CHAPTER 84 "Nasa labas pa rin si Bradley.” “Hayaan niyo siya Pa. Siya ang dahilan ng lahat ng ito.” “Pinaalis ko na nga siya e, minura-mura, ipinagtutulakan ngunit kahit daw ipaaresto natin siya o kaya ipabitbit sa mga guwardiya ay hindi siya diyan aalis hangga't di niya nakukuha ang iyong pagpapatawad. Anong balak mo? Gusto mo tawagan natin ang mga guwardiya para paalisin na siya o mga pulis?" tanong ni Papa Zayn. "Hayaan ho ninyo siya diyan. Kapag nilamig 'yan, ginutom o kaya tinawag ng kalikasan, aalis din 'yan. Akala niya siguro madadaan pa niya ako sa pagpapaawa niya. Wala na po Pa, nagising na po ako sa aking katangahan ko. Tanging galit na lang ang naiiwan sa puso ko para sa kaniya." Buong katatagan kong sinabi iyon. Huminga ng malalim si Mama Sheine. "Sige anak. Kung iyan

