•| DAVAO |•
Isang buwan na ang nakalipas mula nong pasukan, maganda ang naging takbo nang pag aaral ni Andrey sa Ateneo. Ngayon ang balik niya tulad nang ipinangako niya na uuwi siya kada buwan.
“ Hoii mag ingat ka sa biyahe tanga ka pa naman ” bilin ni Alfie kay Andrey. Sa isang buwan nilang pag sasama ay nag kalapit na ang mga ito, minsan nag aasaran at nag kapikonan pero hindi nag kakasakitan.
“ AHHAAH Calli ikaw na bahala sa alaga kong aso ahh ”
“ May alaga kang aso? Saan mo inilagay? ” nagtatakang tanong ni Calli pigil tawa naman itong si Andrey habang may idea naman si Alfie kong sino ang tinatawag niyang aso.
“ Hoii Andrey! Ikaw?! ” hinabol ito ni Alfie at nag paikot ikot ang dalawa sa sofa. Tawang tawa naman si Calli sa dalawa, naisip niya na ngayon lang napuno nang halakhak at kasiyahan sa bahay niya mula nong aksedente sa bahay.
“ Andrey? Alfie? Tama na ’yan mahuhuli kana sa biyahe mo ” pag awat ni Calli sa dalawa, dahil kung hindi niya iyon gagawin hindi matatapos ang dalawa sa asaran.
“ Alfie? Ma mi-missed kita ” pang aasar ni Andrey.
“ Ulol ‘di kita ma mi-missed ” nakarole eye nitong saad. “ Lakad na! ” dagdag nitong ani.
“ Cge na umalis kana Andrey mag iingat ka ah ” bilin ni Calli sa kanya.
Lumakad na si Andrey papuntang bus station. Sumakay na siya sa na papuntang Davao, umupo siya sa pinakadulong upuan dahil iyon ang bilin nang kanyang Mama, para daw kung maaksidente sa harap ‘di siya masyadong mapupuruhan at kung sa likod hindi rin masyado.
Ilang oras ay natatanaw na nito ang mga kabukiran at mga magagandang tanawin na sa Davao lang tanging makikita.
Simoy nang maaliwalas na hangin ang humampas sa balat ni Andrey pagka baba sa bus. Ilang ulit niya itong siningo at pinakiramdaman nasa Davao na nga siya.
Dahan dahan siya nang lakad at maging alesto sa dinadaanan para siyang nanghuhuli ng manok. Gusto niyang supresahin ang baranggay niya lalo na ang pamilya, alam niyang miss na missed na siya ng mga ito.
“ Heto na po ako ” sigaw niya na ikinalingon bigla ng mga tao doon. Makikita mo ang ngiti ng taga baryo nita pag kakita ng mga ito kay Andrey.
~
“ Aling Carol andito na ang anak niyo ” pag babalita nang isa sa taga baryo nila si Aling Marites. Kitang kita ang ngiti nito at tumakbo papa labas ng bahay.
“ Andrey? Anak! ” maluha luhang sambit ng Mama niya sa kanya. Agad namang binitawan ni Andrey ang dalang maleta at sinunggaban ito nang mahigpit na yakap. Sobrang missed niya ang Mama niya pati narin ang Lola.
“ Kamusta ang Manila? ” agad na tanong ni Aling Carol sa Anak pag ka pasok sa bahay, ipinaghanda ito nang maiinom.
“ Ayos naman po alam mo ma, mababait ang mga tao don, Lalo na ‘ yong mga kaibigan ko ” saad niya habang hinawakan ang basong inabot ng kanyang Mama.
“ Andrey apo? Wala bang umaaway sayo don? Upakan ko talaga ” natatawa si Andrey sa sinabi ng Lola niya, kahit kailan hindi nag bago ang pakikitungo nito sa kanya napaka over protected naalala niya ‘ yong nangyari nong second year high school palang siya.
| FLASHBACK |
Martes ng umaga nong nag mamadaling pumasok si Andrey dahil mahuhuli na siya sa aralin nila, nakalimutan niyang ilagay sa bag ang pabaon na ginawa nang kanyang Lola.
Kaya nong nag reassess na doon na niya alintana na wala pala siyang baon.
“ Patay! Naiwan ko baon ko ” kamot ulo niyang saad sa sarili kukutyain na naman daw siya nang mga ka klase niya.
“ Oh ano Andrey? Wala kabang baon? ” nag sisimula nang tumawa ang mga ka klase niya. Napayuko nalang siya dahil sa hiya, pinagtatawanan parin siya ng mga ka klase.
“ At sinong nagsabi na walang baon ang apo ko? ” biglang na pa angat ng ulo si Andrey sa nag salita, alam niya na boses ‘ yon ng kanyang Lola.
“ Lola?”
“ Umalis kayo sa harap nang apo ko kun‘di uupakan ko kayo! Alis! ” pag tataboy na kanyang Lola sa mga batang kumukutya sa kanya. Ngumiti si Andrey habang tinitignan ang kanyang Lola na pinagtabuyan ang mga bata.
“ Sa susunod apo ’wag ka nang mag mamadali, ayos lang mahuli sa klase ang importante hindi mo maiiwan ang pag kain mo naiintindihan mo?” paalala nang kanyang Lola tumango ito habang nginunguya ang kakanin na ginawa ng Lola niya.
| End..
Hanggang iniisip niya parin ang pang yayaring iyon.
“ Nakakabaliw ba ang Manila? ” kunot noo namang nilingon ni Andrey ang Ina nito dahil sa tinatanong.
“ Hindi naman po Ma bakit? ” taka nitong tanong.
“ Tumatawa kana kase habang tumitingin sa ding ding ” natatawang ani nang Mama niya.
“ Ma? Matagal na po akong baliw ay este makulit kaya ‘wag ka nang magtaka ” nilapitan ang Ina nito at niyakap. ” Na mi missed talaga kita ng sobra ma! ”
Kinatanghalian naisip ni Andrey na puntahan si Anya, na mi-missed niya rin ito sobra.
“ Anya? Ane? ” tawag nito sa kaibigan ngunit ang nakita lang niya ay ang bunsong kapatid kaya ito nalang ang tinanong niya.
“ Ejay? Ang ate Ane mo? ”
“ Si ate Anya! Ah andon sa batis kumukuha nang tubig, kuya Andrey na missed po kita sobra, bakit ka umalis? ” ang masiglang boses kanina ay napalitan nang malungkot na boses.
“ Ejay? Si kuya Andrey nag aaral sa Manila pero madalas kada buwan naman uuwi ako dito, gusto mo bang mag aral sa Maynila? ” tanong nito sa bata habang tinatabihan niya sa pag kakaupo.
“ Malayo po ba ang Maynila? ” tanong ng inosenteng bata.
Nagbigay ito nang matamis na ngiti bago sumagot “ Oo ‘di masyado ”
“ Ano ang totoo? Malayo? O Malapit? ”
“ Ewan! ” kamot ulong saad ni Andrey at hinawakan ang ulo nito.