Bago ang Sakuna

1022 Words
At napatulala na nga si Lyeera pagkatapos nyang marinig ang aking mga binanggit. Nakita ko na nangingilid na ang mga mata nito na anumang oras ay tutulo na ang kanyang mga luha. Kinakabahan ako sa magiging sagot nya sa akin kase first time ko itong ginawa, ang magtanong sa isang babae na kung pwede ko ba syang maging kasintahan. Halong takot at pangangamba ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Ilang sigundo pa ang lumipas bago ito nagsalita. “Yeessss, oo sinasagot na kita”, nakangiting sabi nya habang nagpupunas ng patulo nyang mga luha. Napahiyaw ako sa saya ng marinig ko ang mga katagang iyon. Sa sobrang saya ko ay napayakap ako sa kanya ng mahigpit at nagpasalamat. “Thank you Lyee! Sobrang saya ko, hindi mo alam kung gaano moko pinasaya ngayon. Magmula ngayong araw, February 14, 2020 ay opisyal na tayo na talaga”, di ko maiwasang umiyak sa saya habang binabanggit ko ang mga katagang opisyal na magkasintihan. Hindi na din maitago ni Chie ang saya para sa aming dalawa ni Lyeera habang si Jam naman na girlfriend na ni Chie ay kinukuhanan kami ng video para maging saksi sa aming pag iibigan. “Congrats men!”, habang tinatapik ng mahina ang akong likuran. “Salamat talaga ng marami sayo pre! Kung hindi dahil sayo hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob para gawin ito. Maraming salamat talaga”, ang nasabi ko sa aking kaibigan. Magmula nga ng araw na iyon ay nalaman na din ng buong tropa at ng buong classroom na kami na nga ni Lyeera, sobrang saya ng mga araw pang dumating dahil punong puno ako ng pagmamahal at kilig sa katawan. Nabanggit ko din sa aking kuya at ate na may girlfriend nako at natutuwa din naman sila para sakin ngunit ang bilin lang nila sa akin ay wag ko daw pababayaan ang pag aaral ko. Nag promise naman ako sa kanila na pag iigihan ko pa sa pag aaral dahil mayron nakong inspirasyon para paghusayan ko pa. Palagi kaming lumalabas ni Lyeera sa tuwing magkakaroon ng free time or kapag walang klase. Kung minsan ay kasama ang tropa pero madalas ay kaming dalawa lang. Tumatambay kami sa isang park sa bayan malapit sa school namin. Masayang nakukwentuhan at inaalala ang bawat pangyayare sa aming buhay. Ganun lang umikot ang mundo namin bilang magkasintahan. Ngunit nagbago ang lahat ng may dumating na malaking sakuna na nagpabago hindi lang sa amin kundi sa buong mundo. Ilang araw pa ang lumipas ay may binalitang isang virus na maaring kumalat sa buong mundo. Ang virus na ito ay nagsimula pa ng taong 2019 at mabilis na kumalat sa buong mundo kaya nagkaroon ng pangmalawakang paghahanda para dito. Tinawag itong COLVEX Virus na nadiskubre sa bandang China. Isang uri ito ng sakit na kung saan ay pahihinain ang immune system mo na magdudulot ng malalang pag ubo, kawalan ng paglasa, pagsakit ng katawan at pagkahirap huminga. Nagkaroon ng total lockdown sa iba’t ibang lugar sa buong bansa ng April, 2020. Ipinagbabawal ang mga pagbyahe ng mga pampublikong sasakyan at nagkaroon ng curfew sa bawat barangay. Bawal lumabas at makipag interaksyon sa iba. Upang maipagpatuloy pa din ang pag aaral ay nagdesisyon ang DepEd at CHED na magkaroon na lamang ng online class sa bawat unibersidad at paaralan sa buong bansa. Magmula elementary hanggang kolehiyo. Lahat ay nag adjust sa bagong sistema na nagdulot ng pagsubok sa lahat ng estudyante at mamamayan. Nagkaubusan ng stock ng alcohol at nahirapan sa pagbili ng mga pagkain ang bawat tao dahil sa bawal lumabas. Nagbibigay naman ng ayuda ang gobyerno para may makain ang mga tao at maiwasang lumabas ng bahay para hindi lalong kumalat ang virus. Nagkaroon din nag disinfection sa bawat tahanan habang quarantine period. Bumababa ang stock market na lalo pang nagpahirap sa buong bansa. Magmula nga ng pangyayaring iyon ay hindi na kami nakapagkita ni Lyeera, ngunit tuloy pa din ang komunikasyon namin gamit ang messenger. Buong araw pa din kaming magkausap at magkatawagan. Parehong nag aadjust sa bagong sistema at pareho ding nahirapan. “Kamusta ka naman dyan sa inyo luv?”, tanong ko sa kanya. “Okay lang naman luv, eto medyo inuubo na din”, sambit nya sabay ubo. “Hala, mag inom ka na agad ng gamot luv at baka mahawaan ka ng virus. Palagi ka ding uminom ng maraming tubig”, pag aalala ko. “Oo naman luv, tapos naman nako uminom ng gamot at nagpapahinga na lamang”, sagot nito sa akin. Lumipas pa ang mga araw, lalong lumalala ang virus at patuloy lang itong kumakalat sa buong mundo. Halong takot at pangamba na ang nararamdaman ng bawat isa. Sa tuwing may uubo sa lugar namin ay pinaghihinalaan na agad na may COLVEX kaya kahit anong sakit ng lalamunan namin ay iniiwasan naming umubo dahil baka paghinalaan din kami. Nauso ang faceshield at facesmask na syang magiging proteksyon mo kapag nalabas ka ng bahay. Nasa kubo lang kami nila kuya ko nuon kasama ang asawa nyang si ate Ericka at ang pamangkin kong si Jaja. Tuloy pa din naman si kuya ko sa pagtatrabaho sa bakery kahit na may pandemya dahil wala kaming kakainin kapag hindi sila nagpatuloy sa paggawa ng tinapay. Pahirapan ang paglako nuon ng tinapay dahil nga bawal lumabas ang mga tao. Pero pinapayagan naman ng munisipyo ang mga tagalako ng pagkain na maghatid ng paninda nila sa mga bahay bahay upang maiwasan ang paglabas ng mga tao. Hindi naging madali ang pandemyang iyon, sinubok talaga ang katatagan ng mga tao at ng buong mundo. Sa tuwing may nababalitaan na namatay agad itong dinadala sa isang laboratoryo upang suriin ang sanhi ng pagkamatay dahil kapag nalaman na namatay ito sa virus ay maaring maquarantine ang mga taong nakasalamuha nito. Ganun kahigpit ng mga araw na iyon, malaman lng na may COLVEX ka eh ikukulong ka na agad sa isang isolation area upang obserbahan at upang hindi na makahawa ng iba. Pagkatapos nuon ay ipapatawag ang mga nakasalamuha mo at ipapaquarantine sa loob ng lima hanggang isang linggo sa bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD