•| ROBIX |•
•Andrey POV ‘s•
“ Seguro maganda talaga ang Davao, kwentu mo palang na e-imagine ko na ang Davao HAAHA ” natatawang saad ni Calli, I kwenento ko kase sa kanya ang mga magagandang tanawin sa probinsya.
“ Tsk! Maganda ba talaga? ” aishhh kakasira nang vibes itong si Alfie.
“ Ay sus! Gusto mo lang pumunta sa Davao eh ” pang iinis ko sa kanya, may inis inis pang nalalaman HAAH sos.
“ Ahm Alfie? ”
“ Ohm? ” tugon niya habang may inis parin sa mukha.
“ May malapit ba na dagat dito? ” tanong ko sa kanya.
“ Oo bakit? Gusto mong mag beach? Game ako niyan ” masiglang saad ni Calli ayos matagal narin akong hindi nakakaligo nang dagat.
“ Ayos! Cge na pasok na ako! ” nag paalam na ako sa kanila at tumungo na sa room ko. Grabe ang ganda talaga dito kahit isang buwan na akong pa balik balik, ‘di ko lubos maisip na nakapag aral ako dito.
“ Hoi Andrey? Ano pang ginawa mo jan? Pasok na tayo ” pag yaya sa akin ni Marcus, naging malapit kami nito dahil mag katabi kami, nag daldalan din kami habang nag di-discuss si Ms. Elizabeth kahit sa ibang klase din.
“ Oh anong pang hinintay mo tara na ” natatawang saad ko at lumakad kasama niya.
“ Anong ginawa mo sa break natin? ” pangunguna niyang tanong.
“ Wala! Umuwi lang akong Davao ikaw? ” pabalik kong tanong sa kanya, masasabi kong mayaman din itong si Marcus pano ko nasabi? Helicopter kase ang service niya, ‘di joke hatid sundo kasi siya nang Lamborghining sasakyan, o d’ba? Ilang milyon kaya ang halaga niyan.
“ Wala naman nasa bahay lang natutulog ”
“ Talaga? Grabe ganyan ba talaga ang mga mayayaman? ” saad ko pero hininaan ko lang ang pag kakasabi na saktong ako lang din ang nakakarinig.
“ Aciasa? Lestin ” iyan ang ibig sabihin nang Section A namin. Agad naman kaming umayos ng upo lahat.
“ These past few weeks bullies are on the rise now, all we have to do is make a report on how to solve it. Choose a partner and present it the next day ” saad ni Ms. Elizabeth. Tama si Ma'am nong papunta ako dito kanina may nakita akong isang tao na tinapunan ng paint ang damit niya, pupuntahan ko na sana pero may isang Guro ang lumapit kaya dumeretso nalang ako at umasta na parang walang nangyari */ kunot noo.
“ Partner na tayo Andrey! ” pinlupot ni Marcus ang kamay niya sa akin habang nakangisi tsk! Parang aso naman oh */pout
“ Ay hindi! Ayoko! Ayoko! ” tumanggi ako sa alok niya, ayaw ko siyang maka partner.
“ Huh? Bakit? ” nakakunot noo siyang tumingin sa akin.
“ May partner na ako! ” deretsong saad ko sa kanya.
“ Sino? ”
“ Halika! Pagmasdan mo! ” ani ko sa kanya at lumapit sa gawi ni Ruehan, may pabala siyang tingin pero ‘di ko siya pinansin.
“ Ahm Ice? Partner tayo? ” pag alok ko sa kanya. Pero ‘di man lang ako nilingon, tsk! Ang lamig niya talaga */ pout
“ Ahm Ice? ” ‘di parin niya ako nilingon, bingi ba siya? O sadyang ayaw lang seguro akong pansinin.
“ Ice? Ice? Ice Ruehan? ” bigla naman niya akong tinitignan nang masama.
“ Oi ‘di mo kase ako pinansin kaya tinawag kita sa ganoon mong pangalan! Pasensya na partner tayo ah ” nginitian ko siya habang tumayo na at pumunta na sa inuupuan ko.
“ Oy? Bakit mo siya kinausap? Alam mo na ilang taon akong pabalik balik dito walang nagtangkang kumausap sa kanya! ”
“ Talaga ba? Bakit ano bang meron sa kanya? ” nag tatakang kong tanong sa kanya. Aswang ba si Ruehan?
“ Eh kita mo naman d’ba ang lamig niya, walang nagtangkang makipag kaibigan sa kanya. Sikat din siya sa pagiging malamig ”
“ Ah ganon? ” kung maging malamig kaya ako? Sisikat din ba ako? HAAHA
“ Cge Andrey una na ako sayo sa canteen ” nag paalam na siya sakin na mauna na sa Canteen, matakaw din ang isang iyon! */ Pout.
“ Ruehan? Gusto mo sabay tayong bumaba? ” pag aalok ko sa kanya hindi siya tumingin pero tumayo kaya lang lumakad siya nang hindi man lang ako tinignan sus */pout.
~
“A Ruehan? Tabi tayo ah ” ani ni ko kay Ruehan at inilagay na sa lamesa ang mga pag kain na inorder ko sa canteen.
“ Ahm Ruehan? Hindi ka pa kase tumango kanina sa pag alok na mag partner tayo ” pagsasalita ko sa tabi niya, patuloy siyang kumakain at parang ‘di naman nakikinig ito.
“ SM City at 8:00 Am ” saad niya bago umalis, anong ibig niyang sabihin? Kainis naman oh hindi naman 'yon pangungusap! */ Pout.
“ Mag kita daw kayo bukas sa SM City! ” biglang pag sasalita sa likod he! Alam kong si Alfie to eh AHHA.
“ Hoi Andrey? Saan ka humugot nang lakas para makipag lapit kay Ice Ruehan! ” kunot noo niyang saad habang umiinom ng juice. Ihm ganon na ba sila kaduwag para kausapin ang Ruehan na yon?*/ Pout.
“ Calli? May pabor ako ”
“ Ano iyon? ” tanong niya habang tinitignan si Alfie na naka kunot ang noo at nakanguso.
“ Pakibantayan ang aso ko ”
“ Ikaw! ” dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at nag mamadaling tumayo dahil alam kong dudumugin ako ni Alfie AHAHA.
~
Habang nag lalakad sa ground nakatawag pansin sa akin ang isang maliit na robix. Teka? Parang pamilyar ang bagay na to ah saan ko ba ito nakita?
Nag lalakad ako habang minamasdan ang maliit na robix hindi ko ito ginulo dahil hindi na ako marunong ayusin iyon ulit.
Nagulat nalang ako nang may biglang humablot ng robix sa kamay ko.
“ ANO BA! NAKITA MONG Reuhan?Tama sayo nga ‘yan ” nakangising saad ko sa kanya, siya naman ay galit na tumingin sa akin.
“ Ah Rue-han h-in-di ko ‘yan kinuha sayo! Nakita ko lang iyan nong naglakad ako kaya pinulot ko, kasalan ko bang pabaya ka sa gamit mo!” nakanguso kong saad sa kanya pero nagulat ako nong tinignan niya ako nang masama.
“ Ahm Ruehan wag - ” tsk ang suplado talaga iniwan ba naman ako, ‘ di marunong mag pasalamat. Paano naman humanga ang mga babae sa kanya tsk */ pout.
“ Andrey? Andrey? Anong sadya ni Ice sayo? ” aishh andito na naman ‘tong chismoso, kalalaking tao pero hilig sa chismis.
“ Wala! Punta na tayo sa next subject natin!” ani ko at nauna ng lumakad.