Sorry ngayon ko lang napansin Ken pala gamit ko na name sa unang kabanata tapos ngayon Dione, pinalitan ko na po ng Ken, si Ken at Dione ay iisa. Sorry first time lang na magsulat sensya na din sa mali maling grammar hehehe o maling spelling.
Ken na po ang gagamiting kong name.
Habang naglalakad, napaisip si Ken kung mahal ba talaga siya ng kanyang ama. At bakit lagi nalang ito galit. Alam ni Ken ang gawain ng ama kasi minsan naririnig niya ang usapan ng ama niya at Ninong Ramon at uncle Roger nito na pumapatol sila sa bakla. Pero dun lang ang alam niya at di naman kasi masisisi ni Ken ang ama dahil malakas din naman talaga ang s*x appeal nito.
“Hmmmm bakit kaya galit na galit si papa sa mga bakla ehhh gingamit din naman niya ito” bulong niya sa kanyang sarili.
Tahimik lang na naglalakad si Ken hanggang sa matagpuan niya ang kanyang hidden hide out. Isa itong malaking puno ng mangga na natumba kaya gumawa siya dito ng muting bahay-bahayan na gawa sa mga pinagtagpi tagping sako. Dito naka dama si Ken ng kapayapaan. Dito, alam niyang walang mananakit sa kanya, dito walang manlalait sa kanya, dito payapa sya.
Sa parte ng gubat na ito ay nagsaboy siya ng mga boto ng Bayabas, papaya at kung ano ano pang puno na namumunga.
“Pag-ako pinalayas ni papa dito na ako titira” sa isip ni Ken habang hinuhukay ang nakabaon na box. Ito ay naglalaman ng kanyang kungting ipon na pera, libro na kanyang binabasa at mga ilang mga bagay na mahalaga sa kanya. Pagkabukas nito ay agad din niyang nilagay ang larawan ng kanyang ina. Pagkatapos maayos ang gamit saka niya naispang kumuha ng papaya at magkalkal ng singkamas.
Habang nilalakbay ni Ruel ang daan ay maiinit ang ulo nito, pagkaraan ng 15 minuto ay narating niya ang mansyon. Pagkaparada ng kanyang motor ay sinalubong sya ni Javier.
“Ninong Ruel, mano po” pagbati ng bata kay Rue sabay taas ng kamay.
“Uh” maikling sagot ni Ruel saka inabot ang kamay ni Javier.
Pagkatapos magmano ay agad ding umalis si Javier at bumalik sa mansyon, saka naman ang pagdating ng kanyang ama na si Ramon.
“Mukhang mainit ulo mo pre ahhhh” pasalubong na bati ni Ramon.
“Oo bwesit napaso yung kamay ko, natapunan ng kape” inis na kwento ni Ruel.
“Nako malayo naman yan sa bituka at di naman ata malala yan, ano ba ginawa mo at natapunan ka?” Tanong ni Ramon.
“Nako yung ina-anak mo yung tanungin mo, handa na ba si Don?” Pag-iiba ni Ruel.
“Handa na yun.”sagot naman ni Ramon.
“Ikaw ba hindi ka sasama? Tanong ni Ruel.
“Hindi na pre, punta pa ako ng Maynila, may aasikasuhin lang, makikipag-kita ako dun sa doctor na galing America para matingnan niya si mare mo” sagot naman ni Ramon.
“Ahhh, kamusta na pala siya pre?” Pangangamusta ni Ruel.
“Ayon hindi ko nga alam pre ehhh, alam mo minsan nag-uusap kami lumalaban nalang talaga siya para kay Javier. Ito kasing ina-anak mo mama’s boy. Gusto lumaban pa yung mama niya. Hirap na hirap na din si Edith kung alam niya lang. Kaya heto para sa kanya luluwas ako ng manila” - pagkwento ni Ramon.
“Yaan mo na pre gawin mo nalang lahat hangga’t may pag-asa at sa kung saan ang kaya mo at ni mare” mahinahong sagot ni Ruel.
“Oo naman, hahahaha. Nako di na tayo nagpapang-abot sa bahay nila Roger ahhh. At magtagal ko na di nakikita yung ina-anak ko” pag-iiba ni Ramon.
“Oo nga eh na kwento nga ni Roger na minsan hating gabi ka dun pumupunta, ako naman hapon o mga alas 8 hahahahaha, di na ata nakakapaghinga yung puta ni Roger ahhh” sagot naman ni Ruel.
“Oo nga ehhh alam mo naman di ako makalabas o makagalaw dito dahil sa ama ni Edith baka ano paisipin nun, di pa patay si Mare mo nagtataksil na ako” sabat naman ni Ramon.
“Hindi ba? Ehhh dami mo na nga siguro nakantot na bakla ako pa ulit-ulit lang dito sa atin, makakatikim lang ako ng ibang putahe pagnasama ako kay Don at may pupuntahan na malayo” sabat naman ni Ruel.
“Hahahaha di naman, iba naman yung babae sa bakla at least pag sa bakla di na magka-anak kahit putok sa loob.” -sabat ni Ramon.
“Oo nga ehhh, nga pala may nakausap ako sa kabilang probinsya, pwede natin deliveran kahit 10 kilo kaya na yun” -pag-iiba ni Ruel.
“Legit ba yan, wag muna tayo pa dalos dalos sabihin mo 1 kilo muna, tingnan natin kung matino, dun tayo baka may maka rinig” sagot ni Ramon.
Lumakad ang magkaiban papunta sa isang kubo malapit sa swimming pool at dun nagusap tungkol sa kanilang ilegal na gawain.
Pagkatapos mag-usap ay nagpasya silang pumasok sa loob ng mansyon.. Habang papasok ay iniba na nila ang usapan.
“Kamusta na pala ang ina-anak ko? Hindi na nagawi dito. Dami pa naman ako libro dito”pag-iiba ni Ramon habang naglalakad.
“Nako isa pa yan sa problema ko, bwesit na bata yan, pagminamalas ka pa naman.” Dismayadong sagot ni Ruel.
“Ohh bakit naman, panong dismayado, ehh subang talino at mabait yang ina-anak ko”pagtataka at pagtatanggol ni Ramon.
“Oo matalino, Oo mabait sa subrang mabait di na lumalaban, hindi lumalaban kasi bakla ang gago, nahuli ko kahapon nag-susuot ng pambabae” - inis na kwento ni Ruel.
“Kaya pala nako nako hahahaha patay tayo diyan, ehhh pano na yan? Tanggapin mo nalang, wala ka naman magagawa diyan isa pa mabait namang yang anak mo?” Sagot ni Ramon.
“Anong kaya pala mo dyan? Puta ang hirap lang tanggapin pre syempre binababoy ko yung mga bakla tang-ina”dismayadong kwento ni Ruel.
“Ehhh baka panahon na para itigil mo na yang trip mong yan sa mga bakla, diba nga sabi nila karma mo yung anak mo hahahahaha”pagbibiro ni Ramon.
Habang nagbibiruan ay bila silang nakarinig ng yapak mula sa taas at sabay silang tumingala.
“Ohhh Ruel dyan kana pala, handa kana ba? Tayo ay lalakad na.” Maawtoridad na pagsasabi ni Don Juaqiun.
“Good morning Don, opo handa na po ako” - magalang na sabat ni Ruel.
“Ohh siya sige pre, ingat nalang” pagpaalam ni Ramon.
“Ohhh Ramon, pag nakasusap mo yung doctor sabihin mo magababayad naman tayo kahit magkano basta magamot niya yung anak ko” -utos ni Don Juaquin kay Ramon,
“Opo dad”- maamong sagot ni Ramon.
Nilagpasan lang ni Don Juaquin si Ramon at patuloy na ito sa pag-labas.
Ng papalabas na ng pinto ng Mansyon ay saka nakasalubong ng matanda ang nag-iisa at pinakamamahal niyang apo.
“Oh apo, kumain ka mamayang tanghali wag puro laro yang inatupag mo, aalis muna kami.”pagpapaalam ng matanda.
“Maritttttesssss”malakas na tawag ng matanda.
Dali daling pumunta naman si Marites ang mayordoma ng Mansyon.
“Aalis ako at aalis din si Ramon baka bukas ng umaga na ako babalik. Si Javier siguradohin mo nakakain yan. Ohhh sige alis na kami”
“Opo Don” matipid at magalang na sagot ni Marites.
“Lolo pwede po ako pumunta kila ninong Ruel? Gusto ko lang puntahan si Ken?”pagpaalam ni Javier.
“Oo nga Ruel, sino kasama ng anak mo dun?”tanong ng matanda kay Ruel na nag-aantay sa sasakyan.
“Ahh siya lang po Don, kaya niya na yung sarili niya” sabat naman ni Ruel.
“Ehhh di papuntahin mo nalang dito, ohhh sige Javier papuntahin mo nalang dito si Ken para di na kayo umalis ng mansyon at dito mo nalang din siya patulogin baka bukas o gabihin kami ng uwi.” Pagpayag at utos ng matanda.
“Yehey salamat Lolo, ingat po” masayang pag-paalam ng bata.
“Okay basta wag kayo sa malapit sa kwarto ni mama mo ha para makapag pahinga siya” -bilin ng matanda.
“Opo bye Lo” - paalam ulit ni Javier.
Pagpasok ng mansyon ay nakita agad ni Javier ang kanyang ama.
“Dad anong oras po kayo aalis” -tanong ng bata.
“Aba bakit pinapaalis mo na ako? Lokong bata to ahhh” - pagbibiro ng ama.
“Opo hahahaha”pabirong sabat ng bata.
“Aba loko to ahhh oyyy kahit 13 taon lang ang agwat ng edad natin, ama mo pa rin Ako at mamimiss kita di mo ba mamimiss si daddy?” sagot naman ni Ramon.
“Hindi” hirit ng anak.
“Ahhhh hindi ganon hahahahaha di namang kaya ako aalis” pang aasar ni Ramon.
“Dad naman para to kay Mommy, mamimiss po kita pero kausapin mo talaga yung doctor dad ha na pagalingin si Mommy”panunuyo ng bata.
“Oo naman, pero mamayang hapon pa yung flight ko” sabat ng ama.
“Ohhh siya sige puntahan mo na dun yung kaibigan mo para dito na din sya makapagtanghalian” patataboy ni Ramon sa anak.
“Dad, hehehehe pwede? Can I use you bike” Hiling ng bata.
“Ohh siya sige pero ingatan mo yan ha at mag-ingat kayo” pagpayag ng ama sabay bunot sa kanyang bulsa para sa susi ng motor at inihagis ito kay Javier na nasalo din nito.
Pagkasalo ay sabay din kumaripas ng takbo si Javier sa garahe ng mansyon para kunin ang motor ng kanyang ama.
Pina-andar niya ito lumabas ng mansyon pa para sunduin ang kanyang kaibigan. Habang nilalakbay ang daan patungo sa bahay nila Ken ay iniisip siya pano niya ito ipagmamayabang sa kaibigan niya. At alam niya din na na miss niya ito.
Sa paaralan ang totoo niyan ayaw niya lumapit kay Ken kasi gusto niya itong matuto lumaban at minsan sinasaway na din niya sina Boyet pag sumusubra. Minsan din kasi gusto at nakakainis yung pagigigng subrang mabait ni Ken. Siya yung pinakamabait na tao na nakilala niya sunod ang kanyang mama, pero naiinis din sya kasi kahit inaabuso na ito o sinasaktan parang okay lang sa kanya. At kahit papaano nakakaramdam at naghihinala na din siya sa tunay na pagkatao ng kanyang kaibigan at matagal na ito kasi minsan nahuhuli niya itong naka tingin sa kanya at alam niya ang mga ganong titig. Hindi nga niya alam kung pabor yun sa kanya o hindi. Sa murang edad na 16 ay walang issue sa kanya ang kasarain. Kung mahal mo mahal mo at wala yun sa kasarain kundi sa nararamdaman.
Hindi mahirap mahalin ang kaibigan niya pero bilang isang binata open naman siya na e eplore both worlds. Nagkagirlfriend na din siya pero may seryoso at may hindi din merong s*x lang ang habol. Lahat yun naranasan na niya. Pagseryoso naman ay naiinis siya kasi demandig at maarte kaya madalas hinihiwalayan niya din. Kahit sino kaya naman niyang paibigin pero pagdating sa kaibigan medyo torpe siya, para kasi itong mamahaling vase na di pwede mabasag o isang bulalak na rosas na dapat ingatan, kaya natotorpe siya dito at di pa din siya sigurado sa kanyang nararamdaman at ganon din sa totoong pagkatao ng kaibigan.
Pagkaraan ng 15 minuto ay narating niya ang bahay nila Ken. Tinawag niya ito.
“Yohhhoooooo tao po” sigaw niya pero walang sumasagot kaya naisipan nalang niya na pumasok sa loob. Pinarada niya ang motor at tinawag muli ang kaibigan.
“Taoooooo poooooooo”malakas na sigaw ni Javier. Pero wala paring sumasagot kaya naisipan niyang libotin ang bahay.
Pagkatapos kumain ni Ken ng mga prutas ay naisipan niyang magbasa ng libro pero malapit na din niya itong matapos. Kaya pagkaraan ng isang oras ay natapos na niya ito. Nagpasiya siyang bumalik nalang ng kanilang bahay. Habang papunta sa kanilang bahay ay nakarinig siya ng sigaw na kanyang pinagtataka.
“Sino kaya yun” bulong niya sa kanyang sarili. Bago pa man siya makalabas sa gubat at marating ang kanilang bahay ay nakita niya na may tao sa kanilang bahay at agad naman niyang napagtanto na ito ay ang kaibigan niya na kanyang pinagtataka.
“Bakit kaya andito to” sa isip-isip ni Ken.
“Bakit ka nandito? Tanong ni Ken
“Bakit ka nandiyan ano ginawa mo dyan”- sagot ni Javier
“Ako una nagtanong” pabalang na sagot ni Ken
“Ehhh sa gusto ko pumunta, bakit bawala ba? Yung tanong ko sagutin mo, ano ginagawa mo diyan at saan ka galing? - sunod sunod na tanong ni Javier.
“Hala grabi siya, isa isang tanong lang mahina kalaban. Sa unang tanong bakit ako nandito, kasi wala ako dyan , ano gingawa ko dito, edi naka tayo naglalakad, kung bawal ka dito pumunta, hindi naman pero bawal pag maraming tanong, kung ano ginagawa ko dito nasagot ko na yan, kung saan ako galing, sa bahay may tinapon lang sa sa gubat, kung ano ang tinapon ko wala kana dun, ” - bleehhhhh sagot naman ni Ken.
“Dami mong sinasabi halikan kita dyan ehhh”- sabat naman ni ken pero medyo mahina na yung huling parte.
“Ano?” Tanong ni ken kasi di niya narinig yung panghuli.
“Wala, sabi ko dami mong sinsabi sarap mo pektusan” - pagbibiro ni Javier.
“Bakit ka ba andito?”- tanong ni Ken.
“Hulaan mo.”-pagpapakipot ni Javier.
“San dali lang” sabat naman ni Ken sabay lakad papunta sa likod ng bahay nila kung saan may palangganang may laman na tubig at umupo dun.
“Ano ginagawa mo?” pagtatakang tanong ni Javier.
“Uhhhhh rim ohhhh rimmm ohh rimmm” mga tunog na nagmumula sa bibig ni Ken.
“Oiii para kang baliw, ano gingawa mo” sambit ni Javier
“Ito hinuhalaan kung bakit ka andito hehehehe” nakangiting sagot ni Ken.
“Baliw ka tagala, hahahaha dito ako pa sunduin ka, dun ka na matulog sa bahay kasi baka gabihin daw si papa mo at lolo saka wala ka dito kasama, sige ka may multo o aswang pa naman” pananakot ni Javier.
“Tanda tanda mo na naniniwala ka pa din sa aswang hahahahaha” pambabara ni Ken.
Nang tumawa si Ken saka lang napansin ni Javier ang sugat sa mga labi nito.
“Anong nangyari diyan” tanong ni Javier.
“Saan?” sagot ni Ken.
“Diyan sa labi mo”Sabay turo sa namumulang labi ni Ken.
“Ahhh ito wala to, natamaan to ng nung kaserola kagabi”pagsisinungaling ni Ken.
Alam ni Javier nagsisinungaling si Ken pero hindi nalang niya ito pinilit pa.
“Ohh tara na sasama ka ba? Lika na, sabi nga din pala ni Daddy may bago siyang libro na ibibigay sayo” paanyayani Javier.
“Ohh sige na, kuha lang ako ng gamit ko” sabat ni Ken saka pumasok na ng bahay para kumuha ng gamit.
Kinuha ni Ken ang gamit at siniguradong naka sara ang pinto. Sa likod siya dumaan ng bahay pagpaka punta sa harap ay napa wow si Ken sa nakitang motor na nakapara sa kanilang bahay, Alam naman niyang sa kay ninong Ramon niya ito.
“Wow ha, iba din buti napapayag mo si Ninong na gamitin yan” sabi ni Ken
“Oo naman ako pa, hehehehe”- pagmamayabang ni Javier.
“Lika na sakay na hehehehe” -pag-aanyaya ni Javier. Excited din sumampa si Ken sa motor.
Mabilis na pinatakbo ni Javier ang motor, dahil dito napayakap si Ken kay Javier ng mahigpit na nagustohan naman ni Javier.