilty siya bakit hindi siya ang magsabi? Huwag mong sabihin na may itinatago kayo?” Wala akong narinig na sagot mula kay Chase. Ang alam ko lang napansin kong apektado siya nang banggitin ko iyon. Ayaw niya bang sagutin dahil totoo ang hinala ko? "Mauna na ako, ingat sa pag-uwi at tama na ang pagiging pakialamera baka makidnap ka na naman ikaw din," napa-ubo ako doon sa huli niyang sinabi, ang sama talaga ng tabas ng dila ng isang to walang pakundangan. Bago pa ako makaangal sa sinabi niya likod niya na lang ang tanaw ko. * Maaga akong pumasok sa school kinabukasan dahil nagising kasi ako ng maaga o sa madaling salita nahirapan akong makatulog. Ewan ko ba pero paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko iyong mga sinabi ni Chase. Sinong magaakala na sasabihin ni Trake iyon? O baka naman imbento lang si Chase dahil alam niyang galit ako sa kaibigan niya? Mabuti na lang talaga at mas nauna akong umuwi kina Uncle. Akala ko makakatikim na naman ako ng sermon. Wala na akong maisip na excuse. Ayaw ko naman ipangsangkalan sina Kyle dahil tiyak na tatanungin sila. Mas lalo akong mapapagalitan at ang mga kaibigan ko naman ang manguusisa sa akin. Gulat na gulat iyong guard namin nung matanaw ako. Nanibago ‘yon kasi bihira lang akong pumasok ng sobrang aga. Puyat ako kaya para akong naglalakad na nakalutang. Hindi ko nga alam paano ko nagawang makarating sa classroom namin. Akala ko ako yung nauna classroom pero naroon si Gino at naka-ubob sa desk niya na katabi ko. Ewan pero parang kinilabutan ako kasi parang may bumabalot na masamang aura sa paligid niya. Ay matagal na pala ‘yon haha hindi na talaga ako nasanay. Nag-aalinlangan ako kung uupo ba ako o hindi kasi baka magising siya. Mahirap na baka ako na naman ang mapagdiskitahan. Sabi nga may mga taong tulog na kapag nagising ng hindi sinasadya masama ang timpla. Umiiwas lang ako sa kapahamakan. Ako na naman ang mag-aadjust sabagay mas mabuti na advance ako mag-isip. Tama na ang mga naranasan ko kahapon. Sa HQ na lang muna ako tatambay. Nasa akin naman ang spare key baka tamaan din ako ng kasipagan. Nga lang bigla siyang nagsalita kaya naudlot ako sa paglabas ng classroom. "Hanggang anong oras mo balak tumayo diyan? Hindi naman ako nangangagat." Medyo paos pa ang boses ni Gino. Gulo-gulo ang buhok at malalim ang mga mata. Para lang akong nakatingin sa salamin dahil parehas kaming puyat. "Gising ka pala akala ko kasi tulog ka." lumapit na ako doon sa upuan ko atsaka inilapag yung bag ko, medyo naiilang ako kasi nag-angat na siya ng tingin at pinapanood ang kilos ko. Ngayon lang ako naconcious sa tanang buhay ko. Prente akong naka-upo at nakaharap sa unahan pero siya nakatitig pa rin sa akin. Gusto ko sana umobob din sa desk ko kaso naiilang ako sa kanya. Bakit ba titig na titig siya sa akin? Kahit sino naman siguro macoconcious kapag tinititigan ng ganito. "Uhmm pwede mo ng ipagpatuloy yung pagtulog mo." Ako na ang unang bumasag ng katahimikan. Matulog ka na nga lang ginugulo mo sistema ko! Isip isip ko. Narinig ko siyang suminghap at mula sa peripheral vision ko hindi na siya sa akin nakatingin. Mabuti naman at marunong siyang makaramdam. "Bakit ang aga mo ata ngayong pumasok?" pambasag ko sa katahimikan. Ang awkward kasi na magkasama kayo sa iisang lugar tapos ang tahimik pa. "Palagi akong maagang pumasok." He said as a matter of fact. Parang napahiya yata ako doon ah. "Sorry hindi ko alam, pero matanong ko nga lang. Asan yung mga gangmates mo? I mean hindi mo ba sila kasamang pumapasok?" magkakaiba kasi sila ng section pero napansin ko na madalang lang magkasama-sama ang Black Jaguars hindi kagaya ng 7TD na palaging groupings, hindi uso sa kanila ang individual. "Palagi naman kaming nagkikita kaya hindi na ‘yon kailangan." Ang boring naman nitong kausap. Isang tanong isang sagot. Ano siya robot? Pero ang galing niyang mang-asar at manira ng araw. Bakit parang ang tahimik niya yata ngayon. "Bakit bigla kang tumahimik?" Nabigla ako nung magsalita siya matagal kasing namayani ang katahimikan sa pagitan namin, "Kasi parang ayaw mo naman akong kausap, huwag kang mag-alala cool tayo no hard feelings." ano ba itong mga pinagsasasabi ko? He whispered something pero dahil sa mahina iyon ay hindi ko narinig. "Hindi. Gusto ko nga na nagtatanong ka" Spell awkward.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD