Chapter 8

1806 Words
Chapter 8: Weird na gangster Pristine Madrigal Unang araw pa lang ng week pero gusto ko na kaagad umabsent, wala namang problema kay Trake dahil bukod sa tahimik lang siya sa gilid hindi naman niya ako inaano. Si Gino lang talaga, ang halimaw na iyon lang talaga ang feeling kong magpapahirap sa buhay ko. Ngisi niya pa lang nasisira na ang araw ko. Bakit kasi naging katabi ko pa ‘yon? Si Trake pa nga lang pakiramdam ko pinarurusahan na ako tapos nadagdag pa siya. Hindi pa ata nakakalimutan nun yung ginawa ko sa kanya eh kaya mukhang malabong tigilan ako nun. Pero napansin ko lang huh, kung anong kinadaldal ni Gino siya namang ikinatahimik ni Trake. Parang hindi siya yung Trake na kaaway ko kahapon kasi ang daldal nung Trake kahapon. Di kaya ibang tao ang katabi ko? * Hindi ko nga pala kasabay ngayong magrecess ang tatlo dahil may kanya-kanya silang mundo. Sanay naman na ako. Ganoon talaga kapag mga lalaki ang daming pinagkakabusyhan sa buhay. Ako na ang hindi busy at walang ibang kaibigan. Sa Lancaster Academy may malawak na lugar na kung saan pwedeng tumambay ang mga estudyante, hindi ko alam kung anong tawag dito basta may mga puno iyon na napapalibutan ng tables at benches. Dito ako kumakain madalas kapag may ibang ginagawa ang mga kaibigan ko. At dahil wala akong kasama dito ako magrerecess dahil hindi lang presko maganda pa ang view dahil tanaw na tanaw ang malawak na school grounds. Kahit paano nakakapagmuni-muni ako habang nagpapalipas ng oras. "Tss, Why is she not answering her phone?" Kumunot ang noo ko dahil sa di kalayuan ay may narinig akong pamilyar na boses. Sa ilang araw ko ba naman na katabi siya kahit nga yata isang salita lang malalaman kong siya iyon. Ganoon siya kadaldal sa classroom. Lumingon ako sa gilid habang hawak hawak ang sandwich ko. Kakainin ko pa lang sana pero dahil narinig ko siya parang nawalan ako ng gana bigla. Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng lugar eh talagang dito pa niya napili na tumambay, pwede naman na mamaya na lang. "Uy! Anyare sayo?" pag-usisa ko. Sa katabi kong table si Gino ang umuukupa. Kung hindi dahil sa boses niya hindi ko siya makikilala kaagad dahil nakatalikod siya. Mukha nga siyang frustrated dahil kanina pa niya pinipindot yung cellphone niya. Kawawang cellphone tsk tsk. Nga lang hindi niya ako pinansin. Edi huwag as if namang gusto ko rin siyang pansinin no. Pero kasi naman hindi ko maatim na hindi siya pansinin kasi kapansin-pansin yung ginagawa niya. Bukod sa ang lakas ng boses niya may iilan din na naiistorbo niya. "Hoy Gino! Maawa ka naman sa cellphone mo. Wala siyang kasalanan." saway ko, nanlaki ang mga mata ko dahil halos itapon niya ang iphone sa inis. Grabe, siguro barya lang sa kanya ‘yon. Inis siyang lumingon sa banda ko. Galit si Gino at mukhang sakin niya pa yata ipapasa ang pagkainis sa kung sino man ang tinatawagan niya. "Tumahimik ka nga! Hindi mo ba nakikitang busy ako?" Huminga ako ng malalim, pilit na pinakakalma ang sarili. Simula talaga nung nangyari kahapon pakiramdam ko lahat ng mga lalaki sasaktan din ako. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Bakit ko nga ba pinipilit na ayusin ang lahat? Last time I check president ako pero hindi taga pagligtas ng lahat. May mga bagay na hindi ko na dapat pang pakialaman kagay nito. Muntik na nga akong mapahamak dahil sa pakikialam ko. Tumayo ako sa inupuan ko dahil magbebell na rin naman. Isa-isa kong nilagay ang mga pagkain ko sa bag na hindi man lang nabawasan. Mas mabuti pa na mag-umpisa na akong maglakad papuntang classroom. Bago pa man ako umalis tumigil muna ako sa table ni Gino na aburido pa rin ang mukha. Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Kinuha ko lahat ng mga tinapay na baon ko at inilapag sa harapan niya. Siya ang dahilan kaya nawalan ako ng gana kumain at kahit naiinis ako sa kanya mas maiiinis ako kung masasayang iyong pagkain ko. "Kumain ka muna, kanina ka pa diyan. Kung ayaw kang kausapin subukan mo na lang ulit mamaya." Hindi dapat ako nagpakita ng kabaitan sa kanya lalo pa sa ginawa niya sa akin. Parang hindi niya deserve pero hindi ako ganoong klase na tao. I don’t take things personally at isa pa sa kausap niya siya nagagalit. Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon niya o kung tinanggap niya ba iyong mga ibinigay ko. * Sa wakas ilang minuto na lang at dismissal na. Akalain mo nga namang ang bilis lumipas ng oras. Nanibago ako dahil bigla na lang nanahimik si Gino. Akala ko nga isusumbat niya sakin ang pangingialam ko sa kanya. Wala akong narinig ni isang salita mula sa kanya. Para siyang sinapian ng mabuting espiritu at hindi na ako ginambala pa ulit. Tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng classroom mukhang malalim ang iniisip. "Tara na Pristine!" Nakita ko sina Kyle at Thomas na nasa labas na ng classroom hinihintay ako. Sabay-sabay kaming lumalabas ng school pero naghihiwalay din dahil sa ibang daan ang papunta sa bahay namin. Si Kyle at Thomas magkapitbahay naman. Si Tyler? Loner yun saka lang naman yun lalapit sa amin kapag natripan niya. “Parang may iba yata sayo.” puna ni Kyle at mataman pang nakatitig sa akin. Hala, napansin niya ba? Nung umalis naman ako sa bahay siniguro kong hindi mahahalata iyong pasa sa pisngi ko. Nilagyan ko naman iyon ng yelo para umampat ang paga. “A-anong may iba?” “Hindi ka kumain ano? Naririnig ko kumakalam ang sikmura mo!” hirit ni Thomas. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto pero dahil sa ginawa niya hindi na ako pinagmamasdan ni Kyle. Nawala sa akin ang atensyon niya. Life saver ka talaga Thomas! “Busy kasi ako kaya nakalimutan ko,” pagsisinungaling ko. “Oh. Di ka raw kumain? Himala.” Napalingon ako sa kaliwa ko at si Tyler iyon na may hawak na supot na may laman na tinapay? Teka nga pano ‘to napunta dito? “Hindi ako magtthank you sayo!” inis kong sagot. Nakakainis sila porke hindi ako makalaban dahil may itinatago ako. Makakabawi rin ako sa inyo. Ganito talaga si Tyler. Minsan nagugulat na lang ako dahil aakalain mo na wala siyang pakialam. Pero sa totoo lang isa siya sa mga pinakamaaasahan sa mga kaibigan ko. Maliit man sa paningin ng iba pero malaking bagay para sa akin. Minsan nga nadapa ako akala ko iniwan niya na ako pero bumili lang pala siya ng band aid at pinasakay niya ako sa likod niya dahil hindi ako makalakad ng ayos. "Bye. Bukas na lang ulit." Dala-dala ang tinapay na bigay sa kin ni Tyler lumakad na ako papunta sa bahay. Nagulat ako nung biglang sumulpot sa harapan ko si Trake. At tumalon siya galing sa pader ng school? Nasisiraan na ba siya ng ulo? Ang taas noon mabuti hindi siya nabalian. Ano bang gustong palabasin ng lalaking ito? Hindi naman to circus para gawin niya ang ganoong stunt. Maganda na sana ang mood ko pero nasira na naman. Seryoso hobby ba nila na sirain ang mood ko sa araw araw? "Anong pakulo na naman ‘yon? Gustong magpakamatay? Huwag kang mandamay huh, gusto ko lang umuwi.” Eksaheradang kong saad. "Feeling mo naman, atsaka pauwi na rin ako." Inayos niya ang uniporme na parang hindi siya tumalon sa bakod ng school. Ang sungit pa ng pagkakasabi niya. Parang ako pa itong may nagawang masama sa kanya imbis na kabaligtaran. Tinitigan ko lang siyang naglalakad palayo, bakit pakiramdam ko may mangyayaring ewan. Sabagay puro kamalasan ang natatamo kapag nakikita ko ang damuhong ‘yan. Pero paano kung gumawa na naman siya ng kalokohan? Shocks Pristine, di ka pa nadadala? Baka gustong mong masampolan na naman bago ka lumugar. Tapos na ang klase kaya wala ka ng pananagutan sa kanya. Tumalikod ako dahil iyon ang dapat gawin pero putcha na kuryosidad at sense of responsibility ko kuno dahil heto ako at patagong sinusundan si Trake. Ginagaslight ko na lang ang sarili ko na kaya lang naman ako sumusunod dahil gusto ko lang makasigurong uuwi nga ang taong ‘yon dahil may pakiramdam akong hindi. O diba mas nauuna ko pang isipin ang kalagayan niya. Kapag lumilingon siya otomatiko na nagtatago ako sa poste o di kaya ay sa mga pader. Mahirap na baka mahuli ako hindi ko naman talaga intensyong makialam sa buhay niya. Lumiko siya kaya ganoon din ang ginawa ko, nandun ako sa may gilid ng pader at kitang-kita ko ang likod ni Trake. Nakapamulsa ito habang naglalakad. Mukha naman wala siyang gagawin na masama? Bumalik na kaya ako… Kaya lang bakit papunta na naman siya sa isang abandonadong lote na maraming bote-bote, mga recycled materials siguro dito nagbabagsak yung mga nagbebenta ng kalakal. Doon na ako natigilan. Sinasabi ko na nga ba! Hindi niya ba kayang hindi makipag-away kahit isang araw lang? Ikakamatay niya ba ‘yon? Ako itong naiistress sa kanila! Hindi ko alam kung anong nangyari basta bigla na lang may limang lalaking nagsilabasan doon kung saan man sila nanggaling. Sira ba siya? Isa laban sa lima? Nagpapakamatay ba siya? Kailangan ko bang tawagan ang mga gangmates niya? Pero paano kung kaya pala siya pumunta dito ay dahil swapang siya? My god ano bang tumatakbo sa utak ko. Lumapit yung isang lalaki sa kanya, mukhang nag-uusap pero parang nagsisigawan. Malayo ako kaya hindi rinig kung anong pinagtatalunan nila. Ano bang gagawin ko? Tutulong? As if naman kaya kong gawin ‘yon. Baka ako lang ang masapak dun. Baka madagdagan pa itong pasa sa mukha ko. Pinagmamasdan ko si Trake, kahit sinisigawan siya ng kausap nagagawa niya pang ngumisi ng nakakabwisit. Bakit hindi na lang siya umalis? Naghahanap talaga ng sakit ng katawan. At parang natutuwa pa siya sa ginagawa niya. Siya ang nagpunta dito siguro naman kaya niyang labanan ang mga ito kasi hindi siya susugod kung hindi. Umambang susuntok yung lalaki na kasigawan niya. Mas malaki ang katawan nito kumpara kay Trake. Mas matangkad din. Nagulat ako dahil natumba na lang bigla si Trake ang mas nakakapagtaka ay hindi pa naman tumatama yung suntok sa kanya. Hindi naman ako namamalik mata. Nakataas pa lang yung kamay nung lalaki pero bigla na lang siyang natumba. Sa sobrang pagpapanik ko hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, kinuha ko yung pito na hiniram ko kay Tyler para sa P.E at hinipan yun. Mabuti na lang talaga at hindi ko pa naibalik sa kanya. Hindi ko alam kung maniniwala sila sa gagawin ko pero wala na akong ibang naiisip na gawin. Bahala na. Laking gulat ko na gumana ang plano ko. Nagmamadaling umalis ang mga lalaki kaya kinuha ko nag pagkakataon na iyon para malapitan si Trake na nakahandusay sa lupa. Anong gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD