CHAPTER 85 "Huwag kayong mag-alala Pa, tatapusin ko lang ang sa amin para mas maluwang sa dibdib ko ang magsimulang muli." Mabilis kong pagputol sa sasabihin pa dapat ni Papa Zayn. “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” “Sigurado na ho. Ayaw ko. Tapos na tapos na kami.” Tumango si Papa. Sandali silang nagkatinginan ni Mama saka muling tumingin si Papa sa akin.” “Kaya mo na?” “Sa lahat ng ginawa ho niya sa akin? Kaya ko na ho. Maiba tayo Pa, nakapabook na ba kayo?" "Oo 'nak. Bukas ng umaga ang luwas natin sa Singapore. Pagkatapos ninyong mag-usap, simulan mo ng mag-empake dahil from Singapore or maybe Thailand or Hongkong ay lilipad ka na papuntang Canada as soon as maayos ng Tito Rave and Tita Dame mo ang Visa mo," sagot ni Mama Sheine. "Sige po. Tapusin ko na lang ho muna ang kailan

