Chapter 9: Concern?
Pristine Madrigal
"Anong nangyari?" humahangos si Chase habang papalapit sa amin. Inilang hakbang niya lang ang pagitan namin sa kotse niya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito katakot. Wala akong nagawa kundi pagmasdan na lamang siya habang sinisipat ang kalagayan ng kaibigan.
Natatandaan ko siya dahil siya iyong nagmamaneho ng kotse na sinakyan ko papunta sa bahay ni Trake.
Hanggang ngayon litong-lito pa rin ako sa nangyari. Sigurado ako, hindi pa siya nasusuntok nung lalaki bago siya natumba. Bakit siya natumba na lang bigla? Imposible na namamalik mata lang ako.
Lumapit siya kay Trake at may kung anong ginawa bago tumingin sa akin. Ang sama ng tingin niya at imbis na maipagtanggol ko ang sarili ko hindi na ako nabigyan ng pagkakataon dahil sunod-sunod na tanong ang pinaulan niya sa akin.
Kilala ko ang mga tingin na iyon, tila ba sinisisi niya ako.
Bakit ako ang sisisihin niya? Ganoon ba kasama ang tingin niya sa akin?
“Ang sabi ko anong nangyari? At bakit ka narito?” sunod-sunod na tanong ni Chase habang dahan dahan inaalis sa kandungan ko ang ulo ni Trake. Nabalik ako sa reyalidad.
Kung kanina medyo galit siya ngayon naman kahit paano maayos na ang paraan niya ng pagtatanong. Ok Pristine relax. Saka ka na magalit kapag natapos na ito. Basta wala kang ginawang masama! Pagpapakalma ko sa sarili ko.
"W-Wala akong kinalaman diyan, nagkataon lang na napadaan ako at nakita ko siyang napapalibutan ng limang kalalakihan.
Syempre bilang student council president—." Sabay taas pa ng dalawa kong kamay. Tama talaga sina Kyle kapag natataranta ako kung ano-anung lumalabas sa bibig ko.
Huminga ng malalim si Chase at muling ineksamin ang kaibigan. Ni hindi man lang siya nag-abala na pakinggan ang paliwanag ko.
Ano ganoon na lang? Matapos ko silang tawagan para sa kaibigan nila ako pa itong gumawa ng masama?
“Trake, Trake.” Tawag niya sa kaibigan pero wala pa rin itong malay. Ilang beses siyang napamura. Huwag niyang sabihin na malala ang lagay ng kaibigan niya? Nanginginig ang mga kamay ko. Pakiramdam ko ako na ang susunod na mawawalan ng malay. Grabe ka na Pristine, sunod-sunod na gulo na ang pinapasok mo!
"Tama na ang satsat, tulungan mo na lang akong magbuhat dito." utos niya. Wow grabe gets ko naman na urgent ang kalagayan ng kaibigan niya pero hindi naman siguro ganoon kahirap mag thank you?
Mabilis akong tumayos mula sa pagkakasalampak. Medyo nangimay pa ang mga binti ko.
“Paano ba?” medyo nag-aalangan kong tanong. Si Chase iniangat na ang kaibigan.
Sana kasi hindi siya yung nasa speed dial na 1. Sana iba na lang yung mabait sana at marunong magpasalamat kainis ang sungit.
Magkaibigan nga sila. Parehas na parehas sila ng ugali parang copy paste lang.
Kinapkapan ko si Trake kanina para mahanap yung cellphone niya. Mabuti na lang talaga at may dala siyang phone dahil kung wala baka hilahin ko na lang siya. Kaysa naman iwanan ko siya rito mag-isa. Konsensya ko pa kung may mangyari pang mas malala sa kanya. Kaya ko naman isantabi ang sama ng loob ko sa kanya.
Takot na takot ako kanina lalo na habang tumatakbo ang oras at naghihintay kami kay Chase. Natatakot ako na baka balikan kami nung limang lalaki kapag napagtanto nila na wala naman talagang pulis o kung sino man na dapat nilang katakutan ang nakakita sa kanila.
"Talikod.”
Litong akong tumingin sa kay Chase. Sira ba tuktok nito?
"Huh? bakit naman ako tatalikod?"
"Basta, bilis kapag namatay si Trake dito ikaw ang may gawa."
Laglag ang panga ko sa mga sinabi niya.
Wow ha nangonsensya pa, bwisit kung hindi lang talaga tumalad saakin yung pangongonsensya niya aalis na lang talaga ako dito.
Sana kasi hindi ko na lang siya sinundan, ito tuloy ang napala ko.
Nang makatalikod ako walang pilampas na pagkakataon si Chase at iniakbay sa akin si Trake. Halos sumobsob ako dahil doon.
"Wahh! ang bigat!! bakit ako ang magbubuhat?" puno ng pagpapanik ang boses ko. Hindi naman literal ko siyang bubuhatin pero kahit na, ang bigat niya kaya!
"Walang magbubukas ng pinto ng sasakyan, ano hahatiin ko katawan ko ganon? Konting tiis lang." Sabay takbo sa kotse niya at mabilis na binuksan ang backseat. Hindi na lang ako umimik, hindi na nga ako magka-angat ng ulo sa bigat ng haring unggoy na ito, ang tumingin pa kaya sa kampon niya at makipagsagutan? Baka mahimatay na lang ako dito mamaya.
Nakakainis parang baliktad ata, hindi ba dapat ako ang magbubukas ng pinto imbis na siya? Hindi niya ba naisip ‘yon? Wala man lang bahid ng ka-gentleman sa katawan. Ako na lang talaga ang mag-aadjust.
"Woah dahan-dahan naman kapag nagkapasa yang si Trake isusumbong kita." Banas ko siyang tinignan habang nagkalat pa sa mukha ko ang ilang hibla ng mga buhok. Konti na lang bibingo na ‘to sakin.
Sa sobrang inis ko nung kukunin niya sakin si Trake bigla kong binitawan.
"Bakit ka ba umaangal? Sana hindi ka na lang tumulong kung ganyan ka rin naman pala. Muntik mo na isobsob si Trake!" nagpanik naman siya bigla, natawa ako kaya sinamaan niya ako ng tingin.
Aba't pati pagtulong ko sa nangangailangan pinakikialaman niya? Kung siya rin naman din ang tutulungan ko hindi ako mag-aabala pero kasi sinundan ko siya. Bukod sa president ako may konsensya rin naman ako. PERO ANG GUNGGUNG NA ITO AY WALA MAN UTANG NA LOOB at napakademanding pa.
“Hindi ako umaangal. Ang sama kasi ng ugali mo. Kung tutuusin pwede ko naman siyang iwanan dito ng mag-isa pero hindi ko ginawa hindi ba?”
Doon ko nakuha ang atensyon niya. Minsan kasi dapat maintindihan nila na hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan nilang pairalin ang kagaspangan ng ugali nila. Gusto kong ipaintindi sa kanila ang bagay na iyon pero papanawan muna yata ako ng ulirat bago mangyari ang bagay na iyon.
Nag-iwas si Chase ng tingin at pinamulahan ba siya ng pisngi?
“S-sorry, sanay lang talaga akong ganito makipag-usap.” Halos hindi ko marinig ang sinabi niya pero hindi nakalagpas sa tenga ko ang paghingi niya ng sorry. Pansamantala akong nagulat pero hindi ko pinahalata.
"Ano titingin ka lang diyan? gusto mo alalayan pa kita papasok?" balik na naman siya sa dati.
"Bakit naman ako papasok diyan sa sasakyang yan? Uuwi na ako tutal malaki ka na kaya mo na ang sarili mo. Hanggang dito na lang ang maitutulong ko. Thank you ha!" may pakasarcastic yung pagkakasabi ko dun sa thank you bago ko siya inirapan.
Mukha na naman akong nagsuot sa kung saan dahil sa itsura ko.
"Bahala kang makidnap diyan." sabay sara niya nung pintuan sa backseat.
*
Pagkalapag na pagkalapag ko dahil ako lang ang nagbuhat kay Trake, si Chase? Ayon basta na lang ako iniwan. Kung hindi ko lang talaga pasan si Trake baka nasungalngal ko na ang unggoy na ‘yon. May expiration pala ang kabaitan niya.
Anyway, ngayon ko lang naapreciate ang kabuuan ng bahay ni Trake.
Modern style at magarbo yan ang description ko sa Mansion house nina Trake. Hindi pala bahay kundi mansyon. Gaano ba kayaman ang pamilya ng mokong na ‘to? Kaya siguro malakas ang loob nila na gumawa ng gulo kasi kaya nilang lusutan.
Iyan ang hirap sa mga mayayaman. Palibhasa kayang tapatan ng pera lahat kaya walang kinatatakutan.
Unang palapag pa lang pero hindi ko na alam ang uunahin na tignan. Parang pansamantala kong nakalimutan na nakaakbay pa nga pala si Trake sa akin kaya inihiga ko siya sa sofa. Black and white ang theme ng buong mansyon. Pati mga muwebles ganoon din pero napansin kong halos walang laman ang masyon.
Siya lang siguro ang nakatira dito. Ang lungkot naman kung ganoon. Malaki nga ang bahay niya siya lang naman ang tao.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Oh gising ka na pala. Ako lang naman ang naglitas sayo.”
"Bakit ka nasa bahay ko? Paano ka nakapasok?" inismiran ko lang siya, wala man lang thank you? grabe talaga ang to ako na nga yung tumulong ni thank you wala man lang akong natanggap.
"Huwag kang mag-alala hindi ako magnananakaw ok? Wala akong kinuha. Nandito lang ako kasi tinulungan ko si Chase na dalhin ka pauwi dahil nawalan ka bigla ng malay dun sa may abandunadong lote." Paliwanag ko, hindi lang ako sure kung nakinig ba siya o issue niya pa rin na nasa bahay niya ako.
Hindi ko alam kung anung ginawa kong mali o nasabi dahil ang sama nanaman ng tingin niya saakin. Ano na naman ba? Bakit ba palagi nalang akong sinasamaan ng tingin ngayong araw na ‘to?
Sa susunod hindi na ako magdadalawang isip. Aalis at iiwas ako kapag nakita ko sila. Hindi ko deserve na itrato na para bang kasalanan ko lahat ang mga masasamang nangyayari sa buhay nila. This will be the last time. Tama iyon ang dapat kong gawin.
"You’re following me." Deklara niya habang hinihilamos ang mukha. Halata na hindi pa ok si Trake dahil namumutla siya.
Hindi dapat ako natatakot o naguguilty pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Mali ang ginawa ko pero paano kung hindi ko siya sinundan?
"Hindi ah, napadaan lang ako no!" nag-iwas ako ng tingin.
"Ang tigas din ng bungo mo eh ano? Why are you always putting yourself into trouble? Are you crazy or what?" asik niya habang sinasamaan ako ng tingin.
"What if mag thank you ka muna? Paano na lang kung hindi kita nasundan? Ano na lang ang mangyayari sayo? Nakita ko na hindi ka nahimatay dahil tinamaan ka nung lalaki."
Bigla na lang nagbago ang hilatsa ng mukha ni Trake. Para siyang tinakasan ng ulirat sa sinabi ko kaya maging ako ay natigilan.
Bakit ganoon parang takot siya?
Galit siyang nagbaling ng tingin sa akin. "Sa susunod huwag kang nakikialam sa ginagawa ng ibang tao! Atsaka ayoko ring nakikita ang mukha mo. Stay away from us woman!" mariin niyang sabi at ang sama sama na talaga ng tingin niya sakin. Samantalang ako?
Heto at ang peste kong luha gusto ng kumawala.
Kinuyom ko ang mga kamao ko. Hindi ako iiyak at mas lalong hindi sa harapan niya! Para ko na rin pinakita sa kanila na mahina ako. Na kaya nila akong kayan kayanin dahil ano? Lalaki sila at sanay makipag basag ulo?
"Huwag kang mag-alala ito na ang huling beses na magmamagandang loob ako lalo na sa mga kagaya mo na masama ang ugali. Salamat sa paalala mo,”
I don't know if I saw it correctly, na parang nabigla rin siya sa sinabi niya. Na parang gusto niyang bawiin ang sinabi pero napigilan niya lang ang sarili.
Hindi na ako nag abala pa na magpaalam o kung ano pa man. Basta ako umalis kahit hindi ako sigurado kung saan pupunta para makauwi. Nasaktan ako sa sinabi niya. Ano ba naman iyong simpleng thank you o kahit huwag na lang. Iyong ituring na lang nila ako ng may respeto.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate sunod sunod na nagpatakan ang mga luha ko.
Itinatak ko sa utak ko ang mga sinabi ni Trake.
Hinding-hindi na talaga ako tatapak sa lungga niya kahit na anong mangyari at kahit pa matakid siya sa harapan ko, patay malisya ko siyang lalagpasan parang kagaya ng pagtataboy niya sa akin.