bc

Ang Tatlong Tinik sa Puting Rosas

book_age18+
210
FOLLOW
1K
READ
campus
like
intro-logo
Blurb

Ang kwentong to ay hindi naaangkop sa mga bata. Ito ay may lamang s****l, incest, rape, droga , M2M.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
“Isa, dalaw, tatlo”, sabay-sabay na binato ng malakas ng mga magkakaibigang Boyet, Jet-Jet at Rey kay Ken ang kanilang mga tsenilas sa pag lalaro nila ng tumba lata. Maliban sa magkakaibigang ito si Javier lamang ang hindi bumato kay Ken, sa halip na ibato ito kay Ken at sa lata, sinadya niyang hindi pataaman ang lata.  “Ahhhh” pigil na pagsigaw ni Ken ng ang mga tsenilas ay tumama sa kanya sabay takip ng kanyang mga kamay sa kanyang ulo para hindi ito matamaan. Ito ay hindi ordinaryong mga stenilas ito ay alpombra. Maluha-luha niyang hinarap ang kanyang mga kalaro. Napansin naman ito ni Boyet, Jet-jet and Rey, kaya agad nilang tinukso.  “Iiyak na yan. Iiyak na yan” paulit-ulit nila itong sinisigaw, habang si Ken ay nag babantay sa lata at mga tsenilas na malapit sa kanya.  “Bleehhh!!! di ako iiyak” nangingiwing sagot ni Ken. Ito ay sinabayan ng tukso ni Boyet na “Iiyak na si bakla hahahah”, Sabay tawa ng malakas.  Dahil sa pang-aasar, hindi maayos na nabantayan ni Ken ang lata, kaya agad naman itong sinipa ni Boyet. Tumalbog ang ng malayo kaya, agad naman itong hinabol ni Ken. Mabilis naman itong nakuha ni Ken at agad na pinatayo sa base ngunit bago pa man niya itong mapatayo mabilis ding nakuha ng mga kakaibigan ang kanilang mga tsenilas maliban kay Javier. Kinuha ni Javier ang kanyang tsenilas na agad namang nakita ni Ken. Hinabol Niya si Javier na mabagal tumakbok kaya nahuli sya ni Ken. Laking tuwa at ngiti ni Ken kasi hindi na sya taya sa laro. Habang nagbabantay si Javier sa lata at naghahanda sa pagbato ng mga kalaro nila ng tsenilas. Nagusap-usap si Boyet, Jet-jet at Rey. “Alam nyo na gagawin nyo?” Sabi ni Boyet.  “Cge hehehehe…” sabay na sabi ni Jet-jet at Rey. “Ohh bakla ikaw na mauna tumira kung hindi ikaw titirahin ko hahahaha” sabi ni Rey.  “Hahaha tumira kana bakla” sabi din ni Jet-jet. Para matapos ang panunukso ng mga magkakaibigan, agad namang binato ni Ken ang kanyang tsenilas ngunit hindi ito tumama sa lata. Lumagpas ang hagis ni Ken, agad naman pumunta si Ken malapit sa kanyang tsenilas ngunit hindi nia ito ginalaw at hinawakan para hindi sya habulin ni Javier.  Sabay-sabay ulit binato ng magkakaibigan ang kanilang tsenilas, ngunit imbis na ito ay ipatama sa lata kay Ken nila ito binato. Hindi nakailag si Ken sa mga stenilas na tumama sa kanya dahil ang nakatutok lamang siya sa lata at kay Javier.“Araaaaay” malakas ng pagkakasigaw ni Ken dahil tinamaan ang kanyang mukha. Kaliwang tagiliran at ang kanyang paa.  “Hahahaha” sabay-sabay ulit na tawa ni Boyet, Jet-jet at Rey. “Iyak na bakla, sorry na bakla kala kasi namin lata ka hahahaha” . Dahil hindi na tiis ni Ken ang sakit may na mumuo ng mga luha sa kanyang mata sabay upo sa lupa.   “Iiyak na yan, iiyak na yan” paulit-ulit na panunukso ng mga magkakaibigan. Hanggang sa hindi na mapigilin ni Ken na umiyak.  “Ayaw ko na, madilim na padating na din si Daddy” biglang sabi ni Javier. “Cge Jav gabi na din, tatawagin na din kami sa bahay, alam mo na dapat nakauwi na bago maghapunan, Oh bakla uwi kana din baka kainin ka pa ng aswang galit pa naman yun sa mga bakla, hahahaha” sabi ni Boyet.  “Huwag mo na kasi sa susunod isama si bakla Jav, iyakin naman yan at isa pa ang hinhin nakakasira sa laro natin” sabi naman ni Jet-jet. Sabay sabay na umalis si Boyet, Jet-jet at Rey.  Nang maka-alis ang mga kakaibigan, biglang nakaramdam ng daliri si Ken na humahaplos sa kanyang ulo. “Tama na yan, papagalitan ka naman ni Ninong Ruel, pagnakita niyang umiiyak ka.” sabi ni Javier. Agad na tumingala si Ken na may mga luha sa kanyang mga mata at agad niyang nakita ang malapad at abot tengang ngiti ni Kuya Jav nya. Mas lalong bomuhos ang mga luha ni Ken at kasabay nun ay ang pag-tulo ng kanyang sipon na gumawa ng lubo. “Hahahahaha!!!…” malakas na pagkakatawa ni Javier. “Iyak ka nalang para maraming lubo ng sipon magagawa mo hahahahha!!!. Agad inabutan ni Javier si Ken ng panyo. “Ohh ito panyo pahiran mo hahahahaha!!!”. Agad naman kinuha ni Ken ang panyo at ipinahid niya ito sa kanyang mga mata at ilong.  “Kuya, akin na muna tong panyo mo ha, lalabhan ko lang may sipon pa kasi hehehe” sabi ni Javier sabay tayo.  “Sayo nalang yan, pampahid mo sa mga luha mo. Isa pa, may ispon at luha mo na yan batang Iyakin hahahaha Bleehhhhh! Pabiro at may halong pang-aasar ni Javier. Dahil sa pag-kakaasar  , tinakang ipahid ni Ken ang panyo kay Javier, ngunit mabilis na naka-iwas ito at sabay sabi “Yayyyyyy hahahaha” .  Hinabol ni Ken si Javier para ipahid yung panyong may sipon nia at todo iwas naman ang kasama. Naghabulan ang dalawa hanggang sa naisip ni Javier. “Tama na, pag-hindi ka tumigil di kita isasakay sa bike at maglalakad ka at sasabihin ko kila Boyet yung tungkol sa sipon mo hahahahaha”. Natakot naman si Ken na agad namang tumigil. “ Cge, di ko na ipapahid sayo, basta wag mo ipag-sabi, pleeaasssseee” may pacute na pagmamakaawang sabi ni Ken. Agad naman tumango si Javier na may halong pang-aasar, kaya, agad namang sinabi ni Ken, “Mag promise ka”. Para paniwalaan ni Ken, itinaas ni Javier ang kanyang kanang kamay, tanda na ito ay ngangako.  “Ohhh tara na gabi na, papagalitan na naman tayo ni tatay pag-ginabi tayo” sabi ni Ken, sabay lakad patungo sa naka higang bisekleta ni Javier. “Ikaw lang papagalitan nun nohhh hahaha, malakas kaya ako kay Ninong Ruel”. “Edi isumbong kita kay Ninong Roman hahahaha, malakas din ako kay Ninong bleehhhh” .  Pagkadating sa bisekleta, “Saan ka sasakay sa harap o sa likod?” Tanong ni Javier. Habang nag-iisip si Ken, dahil di pa nya alam kung saan sya sasakay. “Sa likod nalang, para di sumakit ang puwet mo at di ko maamoy ang mabaho mong buhok.” Dugtong ni Javier. Di na rin umimik si Ken at nilagay ang kanyang mga papa sa patungan para maka angkas at nilagay nito ang dalawang kamay sa balikat ni Javier. Kinuha ni Javier ang dalawang kamay ni Ken sa balikat at nilagay Niya ito sa kanyang bewang.  Agad na kumaripas ng takbo si Javier, para hindi malaglag mahigpit na niyakap ni Ken si Javier kasabay nito ang pagpatong ng kanyang ulo sa balikat ni Javier na may ngiti. Medyo may kalayuan ang bahay nila Ken na sa bandang dulo ito ng kanilang barrio dahil malapit dun ang lupang sinasaka ng kanyang ama. Habang binabaybay ni Javier at Ken daan at makarating sa bandang itaas ng burol ay sinalubong sila ng malamig at may kalakasang hangin. Na agad nag paguhit ng mga ngiti sa dalawang bata. Agad naman binagalan ni Javier ang pag-bibisikleta at nakuha agad ni Ken ito kaya bigla nyang hinugot ang kanyang mga kamay na nakayakap sa bewang ni Javier at saka dumipa at sumigaw “Ahhhhhhhhhh” habang ginagawa ni Ken ito, bigla ding binitiwan ni Javier ang manubela at hinanap ang kamay ni Ken. At sabay silang sumigaw na may tawa“Ahhhhhhhhhhhh, hahahahahaha”.  Habang gingawa nila ito, ay kita nila ang pag lubog ng araw and kasama ang ningning nito sa kulay asul ng karagatan na matatanaw sa taas ng burol.   “Gusto mo ba huminto?” tanong ni Javier, biglang tumango si Ken, sabay sabing  “Uhhhhh Uh!!”. Huminto sila sa pina ka mataas na parti ng burol. Umupo at sabay pinag masdan ang pag lubog ng araw. “Kamusta na pala si Ninang Edith?” Pagbasag na tanong ni Ken kay Javier. Si Edith ay ang ina ni Javier na kasalukuyang nasa kanilang Mansyon kasama ang isang private nurse. Ito ngayon ay pinapahirapan ng stage 4 cancer sa obaryo. Natuklasan nila ito ng ipinanganak si Javier 10 years ago. Pabalik Balik sa hospital si Edith dahil sa Chemo pero itong nakaraang tatlong taon ay sumuko na ito sa pagpapagamot at mas piniling makasama ang asawa at at anak nito.  “Nakahiga nalang si Mommy.” Malungkot at maluha-luhang sagot ni Javier. Bigalang sumigaw si Ken, “Ohh Araw naway paglubog mo isama mo na rin ang sakit ni Ninang Edith, Ohh Hangin, tangayin nio na po ang sakit ni Ninang Edith” sabay nun ay ang pagpikit ng mga mata ni Ken at tahimik na nagdarasal na gumaling na ang kayang Ninang.  Habang naka pikit ang mga mata, di maiwasang tumingin ni Javier kay Ken at di mapigilang mapamanggha sa kanyang nakikita. Ang mapuputi na mala-labanos na pisngi na kumikinang dahil sa sinag ng dapit hapon, mga labing kulay rosas na lalong tumingkad dahil sa sugat na gawa ng patama ng tsenilas kanina sa paglalaro. Di rin maiwasang tingnan ni Javier ang matangos na ilong at mga mapupungay na matang may mahahabang pilik mata . Kasabay nito ang tenga at leeg na na mumula dahil sa kaputian dahil sa pagpapabilad sa araw. Na biglang ikina tuyo ng kanyang lalamunan at naka ramdam sya ng pag-iinit sa kanyang buong pagkatao.  “Ayan, nagdasal na ako na sana gumaling si Ninang Edith” sabi ni Ken sabay harap kay Javier. “Oyyyy, Oyyyy” magkasunod na pag kakasabi ni Ken dahil sa pagkatulala ni Javier na parabang walang naririnig. Biglang nilapit ni Ken ang kanyang kamay at kumuway sa harap ng mukha na Siyang nag pabalik ng ulirat ni Javier sa kasalukuyan.  “Huh?” may pagkagulat na sabi ni Javier.  “Sabi ko, ipinagdasal ko na si Ninang na gumaling para sumaya kana, haysss yan kana naman naka tulala na parang di mo ako naririnig. Ano ba nangyayari sayo?” may pag-alalang tanong ni Ken. “Bakit ako naka tulala? Kasi ina alam ko kung bakit ang baho ng hininga mo at ano ang ulam mo kanina. At Napag tanto ko na tuyo ang ulam mo. Hahahahaha” sabi ni Javier sabay tawa. Bigla naman nakaramdam ng hiya si Ken, kaya tumalikod ito at bumuga ng hangin gamit ang kamay nito gamit ang kanyang bunganga sabay amoy at biglang harap kay Javier para sabihing amoy Colgate ang kanyang hininga. Ngunit bago pa man nito masambit ang unang kataga ay bigla niyang naramdaman ang mainit na hininga, malasahan ang manamis namis na lasa mula sa malambot na pares na mga labi ni Javier. Biglang ginalaw ni Javier ang mga labi nito na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kanilang dawala. Dahil sa parehong walang karanasan at hiya biglang binawi ni Javier ang labi nito at Sabay sabing  “Eeeeeee, bakit mo ako hinalikan? Pwede mo namang sabihing lasang colgate yung labi mo kahit di mo ako halikan.” Dahil sa pagkabigla at hiya hindi na umimik si Ken. Agad na tumayo nalang ito papuntang bisekleta. Agad naman sinundan ni Javier at dinamput ang bike. Sumakay si Javier at sumunod naman si Ken. Nag-umpisang pumedal si Javier sabay nun ay ang mahigpit na pagyakap ni Ken sa likuran ni Javier na may kakaibang ngiti dahil sa pinaghalong kilig, saya at init na nararamdaman.  Tahimik lang silang dawala na binabaybay ang daan patungo sa bahay nila Ken. Pagkaraan ng ilang labinlimang minuto ay narating na Nila ang kawayang gate nila Ken.  Pagkahinto bigla agad ding bumaba si Ken at tanaw na nia ang ilaw sa loog ng kanilang bahay na hudyat na naroon na ang kanyang ama.  “Hatid paba kita sa loob?” tanong ni Javier.  Umiling si Ken sabay sabi “ Huwag na gabi na ohhh, baka hinihanap ka na din Don Juaquin” ang lolo ni Javier.  “Okay lang naman, alam mo naman paburito ako ni Lolo, okay ka lang ba yung mata mo maga pa at yung labi mo may sugat” sagot sabay tanong ni Javier.  “Sabihin ko nalang na napuwing ako at na dapa sa pag lalaro, alam mo naman na kaya ko ng lusutan si tatay. Basta pagsakaling magtanong si Tatay yun yung sabihin mo pareho tayo ng sagot hahahaha” Kumpiyansang sagot ni Ken.  “Okay , cge pasok kana.” Utos ni Javier. Tumalikod naman si Ken aakamang papasok na sa kanilang bakuran, ngunit bago pa sya makahakbang muli ay bigla lang syang naka ramdam ng pag hila at napasandal sa matigas na pader, at muling naramdaman ang mainit at mabango hangin. Sabay nun ang mainit at malambot na dumapo sa kanyang pisngi sabay dinig ng matatamis na  “Goodnight”.  Bigla na naman siyang namula at natulala. Bago pa man sya makapag salita ay kumaripas na takbo si Javier gamit ang kanyang bisikleta na may ngiti sa labi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

NINONG III

read
416.6K
bc

BAYAW

read
82.0K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook