Chapter 7

1074 Words
Chapter 7: Seatmates Pristine Madrigal "Hep hep hep!! Aalis ka na kaagad? Hindi ka man lang ba kakain?" Nasa may pintuan na ako ng bahay at palabas na sana dahil ayokong sumabay sa kanila sa pagkain. Kilala ko sila at sigurado akong hindi nila ako titiglan sa kakatanong ng nangyari kahapon. Huminga ako ng pagkalalim, mukhang wala na akong takas haisst sabi na nga ba't dapat maaga akong nagising. Edi sana nakatakas ako. "Tatakas ka pa huh?" inabutan ako ni Uncle Ed ng kanin habang matalim na nakatingin saakin. Kahit kailan talaga hinding-hindi ako maka-isa sa kanya. Palagi niya na lang akong nahuhuli. "Mag-umpisa ka ng magpaliwanag Pristine, huwag mo ng hintaying ako pa ang magtanong sayo. Alam mo naman siguro na ayaw kong hindi nasasagot ang mga tanong ko?" ilang beses akong napalunok dahil sa pagbabanta ni Uncle Ed. Sa kanilang tatlo siya ang pinaka-terror paano siya kasi ang pinakamatanda. "Kuya huwag mo ngang tinatakot ang bata" mabuti pa si Uncle John kumakampi saakin. "Kasi Uncle may anu, m-may inawat lang akong nag-aaway hindi ko naman akalaing mapupuruhan ako" hindi ko pwedeng sabihing nakidnap ako ayoko na silang dagdagan pa sa mga alalahanin nila sa buhay. White lie naman tong ginagawa koi big sabihin kasinungalingang may mabuting intension. "Talaga lang huh? Kapag nabalitaan kong may nang-aagrabyasayo sa eskwelahan niyo talagang sususgod kami ng mga tito mo doon. Aba hindi dapat inaapi ang isang Madrigal" Halos madurog ko na yung ulam dahil sa mga sinasabi ni Uncle, hindi ko rin mapigilang hindi mapangiwi dahil sa lasog lasog kong pagkain. Kaya hindi ako nagsasabi sa kanila eh kasi alam kong susugod kaagad sila sa school. Anu ako Kinder? Kaya ko naman sarili ko no. Seryoso. * "Anyare diyan sa mukha mo?" Hindi ko alam kung paano ko sasagutin si Kyle sa tanong niya, alangan namang sabihin kong nakidnap lang naman ako at dahil sa kadaldalan kong taglay kaya nasampal ako. Nah huwag na uy ayokong mapahiya sa kanila lalo na kay tyler. Hilig pa naman niyang asarin ako. "Aray ha" si Tyler bigla-bigla na lang iniharap ang mukha ko sa kanya take note sapilitang pinaharap. "Who did this to you?" nakakunot ang noo niya habang hinahawakan ang pasa sa pisngi ko, kailangan talagang lamutakin?? Hinawi ko yung kamay niyang nakahawak sa pisngi ko, ang sakit na eh pisilin ba naman? Sinara ko na yung locker ko atsaka sila hinarap. "Anu ba kayo? Ito lang naman eh! Atsaka malayo pa to sa bituka, ang OOA niyo para kayong sina Uncle" nginisian ko sila, hindi naman kasi malala preo kung maka-react sila akala mo naman naaksidente ako or something "Hindi kami nakikipagbiruan Pristine, seryoso napano ba yan? Ang laki kasi eh"ngayon naman pati si Thomas nakikisali na rin sa kaparanoidan nina Tyler. Hindi ko tuloy mapigilan mapangisi. Nag-aalala nga talaga sila haha. "Tss. Wala yan nadapa lang ako saamin, nagkataon na nauna yung mukha ko kasi inaatok pa ako kaya hindi ko nakita na may nakaharang pala sa sahig" I assure them nagthumbs-up pa ako para mas mapaniwala sila "Ayos nga lang talaga ako, tara na? Mag-uumpisa na ang klase" umuna na ako at hindi na sila inintay, kung hindi ata ako gagawa ng alibi eh baka hindi na kami maka-attend ng klase nito. Ngayon nga pala ang first day of class yung official class na talaga hindi kagaya nung mga nakaraang araw na palaboy-laboy ang mga estudyante. Hindi ko nga alam kung saang section ako naka-asign eh sa sobrang busy hindi ko na nagawang tumingin dun sa bulletin board buti na lang at may mababait akong kaibigan. Si Kyle sinabi niya saakin na magkakaklase kami maliban kay Tyler. Iba trip ng taong yun sa buhay eh, siya kasi ayaw kaming kaklase ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil ayaw niyang may magsasaway sa kanya sa mga kalokohan niya. "Good Morning Class, I'm Mr. Ventura your teacher in Math and also your adviser teacher. Since ngayon na ang umpisa ng totoong klase natin bago tayo mag-umpisa, magseating arrangement muna tayo" Karamihan sa mga bago kong kaklase eh nagsireklamuhan dahil siguro ayaw mapahiwalay sa mga kabarkada nila. Ako? No comment. Kahit saan naman ako ilagay basta ba hindi sa tabi ng basurahan eh ok nay un saken. Ayaw ko rin namang katabi sina Thomas dahil una sa lahat masyadong istrikto si Kyle. Pinipitik niya talaga ako sa tenga kapag nakakaidlip ako sa gitna ng kalse, si Thomas naman huwag alam gawin kundi ipahamak ako. Palagi niya akong dinadaldal kahit hindi ko naman alam yung mga pinagsasasabi niya. "Madrigal, Corpuz, Lee. Kayong tatlo ang magkakatabi sa last row. You may now take your seats" Madrigal daw oh, mabuti na ring sa last row tapat ng pinto para mas mabilis makalabas. Dire-diretso lang ako sa sinabi ni Sir ang nakakapagtaka lang eh nagsitahimik ang mga kaklase ko. Nakita ko pang nag-taas ng kilay si Thomas. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, grabe tsk" Napataas naman ang mga kilay ko nang mapagtanto ang biglang pananahimik ng mga kaklase ko, tama ba ako nakikita? Seryoso?? Diyan talaga ako uupo sa gitna ng dalawang abnormalities na yan? "Dahil ikaw ang President ng student council at ikaw ang nagpapanatili ng peace and order sa buong campus naisip kong itabi sayo ang dalawang yan. Sa pagkakaalam ko marami din silang records sa past school nila, so ikaw na ang bahala Miss Madrigal alam ko namang hindi mo ako bibiguin" Haisst as if namang may magagawa pa ako eh nasagot na ni sir ang tanong na itatanong ko pa lang sana. Naglalakad na ako papunta dun sa upuan ko which is sa GITNA nakacapslock pa yan intense, gitna talaga ng dalawang yun. Feeling ko baka maging bouncer din ako dito. Kamalas-malasan dahil bago pa ako maka-upo ay tinakid ako ni Trake, yung mga nakakita ay nagsitawanan pati si Gino nakangisi na saakin. Bakit pakiramdam ko mabubully ako dito sa likod? Sh*t likod meaning walang makakakita sa mga pwedeng gawing pantitrip ng mga ito saakin? Pinagkakanulo talaga ako ng teacher na to. Siguro may galit to saakin. Nakakahiya pero hindi ko na lang pinansin, ASA namang magpapa-apekto ako sa dalawang abnormal na to. Nakaya ko ngang disiplinahin ang buong School sila pa kayang dalawa lang? "Welcome to hell" si Gino na napakalaki ng ngisi, feeling close din eh hindi naman siya kinakausap pero imik ng imik "Huwag kang mag-alala pabalik-balik na ako dun hindi ko na kailangan ng welcome remarks" ahh bakit ba ako pumapatol dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD