CHAPTER 83 Pumasok ako sa kuwarto ko. Naghubad ako, pinatay ko ang cellphone ko nang makita ang ilang mga missed calls at messages at dumiretso ako sa banyo. Binuksan ko ang shower at umupo ako doon. Kasabay ng aking pagluha ang pagkabasa ng aking katawan. Walang pagsidlan ang sakit na nilikha ni Bradley sa akin. Gusto ko na siyang kalimutan. Sana hindi ko na lang siya ipinaglaban o sana hindi ko na lang siya minahal. Nang magsawa ako ay wala sa sariling pinatay ko ang faucet. Pinunasan ko ang basa at h***d kong katawan na alam kong pinagpipistahan pa rin ngayon ng buong bansa kasama na ng iba pang mga Pilipino sa buong mundo. Hindi ako masamang tao, hindi ako malandi, hindi ako bold star pero alam kong higit pa doon ang pagkukutya nila sa aking pagkatao. Wala akong magawa kundi ang humag

