EPILOGUE part 1

3237 Words
MELVIN'S POV : Isa isa kong hinahalungkat ang laman ng aking bag, pinagpapawisan ako ng matindi kahit bukas naman ang aircon ng sasakyan na tila may mahalagang bagay akong hinahanap. Isang matiwasay na araw na naman. Napakainit sa labas tumatagos dito sa loob ang singaw ng init mula kay haring araw. Di naman nakakapag taka, dahil ayon sa tagapagbalita ng panahon sa telebisyon na aking napanuod ay sobrang maalinsangan daw sa araw na ito. Inadjust ko ang aking upuan mula sa pagkakaupo, madalas ko tong gawin bago ko paandarin ang aking sasakyan. Umupo ako ng tuwid at nagmuni muni. Sa wakas ! Nahanap ko rin ! Ang aking tala arawan, huminga ako nang malalim at binuksan ito. Inalala ang bawat pahina na nakasulat at nakalimbag. Matapos ang araw noong hindi natuloy ang pagbabalak kong pagpapakamatay sa Pluna Train Station ay hinuli ako ng mga awtoridad, syempre labag sa batas ang ginawa ko. Nalaman din namin na nasangkot ang ina ni Louella sa isang holdup-an sa mismong bangko na pinagtratrabauhan nito mabuti na lamang at naayos ito ng mga kapulisan. Kinasuhan ako ng Alarm and Scandal dahil sa gulo na ginawa ko sa Pluna Station. Pero salamat kay Louella sya ang nagpaliwanag sa mga awtoridad, sinabi nya rito na nakararanas daw ako ng matinding depresyon dahilan para magkasakit ako sa utak. Dahil rito inatras nila ang aking kaso at mas minabuti na ipagamot nalang daw ang nararamdaman kong karamdaman. Sa tulong ni Louella unti unti akong nakawala sa mahigpit na pagkakatali sa sakit na depresyon. Mahusay talaga syang mag alaga lalo na sa pag iisip ng tao. Pinaramdam nya sa akin na may tao pang makikinig sa mga problemang aking tinatago, pinaramdam nya sa akin na meron pang tao na umaasa at naniniwala sa aking kakayahan. Madalas nya akong kausapin , at nililibang sa ibat ibang mga bagay. Pinasaya at pinatawa muling ibinalik ang nawalang tiwala sa sarili at pinalakas ang kalooban. Sa tulong din nila Inay at ang aking kaibigan na si Jonas napagtagumpayan ko ang isa sa pinakamalakas kong kalaban sa buhay. Ang depresyon. Makalipas ang ilang buwan gumaling ako rito. Totoo pala talaga na kailangan mo ng mga taong kakausap sayo sa oras na kailangan mo ng tulong. Muli akong bumalik sa pag aaral matapos ang aking pag galing . Nagpatuloy ako sa huling taon ko sa kolehiyo at sa pagkakataong ito , hindi nako pwede huminto at sumuko . Nakaraos din naman ako , dahil makalipas ang isang taon ay nakapagtapos ako ng pag aaral , medyo na late nga lang dahil kailangan kong bawiin ang mga buwan na nawala ako noong huminto ako dahil sa pagpapagaling ko sa sakit na depresyon. Dahil din sa naging sitwasyon ko, nagbago ang pagtingin sakin ng mga tao sa paligid, naging seryosong usapin para sa kanila ang aking naranasan . Gumawa ng mga ibat ibang hakbang para matulungan ang mga taong tinatamaan nito. Mukhang naging eye opener pa ako para sa lahat. April 05, 2019 Noong graduation day ko, lahat ng mga taong mahalaga sakin ay naroroon. Masayang masaya sila na makita akong naka toga at winawagayway ang diploma. Ginanap ito Oasis Complex Center. Si Louella na may dala pang camera noon ay hindi mapakali na kuhanan ako ng litrato sa ibat ibang bahagi ng lugar, mapaloob o mapalabas man ng complex. Kung itatanong nyo kung ano ang nangyari kay Mr Galmante, ayun ! Natanggal sa serbisyo nya bilang professor. Nalaman kase ng council at department sa unibersidad na naniningil pala sya ng mga hindi makawitrang bayad o pera kapalit ang pag pasa sa kanyang subject, may naikaso din sa kanya dahil iniscam nya yung isa sa mga kasama nyang professor, balita ko malaking pera daw yun, kaya ayun tinanggal sya matapos mapatunayan ang kanyang mga ginawa. Si Alfred ay na expelled sa buong campus dahil nakipag away ito sa isang estudyante sa ibang unibersidad, binully nya raw ito pagkatapos binugbog dahil hindi raw ito sumunod sa utos nya. Makalipas ang ilang araw nalaman nila na ang binugbog nya palang estudyante ay anak ng isang kongresista kaya kinasuhan sya at napatawan ng parusa. Ilang araw matapos akong grumaduate ay isang tao ang bumisita sa bahay. Tanda ko pa noon kung ano ang sinabi nya sakin. (Flashback ) Kumatok ito sa labas , pagkatapos ay pinagbukasan naman ito ni inay ng pintuan. Bumungad sa kanya ang isang lalaki na nakasuot ng formal attire. ("Ako nga pala si James Aldrin Montenegro, hinahanap ko si Melvin Torres, dito ba sya nakatira " ) Tumango si Inay, pagkatapos isinigaw ang aking pangalan , agad agad naman akong bumaba mula sa aking kwarto at hinarap ang lalaking naghahanap sakin. Sya din yung lalaki na nandoon sa Pluna Train Station noong araw na binalak kong magpakamatay , kasama nya pa nga yung anak nya noon. (" Buti naman ay natatandaan mo ako, matapos yung nangyari sayo napukaw mo ang atensyon ko. Isa akong manager . At balita ko magaling ka raw kumanta, aalukin sana kitang mag audition sa itatayo kong banda. Balak ko kaseng mag produce ng isang lokal band at ikaw ang nasa top spot ko para maging bokalista" ) tanda kong pagkakasabi nya noon. Syempre nung una hindi ako naniwala. Malay ko ba kung niloloko nya lang ako pero matapos nyang ipaliwanag sa akin ng maayos ang kanyang plano ay napapayag nya ako. Kinabukasan , isinama ko si Jonas para may kasama ako na mag audition, syempre mahirap na mas maganda may backup ako . Agad kameng tumungo sa lugar na kanyang sinabi . Hinanap namin ang kinatatayuan ng kanyang opisina base narin sa ibinigay nyang calling card maliit ito at may address pati narin personal na numero nya naroroon , tawagan daw namin sya kapag nandun na kame. Noong naroroon na kame sa lugar. Lubha kameng napa nganga sa nakita. Napakalaking gusali ang kinatatayuan ng kanyang sinasabi. Nagwika pa nga noon ni Jonas na baka mali kame ng napuntahan at hinihila na ako para umuwi pero iginiit ko sa kanya na tama iyon. Pumasok kame at hinanap ang silid na itinuro sa amin ng receptionist. Agad naman nagpakilala si Mr Montenegro matapos kameng makita sa lobby ng gusali. Dito ipinakilala pa sa amin ang iba pang nakapasa sa audition. Nagulat kame dahil naroroon din sa lugar na iyon ang magkapatid na sila AKI AT AKO. Nakapasa rin daw sila bilang Keyboard piano at Electric Guitarist vocal . Syempre nagkamustahan kame ilang taon na rin ang nakakalipas mula noong huli namin silang nakita. Pero hindi parin nagbabago si Ako, mahiyain parin ito at sobrang tipid sa pagsasalita, minsan nga naisip ko na cute naman sya pero hindi sya ganon kadalas magsalita. Subalit pag usapang bituin (stars) ang bilis na nakukuha ang atensyon nya at doon lamang sya nakikipagusap sa amin. Madalas din syang magtago sa likuran ng kanyang kuya. Nakakatawa nga eh kase pag tumutugtog naman sya ng Piano ay parang ibang iba tao sya maihahintulad ko sya sa isang pusa na nagiging tigre sa oras na pahawakin mo ng keyboard. Lumipas pa ang ilang mahabang briefing, sa higit kumulang na isang daan (100) na nag auditions ay apat lang kame na nakuha bilang mga pangunahing myembro sa itatayong banda. Nagsimula na kameng magsanay pagkatapos ng mga sumunod na araw. Pagkatapos isang araw , ipinakilala sa amin yung magiging bassist ng banda. Si Cool , kung matatandaan ko , sya rin yung lalaking may hawak ng gitara at mahabang buhok at may weirdong porma noong nasa Pluna Train Station din ako. Talaga sigurong may mga bagay na pinagtatagpo para sa isang dahilan. Mabait naman ito at saka magaling talaga sya mag gitara ang dami nya ring alam , sabi nya matagal na raw syang gumagamit ng mga gitara at marami syang collections sa kanilang bahay. Sa sobrang dami nga pwede na sya magtayo ng tindahan . Lumipas pa ang mga panahon at nagpatuloy kame sa pag tugtog ng magkakasama. Pinangalanan ang aming banda na 9:48AM ito'y pag alaala sa oras na binalak kong tapusin ang aking buhay sa Pluna train station noon. Nagkaisa ang lahat para pagbotohan na iyon ang kunin na pangalan ng banda kase ako naman daw ang bokalista. Syempre wala akong nagawa kundi sumang ayon na lamang. August 08, 2019 Ito yung araw kung kelan ibinalita samin ni Manager Montenegro na magdedebut na kame sa publiko. Noong araw nga yun na pinatawag nya kame ay nalate ako dahil napuyat noong nakaraang gabi kase namasyal kame ni Louella at nag movie marathon buong magdamag. ("Mahal nyo ba ang pagtugtog ?") Wika noon ni manager ("Opo ! Mahal namin ang pagtugtog ") Tugon naman namin. Matapos nun, naging tanyag na kame sa madla, ang dami na agad nagpakita ng kanya kanyang interes sa aming grupo. Ibat ibang alok mula sa mga guesting at mga tv channels ang pilit na ibinibigay sa aming banda. Bumibida rin paminsan minsan sa mga palabas yung ka- myembro namin na si Aki , sabagay magaling itong umarte pangarap nya rin daw kaseng maging artista. November 12, 2019 Naganap ang isang presscon para sa pagaanunsyo namin ng aming FIRST ALBUM na may titled na " GET A LIFE " sa album na ito ay may apat na kanta na nakapaloob rito at lahat ng iyon ay silver platinum agad noong inilabas namin. Samot saring mga reporters at mga tagasuporta ang pumunta para masaksihan ang pagpirma namin sa kontrata. Ilang weeks palang din ang lumipas ay sobrang sumikat ang sarili naming likha na awitin. Kahit saan nga maririnig mo eh. Naging normal na kasama ng mga tao ang aming awit sa pang araw araw nilang gawain. Kahit sa bahay, eskwelahan o pasyalan maririnig mo ang aming mga kanta. Year 2020 Dumating ang taong 2020, madaming nangyari sa panahong ito. Hindi lang sa bansa namin kundi pati sa buong mundo. Napakaraming bagay ang nagpagulat sa maraming tao. Sakuna , Kamatayan at mga kamalasan. Pero higit na nagpahinto sa ekonomiya ng bawat bansa ay ang pandemya na kumalat sa buong sanlibutan. Marami ang namatay at nagdusa sa sakit na dulot ng virus na unti unting pumapatay sa tao. Ang pagkakatanda ko ang immune system raw ng tao ang unang inaatake ng virus na pandemyang ito. Natigil ang napakaraming negosyo, nagsara ang iba at tumigil sa operasyon ang nakararami. Maraming nawalan ng trabaho at maraming buhay ang naapektuhan. Sa awa naman ng diyos, hindi naman kame natamaan ng virus na ito. Maging sa iba ko pang ka myembro ay walang nagkasakit. Subalit nahinto ang iba naming mga proyekto at mga concerts maging ang aming paglalabas ng mga album sa publiko. Kaya naman sinamantala namin ang pagkakataong iyon upang tumulong sa napakaraming tao na naapektuhan ng pandemya. Sa tulong din ni Louella na isa nang Licensed Psychiatry nung panahong iyon ay nag volunteer upang makatulong sa kanyang kapwa. Makalipas naman ng isang taon ay may nadiskumbre ng gamot para sa sakit na dulot ng virus. Muling nanumbalik ang ekonomiya at unti unting bumangon ang mga tao sa kadiliman na sumakop sa kanila noong taong ito. January 28, 2021. Kinuha ang aming banda upang mag endorse para sa isang commercial. Ito ang una naming pagharap sa camera , nakakatuwang isipin at balikan dahil hindi namin alam ang aming gagawin maliban lang kay Aki na para bang sanay na sanay na ito sa pag arte. Matapos ang shooting sa commercial na iyon. Ay may ibinalita sa akin si Jonas. Uuwi na daw si Vanessa. Oo ! Si Vanessa na kanyang iniibig. Ayon sa kanya magtatayo nalang daw ng business ang kanyang kasintahan at mas pinili na bumalik rito sa bansa galing sa Italya. Syempre masaya ako para sa kaibigan ko. Feb 20,2021 Nagpakasal agad si Jonas at Vanessa . Imbitado ang lahat maging ang mga myembro ng aming banda. Sobrang pormado ang aking kaibigan noong kasal nya na para bang sya ang hari at si Vanessa naman ang reyna. Makulay ang naging reception, napakaraming pagkain at may live band pa ! At hulaan nyo kung sino ang bandang inupahan nila ? Syemre kame rin mismo! Kame rin mismo ang tumugtog sa reception ng kanilang kasal. Naalala ko rin napakaganda ni Louella noong mga panahong iyon , naka asul na bestida sya na tinerno nya rin sa asul nyang heels. Nilugay nya rin yung buhok nya na sa unang pagkakataon ginawa nya ito sa isang importanteng okasyon. Mas lalo syang gumanda , maganda naman talaga sya kahit naka ponytail hairstyle pa sya pero iba pala ang tama kapag nag iba ng hairstyle yung taong mahal mo sa biglaang pagkakataon. Noong oras na para sumalo sila sa ibabatong kumpol ng bulaklak na mula sa bride na si Vanessa, si Louella ang nag presinta para sumali sa pagsalo. Ako talaga ang unang pinapapunta nya subalit tumanggi ako, hindi kase ako naniniwala sa mga kasabihan nila na kung sino daw ang makasalo ng bulaklak na ihahagis ng bagong kasal ay ito raw ang isusunod na ikakasal. ("Hindi totoo yun ") sabi ko pa. Nasa likod pa si Louella noon at natatakpan ng karamihan dahil sa kaliitan nito. Ang daming nag aabang at nag-aasam na makuha ang bulaklak , sabik na sabik na ang iba na sila ang makasalo para sila na ang sunod na ikasal. Pero sa maniwala kayo o sa hindi. Hindi naman tumalon o nakipag balyahan o kahit man lang nakipag unahan si Louella sa pagsalo ng bulaklak na inihagis ni Vanessa mula sa likuran nito ay sya parin ANG NAKASALO . Tuwang tuwa ito mula sa malayo na kinakaway ang hawak nyang bulaklak. Labis na ligaya ang aking naramdaman mula sa aking pagkakatitig sa masaya nyang pag ngiti. At doon isang desisyon ang aking nabuo, mula sa aking pagkakaupo lumunok ako ng malalim at humawak sa aking puso , naisip ko na balang araw ay mag pro proposed ako sa kanya para magpakasal. Ilang linggo lang ang lumipas ay nabalitaan namin na buntis na si Vanessa sa una nilang anak ni Jonas. Tuwang tuwa si Jonas noon at halos hindi maka focus sa ginagawa naming rehearsal ng aming pagtugtog dahil sa balitang nalaman nya . Ngumiti ako at binati ko ang aking matalik na kaibigan sa biyayang kanyang matatanggap. Mas lalo nya ring pinagbuti ang kanyang ginagawa dahil nadagdagan na raw ang kanyang inspirasyon sa buhay. Ganon daw pala yun, kapag nagka anak kana magbabago na ang pananaw mo at iisipin mo na ang kapakanan ng iyong magiging pamilya. Pero hindi raw lahat ganon , kase yung ibang ama iniiwan ang kanilang asawa matapos magawa ang gusto , marahil natatakot sa obligasyon . Mga walang kwentang tao ang ganon, tinatakasan ang isang bagay na sila mismo ang pumasok. Mga immature ang ganong uri ng tao at lalaki. Hindi ganon si Jonas dahil noong nalaman nya palang buntis na si Vanessa ay mas lalo pa itong naging aktibo sa kanyang mga aksyon. Siyam na buwan ang lumipas nanganak si Vanessa , isang malusog na batang babae , ang pangalan daw ay Johana Ayesa pinaghalong pangalan ng kanyang ama at ina. Makalipas pa ang ilang buwan ay pina-binyagan nila ito at kinuha ako bilang isa sa mga ninong ng anak ni Jonas. Nang sumunod na taon, mas lalo pa naging mainit sa buong mundo ang aming banda. Dinala kame nito sa aming unang pagkakataon na makapag concert sa ibang bansa, matagumpay naman ito at sobrang saya! nasundan pa ito ng mga ilan pang concerts sa naturang taon. October, 11 2022. Birthday ito Louella, nag date kame at kumain sa isang sikat na restaurant, pagkatapos nun ay namasyal at nanuod ng sine. Niyaya nya rin ako na magpakulay ng buhok. Pumayag naman ako dahil parang regalo ko na rin sa kanya itong pagpapakulay ko. Mula sa itim na nakasanayan na kulay ng aking buhok ito ay naging BERDE. Bakit berde ? Para magmukha akong halaman. Syempre joke lang yun! Hahaha. Nagpakulay rin si Louella at nag pagupit pa ng kanyang buhok. Pinaiksi nya ito. Hanggang leeg nalang at tinaggal ang full bangs at pinalitan nya ito ng one sided bangs, pinakulayan nya pa ng pinagsamang pink at violet. Ang gandang pagmasdan ! mas lalong bumagay sa kanya dahil maputi syang babae asar ko nga sa kanya dati ay anemic dahil parang kulang sya sa dugo dahil kaputian nito. Noong nalaman ni Jonas na nagpakulay kame ng buhok nainggit ito at makalipas lang ang ilang araw nakita ko na lamang na kulay silver na ang buhok nito. Hindi ko nga nakilala noong nakasalubong ko sya sa escalator sa isang mall. Papa-akyat ako sya naman pababa. Hindi talaga magpapatalo . Nagsimula na rin akong mag work out sa gym para magpalaki ng katawan, syempre kailangan magbago (pero sa magandang paraan) . DECEMBER, 23 2022 May magaganap na malaking concert na pinagbibidahan ng mga sikat na personalidad pagdating sa pag awit, magaganap ito sa disperas ng pasko , BUKAS ! Magandang balita ito dahil kasama ang aming banda sa napili upang tumugtog. Naisipan namin ni Louella na dumalaw sa madalas kong puntahan na Musical Instrumental Shop. Nagsuot pa kame noon ng couple hoodie jacket na kulay pula, ako'y nag sumbrero at sinuot ang isang shades , sinabayan pa ng isang itim na facemask. Ginawa ko iyon upang makagalaw ng maayos at makatakas mula sa mga taong sunod nang sunod sa akin sa tuwing nakikita nila ako. Layunin ng aming pagpunta ay bilhin ang pinapangarap kong gitara ang RoseMorris Rickenbacker , madalas ko itong makita sa pinaka sentrong bahagi ng tindahan. Nakasilid sa isang silyadong bullet proof na salamin at napapaligiran ng mga pilak na disenyo sa apat na sulok ng kanyang sisidlan. Kapag pumasok ka sa loob ng tindahan ito agad ang makikita mo , nakadisplay sa pinakamataas na bahagi at gitnang gitna. Sobrang takaw sa paningin lalo na sa katulad kong mahilig sa gitara. Subalit noong araw na iyon isang malungkot na balita ang aking nalaman mula mismo sa may ari ng tindahan. Ilang araw bago kame pumunta ay may isang lalaki raw ang dumayo sa tindahan at binili ang nasabing gitara. (Flashback) (" Nako , iho . Nabili na nung nakaraang araw pa. Yung bumili halos kasing edad mo lang din. Ayaw ko nga ibenta yun kase sobrang sentimental sa akin ang gitarang iyon nagiisa lang iyon. Pero pinilit nya ako , nadala ako sa mga mabulaklak nyang salita kaya ayun binenta ko ") Pagpapaliwanag ng may ari ng tindahan. Napatingin ako sa sahig nong mga oras na iyon, tanda ng pagkadismaya. Ilang segundo akong natigil dahil sa pagkalungkot naisip ko hindi na ako nahintay ng pinapangarap kong gitara. Humawak ako sa aking ulo at kumamot sa aking buhok. Ngumiti at tinanggap nalang ang nangyari. (" Okay lang po yun , wala napo akong magagawa kung nabili na ") Tumungo ang may ari ng tindahan sa kanyang lamesa at parang may kinuha ito sa kanyang drawer. Matapos ang ilang sandali bumalik ito sa kinapwepwestuhan namin na may dalang papel sa kanyang kanang kamay, maliit ito na animoy resibo ng pinagbilhan. (" Ito ang kopya ng resibo dun sa bumili ng gitara na gusto mo ") Iniabot nito sa akin ang resibo at tinignan ang pangalan ng bumili sa gitarang ilang taon kong pinapangarap. JOHN CLAUS McBETH Ang nakasulat na pangalan , pirmado nya rin ito at naroroon din ang presyo ng gitara na kanyang binili. Dahil sa nangyari bumili nalang si Louella ng isang Gibson guitar at binigay sakin. Kulay pula at ang bandang katawan nito ay asul, ang gandang kombinasyon sambit ko pa sa sarili. itutuloy ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD