Chapter 4 Holding On
"Nak, gumising ka na at baka ma-late ka pa sa klase mo." sabi ni mama habang niyuyugyog ang aking katawan para magising.
Nang nakitang nagising na ako ay pinalis niya ang kurtina ng bintana sa aking kwarto para makapasok ang liwanag.
Dinilat ko ang mga mata kong sobrang antok pa at 'tila makakatulog ako ulit kung pipikit pa ako ng ilang segundo.
Tiningnan ko ang relo sa aking kwarto at 6:00 AM na. Iidlip pa sana ako ng ilang minuto kaso naalala kong dalawang araw nga pala akong nagpaliban sa klase dahil sa pagkaka-hospital ko.
Kailangan kong pumasok ng maaga para magpatulong kay Jess ng mga lessons!
Agad akong dumeretso sa banyo para makaligo at makapag bihis.
Habang nasa banyo ako ay sumagi muli sa isip ko ang nangyari noong bago ako na-hospital. Kung hindi siguro ako nakialam sa away nila mama ay hindi sana ako nasaktan at na-hospital.
Lumabas na ako ng banyo at sinuot ang unipormeng nasa kama ko na ni-ready na ni mama.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Ngayon ko lang napansin na sariwa pa ang sugat sa gilid ng aking noo. Mabuti na lang at may bandage pa sa medicine kit kaya tinapalan ko ito para hindi ma-infect.
Pagkalabas ko ng kwarto ay handa na ang pagkain.
Habang kumakain ako ay tulala si mama sa aking harap kaya naman nagkunwari akong umubo para maagaw ang atensiyon niya. Nang tumingin siya sa akin ay ngumiti ito.
Kinuha ko ang kamay niya sa lamesa, "Wag mo na akong isipin, ma. Gagawa ako ng paraan para makatulong sa gastusin sa bahay at sa pag-aaral ko" ngumiti ako para ipakitang maayos na ako.
Ngumiti siya sa sinabi ko, "Ayos lang, anak. Ako na ang bahala, basta mag-aral kang mabuti."
Tumango na lamang ako at tinapos ang pagkain.
Nagpaalam na ako kay mama. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap at nagpasyang lumabas na.
Nang makarating ako sa room ay laking pasalamat ko nang nakita ko si Jessie.
Napatayo siya nang nakita ako at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Niyakap ko rin siya pabalik.
Hindi pa ako nakakaupo ay pinaulanan na niya ako ng mga tanong, "Anong nangyari sayo Mally? Sobrang nag-alala ako sayo akala ko naman hindi ka na papasok! Alam mo bang hinahanap ka ni Ms. Sotto?"
Napangiti na lang ako sa reaksyon ng kaibigan ko at parang may humaplos sa aking puso dahil ramdam kong concerned siya sa akin.
"May nangyari kasi sa bahay, Jess. Natamaan ang ulo ko nang tinulak ako ni papa kaya nawalan ako ng malay at nag-stay sa hospital ng dalawang araw. Basta mahabang kwento, tsaka ko na sasabihin ang iba 'pag wala na tayong ginagawa" sagot ko kay Jess.
Hindi na rin naman siya nagtanong kaya tinanong ko na siya tungkol sa mga lessons namin na nalampasan ko.
May binigay lang na listahan si Jess ng mga kailangang dalhin para sa activity.
"Swerte ka at nagpa-attendance lang ang mga teachers ng dalawang araw dahil may welcome party yata para sa bagong principal ng senior high school. Mayroon ding transferee sa college na anak naman ng president ng school, galing yata siya sa ibang bansa kaya naman sobrang busy." paliwanag niya sa akin habang kinokopya ang listahan.
"Kailangan na rin pala lahat ng iyan bukas hah? Nilipat ng Earth Science teacher natin ang activity dahil absent ka at dahil group activity ang gagawin." paalala ni Jess sa akin.
Nang natapos ako ay oras na pala at pumasok na ang mga kaklase namin dahil parating na daw si Ms. Sotto.
Pagkapasok niya ay nagulat siya nang present ako at ngumiti ng tipid. Tumango na lang ako at ngumiti pabalik kay ma'am.
Naging maayos naman ang pangalawang araw ko sa school at medyo bumibigat na rin ang mga gawain.
Nag-discuss lahat ng mga teachers namin dahil kailangan na daw maghabol ng lessons dahil sa mga okasyong naganap sa school sa loob ng dalawang araw. Nagbigay na rin ng mga libro ang mga staff para sa mga subjects namin.
Medyo mahirap pero kakayanin ko 'to para sa pamilya ko.
Pagkalabas namin ng school ay tiningnan ko ang listahan ng mga kailangang bilhin sa activity. Nagpaalam na rin si Jess sa akin kaya nagpasya akong pupunta muna sa tindahan ng school supplies malapit sa school.
Mabuti na lang at merong malapit dito, kung hindi ay mapipilitan pa akong pumunta sa palengke at kailangan pang sumakay ng tricycle.
Ngunit bago pa ako makapasok sa tindahan ay naalala kong hindi ko pa chineck ang pera ko kung magkakasya ba sa mga dapat bilhin kaya tumabi muna ako.
Habang binibilang ko ang pera kong dala, nagulat ako nang may maingay na sasakyan ang pumarada sa harap ng tindahan, isa itong kulay itim na Mercedes Benz at mukhang naka set up ito dahil maporma ang disenyo, kaya naman nahulog ang mga pera at dala kong libro.
Habang pinupulot ko ang mga gamit kong nahulog ay narinig kong bumukas ng driver's seat ng sasakyan kaya napatingin ako sa lumabas.
Isang matangkad at morenong lalaki ang nakita kong lumabas.
Naka-uniporme itong pang college at kung titingnan ay hindi mo aakalaing estudyante ito dahil seryoso ang features neto at mukhang business man.
Napaka-perpekto ng panga neto at sobrang seryoso ng kaniyang mga mata na 'tila walang makakatagal sa pakikipag-titigan. Makintab rin ang buhok neto at mahaba sa itaas at nakatali ito, habang clean cut naman ang gilid neto.
Napatingin siya sa gawi ko kaya naman nag-iwas ako ng tingin dahil baka isipin niyang tinititigan ko siya, kaya nag-abala na lang ako sa mga gamit ko.
Nagulat siya nang makitang hirap na hirap akong magbuhat ng mga gamit ko at ambang tutulungan ako ngunit inirapan ko siya at umalis sa pwesto ko malapit sa kaniyang sasakyan.
Nakita ko pa siyang ngumiti nang dumaan ako sa gilid niya para makadaan at narinig ko ang bulong niyang "nerd".
Sa inis ko ay hinarap ko siya ulit, "Anong sabi mo? May kotse ka lang ang yabang mo na. Kasalanan mo bakit nahulog ang mga gamit ko!" angil ko sa kaniya kaya naman lalo siyang ngumisi at tuluyan nang pumasok sa pintuan ng tindahan.
Nang nasigurado ko na ang perang pambili ko ay nagpasya na akong pumasok sa tindahan at kumuha ng basket para sa mga bibilhin.
Binigay ko rin sa baggage counter ang mga gamit ko at tanging pitaka at listahan ang dinala ko.
Habang tumitingin ng mga gamit ay bigla na lang akong nahilo kaya muntik na akong natumba, mabuti na lang at may nakasalo sa akin kaya hindi ako natuluyan.
Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat bilang suporta.
Nang makabawi ng lakas at nawala ang pagiging blurred ng paningin ko ay tumuwid ako ng tayo at inayos ang sarili.
"Salamat po, pasensiya na po" pagpapaumanhin ko sa nakasalo sa akin.
Ngunit laking gulat ko nang makita ko kung sino ang nakasalo sa akin. Iyong lalaki kanina sa harap na mayabang!
Sa sobrang taranta ko ay natulala ako sa lalaking nasa harap ko. Kung hindi lang siya nagsalita ay baka hindi na ako nakagalaw.
"It's okay, next time wear glasses. Baka sa kababasa mo ng libro ay lumabo na ang mata mo" pangungutya niya at tinalikuran na ako.
Inirapan ko na lamang siya at tinapos na ang mga nasa listahan at binayaran na sa cashier.
Nang makalabas ako ay nakita ko sa harap ng kaniyang sasakyan ang mayabang at parang may hinihintay.
Lalagpasan ko na siya nang tinawag niya muli akong "nerd" kaya lumipat ang tingin ko sa kaniya.
"Ano nanaman ba? Nag-thank you na nga ako sayo 'di ba?" pagrereklamo ko.
May binulong siya ngunit hindi ko narinig kaya nagtanong ako kung ano' yon.
Tumawa lang siya ng plastic at lumapit sakin ng kaunti.
"Nevermind, nerd." sagot niya at pumasok na sa sasakyan at pinaharurot ito kaya naman nakalanghap pa ako ng alikabok at napaubo.
Inis akong umuwi ng bahay dahil sa nangyari, kaya naman nang makita ako ni mama ay bakas sa mukha niya ang pagtataka ngunit nang napansin niyang mukha akong pagod ay 'di na siya nangulit pa.
Hindi ko na rin sinabi sa kaniya ang pagkahilo ko kanina. Nagmano na lamang ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi bilang pagbati.
Pagkatapos kong kumain ay nagpasya na akong maghilamos at mag-aral ng mga leksyon para makalimutan ang nangyari.
Nang napagod ako ay niligpit ko na ang mga gamit ko at humiga sa kama para makatulog.
Ngunit hindi pa man ako nagtatagal sa pagkakatulog ay may malakas na katok ang bumulabog sa aking pinto kaya napabalikwas ako.
Hindi pa man ako nakakatayo ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang aking ina na bakas sa mukha ang takot at nagulat ako nang may dugong tumutulo sa kaniyang noo kaya naman agad ko siyang dinaluhan.
"Ma! Anong nangyari sayo?! Sinong gumawa neto sayo? Si papa ba?" sunod sunod na tanong ko sa aking ina na mukhang nanghihina.
Niyakap ko siya ngunit hindi siya makayakap pabalik dahil sa panghihina niya.
Sumigaw ako ng tulong ngunit 'tila walang nakakarinig sakin dahil malalim na ang gabi.
Pinilit kong tumayo at buhatin ang aking ina hanggang sa labas ng aming bahay. Laking pasalamat ko nang may dumaang tricycle na mukhang pauwi na at agad ko itong pinara.
Isinugod namin agad sa hospital si mama, nagbabakasakaling maagapan pa ito.
Habang papunta kami sa hospital ay hinawakan ni mama ang aking pisngi, "Anak, kahit anong mangyari ay huwag mong pabayaan ang sarili mo. Patawad sa lahat anak. Mahal na mahal kita kahit hindi ka nanggaling sa akin." nanginginig ang boses ni mama.
Nagbabadyang pipikit ang kaniyang mga mata kaya inalog ko siya para hindi makatulog.
Kahit na gulong-g**o ako at pagod na pagod na ay pinilit ko paring magpakatatag para may mama.
Pagdating namin sa hospital ay dinala agad namin siya sa emergency room at naiwan ako sa labas dahil hindi na daw pwedeng pumasok.
Tanging iyak na lamang ang aking nagawa at nanalangin na walang mangyaring masama sa aking ina.