Chapter 3 Hospital

854 Words
Chapter 3 Hospital Nagising na lamang ako sa tunog ng aircon sa kwarto kung saan ako nakahiga. Nang dinilat ko ang mga mata ko ay ang nakasisilaw na liwanag mula sa ilaw ng kwarto ang sumalubong sa akin. Ngayon ko lang napansin na nasa hospital pala ako. Nang gumalaw ako ay may lumapit sa aking babae, hindi ko pa siya agad nakilala dahil malabo pa ang paningin ko, ngunit nang naliwanagan ko ay napagtantong ang aking ina pala ang umalalay sakin sa pag-upo mula sa pagkakahiga. "Kumusta na ang pakiramdam mo, anak? Nawalan ka ng malay pagkatapos matamaan ng ulo mo." Paliwanag ni mama at inabutan agad ako ng tubig mula sa mesa. Tinanggap ko ito at naubos dahil sa pagkaka-uhaw. May pag-aalalang tinitigan ako ni mama, "Ayos ka lang ba? Pina-alis ko na ang papa mo sa bahay dahil wala siyang naidudulot na mabuti sa atin, binigyan na rin siya ng warning ng kapitan natin na kapag nilapitan at sinaktan ka niya ay makukulong siya." at umupo sa tabi ng kama ko. Tumango at ngumiti na lamang ako at tinitigan si mama. Bakas sa itsura niya ang paghihirap na dinanas niya kay papa, sa lahat ng masasakit na salita at pagmamalupit ni papa sa kaniya. Kita parin sa mukha niya ang pasa na iniwan ng suntok ni papa. Dahil doon ay nainis na lamang ako. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto, kulay puti ang lahat ng gamit at puno ng prutas at pagkain ang lamesa sa gilid ng kama ko. May sofa din sa gilid na puno ng bag na tingin ko ay mga damit. Tiningnan ko si mama ng may pag-aalala, "Mahal ang kwartong 'to, ma. Paano natin babayaran kung sakto lang ang pera sa pang araw-araw natin?" at hinawakan ang kamay ni mama. Magaspang dahil na rin siguro sa pagtatrabaho niya sa ibang bahay para makipaglabada at maka-ipon ng pera para sa gastusin sa bahay. "Ayos lang anak, 'wag mo nang isipin yon ako na ang bahala, basta ang isipin mo na muna ay ang kondisyon mo." paliwanag ni mama at biglang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Dahil sa nakita ko ay naiyak na rin ako at niyakap na lamang si mama. Kahit papaano ay nakaramdam kami ng kapayapaan, ngunit kapalit naman nito ay ang pagkakabaon sa utang. "Ilang araw na akong nandito, mama?" tanong ko. Natahimik bigla si mama sa tanong ko, "dalawang araw na anak, dalawang araw kang walang malay, mabuti na lang at tumulong ang kapitbahay natin sa pagdala sa iyo dito 'kundi ay baka mas malala pa ang nangyari" bakas sa mga mata niya ang awa. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni mama ay siya namang pagdating ng doktor at nurse. Tiningnan nila ako at nakita ang tuwa sa kanilang mga mata dahil gising na ako. Lumapit ang nurse sa akin at tiningnan ang BP ko, "Okay na ang kondisyon mo, pwede ka nang makauwi mamaya, mabuti na lang at walang naging pagbuo ng dugo sa utak mo." Tumango na lamang ako, "Salamat po." Matapos ng ilang oras ay umuwi na kami. Bago iyon ay may mga dumating pa kaming kamag-anak na nagumusta at nagbigay ng kaunting tulong sa akin. Nag-arkila na lamang kami ng tricycle dahil nabenta na ang sasakyan naming mini van dahil sa pagkaka-utang at pag-iinom ni papa. Pagkapasok ko sa bahay ay naalala ko ang mapait na dinanas namin ni mama bago ma-hospital. Pinagmasdan ko ang mga muwebles. Apat na upuan na nakapalibot sa isang maliit na lamesa sa sala, tatlong pinto ng mga nagsisilbing kwarto namin, ang dating kwarto ni kuya ay naroon pa rin at hindi ginalaw ang mga gamit. Sa pagitan naman ng sala at kusina ay ang isang makapal na plywood. Dahil sa pagmamasid ko sa kabuuan ng bahay ay biglang sumagi sa isip ko ang mapapait na alaala noong bata ako na laging nag-aaway sila mama, habang si kuya naman ay umaalis para sumama sa mga barkada upang hindi na lamang madamay. Ni minsan ay wala akong maalalang hindi nag-away sila mama at papa. Nalungkot na lamang ako sa aking naalala. Matapos kong pagmasdan ang bahay ay nagpasya na akong pumasok sa kwarto. Pagkapasok ko ay binagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama at naka-idlip. Alas-syete na nang nagising ako dahil sa katok sa aking pinto. Tinatawag na ako ni mama para maghapunan. Ngunit bago pa ako lumabas ay nagpasya akong maligo na muna at magbihis. "Mauna na po kayo, ma. Maliligo pa ako para gumaan ang pakiramdam ko" pakiusap ko kay mama. Binuksan niya ng kaunti ang pinto at dinungaw ang kaniyang ulo "Sige, anak. Bilisan mo na lang para hindi lumamig ang pagkain" at isinara na ang pinto. Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si mama sa sala na natutulog, ayaw sigurong matulog sa kwarto nila papa dahil maaalala lamang niya ito. Dumeretso na ako sa kusina at kumain. Kare-kare ang ulam, ginanahan akong kumain dahil ito ang paborito ko. Sobrang sarap neto at busog akong pumasok muli sa kwarto upang makatulog na dahil may pasok pa ako bukas at maghahabol pa ako sa klase dahil dalawang araw akong nakapag-paliban sa klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD