Pristine Madrigal
Nakasakay ako ngayon sa isa sa mga sasakyan ng 7TD, tahimik lang ako dito sa likod at nakatingin sa mga ginagawa nila. Para ngang wala silang pakialam sa presensya ko dito eh, parang hindi ako nag-eexist at nakikinig sa pinag-uusapan nila.
Ngayon ko lang nakita sa mas malapitan ang dalawa sa myembro ng 7TD. Pakiramdam ko magkakasing-edaran lang kami kahit na hindi ko talaga sila nakikita sa school. Sabagay hindi naman kasi ako iyong tipo ng taong nagkakaroon kaagad ng interes. Di ba nga ayaw kong mainvolve sa mga buhay nila kasi naman karamihan sa populasyon sa school eh mga feeling gangster.
Anyway, yung nagdadrive na lalaki ok naman gwapo rin kahit papaano ang tangos rin ng ilong may-fair na balat at medyo messy hair, pabadboy ba. Kelan kaya ito huling bumisita sa mag-gugupit? Kailangan ko na rin bang pasukin ang pag-gugupit ng buhok?
Iyong isa naman na nakaupo sa passenger seat na kanina pa kwento ng kwento, sa naging obserbasyon ko siguro siya iyong pinaka approachable sa kanilang lahat. Ang daldal kasi atsaka ang cute medyo jolly rin at friendly.
"Saan tayo pupunta?" hindi ko na talaga napigilang magsalita kahit na napakarude ng ginawa ko dahil nakisali ako sa usapan nila. Natigil sa paghuntahan ang dalawa at nagkatinginan. Ako naman ay napataas ang kilay, problema ng mga 'to akala mo nakakita ng multo?
"Ehem, Lay sagutin mo baka kung ano pang masabi ko diyan"
Bakit ba ang mga lalaki ngayon ang susungit? Para nagtatanong lang naman eh, pasalamat siya at may kahihiyan akong nararamdaman ngayon kaya hindi ko magawang magtatalak dito. Syempre baka maya-maya niyan sipain na lang nila ako dito palabas. Hindi ko pa naman alam kung nasaan na kami.
Sumilip 'yong Lay sa akin, mukhang nagdadalawang isip kung magsasalita o hindi.
"Sasama ka saamin, huwag kang mag-alala hindi ka naman mapapahamak" kalmado nitong sabi, para bang binibigyan ako ng kapanatagan ng loob na hindi nila ako ipapahamak.
Bakit ganoon? Bakit parang ayaw yata nila saakin? Hindi naman sa gusto kong gustuhin nila ako pero kasi parang may barrier na humahadlang, 'yong bang pinipigilan nilang maging normal sa harap ng iba for example ako. Samantalang kanina lang nung hindi pa ako nakikisali sa usapan nila eh ang care free nila.
"Pero gusto ko ng umuwi," sabi ko, madilim na paniguradong hinahanap na ako saamin hindi pa naman ako nagsabing gagabihin ng uwi, pero kapag naman nakita nila ang itsura ko ngayon eh baka mas malintikan ako nito.
Let me describe myself, mukha lang naman akong baliw sa itsura kong gulo-gulo ang buhok, gusot ang damit at may pasa pa sa kabilang pisngi, ang lakas kasi ng sampal saakin ng damuhong 'yon.
"Huwag ka ngang matigas ang ulo, sumunod ka na lang kung gusto mong iwanan ka namin diyan sa gilid" pananakot nito, bigla naman akong kinabahan dahil baka totohanin nga nila ang panakot sa akin.
Hindi na ako nagprotesta pa, wala naman akong magagawa ayoko namang maglakad pauwi lalo na't madilim na. Wala naman siguro silang gagawing masama saakin.
*
"Ah—aray naman" lumayo kaagad ako, paano ba naman diniinan ba iyong pagdadampi ng yelo sa pisngi kong nagkapasa nga. Bwisit na lalaki, sinabi ng ako na ang gagawa pero nagmamarunong pa! Porke't nasa bahay niya lang akala mo kung sino!! Sungalngalin ko siya diyan eh.
"Ang arte mo, ikaw na ang ginagamot nagrereklamo ka pa! Pasalamat ka nga't tinulungan ka namin eh"
Nag-igting ang panga ko sa sinabi niya, sa totoo lang hindi ko naman hiningi ang tulong nila kaya bakit parang ako pa ang may utang? Eh sa pagkakatanda ko sila ang dahilan kung bakit ako pinagtripan ng lokong 'yon! Di ba dapat ako pa yung nagagalit? Ako iyong biktima!
"Bakit naman ako magpapasalamat?! Eh sa pagkakarinig ko kani-kanina lang kayo iyong dahilan kung bakit ako pinagtripan ng mga damuhong 'yon! Tingan mo nga kung anong nangyari saakin?" tinuro ko yung pisngi ko, gulo-gulong buhok at damit.
Sa peripheral vision ko nakikita kong nagpipigil ng tawa ang ibang myembro ng 7TD, paano ba naman kasi mukha akong batang iniwan ng magulang sa lansangan, kulang na lang umiyak ako sa harapan nila. Ang galing ginawa pa akong entertainment, may araw din kayo saakin kala niyo.
Tumikhim si Trake, binaba niya yung yelo atsaka kinuha yung jacket niyang nakapatong sa sofa niya.
"Ihahatid na kita," 'yon lang ang sinabi niya bago ako talikuran, kabanas ang lalaking iyon. Kanina feeling concern ngayon naman sungit-sungitan? Aba't dinaig pa ako kapag nagkakaroon. Abnormal.
Nakasakay na ako sa sasakyan ni Trake, tinotoo ngang ihahatid ako, akala ko pa naman nagbibiro lang. Tahimik lang kaming dalawa, walang imikan yung ingay lang ay yung mahinang sounds ng radio niya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang iba't-ibang kulay ng mga ilaw.
"Sabihin mo nga, bakit ako kinidnap ng mga 'yon? Ano iyong sinasabi nilang babae daw na kaugnay sa inyo ni Gino?" hindi ko na sana bubuksan pa ang topic na ito, pero kasi ayoko mamatay sa kakaisip kung anong dahilan. Besides, baka ito na ang huling beses na magkukrus ang mga landas namin kaya susulitin ko na.
Hinihintay ko siyang magsalita, pero mukhang wala atang sagutin ang tanong ko kasi naka-focus lang siya sa pagmamaneho. Ang boring naman nitong kausap mabuti pa ang aso sumasagot pssh.
"Hindi mo na kailangang malaman, hindi ko alam na may pagkatsismosa ka pala."
"Kelan pa naging tsismosa ang taong nagtatanong? Pero bakit nga? Paano kung may kumidnap ulit saakin? "
"Feeling mo naman may kikidnap ulit sayo, masyado bang malakas ang pagsampal sayo nung lalaki at pati utak mo eh naapektuhan?" napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ako maka-imik hindi dahil totoo yung sinasabi niya kundi dahil napakatalas ng dila niya!
Magsasalita pa sana ako ng naramdam kong tumigil na ang sasakyan, nandito na pala kami sa bahay namin. Ngayon naman paano ako iisip ng isang mabentang dahilan kung bakit ganito ang itsura ko? Pagkababang-pagkababa ko sa sasakyan ay hindi na ako nagpaalam kay Trake. Bakahal siya sangayon kailangan kong makaisip ng paraan dahil talagang malilintikan ako nito.
Kakatok pa lang ako pero bigla na kaagad bumukas ang pinto at iniluwa noon ang tatlo kong tito na nakapamewang at nakataas ang mga kilay.
"Gabi na ah ano may project kayong ginawa? May assignment? May inasikaso?" gawd lahat ng mga naiisip kong idahilan nasabi na ni Uncle John. Ngumiti ako ng pagkalapad, alam ko na na mapapagalitan ako kaya ito na lang ang naiisip kong paraan.
"At bakit ganyan ang itsura mo? Ganyan na ba ang nauusong style ng mga kabataan ngayon?" si Uncle Ed naman nakataas na ang kilay.
"Pumasok ka na Pristine, sa loob na natin pag-usapan ang lahat," pagsabat ni Uncle Eddie. Mabuti pa si Uncle Eddie bahala ka na batman sayo ko na ipinauubaya ang lahat.
*
Sari-saring sermon ang inabot ko kina Uncle bago ako nakarating dito sa kwarto ko. Hindi ko sinabi sa kanila ang lahat kahit na may karapatan silang malaman ang nangyari saakin. Ayaw ko na kasi silang pagalalahanin pa, ok naman na ako at yun ang mahalaga.
Pagod akong humiga sa kama tinatamad na magbihis, inaalala ko ang mga nangyari kanina.
Grabe isang araw lang ang dami na kaagad nangyari, hindi na ako magtataka kung meron nanaman bukas. Haisst buhay nga naman parang life.
BTW sina Uncle ang nagaalaga saakin simula nung 5 ako, ang Papa ko patay na at ang Mama ko naman iniwanan ako. Siguro kasi sawa na siya? Hindi ko alam basta iniwan niya ako at hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit, bakit. Nakakasawa ba akong mahalin? Ganun bay un?
Pero kahit na broken ang family ko sina Uncle hindi nila pinaramdam saakin yun dahil sila ang nagging nanay at tatay ko at the same time. Kapatid sila ni Papa at wala silang mga asawa sabi nila dahil daw saakin eh mga loko talaga haha.
Sila na lang meron ako ngayon kaya naman ayoko na silang pagalalahanin pa. Masyado pa namang over protective ang yun at strikto pa.
Hindi man ako pinalad na magkaroon ng kompletong pamilya di bale na may tatlong Uncle naman. Atsaka ang pamilya naman kasi hindi lang yun binubuo ng nanay tatay kuya ate at bunso. Ang importante ay mahal niyo ang isa't-isa.