KATH's P.O.V
uwian na namin ngaun naglalakad ako mag isa sa kalye nauna na si khloe at luke dahil nag away sila kanina
nakakatawa lang dahil para silang aso't pusa kung mag away hehehe
si madison naman maaga umuwi dahil may tutor pa siya mamaya
at si tristan hindi ko na nakita dahil kasama nito ang mga tropa niyang umuwi
nakakalungkot naman ang ganito na ikaw lang mag isa naglalakad sa kalye hindi na kase ako nasabay kay kevin dahil nag gagala pa ito bago umuwi sa bahay
nakarating na ako sa waiting shed napansin ko nalang ang aking suot ay tshirt pa rin ni tristan nahihiya ako kung paano ko ibabalik sa kanya ito
napa buntong hininga akong naupo sa upuan dahil sa mga halo halo kung problema ngaun diko alam kung paano masusolosyonan ng mag isa
ang tagal naman ng mga bus na dumaraan dito ihing ihi na ako jusko sasabog na ang pantog ko!
pero sa hindi inaasahan may humintong sasakyan na taxi sa harapan ko what wag nyo sabihin na mahoholdap ako!
parang awa mo na lord! huwag naman ngayon dahil naiihi na talaga ako hindi na ako makalakad parang sasabog na kase hindi ko na kaya pa
dahan dahan bumaba ang window tint ng taxi at nakita ko ang nakasakay sa loob na iyon
si kenzo....
hulog talaga siya ng langit......
pls kenzo help me! pagmamakaawa ko sa kanya at tumakbo ng mabilis papasok sa loob ng taxi
gusto pa nga sana ako itulak papalabas pero agad naman niyang naintindihan ang problema ko!
sa wakas naka ihi narin ako akala ko dun na ako makakaihi tiyak na mapapahiya naman ako kung mangyare iyon
pero buti nalang talaga dumating si kenzo ayoko man gawin iyon pero kailangan ko gawin alangan tiisin ko ang ihi ko s**t!
nandito pala kami sa condo ni kenzo dito nga ako dinala pa talaga
nilibot ko ang buong paningin sa kanyang condo hindi ko maiwasan na mamangha sa mga nakikita ko dahil napakamaraming disenyo na mamahalin dito sa loob
sa palagay ko siya lang mag isa dito sa condo nga dahil na rin sa sobrang linis nito
infainess ah! malinis si kenzo sa bahay
isa isa ko naman tinignan ang mga picture frame na naka display
natuwa ako sa nakita ko dahil ang bata pa ni kenzo sa kanyang larawan at kasama ang kanyang mga magulang
pero matanong lang? bat hindi kasama ni kenzo dito ang kanyang mga nagulang bat siya lang nag iisa dito? kawawang kenzo! mahinang bulong ko sa sarili ko
pero nagulat nalang ako nang may magsalita mula sa likod ko
buti nalang hindi talaga nalaglag yung picture kundi yari ako
ano sabi mo? kawawa ako? tanong ni kenzo sa akin na naka nuot ang kanyang noo at diretso ang tingin sa aking mga mata
napanganga naman ako sa mga nakita ko dahil naka topless si kenzo sa harapan ko halatang kakatapos lang maligo nito
shemay hindi ko maiwasan mapatingin sa kanyang mala pandesal na six packs abs

holy s**t mare si kenzo nasa harapan ko naka topless lang mygodness mga mata ko nagtataksil
parang nagtutulo mga laway ko sa mga nakikita ko!
may hapunan na ako for dinner chareng lang!
excuse me! talaga ang hot ni kenzo diko na mapigilan ang nararamdaman ko nag iinit ang aking pisnge first time ko makakakita ng ganitong ka yummy sa harapan ko
bumalik nalang ako sa ulirat nang magsalita siya muli
hoy! naririnig mo ba ako? tanong nga pang winawagwagan pa ang kanyang basang buhok mas lalo siya nagiging hot sa ginawa niyang iyon
napipe na ako siguro bat ganun hindi ko magawa sumagot sa kanya
ano kase! wala iyon ano ka ba! dahilan ko sa kanya na nauutal pa magsalita
natutuyo ang lalamunan ko ngaun parang hindi ko na magawa pang magsalita muli sa kanya
kung ganun! bat mo tinitignan yang mga picture ko? sarkastikong tanong nga
hindi ko na kaya pa namumula na talaga mukha ko sa kahihiyan na ito bat ba puro siya tanong dyan
tumalikod ako sa kanya at tinakpan ko naman ang bibig kung malapit na sumigaw dahil kinikilig na ako kanina pa dito
please kenzo! ako nalang jowain mo char lang
pwede ba kenzo? magbihis ka muna hindi maganda na maghubad ka sa harapan ko diniinan ko ang mga bawat salita na binatawan ko sa kanya
ilang oras nalang talaga malalagutan na ako ng hininga
napa ubo siya na parang sadya lang ba at umalis na sa likuran ko
hays nakahinga na ako sa maluwag sa maluwag pa dahil wala na si kenzo na naka topless lang kanina mygod don't tell me sinadya nga talaga yun na ipakita sa akin iyonng abs nga sus assumera ka talaga kath hahahaa tawa ko sa isip ko
tumungo na ako sa sala at naupo dito ko nalang siya hihintayin
wala ata akong mukha na maihaharap sa kanya pagtapos kung makita ang mga iyon
mag pretend nalang siguro ako na hindi ko mga nakita ang mga iyon
NAKAKALOKA..... ka kath
dapat pala hindi na lang ako nagpunta dito
hindi ko naman masisise ang sarili ko na sumama sa kanya eh
nang marinig ko na ang may pababa mula sa hagdan napa ayos naman ako ng upo
jusko please help me lord kunin nyo na ako dito kaysa makasama ko si kenzo
nang maramdaman ko ang presensiya na papalapit na sa akin ay bigla na akong tumayo sa kinauupuan ko at hindi tumitingin sa kanya
hindi ko magawa na tumingin sa kanya dahil pa rin sa mga nakita ko sa kanya kanina
MABABALIW NA AKO..........
ah kenzo mauuna na ako anong oras na rin baka hinahanap na ako sa amin sabay dampot ko sa bag ko
nagmadali naman ako maglakad papalabas ng condong iyon ni kenzo dahil paniguradong susundan ako ni kenzo dito
nang makalabas ako sa condong iyon ay wala naman na kenzo ang sumunod sa akin
nalungkot ako dahil hindi man lang ako pinigilan ni kenzo na umuwi ng ganitong mag isa lalo na't gabi na delikado pa naman umuwi ng ganito dahil marami ang nagkalat na masasama na tao sa kalye
tumingin muna ako sa condo niya at nagbabakasali na makita na nakadungaw siya sa kanyang bintana dun pero wala akong nakitang kenzo na naka dungaw sa bintana
dismayado akong naglakad papaalis sa lugar na iyon
'beep beep'
napa hinto nalang ako sa paglalakad ng tumunog ang aking cellphone at binuksan ito
nakaramdam ako ng saya sa aking puso dahil ang text na iyon ay galing kay kenzo
my god hindi ko magawang magtatalon sa kalsada ngaun dahil sa sobrang kilig
wala akong pake kung may makakita sa akin na ibang tao kahit sabihan pa ako na siraulo nito dahil wala makakapigil sa nararamdaman ko ngaun
napaka sweet ni kenzo
TO :KATH
MAG IINGAT KA SA IYONG PAG UWI MO GUSTO SANA KITA IHATID PA PERO NAGMAMADALI KA NAMAN, KUNG MAY MGA HUMARANG MAN SAYONG TARANTADO DYAN TAWAGAN MO AGAD AKO DAHIL PUPUNTAHAN KITA DYAN BASTA MAG INGAT KA TALAGA GOODNIGHT BUKAS MAGKITA TAYO SA COFFE SHOP BAGO PUMASOK GUSTO KO SABAY TAYO
FROM: KENZO
MAKAKATULOG AKO NG MAHIMBING NGAYONG GABI
masaya akong nakasakay sa bus at muling binasa ang text ni kenzo sa akin hinding hindi ako magsasawa na basahin iyon dahil nararamdaman ko na interesado na sa akin si kenzo kahit konti lang iyon
KINABUKASAN maaga akong nag aayos sa aking sarili ngaun dahil ayoko ma late ang date namin ni kenzo char lang haha
ako na siguro ang pinaka masayang tao ngayong umaga dahil excited ako na muling makita ang itsura ni kenzo
kagabi pa talaga ako naghanda kung ano ba ang mas bagay sa akin na make up at ayos gusto ko sana yung ako lang makikita ni kenzo dun na pinaka maganda at hindi na siya lilingon pa sa ibang mga babae
natawa nalang ako sa mga pag iimagine ko para akong naloloka talaga
napapakanta pa ako habang naglalakad sa kalyeng tahimik malapit lang naman kase ang coffee shop kung saan kami magkikita ni kenzo
humigop muna ako ng maraming hangin bago tumuloy sa loob nang coffee shop na ito
napaka elegante rin dahil sa mga music na maririnig mo at simpleng design ng nasa loob
hindi man gaano kalaki ang coffee shop na ito pero mahihirapan ako sa paghahanap kay kenzo
akala ko ba? nandito na siya pero wala naman inis kung sambit sa isip ko
na scam ako dun ah ako pala ang nauna dito
wala rin naman ako magagawa pa kundi mag antay dito sa coffee shop na ito
nakaramdam naman ako ng gutom ngaun dahil hindi pa pala ako nag agahan kaninang umaga nagmamadali kase ako na pumunta dito pero wala pa pala si kenzo bwiset!
mag iisang oras na ako nag aantay dito pero wala pa rin si kenzo kaya hindi ko na natiis na hindi siya tawagan dahil naiinis na ako
pakiramdam ko pinag titripan ako ni kenzo kung trip man ito pwede na siya mamatay talaga
hays bat ang tagal nga sagutin naka apat na akong tawag pero hindi nga parin sinasagot
pakiramdam ko talaga pinag titripan na ako ni kenzo dito eh
pero sa kalagitnaan ko na pag aantay ay narinig ko ang boses ni khloe na nasa labas ito tila hindi ako nagkakamali na si khloe yun dahil kabisado ko na ang kanyang boses na maingay na madaldal pa
at tama nga ako iniluwa ng pinto si khloe kasama nito ang kanyang nobyo at sumunod na iniluwa naman ay si kenzo pero napanganga ako at hindi makapaniwala kasabay nito si madison
what? akala ko ba kami lang ni kenzo pero bat kasama ang mga kaibigan ko. pero naman sa ayaw ko na makasama sila khloe pero kay kenzo ako nagtataka bakit hindi nga sinabi na may kasama pala kaming iba dito ngaun
KATH!!! pasigaw na bati sa akin ni khloe at lumapit na ito sa akin para makipag beso ganun din ang ginawa ko
oh kanina ka pa dito? tanong ni khloe nang naupo na sa harapan ko
hindi naman kakarating ko nga lang eh malapit lang kase sa amin ito hehehe tawang mahina na sinabi ko kay khloe
hindi ko nalang sinabi na isang oras na ako nag aantay dito
gusto ko sana tanungin pa siya kung ano meron dito bat nandito kami lahat pero itinikom ko nalang ang bibig ko
ngumiti naman sa akin si luke at bumati. ngiti nalang din ang nagawa kung sukli dahil mas nahahagip ng aking mga mata si madison at kenzo na naupo sa tabi ko
hindi ko mapigilan na makaramdam ng lungkot dahil sa nakikita ko
bakit ganun magkasabay silang dalawa
gusto ko man umalis dito dahil sa mga nakikita ko pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko
ikinalma ko nalang ang sarili ko at ngumiti sa kanila. ayoko ipakita sa kanila na nasasaktan ako ngayon sa oras na ito
goodmorning kath. masayang bati sa akin ni madison dahil nakangiti ito
goodmorning din sayo. ngiti ko sa kanya napakasaya mo ngaun ah tila ang ganda ng mood mo
ofcourse sinong di sasaya sinundo ako ni kenzo sa aming bahay nakangiting sinabi sa akin ni madison
napatingin naman ako sa gawi ni kenzo na busy ito nakatingin sa menu at parang walang pakialam sa akin hindi ko manlang narinig na bumati sa akin ngaun
NASASAKTAN AKO..... sa hindi ko malaman ng aking nararamdaman lalo nang marinig ko ang mga sinabi sa akin ni madison iyon dinudurog ang aking puso
napatungo nalang ako at kinuha ang cellphone nagkunwaring nagtetext
pero pasalamat ko nalang talaga na nandito si khloe sa oras na ito para may makusap
oh nga pala kath! pangunguna ni luke
ano iyon? matamlay kung tanong feeling ko ayoko may makausap ngaun
dun sa kaso mo okay na nahanap na kung sino ang nag post na iyon masasampahan siya ng kaso masayang sinabi ni luke
salamat pilit kung ngiti sa kanya hindi ko magawa na totoong ngumiti sa kanila
hindi ka ba masaya kath? na nahanap na kung sino nag post nun hindi ba kahapon atat kang malaman ito panloloko na sinabi sa akin ni khloe
masaya naman pero nauuhaw ako gusto ko may maiinom. aakmang tatayo na sana ako para bumili ng maiinom pero pinigilan ako ni madison
napatingin ako sa mga kamay niyang nakahawak sa aking braso dahan dahan nga naman binitawan ito dahil sa biglaan na pagpigil nga sa akin
nagtaka naman ako sa ginawa nga kung bat nga ako pinigilan
huwag ka na mag order dahil ako na ang bahala sa iinumin natin dito sa coffee shop mahinhin na sinabi ni madison
tumingin muna ako kay kenzo nagbabakasali na mapatingin ito sa akin pero deadma lang halatang hangin lang ako sa kanya
nasasaktan naman ako sa pinapakita ni kenzo
ngumiti nalang ako kay madison at nagpasalamat muli
naku grabe pala kath ang nangyare sa inyo ni tristan noh? talagang ginawan ka pa ng issue ng mga tao dun sa university natin gulat na sinabi ni kath sa amin
hindi ko alam kung bat naging ganun nalang ang sinabi ni madison parang may diin sa mga sinabi nga
buti hindi mo sila pinatulan? tanong muli ni madison
hindi naman ako ganung klaseng tao na bigla nalang papatulan ang mga iyon paliwanag ko naman sa kanya at nagulat pa ito sa sinabi ko
wow iba ka kath! kung ako nasa kalagayan mo hindi ko mapapatawad ang mga iyon
HEHEHE diyos na ang bahala sa kanila ngiti kung sinabi sa kanya
pero may tanong ako sayo kath! nag aalinlangan pa niyang sinabi
ano naman iyon? tanong kung mahina
pero wag ka magagalet ah ngiting pilit ani ni madison
sure bat ako magagalet sayo wala ka naman ginagawa eh tawa ko naman sa kanya
pero may gusto ka kay tristan? tanong nga at nabigla naman ako sa tanong na iyon para ako matutumba sa upuan ko
hindi ko inaasahan na tatanungin sa akin ni madison iyon kaya pala tinanong nga muna ako kung magagalet ba
tumingin muna ako sa kanila bago magsalita
uy wala ako gusto dun ah ano ba kayo porket makasabay ko lang pagpasok jowa na agad ano ba kayo haha mahinang paliwanag ko sa kanila
nakaramdam ako ng pagka ilang sa kanila dahil parang hindi sila naniniwala sa mga sinabi ko
sus wag ka nga dyan kath! kay aga aga ang blooming mo wag mo sabihin kung kanino ka nagpapaganda ng ganyan haha tukso ni khloe sa akin at sinundot pa ako nito sa tagiliran para mapaamin
sumang ayon naman silang lahat sa sinabi ni khloe pero maliban lang kay kenzo na tahimik lang ito nakikinig na parang naiingayan na sa amin sinasabi na hindi siya interesado sa mga kinukwento namin kulang nalang takpan na nga ng masking tape ni khloe dahil sa kaingayan nito
naku bagay talaga kayo kath kaya wag mo nang sayangin pa na hindi maging kayo ni tristan total nbsb ka naman dagdag pang sinabi ni khloe sa akin na para pa siyang boto pa na magkatuluyan kami ni tristan
ay grabe naman kayo tumigil nga kayo dyan wala talaga ako gusto kay tristan mahinang saway ko sa kanila
natahimik nalang kaming lahat nang ibagsak ni kenzo ang baso at kusa itong tumayo sa kanyang upuan at diretsong lumabas sa coffee shop
pare parehas kami nang reaksiyon sa pinakita ni kenzo kanina hindi namin maintindihan kung ano nangyare na lang dun bigla hindi na nga ako pinansin tapos ganun pa siya bwiset talaga
isinigaw pa ni madison ang pangalan ni kenzo para tawagin ito at bumalik pero hindi ito pinakinggan si madison
isa isa kaming napatingin kung ano nangyare dun sa kumag na iyon at ganun nalang ang pinakitang eksena
ikaw kase ang ingay mo love ayan umalis tuloy pingot ni luke kay khloe sa ilong nga
ano ka ba! aba malay ko ba na maiingayan siya sa akin batok naman ni khloe sa kanyang nobyo
pero sa isip isip ko baka dun nainis si kenzo dahil hindi namin siya kinakausap kanina siguro na OP sa amin kaya umalis tuloy
eh siya naman nauna dyan hindi nga ako pinansin kaya hindi ko rin siya papansinin noh manigas siya
NAKARATING na kami sa university kahit papaano naging okay na rin lahat di kagaya kahapon
hindi ko pa rin nakikita si kenzo kaya pero bat ko ba siya iniisip eh wala naman ako pake sa kanya
naiinis pa rin ako sa kanya hindi ko talaga siya kakausapin kahit kailan
sinubukan ko libangin ang aking sarili nagbasa ako ng mga comics at nagsuot ako ng earphone para wala sagabal
napatigil nalang ako sa pagbabasa at itinanggal ko naman earphone sa aking tenga
si khloe nanaman paniguradong dadaldalin nanaman ako nito sadyang makulet lang talaga minsan si khloe kaya nasanay na ako sa mga kaingayan at pangungulet nga
oh ano na naman chismis na yan aber? tawa kung tanong sa kanya
ano ka ba hindi to chismis haha ganito kase yun may nahanap ako na isang online dating app total wala ka naman jowa kaya ibibigay ko na siya sayo
naloka naman ako sa mga sinasabi ni khloe sa akin ngaun hindi talaga siya nagbibiro
napasilip naman ako kay madison na busy ito kaka aral kaya hindi nga kami naririnig ayaw siguro mag pa istorbo
sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo khloe eh kase ako hindi eh alinlangan kung sabi sa kanya
napa irap naman siya sa akin dahil sa pagtatanggi ko sa kanya
ano ka ba kath! ikaw na nga tinutulungan ko eh para mag ka jowa ka pero ikaw naman tanggi ka pa kung sa ayaw at gusto mo makikipag kita ka dito at mag dadate kayo gets mo? sabay flip ng kanyang buhok
per-------- hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan ni khloe ang bibig ko
shut up! gawin mo nalang to para sayo rin to noh kung ayaw mo edi wag basta f.o na tayo pagtataray nga sa akin
napabuntong hininga nalang ako dahil wala naman ako magagawa na hindi ko naman matiis si khloe eh
oo papayag na ako naka ngiti kung sabi para kahit papaano bumalik ulet ang sigla nga
nice wan beshie! huhuhuhu sabay yakap nga sa akin
hays maloloka ako sayo khloe kundi lang kita kaibigan eh hahaha sabi ko sa isip ko
TO BE CONTINUED............