“Hay! Mabuti naman at tapos na ang exam natin”, pabuntong hiningang sabi ni Mark.
“Kaya nga eh, saan tayo nyan after mga pre?”, patanong na sabi naman ni Chie.
“Tara! Tambay sa dati”, aya ko sa kanila habang nakangiti.
“Pass ako pre, aantayin ko pa si Lynne eh. Hindi pa siya tapos mag exam”, sabi naman ni Mark habang nasa tapat kami ng classroom hinahintay matapos ang kanyang girlfriend na si Lynne sa kabilang section.
“Asige pre, samahan ka na namin dito”, sambit ko na lamang.
Habang naghihintay kami ay may tumapik sa balikat ko. Si Lyeera lang pala, classmate din namin.
“Kamusta exam?”, tanong nito.
“Okay lang naman, mukhang nasagutan naman lahat haha”, sabi ko sabay tawa ng konti dahil hindi ko sure kung tama ba yung mga sinagot ko sa mga tanong sa exam namin.
“Saan kayo nyan later?”, tanong ulit nya.
“Hindi ko pa nga alam eh, hinihintay pa kasi namin bebe ni Mark eh”
“Ay ganun ba, sige see yeah later”, pagpapaalam nya na nakangiti bago umalis.
Hindi ko alam kung bakit laging nakangiti ito sakin habang kausap ako. May kakaiba akong nararamdaman sa mga ngiti nya na tila ba may gustong ipahiwatig.
“Uyyy, mukhang crush ka ata ni Lyeera ahh”, pang aasar ni Chie sa akin ng mapansing nakangiti ito habang kausap ako.
“Baliw, ganun lang sya siguro makipag usap. Laging nakangiti”, sambit ko.
“Weehh, bakit kapag sa amin hindi naman sya ganun kumausap haha”
“Eh baka kasi natatakot sa mukha mo, mukha ka kasing mananapak lagi”, pabiro kong sabi sabay tawa ng mahina.
Magmula nga nuon ay lagi nakong kinakusap ni Lyeera, kung ano ano lamang ang tinatanong nito sa akin. Minsan tungkol sa mga activities at assignment, kung minsan naman ay patungkol sa buhay.
Kinalaunan ay naging malapit din kami ni Lyeera, madalas na din syang sumasama sa grupo namin. Sumasabay na din syang maglunch at kung minsan pa ay nanlilibre ito sakin katulad ng kwek kwek, kikyam, milktea at iba pa.
Dahil nga sa laging magkasama kami Lyeera ay panandaliaan kong nakalimutan ang nararamdaman ko para kay Jelay at natuon na nga ito kay Lyeera na hindi ko naman inaasahang mangyare.
Palagi na din kaming tinutukso sa clasroom namin dahil palagi kaming magkadikit pag may free time. Nag uusap lang naman kami sa mga bagay bagay.
“Ayiiiieee., mukhang magjowa na sila oh!”, narinig kong sigaw ng sa isa naming kaklase.
Namula ang pisngi ko ng mga oras na iyon na medyo nahiya. Pagkakita ko kay Lyeera ay namumula na din ang pisngi nito at halatang nahihiya din. Hindi ko alam kung nahihiya syang inaasar kami or kinikilig. Ewan, hindi ko alam kung ano nga ba talaga.
Basta masaya kami pareho pag nag uusap at pag magkasama. Hanggang sa isang araw habang nasa vench kami nakaupo sa ilalim ng malaking puno sa tapat lang ng building namin.
“Enyong, may sasabihin sana ako”, panimula nya.
“Ano yun Lyeera? Sabihin mo lang, tungkol saan ba yan”, patanong kong tugon sa kanya.
“Sana hindi magbago ang pakikitungo mo sakin after nitong sasabihin ko”, nakayukong sabi nito.
“Oo naman, ano ka ba. Kahit ano pa yan, tsaka bakit naman magbabago pakikitungo ko sayo”, nagtatakang sabi ko.
“Kase matagal nakong may pagtingin sayo, una palang ng klase sa bandang likuran pa nga kayo nakapwesto nila Chie nuon. Ang ganda kase ng mga mata mo at mukhang masayahin ka ring kasama”
“Ah eh talaga ba!”, pautal utal at nahihiya kong sabi.
“Kaya sana wag magbago ang pakikitungo mo sa akin ngayong nalaman mo nang may lihim akong pagtingin sayo ah”, patuloy pa nito sa kanyang pagtatapat ng kanyang nararamdaman para sa akin.
“Eh oo naman, atsaka ako din naman may pagtingin na din sayo magmula nung sumasama ka na sa amin at ng makilala kitang lubusan”, pag amin ko na din sa kanya.
“Ganun ba”, nakangiti nitong sabi na bakas sa kanyang mukha ang pagkagalak ng marinig iyon.
“Oo eh, nahihiya lang din akong umamin dahil may pagkatorpe talaga kase ako eh, hehe”
Pagkatapos nga ng pag uusap naming iyon ay mas lumalim pa ang namamagitan samin. Walang pormal na ligawan pero alam namin sa sarili namin na gusto namin ang isa’t isa.
Makalipas pa ang mga araw ay napadalas na nga ang aming pagsasama ni Lyeera, kung dati ay kasama ang tropa ngayon ay tumatambay na kami ng kaming dalawa lang. Nagtitiktok kung minsan, kumakain sa mga tuhog tuhog at nagpapalipas ng oras sa mga cafeteria.
Naging masaya naman ang aming pagsasama. Kinikilig kapag tinutukso ng tropa at ng mga kaklase namin. Nagtutulungan kami sa mga activities at assignments. Sabay kaming uuwi at ihahatid ko sya sa sakayan ng tricycle nila.
Valentine’s day nuon ng maisipan ko ngang pormal na syang tanungin. Kasama ko si Chie sa pagplano ng aking gagawin. Nagpatulong ako sa kanya na kung pwedeng sa boarding house nya kami tumambay ng araw na iyon after ng mga activities sa school. Pumayag naman ito at nagtungo na kami kung saan sya tumutuloy. Nakaboarding house si Chie dahil malayo ang bahay nila sa university namin.
Nang nagtungo na nga kami doon ay nagpahinga muna kami pagdating. Habang humahanap ako ng tyempo kung pano ko sisimulan ang aking plano.
Gabi bago ang mismong araw ng valentines ay gumawa ako ng regalo para kay Lyeera. Gawa ito sa mga art materials at nilagyan ko iyon ng mensahe ko para sa kanya.
Mga ilang minuto pa ay nagkalakas loob na nga akong kausapin sya.
“Lyeera, maari ka bang tumingin sakin”, panimula ko.
“Ano yun enyong? May sasabihin ka ba?”, tanong nito.
“Ahmm kase! Medyo nahihiya ako?”, kinakabahan kong sabi.
“Luh, ngayon ka pa talaga nahiya sa akin ah, haha”, pabiro nitong sabi.
“Kasi diba medyo matagal na din tayong magkasama at kilala naman na natin ang isa’t isa. Gusto din natin ang isa’t isa diba”, pagpatuloy ko.
“Oh tapos?”, pagtatakang tugon nya.
“Nais ko sanang tanungin ka eh”, nanlalamig ako ng mga oras na iyon.
“Ano nga iyon!”, medyo pag aalalang sabi nya.
Inabot ko sa kanya ang ginawa kong regalo at sabay sabi ng, “Will you.. will you.. will you be my girlfriend?”