CHAPTER 73 "Cut! Erin anong nangyayari? Nilalamon ka ni Shantel sa eksena ngayon. Dapat mas litaw ang emosyon mo kasi ikaw ang iiwan! Ikaw ang bida dito! Ano ba? Take 4 na tayo ah at ikaw naman ngayon yung laging nawawala? Okey ka lang ba? Kung panoorin mo parang ikaw ang newbie star sa inyong dalawa ni Shantel.” Huminga ng malalim. Tinignan ako ni Direk. “Good job Shantel! You look like a star, you act like superstar, you cry as megastar!" “Thank you direk.” Ngumiti lang ako. Nilingon ko si Erin na halatang galit na galit. Eksena nina Matt at Bradley ang susunod na kinunan. Huling dalawang araw na lang namin sa kanilang teleserye. "Mahal? Alam mo bang sinasabi mo kuya? Ginagamit mo ako para lang saktan si Leigh. Sa tingin mo ba, sa tuwing ginagawa mo iyon ay hindi ko magawang masak

