IKA- LABING DALAWANG PO’NG PAHINA

4797 Words
• THEY SAID WE CAN'T NE TOGETHER BUT WE WILL • “ Nikki? May nakita akong Kubo sa ‘di kalayuan, magbaba kasakali tayo roon. ” habang inaalalayan na patayuin si Andrey. Hinawakan niya ito upang may balanse, kahit na nahihirapan siya dahil sa Isa niyang kamay ay dala ang isang tungkod na makakapag balanse sa kanya. Tinititigan ito ni Andrey at pinag masdan ang nahihirapang mukha ni Reuhan. “ Kakayanin natin to Reuhan. ” pag sasalita ng kanyang isip. [ CHANGE POV ] “ Wala pa rin bang balita Sir Leo? ” tanong ni Carol na may halong alala at pangamba dahil hanggang ngayon ay wala parin silang lead kong saan dinala sina Andrey at Reuhan. Nag labas muna ng buntong hininga si Leo bago nag salita. “ Mrs. Carol? Pasensya na pero wala paring lead ang mga ka pulisan kina Andrey. Pero huwag kang mag alala patuloy parin silang kumikilos. ” pag papakalma nito gamit ang makahulugang salita. “ Diyos ko ang anak ko. ” banggit niya na parang nawalan ng pag asa. “ Nanay Carol? Makakabalik po sila ng ligtas walang mang yayaring masama sa kanila. ” pag aamo ni Calli tsaka inaalalayan ito pa upo uli sa couch. “ Calli? Halika ka dito! ” sambit ng Ina nito. Tiningnan ito ni Calli ng masama tsaka tumingin pabalik kay Carol. “ I said come here!! Are you deaf? ” klaro sa tono ang galit. Kaya tinignan ito ulit ni Calli. “ For what? Nag seselos ka? Right? O c'mon Mom! Are you insecure? ” tumaas ng bahagya ang tono ng pananalita ni Calli. “ Stop it Calli! She is still your mother! ” pag saway ni Edward kay Calli. “ You stop! Stop trying to be my dad! ” lahat sila nagulantang sa sinabi ni Calli, pati na ang Ina nito. “ Calli? What do you mean? ” naguguluhang tanong ni Melisa. “ Can you just fighting?! We're in the middle of a bad situation at nakuha niyo pang mag away? Tita? Tito? If you don't have any concerns about what happened! Can you just leave? Or stayed in your room! ” saway ni Alfie na ikanatahimik ng kapaligiran. “ Mahiya kayo! Andito Mr. Leo! ” dagdag nito tsaka umupo ulit sa tabi ni Carol. Si Nanay Edna nasa kwarto sa taas nag papahinga. Sina Andrew at Marcus naman ay still nag locate parin kong saan sakto dinala sina Andrey. “ Ano? Nahanap mo na? ” tanong ni Marcus habang may hawak na kape. Wala silang tulog pareho dahil sa kagustuhan na mailigtas ang dalawa. Pinag tampi tampi nila ang bawat impormasyon na maibibigay ng ka pulisan sa kanila. “ Hindi pa din, pero ayon dito sa CCTV camera dumaan ang van na ito bandang alas unsi nang gabi nakidnap sina Andrey alas otso ibig sabihin malapit lang dito ang kinalalagyan nila Andrey. ” mahabang lentinya ni Andrew ang nag focus sa laptop. “ Ang importante mahanap sina Andrey. ” [ CHANGE POV ] “ Paano sila nakatakas?!! Paano! ” halos mabiyak na ang mga tainga ng mga tauhan ni Reymond dahil sa nagwagi ang kanilang bihag na makatakas. “ Boss pasensya na po, naisahan kami. ” pag papaumanhin ng isang taga bantay. Ngunit isang malutong na suntok ang natanggap nito. “ Boss patawarin niyo po kami. ” saad ng mga tauhan nito tsaka lumuhod. Ngunit mas lalo silang kinabahan at kinalabutan nong tumawa ito ng mala demonyo na nag eecho sa loob. “ Mga walang silbi! ” asik ni Reymond at tsaka isa isa itong binaril na walang kahirap hirap. “ Lufi? Sabihin mo ang mga tao iligpit ang mga walang kwentang taong ito! ” utos nito tsaka tumalikod. ” Kawawang nilalang. ” mahinang sambit ni Lufi tsaka tinawagan ang mga tao na mag lilinis sa katawan. ~ “ Iyon ba ang sinasabi mong Kubo? ” tanong ni Andrey sabay turo sa Kubo sa ‘di kalayuan. “ Oo! Kaya mo pa bang mag lakad? ” paniniguradong tanong ni Reuhan. Tumango si Andrey na nag papahiwatig na kaya niya pa. Ilang saglit ay narating na nila ang kubo. Walang tao sa loob pero alam nilang may nakatira doon dahil may mga gamit sa loob. Inikot ni Reuhan ang paningin at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kubo. “ Hindi ka kumportable? Huwag kang mag alala ngayon lang ito. ” saad ni Andrey tsaka umupo sa sahig. “ Gusto kong mamuhay ng simple lang, walang trabaho pero may nakakain, may bahay pero hindi malaki. ” pag sasalita ni Reuhan habang nag hahanap ng pwedeng lutuin. “ Iyong tipong ganito lang, bugtong pero masaya, nag iisa pero hindi malungkot. Iyong mag sasaya ka. ” dagdag niya tsaka hinugasan na ang kaunting kamuti na nakita niya kanina. “ Anong lulutuin mo? ” tanong ni Andrey tsaka tumayo para ti’gnan ito. “ Umupo ka lang jan. ” mabilis na sambit ni Reuhan, walang magawa si Andrey kun'di ang umupo nalang ulit. “ Reuhan? ” “ Ano iyon. ” tugon nito habang hinuhugasan ang kaunting kamote. Nag handa na ito para sa pag luluto. “ Marunong kang gumawa ng apoy? ” tanong ni Andrey. “ Hindi. ” isang salita na ikinatawa ng labis ni Andrey, ‘di maalis ang nakakatamatay na titig ni Reuhan na siyang naka pag pigil kay Andrey pero pinigilan parin itong ‘huwag ipa labas ang nag babadyang buhakhak. “ Ah oo na, ‘wag mo na akong titigan ng ganyan. ” pag suko ni Andrey tsaka dahan dahan na tumayo. Lumapit si Reuhan sa gawi nito para alalayan na tumayo. “ Pero Reuhan ngayon mulang ako ulit tinititigan ng ganyan ah. ” nakangiting saad ni Andrey tsaka dumayo sa maliit na kusina ng kubo. Kumuha siya ng kahoy at inutusan si Reuhan na kumuha ng bato sa labas. Maya maya bumalik na si Reuhan dala ang bato na inutos ni Andrey. Ikiniskis na ito at maya maya ay nakagawa na ito ng apoy. Pinagagana ito at nilagyan ng kahoy, inilagay na ni Andrey ang maliit na kaserola at inilagay tak-angan. Nong pabalik na si Andrey bigla itong nakaramdam ng hilo kaya kaagad itong inaalalayan ni Reuhan. “ Umupo ka. ” saad ni Reuhan tsaka dahan dahan na pinapaupo sa sahig si Andrey. “ Kumsuta ang pakiramdam mo? ” may halong pag aalalang nitong tanong pero hindi pinapahalata sa mukha. “ Medyo nahilo lang ako. ” saad nito na may ngiting guhit sa mukha. “ Kanina, habang nag hahanap ako ng bato may nakita akong ilog. ” bumalik ito sa hinaing kamote para dagdagan ng kahoy. “ Marunong kang mamingwit? ” “ Hindi! ” tumawa ng bahagya si Andrey tsaka naalala niya na tumikom nalang. “ ‘Wag kang mag alala tuturuan kita. Hayaan mo bukas pupunta tayo don. ” “ Ma tulog ka muna gigisingin kita kapag na luto na ang kamote. ” saad ni Reuhan. Ng humiga na si Andrey napa upo ito ulit at tumingin ng nakakunot noo kay Reuhan. “ Bakit? ” kunot noong tanong ni Reuhan. “ Paano tayo nakatakas? ” tanong ni Andrey na ikina iwas ng tingin ni Reuhan. Na parang may sekreto na hindi kayang sabihin kung paano sila nakalabas doon. “ ‘Wag mong sabi- ” “ Mag pahinga ka na. Lalabas lang ako saglit para libutin ang paligid. ” “ Pero ‘wag kang masyadong gumalaw iyong paa mo, ang mga pasa mo. ” pag alalang saad ni Andrey. “ Kaya ko ang sarili ko. Mag pahinga ka na jan. ” huling saad ni Reuhan lumabas dala ang tungkod niya. [ CHANGE POV ] “ Uncle Leo? Malakas ang loob ko na may kinalaman si Reymond dito. ” paniniguradong sabi ni Lufi. “ Palagay ko rin Lufi. Palihim niyong imbestigahan si Reymond sa mga kilos niya. ” tugon ni Leo. “ Pero paano ang anak niya? Imbestigahan rin ba natin siya? ” tanong nito. “ Para makaseguro oo! ” tumingin ito kay Lufi ng seryuso. “ Pero Uncle, mabait si Marcus kaibigan siya ni Andrey na malapit kay Reuhan. Sa tingin mo may sabwatan kaya sila? ” nag tatakang tanong nito kay Leo habang nag iisip na posible. “ Hindi ko masasabi malalaman natin iyan pag katapos ng imbestigasyon. ” • Marcus POV • “ I swear if I escaped here! I'll kill you. ” saad ng halimaw kong kambal. “ Alam mo? Sinayang mo iyong respeto ko sayo KUYA? ay mali Marco pala! ” saad ko habang na ka upo sa harap niya. Nakagapos siya ngayon sa silya. “ Shut the f**k up! Untie me and make a bottle with me! ” nang gigiitang saad ni Marco sa akin. Alam kong tuso siya, pero mas tuso ako! Sinungaling siya at kaya niyang mang loko. Wala siyang pinipiling tao. “ Ilang taon akong nag dusa sa mga kamay mo noon! Iyong tipong kinukuntrol mo ang buhay ko! Bakit Marco? Iyong ikakasaya ko ba ikakagalit mo?! Iyong ngiti ko ikakalungkot mo? ” may hinanakit kong sigaw sa kanya. Hindi ko alam kong bakit niya iyon ginawa. May rason ba? Kase kong tungkol lang sa atensyon at pag mamahal nasa kanya na binigay ni Daddy. Pero bakit pati iyong ikakasaya ko pag babawalan niyang makamtan ko. “ Bakit Marco? Ano bang kasalanan ko sayo? For this past months nag karoon ako ng tunay na kaibigan! Totoo at tapat naging kasama ko at karamay! PERO BAKIT HANGGANG NGAYON PINIPILIT MO PARENG SIRAIN! ” “ Ano bang insecurities mo sa akin? Dahil ba walang lumalapit at nakikipag kaibigan sayo? Dahil ba walang totoong kaibigan na lumapit sayo? ” “ Meron nga! Pero sa business! Pero iyong kaibigan na madadala mo sa kasiyahan! Iyong kaibigan na iniintindi ang nararamdaman mo? Meron ba? Iyong sinasabayan ka sa trip meron ba? ” “ How did you know our plan! ” nakatingin siya sa akin na parang gusto na niya akong patayin. “ Isn't important now! Ang importante ma sugpo na ang kasamaan na ginawa niyo! Now where is Reuhan and Andrey? ” “ Huh! Who do you think you are? ” natatawang niyang saad. “ I am the persecution and an end to your wickedness! ” saad ko tsaka tumalikod. “ Sabihin mo na kung nasaan sina Andrey! ” sigaw ko sa kanya. Matinik si Marcus stubborn din. Ewan ko lang talaga kong sasabihin niya kung nasaan sila Andrey. “ Do you think sasabihin ko? ” taas kilay niyang saad tsaka tumawa. “ Yes Marco! Alam mo? Kung hindi lang talaga kita kapatid? Malamang kanina pa kita sinuntuk! ” “ Oh Bakit hindi mo gawin? Kase duwang ka! ” ah sinusunubukan mo talaga ako ah! Napaduwa siya ng dugo nong sinikmuraan ko siya. Akala niya talaga hindi ko siya papatulan! Tapos na akong maging sunod sunuran sa kanya hindi na rin mag kadikit ang mga pusod naming dalawa. “ Oh Anong nangyari diyan? ” nag tatakang tanong ni Andrew pag ka pasok niya. Actually isa rin siya sa dahilan kaya namin na trace ang lugar na pinag tataguan ni Marco. “ Wala! ” saad ko tsaka lumabas. Nandito kami sa secret hide out namin sa abandonadong building. Hindi ito madaling mahanap dahil maliban sa walang makukuhang signal, malayo sa mga bahay at nasa gitna na ng mga kakahuyan dahil balita ko nong hindi ko pa ito nabili, isang daang taon na daw ang nakalipas mula nong itinayo angbuilding na ito. • Andrew POV • “ Ano? Wala ka parin bang Plano na mag salita? ” kunwari bihag ko talaga siya, tapos para akong nag mumukhang kuntrabida sa mga teleserye. Pero ang totoo kahapon ko pa sana ito gustong sakalin! As in kahapon pa. Hindi ko inaasahan na iyong mga pag dududa ko sa kanya ay katututahanan pala! Mula nong narinig ko siya nong may bibantaan siya hanggang sa Entrance sa kaarawan ni Reuhan, at minsan tiwali sa mga ikinikilos ni Marcus. Tikom parin ang kanyang bibig at hanggang ngayon wala talaga siyang planong mag salita. Kaya umupo ako kung saan naka upo si Marcus kanina at inangat ko ang kanyang ulo gamit ang aking kamay. “ MARCUS!! ” sigaw ko ng maalintana ko na walang malay si Marco kaya pala kapag tinatanong ko hindi man lang ako masagot at palagi lang nakayuko. Hingal at nag aalalang pumasok si Marcus tsaka tinignan deretso ang kapatid na pinahiga ko na sa kama. “ Anong nangyari? ” pag aalala niyang tanong tsaka lumapit sa nakahiga niyang kapatid. “ Kanina pa siyang walang malay. ” saad ko. Hinila niya pataas ang damit nito at seguro may tinignan. Pero pati ako nagulat sa mga nakita. Puro pasa ang katawan at may mga sugat pang hindi gumagaling? Saan niya kaya iyong natamo? May mga kaaway ba siya? Alerto kong hinawakan ang kamay ni Marcus nong bigla siyang nawalan ng balanse. “ Ayos ka lang? ” tanong ko tsaka kumuha ng silya na mapag uupuan niya. “ Hindi ko alam kong saan niya nakuha ang mga galos at pasa niya sa katawan. Sa tingin mo Andrew? Ganon na ba ako kasamang kapatid para gawin ito sa kanya? ” malungkot niyang saad tsaka tinignan si Marco. Katunayan naawa ako ngayon sa sitwasyon ni Marcus. Kung wala ako, sinong makakampihan niya? Masakit pero walang siyang pag pipilian, gusto niyang mailigtas ang kaibigan niya na hawak nila ngayon. Gusto ko rin na maligtas na sina Andrey. Dahil sa kunting panahon namin na pag sasama sa condo, masasabi ko na ang katulad niyang tao kailangan pina pahalagahan, siya iyong tipong tao na walang reklamo. Ang importante masaya mga tao na nakapaligid sa kanya. Kaya ganon nalang siya kahalaga at ganon nalang kalungkot ang mga tao nong nakidnap siya. Ang akala ko noon masyadong mataas si Marcus para maabot ko siya. Pero ngayon mas lalo ko na siyang naiintindihan, dahil alam ko kong ako ang nasa kalagayan ni Andrey ngayon, alam kong gagawin din niya ang ginawa niya ngayon. Mas Lalo ko ng nakukuha ang punto niya. At ngayon naiintindihan ko na siya. Mahirap mawalan ng kaibigan, sabi nila hindi raw mag tatagal ang mag kakaibigan, syempre hindi talaga mag tatagal kong hindi totoo. Sa mag kaibigan hindi kase iyan puro saya, tuwa, kalukuhan, may mga minsan din na hindi kayo nag kakaintidahan sa isang bagay. Iyong kahit kilala niyo na halos ang isat isa pero may mga bagay parin na mis-a-understood niyo. Kase ang tunay na kaibigan sa lahat ng bagay lage sa siyang naka agapay. Sa lahat ng bagay lage siyang nakaalalay, dahil ang salitang ‘ kaibigan ’ ma kaakibat iyan sa salitang ‘pag mamahal’ kung wala ang Isa sa kanila, walang mabubuong kahulugan. “ Mag pahinga ka nalang muna, ako ng bahala na mag babantay sa kanya kailangan mo din ng pahinga. ” saad ko. “ Ayos lang, ikaw ang mag pahinga ilang gabi kang walang tulog dahil sa pag tulong sa akin mag pahinga ka din. ” gusto kong mag pahinga, na sa pagising ko matatapos na ang lahat, pero kong pagising ko ganon parin, hinding hindi ako matutulog. “ Sasamahan kita dito. Segi na kahit kunting tulog lang, alam kong pagod ka na. ” naawa ako sa kanya pero hindi ko iyon pina pahalata. Ang importante ay mag karoon siya ng lakas na taposin ang kanyang si nimulan. Bahagya akong nagulat nong niyakap niya ako na parang unan. Iyong mahigpit na mahigpit halatang walang nag cocomfort sa kanya ‘pag nasasaktan siya o may problema. Halatang unan lang ang kanyang mayayakap kapag may hinanakit siyang nararamdaman. “ Pwedeng bang matulog saglit sa balikat mo? ” tanong na kasama na don ang pag patak ng mga butil ng luha niya. Hindi ko iyon nakita pero naramdaman ko nong basa ang damit ko sa bandang balikat. Patuloy parin itong naba basa, alam ko patuloy parin siyang umiiyak. Ang bigat ng nararamdaman niya, ang dami niyang respunsibilidad na tatapusin. Alam kong nasasaktan at nahihirapan siya dahil pamilya niya ang kalaban niya. Seguro kong ako ang nasa posesyon niya hindi ko kakayanin ang lahat. Ang swerte lang niya dahil ang tapang niya para harapin ang lahat ng ito. Niyakap ko din siya pabalik, hindi na ako nag sasalita sa halip na pinaramdam ko nalang sa kanya na may tao siyang masasandalan sa problema niya. Na hindi na siya mag iisa mula ngayon. Na may balikat na siyang masasandalan. Naramdaman kong bumigat na siya, nakatulog siyang may hinanakit na nararamdaman. “ Huwag kang mga alala matatapos din ang lahat ng ito. Mag babangayan tayo ulit, iinisin pa kita at papasayahin kasama sina Andrey at Reuhan. Matatapos din ang lahat ng ito. Ngingiti ka din ulit. ” saad ko tsaka hinagod hagod ang likod niya para tuluyan na siyang makatulog. Bukas panibagong araw na naman, sana....sana matapos na ang kaguluhang ito. • Marco POV • Sana ako ang kayakap ngayon ng kapatid ko. Sana ako iyong mag sisilbing balikat niya pag umiiyak siya, sana ako iyong mag sisilbing unan kapag may hinanakit siya. Pero ang tingin niya sa akin ay isang masamang kapatid. Malupit at selfish. Hindi ko siya masisisi kong ganon ang tingin niya sakin. Gusto ko lang siyang iligtas sa mga taong nag babanta na saktan siya. Pero seguro kasalanan ko din ang lahat. Dahil nasubrahan ‘ata ako pag protekta kaya pati ang buhay niya naa pektuhan. I'm hurt but nobody's know, I want attention but nobody's pay me. Seguro tama nga si Marcus, yeah I don't have friends, walang tao na nag aalala sa akin o nag tatanong kong ayos lang ba ako. Oo, maraming nag nag tatanong kong kamusta ako but for sick of business. Hindi iyong kagaya niya. Maraming nakatawag pansin sa kanya, maraming lumalapit sa kanya at gustong makipag kaibigan. Samantalang sa akin lahat sila natatakot, gusto kong makipag kaibigan nalang sa kanya pero hindi ko alam kong paano gawin. Sa tuwing gusto kong lumapit napapangunahan ako ng pag ka insecure ko, gusto ko sa akin lahat ng attention ng mga tao na nakapaligid sa akin. Si Dad, si Ma'am si Apu ( grandma ) lahat nalang nasa kanya ang attention. Pero pati pa naman pala ang pag puprotekta ko sa kanya hindi ko namalayan na nasasakal na pala siya. [ FLASHBACK 5 YEARS LATER ] “ Marco? Ipapadala kita sa states para mag aral ng Business Administration. ” saad ni Dad. Nasa Baguio kami ngayon nag babakasyon with Marcus, his favorite son. Hindi niya man sinabi pero alam kong favorite niya si Marcus. Para matawag pansin ako ginawa ko ang lahat ng ipinag uutos niya. Labing limang taon ako ngayon at makikipagsalamuha na sa ibang bansa para mag aral. Bata palang si Marcus ayaw na niya ang Business. Lage niyang pinapanood ang mga like discovery channel, iyong mga science. Kung minsan nag bababasa siya ng mga articles tungkol sa pagiging Doctor, kung ano ang magiging procedures nito. Sa totoo kahit labag sa batas ko ang mag state wala akong magagawa, ang importante kahit man lang sa business na paraan makukumusta ako ni Dad I'm contented na. “ How about Marcus Dad? ” tanong ko sa kanya pabalik. He took a breath before speak. “ He is so stubborn! Kahit anong pilit ko sa kanya ayaw niyang mag aral sa state! Kaya ikaw nalang ang ipapadala ko. ” he mad while speaking. Malungkot akong tumalikod tsaka pumasok sa kwarto. Alam kong si Marcus naman talaga ang pag aaralin niya sa State, wala lang siyang ibang pag pipilian dahil hindi pumayag si Marcus na ipadala siya sa state. Nag hugot ako ng buntong hininga bago humiga, gusto kong makalimut saglit sa mga hinanakit na kahit sa pag tulog ko makakalimutan ko saglit ang pag kadismaya sa sarili kong pamilya. Anak din ako, pero pakiramdam ko nakikihati lang ako sa pag mamahal nila. Buti nalang si Marcus, kahit ang sama ng trato ko sa kanya, tinatrato niya parin akong kuya. Kahit palagi ko siyang pinagtatabuyan hindi parin siya nag sasawang lumapit sa akin. [ FAST FORWARD ] Araw na ng flight ko papuntang state. Si Marcus lang at ang mga body guard ang sumama sa akin. Wala si Dad, ano pa bang aasahan ko? “ Kuya? Mag iingat ka. ” nakangiting niyang saad hindi nakaligtas sa akin ang luhang lumabas sa gilid ng mata niya. Mabilis niya itong pinahid at nag panggap narin akong walang nakita. Tumalikod ako ng walang iniiwanang salita, ayokong makita niya akong umiiyak habang umalis. Kahit sa tingin niya napakasama kong kapatid pero kaligtasan at kapakanan ko lang ang iniisip niya. Pero alam kong masaya siya sa pag alis ko, dahil wala ng pipigil sa mga gagawin niya. “ Prepared your seatbelt. ” ikinabit ko na ang seatbelt ko tsaka sumandal. [ FAST FORWARD ] Hindi madali ang pinag daanan ko dito sa state, maraming nang bully sa akin pero sila roon walang ka alam alam. Muntik na akong mamatay pero walang silang alam. Ano nga ba nila ako para alamin ang kaganapan dito. May isang tao lang ang laging nangungumusta sa akin iyong ay si Marcus pero lagi ko siyang binababaan ng telephone. Ayokong marinig ang boses niya na nangungumusta dahil hindi ko mapagilang maiyak. Ayokong malaman niya na nahihirapan ako dito, dahil ayokong maawa siya sa'kin. Hanggang sa nag karoon ako ng kakampi dito. Si Manang Ester siya ang nag silibing Nanay ko nakilala ko siya dahil pagala gala lang siya kaya nag disesyon ako na iuwi siya sa Dormitory ko. Alam kong mababait siya kaya mabilis ko siyang pinagkatiwalaan sa lahat ng bagay. Hanggang sa nakapagtapos ako sa pag aaral naron parin siya sa tabi ko at hindi iniiwan. Tuwing may problema ako sa trabaho siya lage ang nag comfort sa akin, lage niya akong pina pabaunan ng ngiti papuntang trabaho. Sa tuwing uuwi ako kahit nakatulog na siya sa pag hihintay may pag kain namang nakataklob sa mesa sa hapag. Hanggang sa nabalitaan ko na may dinadala palang siyang sakit na matagal niya. Iyon ang pinakamalaking pag sisisi sa tanang buhay ko. Namatay si Manang Ester mga dalawang taon ang lumipas. At ang pinakamasakit pa non ay namatay siya hindi sa puder ko dahil ayaw niyang masaktan ako. Hindi ko napansin nong pag alis alis niya iyon pala ang regular cheek up niya para sa kanyang sakit. Martes ng Umaga nong makita ko ang ang farewell letter na nakapatong sa mesa ko. Ilang araw na pala niya iyong sinulat at nabasa ko lang nong araw kong kailan siya namatay. Namatay siya sa simpling hospital sa state. Nakakalungkot na sa huling hininga ng kanyang buhay hindi niya ako kapiling. Simula nong nakilala ko si Nanay Ester nakalimutan ko saglit na may pamilya ako sa pilipinas. Dahil sa kanya naranasan ko ang mahalin ng isang Ina. At naramdaman ko na minsan naging anak din ako. Kaya sobrang kawalan sa'kin nong nawala siya sa buhay ko. [ 2 and half years later ] Naka bangon ako sa bangungot ng pag kawala si Nanay Ester. Ilang buwan din akong nabilanggo sa pag kawala niya, dahil sa bawat saang sulok ako nakatingin nakikita ko siya, nakikita ko kong paano siya ngumingiti sa akin. Nong mga nakasanayan ko noon unti unti nalang nag laho. “ Marco? Tumatawag ang Daddy mo. ” saad ng pilipina kong katulong. “ Ah okay segi Manang. ” saad ko. “ Hello Dad? ” tugon sa kabilang linya. Minsan lang ako tinatawagan ni Dad tuwing tinatanong niya ang takbo ng business namin dito sa state. “ Marco? Kumusta ang business diyan? ” iyan ang una niyang tinatanong sa tuwing tumatawag siya sa akin. Mas inaalala niya ang Business kaysa sa akin. Pero nasanay na rin ako. “ Yes maayos ang takbo ng business Dad. Btw how are you? ” pangunguna kong tanong. “ I'm well I gotta go. ” mag sasalita pa sana ako pero binabaan na ako ng telephone ni Dad. Nag labas ako ng buntong hininga tsaka lumabas sa kwarto ko. “ Marco iyong baon niyo po naiwan pati narin ang bag niyo. ” pahabol sa akin ni Manang Sabel. Inaalagaan niya ako tulad ng isang tunay na anak kaya grabe din ang pasasalamat ko sa kanya. “ Salamat Manang Sabel kumain po kayo. ” Ani ko tsaka kinuha na ang baon at ang bag ko. Walang problem ang business namin dito sa state lahat naayon sa takbo. May mga tao akong mga nakikilala mga nag tatrabaho na galing sa pilipinas. Ang akala ko noon madali lang mag karoon ng kaibigan pero hindi pala. “ Good morning Sir. ” bati ng mag stuff sa akin pag kapasok ko sa companya. Dumeretso na ako sa office para buksan ang pinabaon ni Manang Sabel. Una nag taka ako bakit may nakalagay Happy Birthday sa ibabaw ng ginawa niyang mango float. At doon ko napagtanto na kaarawan ko pala ngayon. Crazy right? Pero pati araw kong kailan ako pinanganak nakalimutan ko dahil sa mga nangyari sa buhay ko. Tanging si Manang Sabel lang bumabati sa akin. Bigla akong napatingin sa phone ko nong may tumawag and it's Marcus. Hindi ko alam pero sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya nanghihina ako hindi ko masabi kong bakit. Hindi ko sinagot hindi ko rin hinahung up, pinabayaan ko lang na matapos ang tunog. Mga tatlong beses din siyang tumawag pero hindi ko parin sinagot. Hanggang sa nag message nalang siya sa'kin Ng: “ Happy Birthday Kuya, stay safe Jan sa state don't forget to celebrate the special day of our life. Ily. ” basa ko sa mensahi niya. Gusto kong mag reply pero inunahan na naman ako ng pag ka duwag ko. “ Happy Birthday Marcus stay safe as always. ” salitang malayang itinangay ng hangin. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago binuksan ang papelis na nasa lamesa. Maya maya ay biglang pumasok ang sekretarya ko. “ Sir may problem po sa labas may nag kakagulo dahil hindi kumplito ang report mamaya para sa board. ” pag aalalang saad ng sekretarya kaya mabilis akong tumayo at tumungo sa nag away. Nakita kong nag kakagulo talaga sila mga halos mag kakasakitan na kaya lumapit ako para awatin sila. ‘Di pa man ako nakalapit ng sabay sabay silang humarap sa akin dala ang isang simpling cake na may Happy Birthday na nakalagay. “ HAPPY BIRTHDAY SIR MARCO HOOOOO!! ” sabay sabay nilang bati at nag papatuk ng birthday bomb. Hindi ko lubos maisip na kung sino pa iyong mga hindi ko kadugo ay silang pa iyong naka alala ng kaarawan ko. “ Naku thanks for your effort guys I really appreciate it. ” nakangiting saad ko sa kanila. “ Blow your candle Sir ang take a wish. ” lumapit ako para mag wish at the same time sabay hinipan ang kandila. Sabay sabay silang pumalakpak. “ Okay dahil sa effort niyo lalabas tayo after lunch break para nag celebrate for now back to your work dahil may report pa tayong gagawin. Again thanks. ” saad ko tsaka tumalikod na. “ Wait Sir! ” pag pigil ng isang babaeng employee. “ Yes? Ms. Salvador? ” “ Ahm nothing Sir. ” saad niya tsaka bumalik sa upuan dumeretso narin ako sa office at tinignan ulit ang mga papelis. Ano kayang ginawa ngayon ni Marcus? Sa tingin espesyal ang kaarawan niya. He, lage naman iyon eh. After an ours natapos na ang report namin at tulad ng napag usapan lalabas kami lahat para mag celebrate sa birthday ko. Ilang years ko na ding hindi naranasan ang mag silibrar ng kaarawan mula nong pag kamatay ni Nanay Eater. I really missed her so much, I wish she were here celebrating my birthday party. I love you Nanay Ester. “ Cheers! ” lasing na ang iba sa kanila, hindi ako masyadong umiinom dahil mag da-drive pa ako pa uwi. “ Sir? Inom kapa. ” tsaka sinalinan ng wine ang baso ko. “ Thanks. ” saad ko at uminom. Ilang Oras ang lumipas at isa isa na silang nag paalam. Katulad ng bituin sa langit unti unti silang nawawala pag dating ng araw. 10:47 ng gabi natapos ang celebration namin. Nakauwi na ako at nag taka ako nong nakapatay ang ilaw. Hindi naman pinapatay ni Manang Sabel ang ilaw pag gabi ah. Kinabahan ako sa iniisip ko hindi pwedeng mangyari ang iniisip ko, hindi ko kakayanin. Dali dali kong pinihit ang pinto kasabay ng pag pasok ko ang pag bukas ng ilaw. “ Happy Birthday!! ” sigaw ni Manang Sabel. Hindi ko alam pero bigla ko nalang siyang niyakap ng mahigpit na mahigpit habang pumapatak ang mga luha na kanina pa nag babadyang lumabas. “ Manang Sabel? ” hindi ko alam pero iyan ang salitang lumabas sa bibig ko. “ Bakit ka umiiyak? Huh? ” nag tatakang tanong ni Manang Sabel. Agad kong pinahid ang luha ko tsaka umupo sa silya. “ Akala ko may nangyari ng masama sa inyo. Kinakabahan ako. ” basag ang boses ko dahil sa pag iyak ko. Naalala ko tuloy si Nanay Ester.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD