**********
December 24, 2022
8:05pm
Disperas ng kapaskuhan, sa araw na ito ginanap ang pinakamalaking pagtitipon ng mga kilalang mang aawit at mga banda sa isang concert. Ginanap sa THOUSANDS WORLD ARENA , sa laki daw ng arena na ito ay kayang magpapasok ng halos isang daang libo (100,000) na mga tao. Pinakamalaking entertainment arena na naitayo sa bansa. Napakaraming tao na nagkalat sa buong paligid. Hindi pa naguumpisa ang concert sa oras na ito subalit dagsa na ang mga tagasuporta ng ibat ibang banda at personalidad na kakanta mamaya sa pagtatanghal na ito. Meron din live telecast na pinapalabas para sa mga sumusubaybay na nasa kanilang mga tahanan.
Noong nandoon na kame , kakaiba ang pressure na aking nararamdaman. Kinakabahan na natutuwa na nahihiya na natatakot. Pero isang paghawak sa aking kamay ang aking naramdaman , mula kay Louella na nakasuot ng napakagandang puting bestida na nangingibabaw sa karamihan.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang aking mga kaibigan at kamag aral noong kolehiyo , karamihan sa kanila ay may kanya kanya nang buhay subalit naroroon para suportahan ako at ang aming grupo. Nilapitan ko sila at kinamusta , nakakatuwa at nakakataba ng puso.
Isang kulabit mula kay Louella ang nagpatigil sakin sa pakikiusap sa aking mga kaibigan, nilingon ko ito at nakita ko si Louella na kinukulabit ako habang nakatingin ang kanyang paningin sa isang direksyon . Binaling ko ang aking sulyap kung saan sya tumitingin. Nakita ko ang isang pamilyar na itsura na papalapit sa amin.
Hindi agad ako nakapagsalita parang napako ako sa aking kinatatayuan at nangatal ang aking panga ,hindi ko iyon maigalaw sa gulat.
(" Kuya Melvin . Kamusta po ? ")
Tinig mula sa isang binata.
Si Bernard.
Tama kayo si Bernard yung batang may sakit na Leukemia na aking nakilala noon. Kahit hindi makapaniwala sa aking nakikita napangiti na lamang ako. Salamat sa diyos at naka surivive sya sa napakalaking pagsubok sa kanyang buhay. Binata na sya. Ayon sa kanya 17 years na sya at masiglang masigla. Kahit hindi ko na naitanong kung paano sya nakalaban sa kanyang sakit ay mababatid sa kanyang masayang pakikipagusap sa akin kung gaano na sya lumaki bilang mabait at matapang na binata. Kasama nya ang kanyang ina na pumunta roon para sumuporta sa amin.
(" lagi ko kayong napapanuod kuya Melvin, noon palang gustong gusto ko na talaga manuod ng live sa mga concerts nyo, ngayon matutupad na talaga ")
Matapos ang pangyayaring iyon.
Dumating na ang aming grupo at dinala kame sa aming dressing room, rito nagbihis na ang bawat isa sa amin suot ang aming band uniform. Kakaiba ang design at sobrang maporma. Naiwan ako sa silid dahil hindi agad ako nakapagbihis, pumasok rito si Louella at kinausap ako.
Masisinsinan kaming nag usap sa mga bagay bagay. At doon sa oras na iyon , sa pagkakataong iyon, humingi ako ng paumanhin sa aking nagawa sa kanya at nagpasalamat narin sa tulong nya para sa akin. Niyakap ko sya ng mahigpit at kinuha ang isang regalo sa kanya.
December 24, 2022 sa eksaktong oras na 8:51pm. Habang naguumpisa na sa labas ang pagtatanghal ng mga mang aawit at banda, Nag proposed ako kay Louella .
Inalok ko sya kung papayag sya sa akin na magpakasal. Maiiyak iyak pa nga syang sumagot sakin ng " Oo" , hindi ko na raw dapat itanong pa sa kanya ang bagay na iyon. Pagkatapos ng matinding iyakan at pag amin , lumabas ako sa dressing room matapos akong makapagbihis, sakto naman na habang nasa labas ako ay may mag reporter na sumalubong sa akin at agad akong hinarang. Tinanong kung pwede raw ako sumaglit muna para sumagot ng mga ilang katanungan nila.
Tumango naman ako at pumayag sa paanyaya.
Habang iniinterview ako ay may isang organizer ang nakikipagtalo sa sa isang manager ng isang singer. Hindi ko sila masyado maintindihan pero nakuha nila ang atensyon ko .
(" Anong gagawin nyo ngayon ? Umalis yung talent mo ? Bakit nya ginawa yun ? Anong nasa isip nya ? ")
pagalit na pagsasalita ng organizer.
Walang tugon mula sa isang manager kundi pagyuko lang at paghingi ng pasensya.
(" Pinipilit ko syang pigilan , pero hindi sya nakinig sakin. Sabi nya meron syang pupuntahan at bigla nalang umalis, hindi namin kagustuhan ang nangyari na ito ")
mahina nitong tugon.
(" So ano ? Ganon nalang ? Dahil sa ginawa ng bata mo masisira ang schedule ng pagkakasunod sunod ng mga magpeperform ! Nako naman ! ")
pagalit parin nitong wika.
Muli kong tinanaw si Louella sa loob ng silid sa dressing room , naroroon parin ito. Narinig ko kase na parang may kinakausap sya.
(" Sino kinakausap mo dyan ?")
Pagtatanong ko.
Pero alam nyo nakakatawa yung sagot nya.
("Ikaw ! Ikaw yung kausap ko kanina rito)
Napailing ako na may halong nakakabirong pag ngiti.
("Papaano mo ako makakausap ? eh naririto ako sa labas at sumagot ng panayam sa akin ng mga reporters. ")
Pero giniit nya parin na ako raw ang kausap nya at umiiyak pa. Hindi ko nalang iyon pinansin kase baka namamalik mata lamang sya .
Nang matapos ang panayam sa akin .
Agad akong tumungo sa kinaroroonan ng aking grupo. Dito nalaman ko nga na mas mapapaaga ang aming pagkanta, siguro dahil nga dun sa isang nag walk out na singer.
Isang mahigpit na group hug na sama sama ang aming ginawa , bago namin narinig ang MC sa concert na iyon na tawagin ang aming grupo sa entablado upang tumugtog na.
Sabay sabay kaming umakyat sa malaking parisukat na entablado at hinarap ang nakapakaraming tao. Mula roon tumugtog kame ng buong pagmamahal. Buong puso at buong pagtanggap. Malakas na sigawan ang nangingibabaw sa buong arena , sigawan na kahit kelan ay hindi ko malilimutan.
Marahil may mga bagay ako na nagawa noon na mali at hindi tama. Marahil ang mga bagay na ito ay sadyang pinaramdam sa akin upang maging matatag at malakas akong tao. Lahat ng mali kong ginawa , lahat yun pinagsisisihan ko na. Lahat yun ay pinilit kong itama. Totoo nga na walang perpektong tao, pero pwede kang maging matinong tao para sa sarili mo at sa kapwa mo. Marami akong bagay na pinasasalamatan sa aking buhay. Unang una ang aking Ina, ang magulang ko na labis na nagmamahal sa akin. Ang aking kasintahan na si Louella na hindi napagod na intindihin ako sa kabila ng aking pagbabago. Maling pagbabago na muntik ko nang ikapahamak. Pero salamat sa kanya dahil nailigtas ako at naririto ngayon nakikipag usap sa inyo. Sa aking bestfriend na si Jonas na laging nandyan para sumuporta sa lahat ng bagay. At sa aking mga nagmamahal na tagasuporta, sobra akong nagpapasalamat dahil nariyan kayo para mahubog pa ang aking pagkatao. Kayo ang naging inspirasyon ko at lakas sa aking mga ginagawa.
Hindi ko kayo makakalimutan!
Marami pong salamat.
Muli kong binalikan kung paano ko sinagot ang mga katanungan sa akin noon ng mga reporter sa kanilang panayam sa akin.
Ito ang pinaka the best part ng gabing iyon.
(Flashback , interview with Melvin Torres.)
(" Ikaw si Melvin Torres hindi ba ? Ang Bokalista ng 9:48AM ? ")
(" Ako nga po ")
(" Pwede po bang ma interview ka namin ? Kahit saglit lang ? Meron lang kameng kaunting mga katanungan patungkol sa iyo at sa buong banda nyo ")
(" Wala pong problema. Malugod ko kayong sasagutin ")
(" Unang tanong , ang banda nyo nitong mga nakalipas na taon ay sobrang naging tanyag sa buong bansa. Ano kaya ang sa tingin mong factor bakit minahal kayo ng madla ? ")
Ngumiti si Melvin at ilang segundong nagisip bago umusal ng isasagot.
(" Sa tingin ko. Dahil sa mga kanta namin. Yung mga kanta na ginagawa namin ay may mga lirikong lubos na pumapatok sa mga nakakarinig nito. Dahil tagos sa puso ang aming ginagawang pagkanta. Pinaparamdam namin sa mga tao na ang kantang ginagawa namin ay para talaga sa kanila. ")
(" Kaya pala , maging ang mga Music Video ninyo ay nagpapakita ng ibat ibang kwento ng totoong buhay ng tao , iyon ay para maipakita nyo sa kanila ang aral sa bawat kanta na ginagawa nyo ")
Tumango si Melvin tanda ng pag sang ayon nito sa sinabi ng reporter.
(" Ano naman ang sikreto nyo bilang isang grupo para magtagal at mahalin ang pinili nyong propesyon? ")
(" Uhmm. Yun ba ? Sa tingin ko , dahil lagi naming iniisip yung madalas sabihin ng aming manager . "Maging masaya kayo sa inyong ginagawa ". Lagi namin tinatatak sa isip yan sa tuwing kumakanta kame. Mahalin mo ang trabaho mo at maging masaya ka sa ginagawa mo. Kaya lagi kaming nakangiti at masigla dahil hindi namin iniisip ang pagod, mahal namin ang aming trabaho kaya walang rason para mawalan ng gana. Pwede kang magpahinga pero wag kang susuko. Mahirap man ang iyong ginagawa pilitin mo parin maging masaya habang ginagawa ito. ")
Muling nagtanong ang reporter.
(" Ano naman ang iyong nararamdaman sa tuwing nakakarinig ka ng mga papuri mula sa mga tao dahil sa kagalingan mo sa pagkanta ? Hindi na nakakapagtaka iyon dahil ikaw ang pinakasikat na myembro ng inyong grupo")
(" Masaya, nakakataba ng puso na marinig ang mga papuring iyan mula sa inyo at sa iba, mas lalo akong nagpupursige upang mas higit pang gumaling at mabigyan kayo ng maayos na awitin .
("Subalit sikat ? Sa tingin ko may sikat sakin si AKO. Si AKO kase apple of the eye sya ng mga kalalakihan dahil sa natural nyang pagiging cute , hindi lang sa itsura pati narin sa kilos. Bukod pa dun yung pagiging magaling nya sa pag pia-piano")
("Pero sa tingin ko , hindi lahat ay dapat sa akin ibigay. Dahil para sa akin ang lubos na dapat papurihan ay ang aking mga kasama. Kung wala silang magagandang tunog na ginagawa, hindi ako makaka kanta ng higit pa sa aking kakayahan. Sila talaga ang pundasyon sa grupong ito at sobra ko iyong pinasasalamatan. Sila talaga ang dapat papurihan ng marami at hindi ako ")
Mapatahimik ang mga reporters sa narinig.
Hanggang isang babaeng reporter ang naglakas loob na magtanong muli.
(" Ayon sa ibang article , kinuha ang pangalan ng inyong grupo sa isang pangyayari sa iyong buhay ? Pwede mo bang ikwento iyon sa amin ?")
Hindi agad nakapagsalita si Melvin, nagbuntong hininga ito saka umusal ng isasagot.
("9:48AM. Maniniwala ba kayo na ang oras na iyan ay ang mismong eksaktong oras noong binalak kong tapusin ang aking buhay ? Ilang beses ko na ito sinagot sa mga nakaraang interview , kaya naman uulitin ko lang kung ano ang madalas kong sabihin. Marahil alam na ninyo ang nangyari sa akin noon , apat na taon na ang nakararaan. Noon may mga bagay akong lubos na pinagsisihan at pilit na itinama.
Nilamon ako ng kalungkutan at depresyon. Tinalo ako ng masamang bisyo at sinakop ang buo kong pagkatao. Wala na akong makausap at halos takot akong magsabi ng aking nararamdaman sa kadahilanang , nahihiya ako na baka pagtawanan lang nila ako kapag narinig nilang nakakaramdam ako ng depresyon. Hindi ko na alam ang aking gagawin , sobrang hirap at sobrang sakit ang aking naranasan. Dahilan upang magdesisyon akong magpakamatay sa Pluna Train Station.
Naisip ko kase na baka iyon na ang magiging sagot sa aking problema. Kapag nawala ako o kapag namatay nako makakatakas nako sa kalungkutan at hindi na ako masasaktan pa.
Pero mali pala ako. ")
("Maniniwala ba kayo na nung mga oras na tumalon ako mismo sa riles ng tren ay nakita ko ang aking sarili na namatay. Pero isang liwanag ang aking nakita at dinala ako nito sa aking nakaraan , doon pinakita sakin ang lahat mula sa aking pagkabata at hanggang sa aking pagkabinata. Dinala rin ako sa aking hinaharap, doon nakita ko ang aking buhay. Nakita ko na magiging sikat akong bokalista at magiging tanyag ang aming banda sa buong bansa. Nakita ko ang lahat. Kahit magulo sa aking isipan ay naunawaan ko na pinakita sa akin ang mga nangyare at ang mga mangyayari. Kaya naman noong bumalik ako sa ulirat nasa bungad parin ako ng riles , dahilan para hindi ko na ituloy ang aking binabalak na plano. Pakiramdam ko iyon na ata ang pinakamatagal na oras sa aking buhay. ")
Napakunot ng noo ang mga reporters sa narinig. Na animo'y hindi sila naniniwala sa kine-kwento ni Melvin, sino nga ba naman ang maniniwala sa kwento na makikita ang iyong hinaharap sa gitna ng iyong kamatayan. Syempre wala. Pero para kay Melvin lahat ng kanyang sinasabi ay pawang katotohanan.
Muli pa itong nagsalita.
("Napagtanto ko na lahat tayo dumaranas sa matinding problema sa buhay, maliit man ito o malaki. Susubukin tayo nito sa ating tatag ng kalooban at lakas ng paniniwala . Pero dapat matuto tayong LUMABAN SA HAMON NG BUHAY . Hindi tayo dapat sumuko. Lahat ng tao may problema , kung iniisip mo na ikaw na ang pinakamalas na tao sa buong mundo nagkakamali ka roon, isipin mo nalang na may mga tao pa dyan na may mas matinding pinagdadaanan sayo, yung mga taong hindi alam kung saan sila kukuha ng pera para ipambili ng pagkain nila sa araw araw, yung mga taong walang matirahan, yung mga taong labis na inaabuso sa pisikal at mental na pagiisip, pero sumuko ba sila ? Hindi. Bagkus nagpapatuloy silang lumaban dahil ito ang buhay. Natural lang na makaramdam tayo ng kawalan ng pag asa pero sana maging positibo parin tayo sa buhay. Maging matatag at isipin ang mga taong lubos na naniniwala sayo, mga taong nagmamahal sayo at umaasa sa kakayahan mo. Ang mahalaga buhay tayo. Habang may buhay may pag asa. Habang nabubuhay ang tao makakagawa pa sya ng paraan na lumaban sa kahit na anong hamon ng buhay. Hindi ka nagiisa yan ang pakatandaan mo. ")
("Naisip ko rin na , hindi solusyon ang pagpapakamatay sa iyong problema. Hindi yan matatakasan ang katotohanan na iyong kinakaharap. Mas lalo mo lang papahirapan ang iyong mga naiwan. Hindi naten hawak ang oras sa ating buhay, marahil ngayon malungkot ka , pero baka bukas masaya kana. Ngayon nasa ibaba ka pero bukas nasa itaas kana. Ganon ang buhay. Hindi mo masisigurado kung ano talaga ang mangyayari sayo, kaya wag kang susuko kapag nakararanas ka ng problema.
Maniwala ka sa sarili mo na ang kagalingan wala sa labas , ang kagalingan ay nasa puso.")
Matapos ang panayam sa kanya ay tinawag na si Melvin ng isang staff at pinapapunta na sa kanyang grupo dahil sila na ang susunod na magpeperform sa kadahilanan na nagbackout ang isang kilalang singer .
Dahan dahan itong naglakad at nagpasalamat sa mga reporters na nung mga oras na iyon ay nakatulala dahil sa napakagandang winika ni Melvin sa kanila.
Hanggang isang reporter ang naglakas loob na magtanong ng isang NAPAKAHALAGANG BAGAY.
("Sa lahat ng nangyari sa buhay mo , ano ang masasabi mong
" ARAL NA IYONG NATUTUNAN?" )
Huminto si Melvin sa paglalakad , maya maya ay humarap ito na may luha sa kanyang mga mata. Luha ng kaligayahan. Luha ng kasiyahan.
Nakangiti itong tumugon.
(" Aral na aking natutunan ? )
Huminga sya ng malalim at nagwika.
("ANG BUHAY AY MAHALAGA " )
******************
Wakas.